Authors Note:
Pasensya na po pala kung naiklian kayo sa last chapter. Gaya ng sabi ko po sa cellphone lang po ako ngayun nakakapagtype, nasira kasi yung laptop ko (Naibato din yata ni Enteng, hehehe)
Anyways salamat po at nagugustuhan po ninyo ang kwento. Nakakatuwa po ang mga comments ninyo.
Muli po maraming salamat.
Sa Pagpapatuloy…
Part 23...
Third person POV
Nagising si Enteng at sobrang sakit ng ulo nya. May hang over sya dahil sa dami ng nainom nya kagabi. Lumabas sya ng kwarto para bumili ng tube ice.
Lumabas sya na naka short lang at face towel sa ulo nya. Hindi na nya nakuha pang mag T-shirt.
Madaming napapatingin sa kanya dahil sa maskulado at chiseled abs nito.
Enteng: Pabili po… tube ice nga po 10 piso.
Tindera: Ay wow ang macho mo naman. Bago ka dito?
Tinanggal ni Enteng ang towel sa ulo nya.
Enteng: Ano ba yan Luzviminda! Hindi mo ba ako ba kilala.
Luzviminda: Ay Gago ka. Enteng! Nagbalik ka! Kelan kapa dito? Luz lang Luz! Wag mo naman binubuo ang pangalan ko!!!
Enteng: Luz.. Yung ice.. Saka pahiram ng mailiit na batyang may tubig kung ok lang please.
Nag labas si luz ng batyang may tubig… Ibinuhos ni Enteng ang binili nyang yelo dun hinalo sandali sabay sawsaw ng kanyang mukha…
Luz: Naku hang-over yan, madami ka atang nainom ha. Teka dyan kalang.
Pagbalik ni Luz ay nakasawsaw pa din ang mukha ni Enteng sa batya. Kinabahan ang dalaga.
Luz: Hoy Enteng!!!
Pilit nyang inangat ang ulo ni Enteng.
Lingid sa kaalaman ni Luz isang lumuluhang Enteng ang nasa ilalim ng batya.
Pag angat ng ulo ni Enteng kumanta ito ng isang linya sa kantang sirena ni Gloc9
Enteng: Drum na may tubig ang sinisisid, naglalakihang mga braso sa akin ay dumidikdik. Ako’y isang sirena!!!
Nagtawanan ang mga nakadinig at nakakita dahil sa ayos ng dalawa. Parang nilulublob ni Luz si Enteng sa batya.
Luz: Gago ka Enteng kala ko patay kana!!! Sino malaki braso ha?! Pag ako pumayat tingnan mo.
Enteng: Pag ako pumayat… Bago ako umalis dito linya mo na yan. Pero nadagdagan ka pa ata.
Luz: Tarantado ka talaga! Sumeksi ako noh… Nagka-anak lang.
Enteng: Wow may pumatol? Hehehe
Luz: Walang hiya!!! O eto kape para sa hang-over mo! 100 pesos!
Enteng: Ano to Starbucks? Eh 3 in 1 lang ito ha?
“Sorry na” Lambing ni Enteng kay Luz.
Luz: Oo na… libre na yan kape mo. Iwan na kita dyan at may bibili na. Maligayang pagbabalik.
Nagbalik si Enteng sa unang lugar na tinirhan nya nung bago lang sya sa Manila. Ang Tondo.
Lahat ng nakakita sa kanya ay binabati sya lalo ang mga dalaga. “Hi papa… Hi pogi… Ay macho” Yan ang mga pahaging ng mga nagpapapansin sa kanya pero wala syang pinapansin…
“Suplado naman” wika ng isa pero wala talaga. Tumayo na si Enteng at bumalik sa kanyang kwarto. Nirentahan nya ito kahapon.
Nakiusap sya sa may ari kung pwede kahit ilang araw lang ay rentahan nya ang dating kwarto na tinirhan nya.
Niligpit ni Enteng ang mga basyo ng alak na ininom nya kagabi. Habang nag liligpit ay naalala na naman nya ang mga eksenang naabutan nya kahapon.
Akala nya kasi ay subo ni Issa ang titi ng lalaking binugbog nya kahapon lang. Sa galit nya ay naibato nya ang isang bote na hawak nya palabas ng bintana.
“Ay shit!” Sabi nya sa sarili nya nang nagsigawan yung mga tao sa labas dahil sa nabasag na bote.
“Ayyyy!!! Rambol may rambol tago tago”.
” Sorry” Sabi ni Enteng pabulong. Nakita nya ang sarili nya sa salamin na dati ay kinausap nya ng first time syang nahalikan sila Issa at Annie. “O ano pinag palit ka pangit mo kasi eh” Sabi nya sa salamin. “masakit ano? “. “Takbo Enteng takbo.. Wag inom takbo”
Nagayak si Enteng… Shorts, sando, running shoes. Umalis na si Enteng at tumakbo. “Takbo Enteng hanggang may lupa.” sabi nito sa sarili.
Sa pagtakbo ay medyo nalilimutan nya ang mga nakita nya kahapon…
Pag napapagod ay hihinto at mag papahinga tapos takbo ulet. Pag nauhaw iinom, pag nagutom kung ano lang makita nya sa daan bibili sya pero konti lang kakainin nya. Pag dumilim uuwi at makakatulog nlang dahil sa pagod.
Minsan pauwi may nadaan si Enteng na Nag-iinuman.
Lasing 1: Oy si Enteng.. Oy Teng… Tara shot. Birthday ni Andoy nagpainom.
Enteng: Oy Andoy happy birthday ha. Salamat medyo pagod na ako eh.
Pero tumungga ng isang shot si Enteng bilang pakikisama.
Lasing 2: Ikaw lang ba dyan Teng? Samahan mo muna kme.
Naglabas ang maybahay ni Andy ng ilang handa ng may birthday at binigay kay Enteng.
Andy’s wife: Oi kayo talaga mga sunog baga inaya pa ninyo si Enteng eh Good boy yan. Tingnan ninyo ganda ng katawan.. D tulad ninyong ang lalaki ng tyan. Nakikita ninyo pa ba mga bayag ninyo? Sige na Enteng masarap yan spaghetti, lumpia at cake.
Enteng: Salamat Delia. Oy mga tsong una na ako ha…
May nasalubong si Enteng na namamalimos… Binigay nya dito yung pagkain na hawak nya pero kumuha sya ng isang lumpia para sa kanya.
Nakita naman ito ng mga nag iinuman. “Bait ni Enteng ano? Balita ko niloko ng asawa yan eh.” sabi ni Delia.
Andy: Nako pangga, Marites ka na naman!! Kanino mo naman nabalitaan yan…
Delia: Ah narinig ko lang kay Ludy yung may-ari nyan (turo sa inuupahan ni Enteng) bugbog sarado nga daw yung lalaki ginulpi daw talaga ni Enteng.
Isang linggo na wala pa rin Balita si Issa kung nasaan ang asawa nya. Nasa bahay sya ngayon at iyak ng iyak.
Yakap sya ngayun ng Nanay ni Enteng at ni Chiyo. Nanduon din sa bahay ang kapatid ni Enteng si Malou, Sina Vanz, Nika, at Tonio.
Issa: Nanay Melba wala pa din si Enteng. Huhuhu. Nasaan naba sya? Huhuhu
Melba: Issa pag dasal nalang natin na ligtas si Enteng.
Malou: Nako Nay yang si kuya pag nag tampo yan hindi yan nagpapakita talaga.
Malou: Naalala ninyo nung hindi ninyo sya pinayagan sumama sa barkada kahit natapos nya yung mga pinagawa ninyo? 3 linggo nawala kung saan saan natin hinanap umabot pa tayo ng Sagada kakahanap.
Malou: Ate Issa… May mga secret place yang si kuya… Magpapakita din yun.
Issa: Sana nga Lou sana nga. Miss na miss ko na sya. Kung pwede lang lumuhod ako sa harapan nya gagawin ko mapatawad lang ako. Huhuhu
Humagulgol na naman si Issa… Ng may nag door bell “Ding Dong”.. Biglang tayo si Issa “ENTENG! ” sigaw nya. “Ako na magbubukas” sabi ni Tonio.
Saya at kaba ang nararamdaman ni Issa sa pag aakalang nakabalik na si Enteng.
Pero hindi si Enteng ang pumapasok isang mukha na matagal ng hindi nakikita ni Issa.
Napasugod si Issa at niyakap ang kanyang bisita. Ay humagulgol na naman.
Issa: Best… Huwahhhhh… Bes.. Huhuhu. Si Enteng…. Huhuhu
Annie: Issa sabi mo nawawala. Patay na ba si Enteng?
Sabay-sabay nagsalita yung mga tao sa loob ng bahay. “GAGO!!! “
Issa: Gaga ka talaga. Hindi namin makita si Enteng.
Umupo sila at nag simulang mag litanya si Annie.
Annie: Jusko bes… Galit na galit ako sa ginawa mo kay Enteng. Kung alam ko lang kung nasaan sya ngayon nako… Dadalhin ko yun sa Japan!!!
Annie: Kung alam ko lang na gagawin mo ito kay Enteng. Hindi ko nlang sana sya sinuko sa iyo.. Nako talaga kung hindi lang kita tinuturing na kapatid.Jojombagin ko yang mukha mo!!!
Annie: Ano tara hanapin natin…
Issa: hindi ko na alam kung saan ako maghahanap bes..
Nag isip si Annie.. Biglang lumiwanag ang mata nito.
Annie: Bes… Naalala mo… Yung sa Tondo!!!
Nagliwanag ang mga mata ni Issa.
Melba: Sa Coral!!! Teka tatawagan ko si Ludy.
Tinawagan ni Melba si Ludy at sumagot ito. Nilagay nya sa speaker phone para marinig ng lahat.
Melba: Mare napadaan ba dyan si Enteng?!
Ludy: Oy mare! Nadito ang anak mo mga One week na. Pero pag gabi lang nauwi.
Pagkarinig nito dali-dali silang nag gayak para umalis ng bahay.
Chiyo: sige na anak hanapin mo asawa mo… Kami na ni balae ang bahala sa bahay at mga bata.
Sa SUV nanduon si Issa, Annie, Nika, Malou, Tonio at ang driver na si Vanz.
Annie: kung makita natin si Enteng… Saan yun sasakay? Ang dami natin dito.
…