Annie: Yan Enteng… Ako ang humalik sayo… Hindi ikaw. Good night Enteng.
Lumabas na ako ng Kotse.
I kissed a girl and I like it…
Not once but twice…
Sa Pagpapatuloy…
Part 6…
No sex scenes.
Ang laki ng ngiti ko ng pumasok na ako sa unit ko. Ano bang nangyari?… Hinalikan ako ni Issa… Tapos hinalikan din ako ni Annie… Hinubad ko sando ko. Tumingin sa salamin nag flex ng maskels… Kinausap ko sarili ko. “Ano Teng pogi natin noh?” Sabi ko sarili ko. Sumagot din naman ako ng… “Enteng.. Lasing lang sila… Bukas matatauhan na yun.” Putang ina spiritu pala ng alak yun bwisit!!!
Naghubad na ako at dumiretso sa banyo… Naligo… Pampatanggal amats.
Nahiga na ako sa kama… Nag muni muni. Ano ba nangyari? Syet 2 babae humalik sa akin today… Napakagandang araw ito. Sana bukas maayos pa din ang lahat… Tang ina nahihiya ako magpakita bukas!!! Shet para akong teenager na kinikilig…
Kinabukasan…
Maaga akong dumating sa Opisina. Tulad kahapon 6am nandun na ulet ako. Binati ako ng guard ng “Good morning Sir”… Binati ko din sya “Good morning boss chief” Sabay saludo.
Sa elevator lobby hindi pa ako nag pindot ng up… Nag antay ako kung may hahabol. Wala. 6:15 na may dumating pero hindi yung inaasahan ko. Si Beng…
Beng: Hi Sir aakyat kna?
Ako:Yes inantay talaga kita para may pumindot ng up.
Beng: Sir Enteng talaga ang aga nagbibiro agad. Hihihi.
Ting!!! Bumukas yung elevator. Lumabas si Insiong may dalang bag uuwi na ata.
Insiong: Uy Enteng. Yung laptop mo ok na. Nasa desk ni Beng… Beng yung laptop nya nandun sa table mo ha… Abot mo nlang. Nakita ninyo ba si Issa?
Ako: Si Issa… Hindi eh… Thank you Insiong… Kunin ko nlang yung laptop.. Tara Beng. Akyat na tayo…
Umakyat na kme at dumeretso sa operations. Kukunin ko na kasi yung laptop ko.
Beng: uy Sir tara pasok…
Pagpasok plang tinanaw ko na yung place ni Issa. Wala siya dun.
Beng: Sir Enteng… Ito na laptop mo… Eto na din yung password para sa access ng server. Pa log na lang dito sa release..
Pumirma na ako at nagpaalam na kay Beng. Pumunta na ako sa work station ko. Sinet up yung laptop… At binasa yung team task.. Baka meron ng ipagagawa sa akin. 7am nagdatingan na yung ibang ka team ko pero wala pang Annie… Tumawag ako sa local ni Issa… Wala pa din. 8am dumating na si Annie.
Annie: Hi Enteng. Whooo na late ako ng gising, na trapik tuloy ako. Buti nalang sakto time in ko. Si Tita Chiyo tumawag late daw si Issa dahil nagpababa pa ng hangover. Hihihi… Sumakit ata ang ulo sayo. Hihihi. Nag breakfast kna?
Ako: Ah mamaya na siguro…
Annie: Ayain sana kita.. Tara breakfast tayo?
Ako: Tayo… tapos may kasama nanaman.
Annie: Wala… Tayong 2 lang… Ayan malinaw.. Tayong 2. You and me.
Ako: tara saan tayo?
Annie: Starbucks tayo tara na.
At umalis na kme ni Annie… Pag baba ng elevator. Nasalubong namin si Issa..
Issa: Oy bru… Dka na bumalik kagabi!!! Dun ka nag stay kina Enteng?
Ako: Ha.. Oy hinatid nya lang ako.
Annie: Bakit ganyan ka Enteng… Pagkatapos ng lahat mag dedeny ka?
Ang lakas ng pagkakasabi niya!
Natulala ako pinagtitinginan ako ng lahat ng nasa lobby. Tiningnan ko si Annie…
Issa: Hoy!!! Enteng!!! Hala ang epic ng expression mo! Hahaha.
Annie: Biro lang Enteng. Tara na. Oy Issa… Sunod ka ha? Sa Starbucks lang lami.
Issa: Sige sunod ako.
Pumasok na sa elevator si Issa.
Ako: Tayong 2 daw… Tapos tara sunod ka ha… You and me daw. Che!!!
Tinitigan ako ni Annie sabay hampas sa braso ko at tumawa nlang.
Sa Starbucks… Nag order na kme ni Annie… At inorderan na din nya si Issa. 3 Cafe Latte at 3 choco donut. May binulong si Annie sa Cashier sabay tingin sa akin.
Dumating na si Issa sakto nag tawag na yung barista. ‘PENDONG’ order complete for ‘PENDONG’
Annie: uy Enteng atin yun kunin mo na.
Issa: Pendong talaga ha. Pag balik mo may kwento ako sayo.
Kinuha ko na yung order at dinala sa table namin.
Issa: Teng hinahanap ka ni Mang Ramon kanina… Sabi nya ‘Issa nandyan ba bata mo? ‘ hala ka Enteng hinahanap ka.
At tumawa sila. Tinginan yung mga tao sa direksyon namin.
Ako: Grabe naman tawa ninyo.. Bukang buka ang bibig labas ngala-ngala.
Annie: Ikaw kasi eh hindi pa ako maka move on… Alam mong umiiyak at nag eemo si Issa, bigla kang sisigaw ng Pendong Pendong. Hahahaha.
Nag breakfast na kame…
Issa: Uy Enteng… Samahan mo naman ako mamaya oh. Bibili ako ng bagong cellphone.
Ako: Sige may model ka nba napili?
Issa: Stick to IOS lang ako… Dko kasi type ang Android.
Ako: Naks I-phone nanaman… Bilhin mo yung with wings or yung may casing na Mjolnir… Malay mo bumalik pag binato mo. PHONE COME!
Sabay muestra ng ala Thor.
Issa: Iba ka talaga Teng… Iba ka.
Ako: Ha… Same Enteng lang naman ako pinapangiti lang kita. Para hindi ka malugmok sa depresyon.
Issa: Yan ganyan… Hindi pa nangangalahati ang araw ko… Sumasaya na ako…
Nagngitian kme ni Issa.
Annie: Ehem… Nandito po ako… Ang cheesy ninyo ha. Ano aalis nba ako?
Sabay namin tiningnan si Annie. At sabay nag hand sign ng shoo…
Annie: Haha!!! Bwisit kayong dalawa. Ay nag Hoholding hands pa. Hahaha..
Nag-abot kasi yung kamay namin ni Issa sa table, hinimas ng hintuturo ko yung kamay nya tapos bigla nya hinawakan kamay ko.
Ako: Issa sa mall ba tayo bibili ng phone mo?
Issa: Oo sa Cyberzone tayo.
Ako: Kasama ba ito?
Sabay turo ko kay Annie.
Issa: Oo eh kailangan natin ng Ride…
Annie: Enteng ako ang bestfriend… Dapat kasama ako dahil kuripot yan… Ayaw mag commute. Hahaha… Saka takot din sya mamanyak.
Ako: Totoo ka? Bakit ka takot eh diba black belt ka. Kaya mong baliin mga buto buto ng mga manyak.
Issa: Dko alam Teng…basta takot ako.
Ako: ehdi 2 kamay hahawakan ko mamaya?
Tawanan na naman.
8:30am nakabalik na kme sa office. Meron na akong task. Isang 2 months project… Isang DOS base program ang kailangan i convert to window based. Tatlo kme sa project. Kasama ko Si Tonio at Nicole.
Aaralin muna namin yung takbo ng program. Tapos si Nika ang bahala sa design ng forms, kami ni Tonio bahala sa coding.
Nika: So ano timeline natin dito.
Ako: Aralin natin yun Dos based program siguro mga 5 days. Tapos mag laan tayo ng 1 month para sa design and coding… Yung remaining days ang testing at UAT sa mga users.
Karen: Ayos yan Enteng… Tonio, Nika… Kaya ba yan sa timeline na yan?
Nandun pala si Boss Karen nakikinig.
Nag agree naman si Tonio at Nika sa proposed timeline ko.
Karen: Ok good… i document ninyo yan ha. Project starts next week ok.
Tuloy lang ang trabaho. Nak ng tokwa sobrang luma na pala nitong program na ito… Foxpro 2.0 pa obsolete language na ito. May gumagamit pa nito?
5pm nang nag ligpitan na ng gamit at nag alisan na mga empleyado.
Annie: Ano Enteng tara na?
Ako: Tara!
Papunta na kme sa lobby. Nakita namin na may nagkukumpulan dun.. May narinig kami ni Annie na sigaw… “Aray, Aray, Aray… Issa bitaw baka mabali!!! ” Si Insiong! Mukhang babalian talaga ni Issa.
Tumakbo na kme ni Annie papuntang lobby.
Issa: Nang-gigigil ako sayo tang ina ka. Dba sabi ko pag lumapit ka sa akin babalian kita!
Pinipilipit pala ni Issa yung kamay ni Insiong sa likod nito.
Annie: Issa!!! Enough! Tama na yan tara na…
Hinawakan ni Annie balikat ni Issa. Binitawan na ni Issa kamay ni Insiong.
Issa: sa sunod na lumapit ka sa akin tutuluyan ko itong kamay mo.
Lumapit sa akin si Issa… May kinuha sa bag nya.
Issa: Enteng… Naiwan mo polo mo kahapon sa bahay… Yung brief mo basa pa eh.
Tumalikod na si Issa sabay punta sa elevator. Naiwan naman akong tulala… ‘Naiwan ko brief ko? ‘ (tanong ko sa sarili)… napansin ko na Napapatingin naman lahat ng nasa lobby sa direksyon ko. Narinig ko si Issa.
Issa: Enteng!!! COME!!!
Parang syang si thor na tinawag ang hammer nya. Sunod naman ako at agad lumapit… Hinawakan nya kamay ko… Hinarap si Insiong sabay inirapan… Si Annie naman niyakap yung kabilang braso ko… Sabay nila sinabi… “Lets go Babe! “
Sa elevator na tulala ako.
Issa: Oy bru… Tingnan mo mukha nya oh. Hahaha. Enteng biro lang yung sa brief.
Natauhan ako…
Ako: Ha? Litsugas oh kala ko umuwi ako ng walang brief! Lilima lang brief ko pang Monday to Friday lang tapos may maiiwan pa.
Hagalpak ng tawa yung dalawa at pulang pula pisngi nila…
Annie: Nako Enteng. Dahil sa nangyari kanina… Tiyak talk of the town ka bukas!!! Mag pipyesta mga Maritess bukas… Ikaw ang topic. Malamang yung naiwang brief at yung kaming 2 na kasama mo ang topic. Hihihi.
Tinakpan ko mukha ko. Yari ako bukas.
Sa mall… Nasa apple Store na kme. Habang nagtitingin ng phone si Issa, may sunod ng sunod sa amin na sales lady.
Ako: Ah miss bibili kasi itong friend ko ng phone… Meron po ba kayong shockproofed na iPhone or iPhone with wings? Kasi pag nagagalit sya binabato eh.
Natawa yung sales lady… Pumasok sya sa isang kwarto… Pag labas nya kasama nya manager nya na tumatawa din. ..
Saleslady: yan po maam yung naghahanap.. Hihihi.
Manager: yes sir, may particular model daw kayong hinahanap?
Ako: Ah Miss sya yung naghahanap / bibili ng iPhone. Uy Issa ikaw dito.
Lumapit na Issa at nag-usap sila nung manager… Nagkasundo sila sa model ng phone st binili na ito ni Issa.
Issa: Tara, coffee muna tayo. Dun tayo sa Blends.
Pumunta kame dun sa coffee shop. Nag order na kami at umupo na sa table…
Ako: Mga Sis… Wash room muna aketch… Mag retouch lang the sabey pagpag.
Tawanan sila tapos umalis na ako.
Issa’s POV
Annie: Nakakatuwa talaga si Enteng noh?
Ako: Oo parang no dull moments sa kanya.
Annie: hay nako kanina natatawa kme dyan… Paano nag sasalita sya mag-isa tapos may tinuturo sa laptop nya.. Tatawa tapos mag mumura… Tinanong sya ni boss Karen kung ano nangyayari sa kanya.. Sagot ba naman nya “Boss hindi kme magkasundo ng sarili ko eh. Nag-aaway tuloy kme” biglang talikod ni Boss sabay nagpipigil ng tawa at lumakad ng mabilis papunta sa kwarto nya. Narinig namin ang lakas ng tawa nya.
Ako: Ang saya nya kasama. Bru may aaminin sko sayo…
Annie: Bru nakita ko yung kagabi… And take note… Inamin nya sa akin…
Ako: Talaga? Ano sabi nya?
Annie: Na hinalikan ka daw nya…
Ako: No bru… Ako… Ako ang humalik sa kanya.
Annie: best… Hinalikan ko din sya kagabi.
Ako: kakaiba sya noh? Hindi sya gwapo pero ang lakas ng dating nya sa akin… Ay ayan na sya bru… Relax…
Entengs POV.
Mukhang seryoso usapan ng dalawa ah… Parang may papatayin or patay na.
Ako: wow serious ah. Ako ba pinag uusapan nyo? Hahaha
Annie: hindi noh! Bakit mo naman nasabi na ikaw?
Ako: Ah nag seryoso kasi ng mukha ninyo para kayong papatay. Kunin ko na order natin… Kanina pa ata nailaw yang number natin.
Kinuha ko na yung order at dinala sa table namin… Ang seryoso padin ng mukha nila.
Ako: oy order ninyo maam… Lapag ko na ha… Balik ko yung tray dun.
Ano kaya problema nung dalawa…
Issa’s POV…
Issa: Best dun tayo sa inyo mag dinner. Sama natin sya.
Annie: Sige ayan na sya oh.
Enteng’s POV…
Ako: Hoy… Anu ba? Issa ayaw mo ba ng phone mo? Walang wings? Or gusto mo ulet ibato?
Issa: hindi. Iniisip ko kung ano pwede i-take out na foods kakain tayo kina Annie.
…