Kaibigan Ni Mommy Part I

“BEEP BEEP BEEP BEEP”

Nagising ako sa aking narinig. Kinuha ko ang 3210 ko para malaman ang oras.

8:17 AM

Tumigil ang ingay at pinikit ko ulit ang aking mga mata. Hindi ko balak magising nang maaga ngayon. Unang araw ng summer vacation ko. Halos 1:30 AM na ako nakauwi galing sa year-end dinner kasama ang mga blockmates ko sa Friday’s Glorietta. Unti-unting nakaktulog na ulit ako. Naririnig ko na ang sarili humilik.

“BEEP BEEP BEEP”

“FUCCKKK.”

Bumangon na ako at umihi’t nagsipilyo. Bumaba ako at dumiretso sa kwarto nila Daddy. Naabutan ko lang ang patay na ilaw at naka ayos nang kama.

“Maaaa?” Daaaad?” sigaw ko sa tahimik na bahay. Bigla kong naalala na Biyernes lang pala ngayon at may office pa sila.

Kinuha ko ang West Ice at lighter sa bag ko at lumabas sa garahe. Sumindi ako ng yosi at umupo. Nakita ko ang salarin sa aking pag-gising: isang delivery truck na naka-parada sa tapat ng bahay namin. Naka-bukas pa ang makina nito habang ang mga tauhan ay busy na nag-hahakot ng mga kahon at iba pang gamit pang-bahay. May nakabili na pala ng bahay sa harapan. Nag-puff ako sa yosi ko at pinatong ito sa ashtray.

Ako nga pala si Martin. 19 years old. High school batch 1999. Kakatapos lang ng unang taon ko sa kolehiyo. Course ay Hotel and Restaurant Management. Hindi ako mahilig magluto at ayaw ko rin magtrabaho sa hotel. Pinili ko ang course ko kasi sabi nila madali daw at konti lang math. Well, so far, ganon na nga. Ang unang taon ko sa college ay puro gimik. Inom tuwing dismissal. Bilyar sa Gutson’s sa Ortigas. Tambay sa bahay ng barkada para maglaro ng Playstation or Dreamcast. At para sagutin ang tanong mo, oo, nasa Makati kami para salubungin ang New Year 2000.

“BEEP BEEP BEEP”

Pinanood ko ang truck na umatras na konti bago ito kumabig at umandar pasulong. Naiwan sa gate ang isang babae na busy nagbabasa ng mga papeles. Naka suot siya ng puting t-shirt at itim na shorts at naka suot ng shades. Habang pinapanood ko siya, inabot ko ang yosi ko sa ashtray. Dahil hindi ako naka-tingin, nahawakan ko ang parte na may sindi.

“Ah.” gulat kong nasabi.

Napa-lingon ang babae sa akin at kumaway.

“Hi, good morning! Ako yung bagong lipat dito. You must be Martin! Your mom and I were in the same sorority in college.” malakas na sabi niya.

“Good morning, ma’am!” sagot ko habang mabilis na linalaro ang mga daliri ko para matanggal yung sakit ng paso.

Lumapit siya sa gate namin at ngumiti.

“I’m Maggie San Jose. Tita Maggie. I just got here and already, palpak na kaagad yung movers. Okay lang ba if I use your phone? Next week pa kasi schedule ng PLDT.”

“Sure thing! Let me get the keys lang sa gate po.”

Agad ako pumasok at nang alam kong hindi wala nang makakakita sa akin, ay pinasok ang napasong daliri sa bibig ko para subukang mawala ang sakit nito. Kinuha ko ang susi at lumabas ulit sa garahe.

“Come in po.” sabi ko habang tinatanggal ako kandado sa gate.

“Thank you.”

Pinatuloy ko siya at pina-upo muna sa sala.

“I’ll just get the cordless, Tita. Wait lang po.”

“Thank you, Martin.”

Inabot ko ang telepono at pumunta sa kitchen. Kumuha ako ng baso at linagyan ng yelo. Nagbukas ako ng isang Coke in can at pinuno ang baso. Binalot ko ito sa tissue mula sa pantry at pinatong sa tray na bulaklakin. Bumalik ako sa sala at inilapag ang inumin sa living room table sa harap ni Tita Maggie. Ngumiti siya at tinuloy ang pakikipa…