Kalabaw Lang Ang Tumatanda 2

Nasa balkonahe na si Jim, may dalang tasa ng kape at nakaupo sa kanyang paboritong upuan. Natapos ang kanilang agahan na wala pa rin siya sa saktong wisyo. Lumilipad pa rin ang isip nito dahil sa mga pangyayari.

Panay ang kwento ni Yelan kanina habang kumakain sila. Masayang masaya ito at palaging nakangiti. Hindi naman ugali ng dalaga na magingay sa hapag kainan at magdada nang magdada. Dala na rin siguro ng kasayahan nito, ay napakwento ito. Nagbalik tanaw ang dalaga sa mga masasaya at nakakatuwang pangyayari sa kanyang buhay.

Si Jim naman ay panay ang tawa lang habang palaging nakatitig sa maamong mukha ng dalaga. Pilit din niyang sinasariwa ang mga kwento ng dalaga sa kanyang isipan.

Ngayon nga ay mag isa na siya dito sa balkonahe. Nasa banyo na si Yelan at naliligo. Nanunumbalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari ngayong umaga lang.

Bakit nga ba siya nabigla sa nakita kay Yelan kaninang umaga? Bakit nga ba tila nayanig ang kanyang mundo nang halikan siya ng dalaga sa kanyang mga labi? Mga katanungang naghahanap ng kasagutan.

Oo. Komportable si Yelan sa loob ng bahay pag sila ang tao dito o kahit na nandito ang mga kaibigan niyang babae. Makikitaan at makikitaan na ang dalaga kung talagang tututukan ang bawat pagkilos nito. Hindi naman ito napagtunan ng pansin ni Jim dati. Kung may makita man siya, kaagad naman itong lilipas. Kanina ay dumikit ang paningin niya sa kanyang nakita. Agad niyang napansin ang kasuotan ng dalaga at ang kasexyhan nito. Pati ang suot nitong panty ay kanyang agad na napansin. Palagi naman niyang nakikita ang mga bagong laba at bagong hubad nito na mga damit. Ngunit parang walang mga ganung klaseng kasuotan ang dalaga. Nagbago na ba ang panlasa ni Yelan sa mga kasuotan o sadyang di lang talaga niya nabigyang pansin ito dati?

Ang mga halik. Karaniwan na ang paghalik ni Yelan sa kanya. Sa pisngi kadalasan. Minsan sa ilong, sa noo, sa ulo. Kanina ay tatlong beses siyang nahalikan nito sa labi. Ito ang unang pagkakataon na ginawa yun ng dalaga. Normal lang ba ang ginawa ni Yelan? Dahil ba iyon sa taos pusong pasasalamat ng dalaga sa kanya kaya siya ginawaran ng ganung mga halik? Masyado lang ba siyang nagiisip kaya nabahiran ng malisya ang mga simpleng aksyon?

Mas lalong dumami ang mga katanungan kesa sa mga sagot na kanyang gustong malaman. Mas lalong gumulo ang kanyang isipan.

——

Ilang patak ng tubig ang pumutol sa pagiisip ni Jim. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Yelan sa kanya. Ang mga patak ng tubig ay galing sa basang buhok ng dalaga na sadyang iwiniwisik sa kanya.

“Hihihi…” tatawa tawa si Yelan.

Gumanti ng ngiti si Jim.

“Ang lalim naman po ng iniisip niyo tito. Tumatanda na po kayo at mas lalo pa po kayong tatanda pag palagi kayong ganyan.” Nasa harapan na ni Jim si Yelan. Nakasandal sa barandilyas at nakatukod ang mga siko nito sa pasumano. Nakasuot ito ng hapit na tshirt at manipis at maikling shorts.

“Hahahaha…. Kalabaw nga, tumatanda… tao pa kaya?”

“Kalabaw lang po ang tumatanda tito Jim. Kayo po, parang hindi eh. Ang pogi pogi niyo pa rin. Hihihi.”

“Hahaha… Pogi ka jan….”

“Uy, totoo kaya yan tito….” Salungat ni Yelan. “I can still remember the first time I saw you tito… poging pogi po ang tingin ko sa inyo. Youre not in good mood back then. Yung expression mo, yung tipong I don’t care at parang iisang mali lang na masabi ng nasa harap mo magagalit ka na. Mangiyak ngiyak na ako sa takot pero talagang napopogihan po talaga ako sa inyo nun. Naghahalo po yung takot at paghanga ko sa inyo. Hihihi.”

“Hahaha…. Grabe naman yang description mo Jelly.”

“E totoo naman po yun. Kahit nga mga kaibigan ko, ganyan din ang first impression nila sa inyo.”

“Takot sila… e punta naman sila nang punta dito sa bahay… hahaha.”

“Hindi po ba crush ka nga nung mga kaibigan ko tito… hihihi… gustung gusto nga po nilang pumupunta dito sa bahay dahil nakikita ka nila.”

“E siyempre… mga bata pa sila… kayo… crush crush… paghanga. Daddy figure. Tatay mo nga di ba?”

“Ay hindi po. Mas una kaya silang nag 18 kesa sa akin. Hindi na bata yung 18 ngayon tito uy.” Salungat ni Yelan sa sinabi ng lalake.

“Bata pa yang 18 ah. Mawawala din yang paghangang yan. Lalo pa pag nagkaroon na kayo ng kanya kanyang boyfriends.”

“Naku tito. Mas lalo ka po nilang nagiging crush habang nadadagdagan ang mga edad nila. Konti na lang talaga tito. As in this small…” nagpakita ng maliit na pagitan sa kanyang hinlalaki at hintuturo si Yelan. “… ultimate crush ka na nila.”

“Ultimate crush. Pineapple crush. Hahaha…”

Tawanan ang dalawa.

Lumapit si Yelan kay Jim. Kinuha ang tasa ng kape na hawak ng lalake saka humigop. Pagkatapos makahigop ng kape ay ipinatong ng dalaga sa barandilyas ang tasa ng kape, saka umupo sa bakanteng upuan. Agad na inilingkis ang braso sa braso ni Jim. Saka inihilig ang ulo sa punong braso nito.

“Pupunta po ang mga kaibigan ko dito maya maya nang konti tito Jim…”

“Ganun ba… sino ba ang mga pupunta?”

“Sina Evette at Monique po…”

“Ang aga naman yata. Mamaya pang gabi ang birthday celebration mo di ba?” tanong ni Jim.

“Gusto po nila na dito na sila eh.” Sagot ng dalaga. “Tsaka ayaw mo ba nun tito makikita mo yung mga crush mo. Hihihi.”

Pages: 1 2 3 4 5 6