Pagbaba pa lang nila ng taxi ay nakatingin na ang mga tao sa kanila.
Nakakawit ang braso ni Yelan sa bisig ni Jim.
Kung titingnan sa malayo ay mapagkakamalang magsyota nga silang dalawa.
Pagpasok nila ng restaurant ay may mga napapalingon pa sa kanila. Napapatingin ang mga ito kay Yelan. Malakas ang dating ng dalaga kahit simple lang ang damit nito.
Kumalas lang si Yelan kay Jim nang nakarating sila sa function room.
Laking gulat ni Yelan sapagkat sinalubong siya ng mga magulang at kapatid.
“Akala ko po…” hindi na natapos ni Yelan ang sasabihin dahil niyakap na siya ng mga kapatid.
“Ang ganda ganda na talaga ng anak ko… Happy birthday…” mangiyak ngiyak na saad ng nanay ni Yelan habang pinagmamasdan ang anak.
“Nanay naman… nagmana lang naman po ako sa iyo…” sagot ni Yelan.
“Oo nga Nay… ang ganda na talaga ni ate…” pag sang ayon ng nakababatang kapatid naman ni Yelan.
“Sows… puro kayo bola… maupo na nga tayo…” sabi ni Yelan sabay akbay sa mga kapatid nito at tumungo sa mesa.
Naiwang magkatabi ang nanay ni Yelan at si Jim.
“Jim… maraming salamat sa pagaaruga mo sa anak namin. Nakikita naming lumaki siyang mabait, at napakaganda.” Mahinang sabi ng nanay ni Yelan sa lalake.
“Naku Nay… wala po yun. Kami nga po ang dapat na magpasalamat dahil hindi niyo iniwan ang pamangkin ko kahit na may mga anak din po kayo…”
“Napamahal na rin kasi sa akin yung bata. Para ko na rin siyang anak. At di naman kami pinagbabawalan ni Julie na bumisita ang mga anak ko sa akin.”
“Maliit na bagay lang naman po kasi yun…”
“Basta Jim…” Nakatitig ang nanay ni Yelan sa kanya. “Huwag mo sanang pabayaan si Yelan…”
“Hindi po Nay….”
“Ipangako mo yan Jim. Nasa iyo na si Yelan. Ikaw na ang bahala sa kanya.”
“Pangako po yan Nay.” Nakangiting sagot ni Jim.
——–
Masaya ang lahat. Magkasama sa iisang mesa sina Yelan, Jim, mga magulang at kapatid nito. Sina Evette at Monique ay piniling makasama ang iba pang mga kaibigan nila ni Yelan.
Kumustahan, kuwentuhan; iba iba ang mga nagiging paksa sa bawat mesa.
Si Yelan ay naglibot sa mga mesa. Kinakausap ang mga bisita niya. May mga nagbibigay ng regalo sa dalaga.
Nang magumpisa nang dumating ang mga pagkain ay bumalik na sa kanyang mesa si Yelan.
“Jim…” lumapit ang nanay ni Yelan kay Jim. “Palagi naman kayong nagtatabi nitong dalaga ko. Hiramin muna namin at kami muna ang magtatabi.” Nakangiting hiling nito.
“Sige po Nay. No probs po.” Nakipagpalit ng upuan si Jim upang mapagitnaan ng mga magulang niya si Yelan.
Nagsimula nang kumain ang lahat.
Sa buong kahabaan ng kainan, pasimpleng nagbabatuhan ng mga sulyap at nagpapalitan ng mga ngiti sina Jim at Yelan.
Pagkatapos kumain, tumayo si Yelan at lumapit kay Jim. Pasimple niya itong kinalabit para tumayo rin.
Sumunod si Jim sa dalaga.
Nakahanap si Yelan ng isang pwesto na walang tao at maaari silang makapagusap na dalawa.
May pagtataka sa mukha ni Jim na tumingin siya kay Yelan.
“Tito…” tila hirap si Yelan sa panimula ng kanyang sasabihin. “…You know how much I love you, and how much I care for you…”
May kaba nang nararamdaman si Jim. Alam na niyang may hindi tama.
“This is hard for me and this will be harder for you. Pinagisipan ko po talaga ito ng maraming beses. Hindi ko lang po nasabi sa inyo ng maaga pa, pero simula pagkabata ko pa lang, bago pa man po tayo nagkakilala, nasa isip ko na po ito. Ito po ang pangarap ko noon pa. Alam ko naman po na gusto niyong matupad ang mga pangarap ko, hindi po ba?”
“Oo naman Jelly… pangarap mo yan. At kung kaya mo na matupad, bakit naman kami hahadlang sa gusto mo…”
“Tito… im very sorry… just let me explain. Try to open your mind to my ideas and let me help you… let me help you help yourself too…”
May sapantaha na si Jim sa mga sinasabi ng dalaga. Tila ang kinatatakutan niya ang mangyayari.
“Nakausap ko na po sina ate, sin…