Kalabaw Lang Ang Tumatanda 11

Maingat na lumabas ng banyo si Jim, saka nagtimpla ng agahan niyang kape.

Umakyat siya sa itaas dala dala ang kape. Naupo sa paborito niyang puwesto sa balkonahe. Saka nagmuni muni. Napapadalas na yata ang pagiisip niya nang malalim.

Sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ni Monique. Heto at may panibago na namang pangyayari na hindi niya inaasahan. Sino ba naman siya para umayaw sa mga ganitong pagkakataon? Masasabi niyang napakaswerte niya ngayon.

Dalawang dalaga. Magaganda, sexy at sariwa.

Wala siyang itulak kabigin sa dalawa. Parehong malilibog, parehong marunong maglandi sa kanya.

Pero tila may mali. Sa tiyempo ng mga pangyayari, maling mali.

===============================================================

“Huwag na po kayong magalit o magtampo…. Please…? Ampangit naman po kasi na ganito ang simula ng 18th year ko…”

Umalingawngaw sa loob ng isipan ni Jim ang mga salitang narinig mula kay Yelan.

Nilingon ni Jim ang dalaga. Nakipagtitigan siya ito, mata sa mata.

“Nami-miss ko na po ang dating kayo tito Jim….”

Tumatagos sa kaluluwa ang pagtitig ni Yelan. Tapat at walang pagkukunwari.

Dama ni Jim ang lungkot sa katauhan ng dalaga. Parang kinurot ang kanyang damdamin.

“Maghanda ka. Swimming tayo. Pasyal tayo pagkatapos.”

“Talaga po???” sabik na tanong ng dalaga.

Ngiti at tango ang isinagot ni Jim.

Sumilay sa mga labi ni Yelan ang isang napakatamis na ngiti. Ang lungkot sa mga mata nito ay napalitan ng saya. Yumakap agad ito sa lalake.

Hinaplos haplos naman ni Jim ang ulo ng dalaga. Saka humalik sa noo nito.

“Mukhang pinaalis niyo po talaga muna sina Moon at Vette bago niyo po ako kinausap ah…”

“Hindi naman sa ganun… ngayon lang kasi tayo nagkaganito na dalawa. Magkakasama kasi kayong dumating eh. Wala tayong panahon para makapag one on one.”

“Natatakot po kasi ako na umuwi dito na magisa. Kaya hiniling ko doon sa dalawa na samahan ako.”

Talagang maaasahan ang mga kaibigan ng dalaga, naisip ni Jim.

“Maghanda ka na… Jelly.”

“Opo.” Mabilis na sagot ni Yelan.

Mabilis ding tumayo sa kinauupuan niya si Yelan. Humarap sa lalake, at dumukwang.

“Youre wearing the necklace…” napansin agad ni Jim ang kuwintas.

“Of course tito Jim. Palagi ko pong suot yan. Bigay mo po eh. Yun pong earrings, hinuhubad ko po pag natutulog ako.” Hinawakan ni Yelan ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ni Jim, saka ito hinalikan sa labi.

Imbes na magtaka gaya ng dating nangyari nung una siyang mahalikan ni Yelan, iba ang naging reaksyon ng katawan ni Jim. Gumanti siya ng halik dito.

Ilang segundong naglapat ang mga labi nilang dalawa. Ngunit tila napakatagal ng ilang segundong yun.

Nang kumalas si Yelan sa halikan ay nakangiti ito na kagat kagat ang kaliwang bahagi ng pangibabang labi. Nagniningning na ang mga mata nito. Wala nang anumang bakas ng lungkot na kanina lamang ay kapansin pansin.

Agad na dumiretso si Yelan sa kanyang silid. Naiwan si Jim na tila nagiisip.

Kinuha ni Jim ang tasa ng kape saka nilagok ang natitira pa nitong laman. Matapos ubusin ang kape ay tumayo na rin ito at pumasok sa kanyang silid upang maghanda.

——–

Nanumbalik ang sigla kay Yelan. Nakahawak siya sa braso ni Jim habang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep. Ang ibang nakakasalubong at nakakasabay nila ay napapatingin sa kanilang dalawa.

Medyo asiwa si Jim dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng bisig ni Yelan sa kanyang braso, lalo pa at nadidikit ang dibdib nito. Ngunit pinabayaan na lamang niya ang dalaga dahil sa alam niyang naglalambing lamang ito sa kanya. Para bang bumabawi ito sa ilang araw na hindi maayos nilang pagpapansinan.

“Tito Jim…” idinikit ni Yelan ang kanyang pisngi sa punong braso ng lalake.

“Yes Jelly…?”

“Can you buy me something…? I mean… ok lang po ba kung may ipapabili ako sa inyo…?” tanong ng dalaga.

“Oo naman… pero baka naman masyadong mahal yan… di ko kayanin…”

“Ay hindi naman po… kaya niyo po ito…”

“Sige ba… kelan ba? At ano ba yan?”

“Ngayon po sana. Puntahan po muna natin bago tayo magswimming. Hindi ko na lang po sasabihin. Surprise po kung ano yun.”

“Hahaha… may pa-surprise surprise ka pa ha… sige. Guide me. Ikaw ang nakakaalam eh.”

.

Habang nasa biyahe ay nagiisip si Jim. Bihirang magpabili ng kung anuman si Yelan sa kanya, ni hindi na nga niya matandaan kung kelan ito huling may pinabili sa kanya o kung ano ang pinabili nito. Kaya nung nagsabi ito ay hindi na siya nagatubiling pagbigyan ang dalaga. ang totoo, kahit mahal ang ipabibili nito ay hindi siya magrereklamo. Kung hindi kakayanin ng dala niyang pera ay babalikan nila ito.

“Para… sa tabi lang po…” si Yelan.

Pamilyar kay Jim ang lugar na pinagbabaan nila. Habang naglalakad sila ay mas lalo siyang nagtaka. Pumasok sila sa isang optical at eyewear store.

Kilala ni Jim ang…