Masasakit at matatalim na mga salita ang mga nabitawan ni Jim kay Yelan. Hindi niya matanggap ang naging desisyon ng dalaga para sa kukunin nitong kurso. Hindi niya maarok kung bakit iyon ang naging gusto ng dalaga. Hindi niya kayang intindihin ang mga paliwanag nito. Tila ba lumabas ang lahat ng natatagong pagkamuhi sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Tila ba napukaw ang nahimbing na halimaw na puno ng galit at poot.
Matagal na nakatayo si Jim sa harapan ni Yelan. Gusto pa niyang magsalita, ngunit ubos na ang mga nais niyang sabihin dito. Wala na siyang maidadagdag pa.
Biglang tumigil sa pag iyak si Yelan. Humikbi hikbi na lang ito.
Natigilan din si Jim at nagtaka sa biglaang paghinto ng dalaga sa pag iyak. May kung anong malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha.
“Tapos ka na ba?” tanong ng dalaga na nakayuko pa rin. Tumigil na rin ang paghikbi nito.
Nabigla si Jim. Hindi siya makapaniwalang ganun ang sasabihin ng dalaga sa kanya. At may napansin siya. Nag iba ang boses ng dalaga! Hindi ganun ang boses ni Yelan.
“O? Bakit ka tumigil? Naubusan ka na ba ng sasabihin sa akin?” malamig ang boses na nanggagaling kay Yelan.
Nanigas at nanlamig ang buong katawan ni Jim.
“Tapos ka na yata. Ako naman ha.” Dagdag ng kakaibang boses na nanggagaling kay Yelan.
Nakatingin nang diretso sa mga mata ni Jim si Yelan. Hindi makakilos si Jim. Unti unti, ay may mga bumabalik sa kanyang alaala. Unti unti, ay nakilala niya ang boses na nanggagaling kay Yelan.
Ang nakalugay na buhok ni Yelan ay dahan dahang kumikilos. Gumagalaw ang mga hibla ng buhok papunta sa likod na parang nililikom ng mga hindi nakikitang kamay.
Pababalik balik naman ang pag alingawngaw ng boses ng babae sa isipan ni Jim. Paulit ulit na sumusuot sa mga himaymay ng kanyang utak.
Ang buhok ni Yelan na kanina lang ay nakalugay, ngayon ay ganap nang nakapuyod. Sa tuktok ng ulo ng dalaga ay may namumuong puting bagay, habang ang suot naman nitong damit ay unti unti ring napapalitan ng kulay puting damit. Pati ang mukha ni Yelan ay nag iiba na rin. Sumilay din sa mga labi ng dalaga ang isang nakakakilabot na ngiti.
“Bakit ka ba kasi nagagalit?” tanong ng pamilyar na boses kay Jim.
May tumulong isang butil ng pawis sa noo ni Jim kahit na ubod ng lamig ang ihip ng hangin. Hindi siya maaring magkamali. Ang boses. Ang boses na nagsasalita at ang anyo na pumapalit kay Yelan ay iisa.
“Bumalik na ako Jim. Hindi na kita iiwan uli.” Ganap nang nakapagpalit ng anyo si Yelan.
May nakapatong nang nurse cap sa ulo ang babaeng nasa harapan ni Jim. Nakasuot na rin ito ng puting uniporme ng isang nurse. Nakabuka ang kamay nito sa harapan. At sa palad ng nakabukang kamay ay may nabubuong bagay.
“Ang bilis yata ng heartbeat mo. Kailangan mo ng pampakalma.”
Magkasabay na nabuo ang bagay sa palad ng babae at ang ganap na pagpapalit nito ng anyo.
Isang malaking syringe ang nabuo. Ang ang dating si Yelan ay napalitan ng babaeng dumurog sa puso ni Jim!
Tama nga si Jim. Hindi siya nagkamali sa boses. Kilalang kilala niya ang boses na yun. Ang boses na ninais niyang tuluyan nang ibaon sa limot.
Ang nakatayong nurse sa harapan ni Jim ngayon ang dahilan ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit tutol siya sa kursong nais ni Yelan.
Lumapit ang babae sa harapan ni Jim at lumuhod. Gamit ang isang kamay, binuksan nito ang suot na pantalon ni Jim at inilabas ang kanyang titi.
Tumingala ang babae at tumingin kay Jim. Muling sumilay sa mga labi nito ang nakakakilabot na ngiti.
Walang sabi sabing itinurok ng babae nang buo ang karayom ng hawak na syringe sa titi ni Jim.
Napasigaw si Jim.
.
Napapitlag si Jim. Bukang buka ang kanyang bibig ngunit walang lumalabas na boses. Napapikit siya. Saka sinakop ng kadiliman ang buong paligid.
Mabilis ang tibok ng puso ni Jim. Namamanhid ang kanyang mga binti. Hindi siya makakilos. Ngunit kailangan niyang kumilos. Pipilitin niyang kumilos.
Nakabuka pa rin ang kanyang bibig. Sumisigaw siya ngunit wala pa ring boses na lumalabas dito. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas sa kanyang mga binti upang maikilos niya ang mga ito.
Unti unti… dahan dahan… kumikilos ang kanyang mga binti. Kaya niya ito.
Isang hugot ng hininga, isang buhos ng natitira niyang lakas, at naisipa ni Jim ang kanang paa sa harapan.
.
Nagulantang si Jim.
Nababalot pa rin ng dilim ang palibot. Ngunit unti unti nang lumilinaw ang kanyang paligid. Iginala niya ang paningin.
Malamig pa rin ang simoy ng hangin. Ang isang butil ng pawis sa kanyang noo ay tuluyan nang tumulo.
Walang tao sa kanyang harapan. Wala si Yelan. Nasa balkonahe pala siya ng kanilang bahay.
Isang panaginip! Isang napakasamang panaginip!
Nagpasalamat si Jim at isang masamang panaginip lamang pala ang lahat. Hindi niya kayang sigawan si Yelan. Hindi niya kayang pagsalitaan ng masama ang dalaga. Sa tagal ng pagsasama nilang dalawa ay naging mabait si Yelan sa kanya. Kung may hindi man siya nagugustuhan sa mga ginagawa nito ay pinagsasabihan naman niya ito nang maayos at laging handang makinig ang dalaga sa kanya. Ni isang beses ay hindi pa niya ito napagtataasan ng boses.
Muling nanumbalik ang mga mapapait na alaala kay Jim dahil sa panaginip.
Napapikit na lamang siya. Pipilitin niyang maikalma ang sarili.
——–
Muling nakatulog si Jim. Nakaupo pa rin siya sa paboritong puwesto niya sa balkonahe. Kalmado na siya ngunit magulo pa rin ang isip niya. Naiwaksi na ng kanyang isipan ang masamang panaginip. Nagbalik na siya sa realidad.
Nagbalik ang isip ni Jim kay Yelan. Hindi niya aakalaing ganun na lang kadaling makalimutan ni Yelan ang mga sinapit niya at ang lahat ng sinabi niya ukol dito. Madilim na ang buong kabahayan, hindi na niya alam kung anong oras na. Marahil ay tulog na rin ang tatlong dalaga sa loob ng kanilang silid. Tinalo na lang ng pagod ang katawan niya kaya napaidlip siya sa kinauupuan.
Napadilat si Jim nang may naulinigan siyang mga kaluskos malapit sa kanya.
Nang ibuka n…