Kaibigan Ni Mommy Part I

“BEEP BEEP BEEP BEEP”

Nagising ako sa aking narinig. Kinuha ko ang 3210 ko para malaman ang oras.

8:17 AM

Tumigil ang ingay at pinikit ko ulit ang aking mga mata. Hindi ko balak magising nang maaga ngayon. Unang araw ng summer vacation ko. Halos 1:30 AM na ako nakauwi galing sa year-end dinner kasama ang mga blockmates ko sa Friday’s Glorietta. Unti-unting nakaktulog na ulit ako. Naririnig ko na ang sarili humilik.

“BEEP BEEP BEEP”

“FUCCKKK.”

Bumangon na ako at umihi’t nagsipilyo. Bumaba ako at dumiretso sa kwarto nila Daddy. Naabutan ko lang ang patay na ilaw at naka ayos nang kama.

“Maaaa?” Daaaad?” sigaw ko sa tahimik na bahay. Bigla kong naalala na Biyernes lang pala ngayon at may office pa sila.

Kinuha ko ang West Ice at lighter sa bag ko at lumabas sa garahe. Sumindi ako ng yosi at umupo. Nakita ko ang salarin sa aking pag-gising: isang delivery truck na naka-parada sa tapat ng bahay namin. Naka-bukas pa ang makina nito habang ang mga tauhan ay busy na nag-hahakot ng mga kahon at iba pang gamit pang-bahay. May nakabili na pala ng bahay sa harapan. Nag-puff ako sa yosi ko at pinatong ito sa ashtray.

Ako nga pala si Martin. 19 years old. High school batch 1999. Kakatapos lang ng unang taon ko sa kolehiyo. Course ay Hotel and Restaurant Management. Hindi ako mahilig magluto at ayaw ko rin magtrabaho sa hotel. Pinili ko ang course ko kasi sabi nila madali daw at konti lang math. Well, so far, ganon na nga. Ang unang taon ko sa college ay puro gimik. Inom tuwing dismissal. Bilyar sa Gutson’s sa Ortigas. Tambay sa bahay ng barkada para maglaro ng Playstation or Dreamcast. At para sagutin ang tanong mo, oo, nasa Makati kami para salubungin ang New Year 2000.

“BEEP BEEP BEEP”

Pinanood ko ang truck na umatras na konti bago ito kumabig at umandar pasulong. Naiwan sa gate ang isang babae na busy nagbabasa ng mga papeles. Naka suot siya ng puting t-shirt at itim na shorts at naka suot ng shades. Habang pinapanood ko siya, inabot ko ang yosi ko sa ashtray. Dahil hindi ako naka-tingin, nahawakan ko ang parte na may sindi.

“Ah.” gulat kong nasabi.

Napa-lingon ang babae sa akin at kumaway.

“Hi, good morning! Ako yung bagong lipat dito. You must be Martin! Your mom and I were in the same sorority in college.” malakas na sabi niya.

“Good morning, ma’am!” sagot ko habang mabilis na linalaro ang mga daliri ko para matanggal yung sakit ng paso.

Lumapit siya sa gate namin at ngumiti.

“I’m Maggie San Jose. Tita Maggie. I just got here and already, palpak na kaagad yung movers. Okay lang ba if I use your phone? Next week pa kasi schedule ng PLDT.”

“Sure thing! Let me get the keys lang sa gate po.”

Agad ako pumasok at nang alam kong hindi wala nang makakakita sa akin, ay pinasok ang napasong daliri sa bibig ko para subukang mawala ang sakit nito. Kinuha ko ang susi at lumabas ulit sa garahe.

“Come in po.” sabi ko habang tinatanggal ako kandado sa gate.

“Thank you.”

Pinatuloy ko siya at pina-upo muna sa sala.

“I’ll just get the cordless, Tita. Wait lang po.”

“Thank you, Martin.”

Inabot ko ang telepono at pumunta sa kitchen. Kumuha ako ng baso at linagyan ng yelo. Nagbukas ako ng isang Coke in can at pinuno ang baso. Binalot ko ito sa tissue mula sa pantry at pinatong sa tray na bulaklakin. Bumalik ako sa sala at inilapag ang inumin sa living room table sa harap ni Tita Maggie. Ngumiti siya at tinuloy ang pakikipag-usap sa telepono.

Well, I guess may natutunan din ako sa course ko.

Hindi ko sinasadyang panuorin si Tita Maggie habang tila’y nakikipag-away ito sa kausap. Hindi siya yung type na matanda na tignan. I’m guessing, since friend siya ni Ma, her age would be the same. Mga 40-ish. May dimples siya sa cheeks niya. Parang Eula Valdez na mababa ng tatlong level. Mukhang fit pa din siya. Maputi ang skin niya. Medyo malaki din ang…

“Hay, nako.”

Nahinto ang mga iniisip ko nang biglang magsalit si Tita.

“Hirap talaga to find good service these days.” reklamo niya.

“Uh, yeah.” nasagot ko lamang.

“So, Tin, you’re in college na daw. What are you taking up?”

“HRM, Tita.”

“Human Resource Management?”

“Hotel and Restaurant Management, Tita.”

“Ah, Hotel pala. Sorry. Got used to HR kasi sa work. What year ka na?”

Merong something kay Tita na very charming. Yung hindi ka maiilang sa kanya. Ang dali niya kausap. Hindi mahirap mahulog ang loob mo sa kanya.

“Ano year mo na?” inulit niya.

Shit, na-distract na naman ako sa kanya.

“Um, last day of first year ko yesterday so second year na when classes start in June.”

Nailang ako bigla na tignan siya nang diretso. Hindi ko sinasadyang naapatingin na lang ako sa legs niya.

“Huy!” pabirong sabi ni Tita Maggie.

Namula ang mukha ko at biglang napatayo.

“More Coke, Tita?”

“Hahaha! I’m good, Martin. Thanks!”

Tumayo siya at naglakad patungong garahe. Sumunod ako. Hindi ko namalayan na titigan ang kanyang pwet habang naglalakad siya. Damn.

“Pa-bum ako ng yosi, Tin.”

“Sure, Tita! Okay lang ba West Ice?”

Kumuha siya ng isang stick at tinaktak ito sa daliri niya bago linagay sa kanyang mga labi. Sinindihan at humithit.

“Hello? Brand ko din ‘to.” sagot ni Tita Maggie bago ibuga ang usok.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Cool na chick. Madali kausap. Mabait. Maganda. Tapos West Ice din ang yosi niya? Wow.

“Cool niyo naman, Tita.” hindi ko napigilan sarili ko.

Inikot niya ang mga mata niya at tumawa. Lalong nahulog ang loob ko.

“Tell you what, Martin, naka-leave ako sa work next week to fix my place. I’ll be needing someone to help me to move and fix stuff sa house. Pwede ka ba? Don’t say no kasi alam ko bakasyon ka na. Also, susumbong kita kay Emily na nagyoyosi ka pag humindi ka. Hahaha!”

“Sounds good, Tita. It will be my good deed of the summer. Hahaha!”

“Good. I’ll call your mom later para pormal kitang mapaalam.” sabi ni Tita Maggie bago patayin ang yosi sa ashtray. Lumapit siya sa akin at yinakap ako. Naramdaman ko ang kanyang hinaharap sa aking dibdib. “I’ll see you soon, okay?”

Pumikit ako at ninamnam ang sandaling nakadikit siya sa akin.

“Yes, Tita. See you!” sagot ko pagkatapos ng aming yakap.

Lumabas siya ng gate at naglakad na patungo sa bahay niya.

Naalala ko ang linya ni Clint Eastwood sa In The Line Of Fire at sinabi ko ito sa sarili ko.

“If she looks back, that means she’s interested.”

Tumalikod siya at kumaway.

Ngumiti ako at kumaway din. Pumasok na siya ng bahaay at nagsindi ako ng West Ice. Napatingin ako sa malayo habang binubuga ang usok galing sa bibig ko. Sa loob ng shorts ko, naramdaman ko na matigas na ako.

At dito nagsimula ang kwento ng nangyari sa akin noong summer ng 2000.

ITUTULOY