Kalabaw Lang Ang Tumatanda

==Dahan dahang humigop ng kape si Jim habang nakatitig sa kawalan. Nang sumayad ang mainit na kape sa kanyang dila, saka pa siya parang natauhan. Iginala ang paningin sa palibot.

Nasa maliit na balkonahe sa ikalawang palapag ng kanyang bahay si Jim. Tulad ng napakaraming umagang nagdaan na sa buhay niya, narito siya sa kanyang paboritong pwesto. Nakaupo sa isang upuang rattan at may mainit na kape, habang pinagmamasdan ang palibot.

Isang yakap at isang masuyong halik ang bumasag sa pagmumuni muni niya.

“Good morning Tito Jim…” bati ng isang malambing na tinig.

Nilingon ni Jim ang pinanggalingan ng tinig.

Siya si Yelan. Ang kasama niya dito sa bahay. Anak ito ng yaya ng kanyang pamangkin. Tinutulungan niya ang dalaga sa pagaaral nito.

Kumalas ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya. Mahinang naglakad galing sa kanyang tabi, dumaan sa kanyang harapan upang makapunta sa gawing kanan niya kung saan may isa pang upuan.

Sinundan ng titig ni Jim ang dalaga habang naglalakad. Nakasuot ito ng hapit at maikling shorts at hapit din na sando.

Kay bilis dumaan ng panahon. Ilang taon na nga ba silang magkasama ni Yelan…. Lima? Anim? Pitong taon? Walo na yata… Hindi na niya matandaan.

Ngayon lang niya napagtanto, na kayrami nang nagbago. Habang iginagala niyang muli ang paningin sa palibot, ang mga unti unting pagbabago ay nagiging sanhi ng pag-iiba ng hitsura ng palibot.

Ang dating mabato at maalikabok na daan sa di kalayuan ay sementado na. May mga ilang bahay ding nagsulputan malapit sa kanila at may ilan namang binago. At ang punong manga na itinanim ni Yelan nung una siyang dumating dito ay malaki at namumunga na.

At si Yelan.

Si Yelan. Tahimik at patpatin nung dumating sa bahay. Mangiyak ngiyak pa ito nung iwan ng kanyang nanay at tatay. Ilang araw din siyang hirap sa pag aadjust dito. Ni halos ayaw kumain at walang kibo. Tila nabunutan pa siya ng tinik sa lalamunan nang nagsimula nang maging panatag ang loob nito sa kanya. Naging kuwela, bibo at sagad sa lambing. At naging matalinong magaaral. Naging iskolar pa.

At ngayon nga, heto sa kanyang harapan si Yelan na ganap nang isang dalaga. Maging ang hubog ng katawan nito ay napakalaki ng ipinagbago. Mula sa pagiging patpatin ay nagkalaman at bumilog sa mga parte ng katawan na agaw pansin. Hindi mo naman masasabing mataba ito. Ngunit mabilog at makurba ang katawan.

Kinuha ni Yelan ang tasa ng kape na nakapatong sa bakanteng upuan bago tuluyang umupo. Ipinatong ng dalaga ang dalawang paa sa upuan pagkaupo habang bahagyang nakasandal sa balikat ni Jim. Hawak hawak ng dalawang kamay ang tasa ng kape, dahan dahan dahan itong humigop at lumagok ng kape.

Pinagmamasdan ni Jim si Yelan. Kahit kay dami nang nagbago sa kanya, sa kanilang buhay at palibot, may mga bagay na nanatili at hindi nagbabago.

Nakagawian na ni Yelan ang ganito, lalo pag walang klase o hindi nagmamadali sa umaga. Tatabi ito sa kung nasaan siya. Kukunin nito ang tasa ng kanyang kape at saka doon hihigop. Hindi ito nagtitimpla ng kanyang sariling kape. Kung nagmamadali man si Yelan dahil maaga ang alis nito, o di kaya ay napapagalitan niya, o nagtatampo sa kanya; hindi na ito tatabi sa kanya ngunit lalagok pa rin ito ng kape niya.

Disi-otso na si Yelan. Dalaga na. Pero sadyang may mga bagay na nakasanayan, mahirap o ayaw baguhin.

.

Walang imikan ang dalawa. Kapwa nakatitig sa kawalan. Hawak pa rin ni Yelan ang tasa na may kape habang nakahilig ang ulo sa bandang balikat ni Jim.

Tahimik ang umaga nilang dalawa. Ilang araw nang ganito.

Bakasyon na at pareho silang dalawa na wala masyadong ginagawa. Ngunit tila ba walang buhay ang loob ng bahay. Sabay pa rin silang kumakain. Nagpapakiramdaman lang kung sino ang magluluto at mauunang magyayayang kumain.

Si Yelan ay sadyang ganun pa rin ang kilos. Malambing pa rin sa kanya at magiliw.

Sadya lamang sigurong naging mailap ang mga salita para kay Jim.

.

Umangat si Yelan. Inilapag ang tasa ng kape sa pasumano ng barandilya. Pagkatapos ay iniipit ang kaliwang braso sa kanang braso ni Jim, sabay hinawakan ang kamay nito. Ang kanang kamay naman niya ay hinimas himas ang bisig ng lalake. Pinihit niya ang ulo upang maharap ang mukha kay Jim.

“Tito Jim….” Binasag ni Yelan ang katahimikan. “Its been a while…” malambing ang boses nito. “Ilang araw na po matapos nung birthday ko…. Nakauwi na po ako sa amin ng ilang araw…. Huwag na po kayong magalit o magtampo…. Please…?” pasumamo ng dalaga. “Ampangit naman po kasi na ganito ang simula ng 18th year ko…”

===============================================================

“Happy birthday Jelly!” masayang bati ni Jim sa dalaga. Pinasok niya ito sa kanyang silid upang batiin habang natutulog pa.

Ngunit kanina pa pala gising ang dalaga at hindi lang bumabangon.

“Birthday na birthday, tulog nang tulog.” Dagdag ni Jim.

“Thanks tito Jim…!!” bumalikwas si Yelan sa pagkakahiga upang maupo sa kama. “Come give me a hug tito! Its my birthday!” excited na sabi nito habang idinidipa ang mga braso.

Lumapit naman si Jim at umupo sa gilid ng kama saka niyakap si Yelan.

“Kanina pa po ako gising.” Saad ng dalaga habang mahigpit na nakayakap sa lalake. “Hindi ka po ba magsi-swimming tito?” tanong nito.

“Hindi na muna ngayon. Birthday mo eh. Alangan naman iwan kita dito at unahin ko pa yang swimming. Unless… you go swimming with me.” Sagot ni Jim.

“Aaaayyyyy… sweet talaga ng tito Jim ko… ayaw niya ako iwan coz its my birthday.” Mas lalong hinigpitan ni Yelan ang yakap.

“Bangon ka na Jelly.”

“Jelly ka jan… tito naman… 18 na po ako, Jelly pa rin po ba ang tawag niyo sa akin?”

Jelly na ang nakagawiang itawag ni Jim kay Yelan. Ito ang pet name niya sa dalaga simula pa nung bata pa ito.

“Youll always be Jelly. Even if you turn 80. As long as im alive, ill always call you Jelly.” Sagot ni Jim. “I cooked some breakfast for you. Halika na.” yaya nito.

“Tito talaga…” may ngiti sa mga labi si Yelan. Hindi naman talaga siya naaasiwa o ayaw na tinatawag siyang Jelly. “Youre the best tito in the world!”

“Tomato sows… dati tatay… ngayon naman tito… ano naman ang susunod?”

Inilayo ni Yelan nang bahagya ang ulo upang makatingin sa mukha ni Jim. Ngunit nanatili pa rin itong nakayakap.

“Tito pa po… so far.” Sagot ni Yelan.

Saka inilapit ni Yelan ang mukha sa mukha ni Jim. Humalik. Sa labi. Mabilis ngunit mariin.

Nabigla…