Kalahating na ng taon. Ako nga pala si Apple. Kakagraduate ko lang last year ng BS Nursing. Nakapasa na rin ako sa NMAT at napagdesisyunan naming magkakaibigan sa may Laoag kami magpatuloy ng aming pag-aaral para sa pag-Doktor.
Tubong Tuguegarao nga pala ako. Pinayagan naman ako nila Papa at Mama na doon mag-aral. Kukuha na lang din kami ng kwarto sa dormitoryong iyon kagaya ng ginawa namin noong nag college kami sa Peablanca.
Ngayon ay nasa bus kami patungong Mount Sicapoo. Gusto ng aking mga kaibigan na umayat sa bundok na iyon. Mahilig rin naman akong umakyat kaya sumang-ayon ako sa kanila. Nakapag book na rin ng hotel si Jared sa may Laoag.
Si Jared nga pala ang masugid kong manliligaw. Simula nung first year college kami ay nililigawan na niya ako. Nagpaalam na rin siya sa magulang ko kung pwede ba siyang manligaw. Pumayag naman sila at tanging ako lang ang hindi pa handa. Gusto ko kasi munang magtapos bilang isang ganap na Doktor.
Sa may bintana nakaupo si Jared. Ayoko kasing doon umupo dahil malakas ang aircon ng bus. Ala una pa lang ng madaling araw kaya tinignan ko ang aking mga kasama sa likod. Sila ay natutulog na. Napansin ko ang dalawang lalakeng nakaupo sa likod ng kahilera ng aming upuan.
Pinag-uusapan nila akong dalawa. Kinagat pa ng isang lalake ang kanyang ibabang labi at ang isa naman ay kinindatan ako nito. Nakaramdam ako ng pandidiri sa kanilang dalawa. Mga manyakis. Tingin ko ay nasa 35+ na silang dalawa. Pareho kasi sila ng katawan ng aking Tito na 36 years old naman.
Ginising ko ang aking katabi na si Jared para kami ay magpalit ng puwesto. Nandidiri kasi talaga ako sa dalawang manyak. Tumayo ako para makausog si Jared. Nakita ko na naman ang dalawang lalake na nakatingin sa akin. Doon ko lang napansin na namumula ang kanilang mata. Umupo na ako sa tabi ni Jared at pinilit ang lamig ng aircon.
Naramdaman siguro ni Jared na ako ay nilalamig kaya niyakap ako nito. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong hindi naman ako gagawan ng masama nito. Hindi pa siya nakuntento na niyakap niya ko dahil ako ay nilalamig pa rin. Hinubad na niya ang kanyang jacket kahit sando lang pala ang panloob nito. Tinatanggihan ko iyon dahil kung ako ngang naka tshirt ay nilalamig pa paano pa kaya siyang nakasando lang.
Wala akong nagawa dahil siya ay mapilit. Natulog na lang din ako gaya ng mga kasama ko. Nagising na lang ako sa sigaw ng kundoktor dahil malapit na raw kami sa Solsona kung nasaan ang Mt. Sicapoo. Ang mga kasama ko ay gising na rin. Tumayo na kami at napatingin ako sa dalawang manyak na lalake kanina. Tulog na silang dalawa.
Bumaba na kaming magkakaibigan at umalis na rin agad ang bus. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Naglakad na kami papunta sa paanan ng bundok. Nagrenta sila ng tour guide para hindi kami maligaw. Nagpaalam ako sa kanila na ako ay mag cr muna dahil kanina pa ko naiihi at malayo pa ang aming lalakarin sa susunod na palikuran.
“Mauna na kayo.” Sabi ko sa mga kasama ko. “Sunod ka na sa kanila.” Utos ko kay Jared.
“Hintayin na lang kita dito baka mamaya may masamang mangyare pa sayo.”
Hindi ko na siya pinilit pa. Nagpaalam siya na iihi rin daw siya sa likod ng palikurang ito. Narinig ko pa ang talsik ng likido na kanyang inilalabas. Hinubad ko ang jacket ni Jared dahil isasauli ko na iyon sa kanya. Lumabas ako ng palikurang at nakita ko pa si Jared na nakatalikod. Nahiya ako dahil nakita ko siyang nakaganun kaya tumalikod ako.
Saktong pagtalikod ko ay may tumakip sa aking bibig. Binuhat ako ng lalake at pumipiglas naman ako. Pinilit kong mahubad ang rubber shoes ko para may makaisip na may nangyareng masama sakin. Nahulog ko rin ang jacket ni Jared at narinig ko na lang na may sumigaw. Si Jared.
“Hoy!” Mabilis ring tumakbo si Jared at naabutan naman niya ito. “Bitawan niyo siya!” Nakita ko pang naghahampasan ng kahoy ang pangalawang lalake kaya nagkaron ako ng pagkakataon na sikuhin sa mukha ang lalaking bumubuhat sakin.
Naibaba ako ng lalake kaya nakita ko na ang kanilang pagmumukha. Sila yung pasahero kanina sa bus. Yung dalawang manyak na namumula ang mata. Lumalaban si Jared sa dalawa at ako naman ay kinakabahan. Alam kong matatagalan pa ang ibang kasama ko bago sila makakaba ulit rito.
Patuloy pa rin ang paglaban ni Jared. Namangha ako sa kanya dahil hindi man lang siya nasusugatan at ang dalawang lalake lang ang tinatamaan.
“Apple, tumakbo ka na!” Sigaw niya sakin.
“Paano ka?”
“Basta ako ng bahala rito. Tumakbo ka na!” Hindi ko alam kung tatakbo ba ako dahil nag-aalala rin ako sa kalagayan niya. “Takbo!”
Wala na kong nagawa kundi ang tumakbo sapagkat hinabol na rin ako ng lalake. Nalingunan ko pa si Jared at nakita ko pang may hawak na siyang bato. Tinamaan sa ulo ang lalakeng humahabol sakin pero hindi iyon naging dahilan para hindi na niya ako habulin.
Malayo na ang aking natakbo at patuloy pa rin akong sinusundan ng lalake. Nakakita rin ako ng bato at hinagis ko iyon sa kanyang paa. Tinamaan siya kaya ito ay nadapa. Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa may nakita akong truck na nakahinto.
Sumakay agad ako sa likod nito at mabuti na lang may silong ito kaya’t hindi ako makikita ng humahabol sakin na lalake. May basket ang bawat paligid nito. Hindi ko na itong pinakaelaman pa dahil nakakahiya naman kung makikikain pa ako ng prutas. May nasipa akong plastic na bote at kinuha ko naman iyon dahil sa aking pagkauhaw.
Ininom ko ang laman nito at sumandal sa likuran nito. Umandar ang truck at mas pinili ko na lamang magpahinga dahil sa oras na huminto ang truck na ito agad akong hihingi ng tulong. Dahil sa kulang ang aking tulog agad din akong nakatulog sa pagkapagod sa pagtakbo.
Nagising ako sa sigaw ng isang lalake at naimulat ko ang aking mata. Tinamaan ng sinag ng araw ang dalawa kong mata kaya napapapikit ulit ako. Pinilit kong idilat iyon dahil sa pangalawang sigaw ng lalake.
“Hoy! Anong ginagawa mo diyan?” Tumayo ako sa likuran ng truck at nakita ko ang maraming lalake.
Ngayon ay nakita ko na ang laman ng basket. Hindi pala prutas kundi mga baril. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam kung anong lugar ito. Parang gubat ang lugar na ito at maraming kubo ang nakatayo rito.
“Manong nasaan po ako?” Tanong ko sa lalakeng sumisigaw kanina.
Napansin ko rin ang lalakeng katabi niya. Kasing edad siguro ito ng aking ama o mas matanda pa ito kay Papa. Gayunpaman bakas pa rin naman sa katawan nito ang pagiging malakas at malusog. Salubong ang kilay niya nang tignan ako. Natakot ako sa tingin niya at naibaba ko anv aking ulo.
“Ibaba niyo na yan!” Sigaw ng lalake na salubong ang kilay.
Nakita ko rin ang isang katabi ng lalakeng salubong ang kilay. Tingin ko ay matanda lang ng konti ang isang to sa akin. Kinindatan pa ko nito at pakiramdam ko ay muling nabastos na naman ako kagaya sa bus kanina. Tatakbo na sana ako nang pigilan ako nung lalakeng masungit.
“Anong ginagawa mo diyan?” Tukoy niya sa truck na aking pinagpahingahan. “Espiya ka ba ng kalaban namin o ng mga pulis?” Naglabas ng patalim ang lalake at tinutok iyon sa aking leeg. Nagsimula ng tumulo ang aking luha pero hindi naging sapat iyon para tanggalin sa pagkakatutok sa aking leeg ang patalim. “Sagot!”
“Hindi po.” Maluha-luha kong sagot rito. Tinanggal niya ang patalim sa aking leeg at nakita ko na lamang na siya ay bubuwelo para saksakin ako sa tiyan. Napapikit ako at hinintay kong bumaon iyon sa aking sikmura.
“Papa!” Dinig kong pigil ng lalakeng kumindat sa akin kanina. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya o dahil alam kong may kapalit iyon. “Paano kung wala talaga siyang kinalaman sa pulis at sa mga kalaban natin?”
“Paano kung meron? Anong magagawa mo para ipagtanggol tong kampo natin?” Hindi nakasagot ang anak niya sa kanyang tanong. Naglakad na ito palayo sa amin.
“Supremo!” Tawag ng lalakeng gumising sa akin kanina. “Ano pong gagawin namin sa kanya?”
“Tapusin niyo na bago pa makapinsala yan.”
“Huwag po Sir. May pamilya po ako at hinahanap na po nila ako ngayon.” Hindi ako pinansin ng Supremo kahit na maiyak-iyak na ko dahil sa takot.
“Supremo ayos lang ba kung tikman namin to bago ko patayin.”
“Kayong bahala basta malinis niyo ang inyong trabaho.” Naglakad na ang mag-ama kaya mas lalo akong natakot. Hindi ko napakiusapan ang tinatawag nilang Supremo.
“Ang ganda mo naman ne. Ang ki…