Kalabaw Lang Ang Tumatanda 3

Bagamat nalungkot nang bahagya si Yelan ay naintidihan naman niya ang mga magulang. Kahit siya mismo ay umayaw nga na paghandaan siya sa kanyang kaarawan. Sadyang matigas at mapilit lang talaga ang ate ni Jim. Alam nila kung paano ito magtaray pag inayawan, lalo na kay Jim at Yelan. Napagdesisyunan na lang nila Yelan na uuwi sa kanila kinabukasan at ang budget sanang pamasahe para sa kanyang mga magulang at kapatid ay ibibigay sa kanya at maghahanda na lang doon sa kanila. Ayaw man ni Yelan na tanggapin ang pera ay hindi niya ito matanggihan sa takot niya kay Julie.

——–

Naging abala ang lahat sa paghahanda. May kanya kanyang ginagawa ang bawat isa, maliban kay Jim.

Naihanda na ni Jim ang susuotin. Konting ligo at bihis ay tapos na siya. Kaya nasa paboritong pwesto siya ng bahay ngayon. Hinahayaan niya ang iba na maging abala. Alam naman niyang naihanda na niya ang lahat ng kailangan sa gaganaping selebrasyon.

Maya maya ay lumapit ang kapatid ni Jim sa kanya.

“O Jim, mukhang relax na relax ka diyan ah…” puna ni Julie sa kapatid.

“Relax na ate. Ligo at bihis na lang naman gagawin ko mamaya eh.”

“Abaaa…. Kampanteng kampante ka ha…”

“Siyempre naman ate. All is set na. Tinawagan ko na uli yung resto kanina. Ok na sila. Nakapag usap na rin kami nina Monique at Evette. Nagprisinta sila na sila ang mauuna sa venue to check things out. Gusto kasi ni Yelan na sabay kaming pumunta doon.”

“Ahhh… that’s nice… bilib din ako diyan sa mga kaibigan ni Yelan ah…” umupo sa katabing upuan si Julie.

“Maasahan talaga ate. Responsible girls.”

“Dito na yata nakatira yang dalawang yan ah. Everytime na pumupunta ako dito, nandito yang dalawang yan.”

“Hahahaha. Ewan ko ba sa dalawang yan ate. Parang gusto laging nakabuntot kay Yelan. Araw araw nang nagkikita sa school. Gusto after school magkasama pa rin.”

“Isa lang naman ang ipina adopt ko sa iyo. Bigla yatang naging tatlo.”

Nagtawanan ang magkapatid.

“Ok lang naman ate. Hindi naman sakit ng ulo yang dalawa.”

“Yun na nga raw. Naikuwento ni Yelan sa akin eh. Buhay hari ka daw pag nandito yang dalawa.”

“Wala akong magawa ate. Lagi akong nauunahan. Iniisip ko pa lang, ginagawa na nilang tatlo.”

“Kita mo na. Aayaw ayaw ka pang tanggapin si Yelan dati.”

Nakangiting umiiling iling si Jim.

“18 na si Yelan Jim…” naging seryoso ang boses ni Julie.

“Oo nga ate… ambilis ng panahon…”

“Ano bang plano mo sa kanya…?” tanong ni Julie.

“Hindi ko naman siya pinakikialaman sa mga gusto niyang gawin ate. Matalino naman si Yelan. Kung gusto niyang magpa advice, nagtatanong naman yan sa akin… im just making sure na matatapos niya ang pagaaral niya… yun naman talaga ang talagang dahilan kung bakit siya nandito…”

“Makatapos siya ng pagaaral at para may makasama ka dito sa bahay… Pero hindi yun ang tanong ko. Ano ba ang PLANO MO sa KANYA?” binigyan ni Julie ng diin ang mga salita.

Lumingon si Jim sa kapatid.

Nagmuwestra ng mga palad si Julie na naghahanap ng kasagutan sa kanyang tanong. Nakataas ang mga balikat nito pati na ang mga kilay.

“Wala namang ganun ate… parang anak ko na yang si Yelan…”

“Paano mo naman nasabi na parang anak mo? May anak ka na ba?” buwelta ni Julie.

“Eehhhh…” hindi makasagot si Jim.

“Jim, its already an open secret. Alam na ng lahat yan Jim, kahit mga magulang at kapatid ni Yelan. May gusto yang batang yan sa iyo. Masama ang tama niyan sa iyo.”

“Pero ate naman….”

“O bakit? Ano naman ang masama dun? Maganda si Yelan. Mabait. Kung kasexyhan lang ang paguusapan, hindi naman pahuhuli. Masipag. Matalino. Ano bang kulang?”

Natigilan si Jim nang marinig ang salitang kasexyhan. Naalala ang mga nakita sa dalaga kanina.

“Kayo lang dalawa palagi ang nandito sa bahay Jim. Kung may mangyayari man, ipaalam mo lang sa amin. Wala naman kaming tutol. Pati mga magulang ni Yelan walang tutol, nagkausap na kami tungkol diyan. Huwag lang daw natin ipagkait sa kanila ang anak nila kung anuman ang mangyari.” Patuloy ni Julie. “Kung magkakabutihan man kayo, mas mabuti. Kilala namin si Yelan at yun ang mahalaga.”

Hindi na sumagot si Jim. Patuloy na tumatakbo sa isipan ang mga pangyayari kanina kay Yelan.

——–

Isa isa nang natapos sa paggayak ang mga kasamahan ni Jim sa bahay. Nanatili siyang nakaupo sa balkonahe, iniisip ang mga sinabi ng kanyang kapatid.

Naging magulo ang araw niya ngayon. Nagsimula sa kakaibang ikinikilos ni Yelan. Sinundan naman nina Monique at Evette. At kanina lamang ay ang mga sinabi ng kanyang nakakatandang kapatid.

Natigil sa pagiisip si Jim nang marinig niya ang boses ni Yelan.

“Tito Jim…” nanggagaling sa loob ng silid ni Yelan ang boses.

“Yes Jelly?” sagot ni Jim na lumingon pa. Bahagyang nakabukas ang silid ni Yelan.

“Tito Jim… help naman po…”

“O ano bang kailangan mo?” tanong ni Jim na sinabayan na niya ng tayo.

“Help naman po dito tito Jim…”

“Teka lang…” naglakad na patungo sa silid ni Yelan si Jim.

Ngunit bago pa man nakapasok si Jim sa silid ni Yelan ay may naalala siya. May ibibigay nga pala siya sa dalaga.

Nagmamadaling pumasok sa sariling silid si Jim. May kinuhang maliit na kahon. Binuksan niya ito saka kinuha ang laman. Ibinulsa saka lumabas ng silid.

“Tito Jim…?” muling tawag ng dalaga.

“Wait lang Jelly…” kumatok si Jim sa pintuan.

“Tulak lang po tito… bukas po yan…”

Dahan dahang itinulak ni Jim ang pintuan. Nakita niyang nasa akto ng pagbibihis ang dalaga. Nakatalikod ito sa pintuan.

“E… nagbibihis ka pala…” napatigil sa pagpasok si Jim.

“Kaya nga po. Help naman po. Di ko po maisara yung zipper sa likod.”

Hapit na long sleeved dress ang suot ni Yelan. Bukas pa ang likod nito at pilit na itinataas ni Yelan ang zipper upang maisara.

“Hindi ko po talaga kaya tito.”

Lumapit si Jim sa dalaga at sinimulang isara ang zipper.

“Baka no undies ka na naman niyan ha… hehehe…” pabirong sabi ni Jim.

Mga Pahina: 1 2 3