Kakaibang Langit Naabot Ni Sky (Kabanata 4)

Author’s Note: Fiction. Ito po ay kathang-isip lang. Kung may pagkakahawig sa mga pangalan ng tao, hindi po sinasadya. Pwedeng ishare kung may credits sa author at magpapaalam. Ito po ang first story ko dito. First time ko rin magsulat ng erotic stories. Sana maenjoy nyo.

KAKAIBANG LANGIT NAABOT NI SKY
Kabanata 4: Cottage
By: freyacutie

Sa meeting ko nalaman ang mga impormasyon tungkol sa mga kasama.

Si Kuya Bads hiwalay sa asawa, 45 years old, at may tatlong anak. Dalawa ang nasa elementarya at ang panganay ay high school. Taga Oriental Mindoro sya at kasama nyang lumipat dito pansamantala ang pamilya para sa trabaho niya.

Si Kuya Nat ang pinakamatanda sa edad na 60 years old. Malapit na siyang magretire ngunit dahil gusto nya ang trabahong ito ay hindi pa magawang magpahinga. Lima ang anak nya na puro lalake at lahat ay nakatapos na nang kolehiyo. Taga rito sya sa Occidental Mindoro pero sa malayong bayan lamang dito. Kasama nya dito ang bunsong anak na halos kaedad ko raw. Medyo na-awkward akong tawagin syang Kuya dahil mas matanda pa sya sa Papa ko. Pumayag naman syang tawaging Tata Nat, yon daw ang tawag din ng mga tao sa barangay kung saan sya nakaassign bilang organizer.

Bagong kasal naman si Oscar. Taga Kalibo sya at ang asawa nya ay kasama na rin nya dito ngayon. Natanggap bilang guro sa pampublikong kolehiyo dito ang asawa niya. Magkababata sila at parehong 30 years old na.

Si Dennis ay may live-in partner at kasama din niya sa bahay. May isang anak sila na 5 years old. 26 years na si Dennis at ang kinakasama ay 23 years old.

Si Lenny ang office clerk at hindi siya sumasama sa field work. Isa din syang Accounting Management graduate kaya sya ang gumagawa ng mga reimbursement vouchers at iba pang mga may kinalaman sa finances lalo ang reporting, sabi ni Ate F. Matandang dalaga ang biro sa kanya dahil wala syang boyfriend ayon sa mga kasama kahit na 35 years old na. Taga Iloilo naman siya.

Si Bell ay single mom at maagang nagkaanak dahil nabuntis noong high school. 24 years old sya at ang anak ay 7 years old na. Taga Maynila din sya at naiwan ang anak doon sa pangangalaga ng kanyang Nanay.

Parehong single si Kat at Patricia. Pareho din silang taga Oriental Mindoro ngunit magkaibang bayan lang. 26 si Kat at 24 naman si Patricia.

Si Ate F ay may dalawang anak at ang asawa nya ay sundalo. Taga rito sya sa Occidental Mindoro ngunit sa kabilang bayan lang. Biyenan nya ang nag-aalaga sa mga anak sa umaga at siya naman sa gabi kapag nakauwi na.

OFW ang girlfriend ni Marlon. Nurse ito sa Doha, Qatar. 29 years old sya at taga Quezon City. Ang girlfriend nya naman ay 27 years old at isang taon na itong OFW.

Hindi pa rin ako nakakarecover sa awkwardness sa unang pagkikita namin ni Marlon kaya’t hindi ko siya magawang tignan. Ngayong hindi na siya nakasuot ng baseball cap ay mas lumitaw ang kagwupahun niya. Cleancut na parang pang sundalo, short-stubble beard, makapal ang kilay, matangos ang ilong at misteryosong mga mata. Malakas ang appeal at may awrang tila babaero.

Buong umaga ang ginugol namin para sa meeting. Unang lunes din kasi yon ng buwan kaya’t marami ang nakalista sa agenda. Magtatanghali na kami natapos sa meeting. Kasama pala sa budget ang lunch meal during meetings. Doon na rin kami sa conference room kumain.

“May dalawang linggo pa dito si Nina bago sya lumipat ng assignment. Ituturo niya sayo kung ano ang ginagawa niya sa reporting at sasamahan ka rin niya doon sa mga baranggay kung saan niya nakaassign bilang organizer.”

“Sige po.” Tugon ko habang kumakain pa rin. Magkatabi kami sa lamesa.

“Alam mo tuwing Monday lang talaga tayo kumpleto dito madalas para sa meetings. Bilang community organizer, malaking bahagi ng trabaho natin ang makisama sa mga tao. Kailangan makuha natin ang loob nila. Bago pa sila makikiparticipate sa mga gusto nating ipagawa sa kanila. Kaya minsan kailangan nating matulog sa mga barangay na yon o makisama sa mga mahahalagang okasyon nila.” Paliwanag ni Ate F.

“Naku, lalo pag fiesta Sky. Masaya ang fiesta sa mga barangay. Madalas kinukuha kami maging judge ng mga events nila. Sumasali din kami sa mga sportsfest nila lalo kung Municipal level yan. Nung nakaraan nagchampion ang team namin nina Marlon sa basketball.” Singit ni Dennis.

“May kunting exposure naman po ako. Noong college po nag-stay kami sa isang malayong baryo sa Batangas. Isang buwan din po kami doon bilang parte ng OJT namin at case study.” Sabi ko naman.

Pumasok sa conference room si Tata Nat at may dalang tray na puro mga tasa. May water dispenser sa may sulok ng room at may hot water option. Isa-isa niyang nilagyan ang mga tasa ng mainit na tubig at inilapag sa lamesa. Nilapag din niya sa lamesa ang mga 3-in-1 coffee.

“O kape na, kape na. Pampababa ng kinain.” Aya ni Tata Nat.

“Pero yong exposure nyo naman noong College Sky ay grupo kayo doon. Dito sa trabaho natin solo o buddy-buddy tayo. Yong mga beterano natin solo sila, tulad ni Kuya Nat at Kuya Bads. Itong si Marlon kaya din niyang i-organize ang mga tao kahit mag-isa lang sya.” Paliwanag pa ni Ate F.

“Naku yon pa namang area ni Nina ay malayo. Nahuli na kasi itong si Nina na-a-assign dito kaya napunta sya sa malayong barangay. Sila ni Marlon ang magkabuddy kasi si Marlon ang assigned doon sa pinakamalayong barangay.” Sabi ni Kuya Bads.

Napalunok ako sa narinig. So siya pala ang magiging partner ko? Tukso layuan mo ako.

“Wag mo muna intindihin yon Sky. Sa unang linggo mo, dito ka lang muna sa opisina para makasanayan mo yong mga ginagawa namin dito. Ipapakilala din kita sa mga katuwang nating mga departments ng LGU dito.” Agap naman ni Ate F.

“Paano po ang transportation papunta sa mga barangay? Saan po ang terminal?” Tanong ko.

Tumawa si Kat at Patricia.

“Walang regular na byahe dito sa mga barangay. Hindi ito tulad sa Maynila.” May katarayang tugon ni Patricia.

Tumikhim si Ate F. “Naka-motorsiklo kami dito Sky. Makikita mo ang mga motor na nakapark dyan sa labas ng office, yan ang ginagamit namin. Kaming dalawa lang ni Dennis ang naka-assign sa mga barangay na may accessible na masasakyan sa maghapon. Ang karamihan sa barangay may byahe pero may schedule lang sa maghapon.” Paliwanag ni Ate F. Bakas sa mukha niya ang kunting awa.

“Bale ang assigned area ay dalawang barangay. Magkatabi naman yon pero malayo. Sa kasunod na tatlong barangay yon ang area ni Marlon. May jeep na bumabyahe doon tuwing umaga, alas syete ang alis noon doon sa barangay at ala una ang alis dito sa bayan. Kaya kung wala kang motor at sasabay ka doon sa jeep, kinabukasan ka pa makakauwi.” Patuloy ni Ate F.

Kinabahan ako ng bahagya. Hindi naman ako takot sa mga bagong lugar ngunit mahirap ding matulog sa isang lugar na hindi ka pamilyar at walang kilala.

“Kaya nga sabay kayo ni Marlon na pumunta sa mga designated barangay niyo. Sasamahan ka niya pag nakaalis na si Nina. Kung kampante ka na doon sa mga barangay mo, pwedeng idaan ka lang niya doon at daanan ka uli niya sa pag-uwi nyo.” Sabi ni Tata Nat.

“O di kaya mag-aral kang magmotor,” nakataas ang kilay na sabat ni Kat.

Awkward na tumawa ang ilang kalalakihan.

“Pwede din naman yon Sky. Pero wag mong madaliin.” Sabad ni Oscar.

Napag-alaman ko na si Kat pala ay may sariling motor at nagmomotor nga syang mag-isa papunta sa barangay niya. Si Bell at si Oscar ang buddies. Si Oscar ang nagdadrive ng motor at nakikishare sa gasolina si Bell.

Si Patricia naman ay nakikisabay sa motor nina Tata Nat o kay Kuya Bads since mauunang madaanan ang mga barangay nya kasunod ang mga assigned barangays ng dalawang nakatatandang lalake sa grupo. Nakiki-share din sya sa gastos sa gasolina kung kanino man sya nakisabay.

Si Dennis ay may sarili ring motor kahit na may regular na transportasyon sa mga barangay niya.

Buong hapon naman ay ginugol namin para sa orientation nila sa akin. Kung saan ang mga bangko at ATM. Sinabi din nilang walang malls dito, pero alam ko na yon dahil sa research na ginawa ko. Sinabi din nilang hanggang 9PM lang ang mga restaurant at iba pang tindahan dito. Meron namang fast food chains dito tulad ng Jollibee at Chowking pero may lutuan din daw doon sa staff house kung gusto kong magluto.

Pagpatak ng 5PM ay nagtungo na kami sa staff house. Kasabay ko sa tricycle si Ate F. Ang staff house ay walking distance pala sa airport. Sa tabing-dagat ito.

“Dating maliit na resort ito Sky na pag-mamay-ari ng Mayor. May bago syang resort dyan sa may unahan na mas malaki kaya ipinasara niya ito noon. Isa ito sa mga nauna pang resort dito kaya may kalumaan ang mga kwarto Sky. Pero wag kang mag-alala dahil safe pa na rin naman.” Sabi ni Ate F pagkababa namin sa tricycle. Naroon na silang lahat na nakamotor. Ang mga kalalakihan na ang nagdala ng mga gamit ko.

Pagpasok sa gate ng resort ay mayroong sementadong pathway sa gitna, naghihiwalay sa magkabilaang hilera ng mga kwarto. May limang kwarto sa magkabilaang side ng hallway. Konkreto ang istruktura at yero ang bubong habang jalousie ang salamin ng mga bintana. Mag…