Kanlungan Saaking Pangangailangan

Pasukan na pero heto ako, nasa lansangan. Hindi ako naka enroll sa kolehiyo na gusto ko dahil sa 1 ako sa mga minalas na estudyante na hindi pumasa sa national college entrance exam NCEE. Pag ganoon ang kinalbasan e kahit ba galing ka sa 1 exklusibong eskuwelahan sa high school ang bagsak mo ay sa vocational school. Dahil doon ay pinag diskitahan ako nang aking magulang sa kabiguan na iyon. Aaminin ko may partisipasyon ako sa nangyayari sa akin noon. Puro bulakbol at kalokohan ang inatupag ko. Hindi ko inintindi ang mga dapat seryusohin sa pag aaral. 1 araw ay napuno na ako kaya naisipan ko na pumunta sa aking pinsan doon sa probinsya namin. Bagitong bagito ako, nag tatanong tanong pa sa mga barker nang mga jeep kung saan at papaano makakarating sa aking paroroonan. Minsan pa nga ay sa mga drayber nang sasakyan kapag nahahalata ko na mali ata ang nasakyan ko. Awa naman at nakarating ako sa bayan na kung saan ay kilalang kilala ang pamilya nang tatay niya. Mag 2nd cousins kaming 2, pero sa aming angkan ang pinsan ay pinsan.

‘Tao po!’

‘Sino yan?’

‘Si Tiny po ninang…’

‘Ay Tiny anong dahilan at napadpad ka dito sa aming bahay, ha? May kasama ka ba?’

‘Wala po ninang, mag papalipas lang po nang araw.’

‘O bakit mo naman yun gagawain e araw nang pasok nandirito ka, nag enrol ka ba ngayong pasukan?’

‘E yun nga po ang dahilan kung…

‘Sandali, naka tanghalian ka na ba?’

‘Hindi pa rin nga po eh…’

‘Ay siya, halika kumain ka muna. Ipaliwanag mo na lang sa akin matapos mong managhalian.’

‘Sige po.’

‘Tekla! Mag hain ka nga nang pananghalian at bisita ko ang aking pamangkin…’

Pinakain ako nang aking ninang nang tanghalian, naikuwento ko sa kaniya ang aking hininakit sa sitwasyon. Hindi naman niya ako kinokontra sa aking mga dahilan. Tahimik at nakikinig hanggang sa mailabas ko ang aking sentimyento.

‘Kaawa awa ka naman Tiny. Pero alam mo may tama at mali kayong mag pamilya. Siguro nga e dapat mag isip isip ka muna sa iyong magiging dereksyon sa buhay.’

‘Kaya nga dito ko po naisipan na pumunta, hihingi po sana ako nang payo din kay ‘insan Joy.’

‘Naku, Tiny. Yung pinsan mo at ikaw ay pareho lang may problema sa buhay.’

‘Ho?!’

‘Ibig kong sabihin e, may kaunting gusot sa buhay may asawa nang pinsan mo. Baka wala siyang maipayong maganda sa iyo.’

‘Ganoon po ba? E paano po mauna na po ako…’

‘Teka? Madilim na ang daan papauwi at wala nang sasakyan na luluwas papunta sa Manila.’

‘Maaga pa naman po, baka mayroon pa.’

‘O sige, mag inggat ka at pag isipan mo kung ano ang iyong gagawain.’

‘Opo ninang, sige po.’

Kamalas naman talaga! Pumunta nga ako sa probinsya para makapag isip pero kahit dito e nauunahan nang masaklap na tadhana. Naglakad ako papunta sa terminal nang bayan para makauwi na kaagad.1 oras na pero wala pa rin dumadaan ni 1 jeep o bus. Nilalamok na ako. Talaga naman…Nang may tumigil na 1 kotse na pula. Hindi ko makita kung sino ba ang sakay kasi nakakasilaw yung headlights. Tinatakpan ko ang aking mata nang marinig ko ang 1 pamilyar na boses.

‘TINY!’

‘Insan Joy?’

‘Ako nga, halika na’t sumama ka na sa akin.’

Lumapit ako at tama nga ako ang pinsan kong babae na si Joy.

‘O gabi na ah?! Ba’t alam mong nandirito ako sa terminal?’

‘Paano naikuwento sa akin ni mommy, kaya dali dali sumunod ako dito at baka maabutan pa kita ngayong gabi.’

‘O e saan naman tayo pupunta.ala naman akong pwedeng tuluyan na matutulugan?’

‘Ano ka ba? E di sa aming bahay?’

‘E kagagaling ko lang doon…’

‘TANGE! Sa bahay ko. Sakay na.

Sumakay ako sa sasakyan niya at umarangkada na kaagad.

VRRRROOOOMMMM!

‘Hoooy! Alalay lang sa maneho ‘insan. Para may hinahabol o may humahabol sa atin ah?’

‘Hi!hi!hi! Ngayon mo lang ba naranasan ang pag mamaneho ko? Hi!hi!hi!’

‘Oo, malay ko bang ganito ka mag patakbo. Alalay alalay at ‘yoko pang mamatay…’

‘Hi!hi!hi!Tiny talaga, mag tiwala ka darating tayo nang buhay!’

Ilang saglit pa ay narating namin ang kaniyang bahay. Nanibago ako sa paligid. Napaka liblib at tila rinig ko ang mga pag alon nang dagat. Bumaba kami at lumakad papunta sa pintuan.

‘Sensya na Tiny, ha?! Dito kasi napili naming mag asawa na manirahan na.’

‘OK lang yung ‘insan. Malapit ba tayo sa dagat?’

‘Oo, sandali at iaanlock ko ang pintuan.’

Na unlock niya ang pintuan nang bahay at kaagad pumasok at sinindi niya ang ilaw nang sala. Ok ang setup nang bahay. Wala pang masyadong gamit pero yung mga importante e mayroon. Maaliwalas naman. Lumakad siya sa mga bintana at binuksan. Pumasok ang hangin at ang amoy nang tubig dagat.

‘Ganda naman nang bahay mo ‘insan.’

‘Salamat. Teka nag hapunan ka na ba? Kasi kung hindi e sabayan mo na ako mag hapunan.’

‘He!he!he! Basa mo kaagad ang senyales nang aking tiyan. Dinig ba?’

‘Oo, wha!ha!ha!ha!’kala mo hindi ko napansin na gutom ka na. Sandali maupo ka at maghahanda ako nang hapunan nating 2.’

‘Ay, hindi pwede!’

‘Anong hindi pwede?’

‘Hindi pwedeng hindi kita tulungan sa pag aayos nang ating hapunan.’

‘Hi!hi!hi! Sira ka talaga, bisita ka eh tutulong pa.’

‘Ay basta…’

Maghahapunan kaming mag pinsan sa ulam at kanin na pinagsaingan. Hinintay muna namin maluto ang kanin. Nagkuwentuhan muna kami nang kung ano ano sa buhay. Hanggang sa umabot na sa aming mga pinoproblema.

‘Sabi ni Mommy, nagpunta ka dito sa amin para makapag isip isip sa kung ano bang gagawain mo sa iyong pag aaral. At hihingi ka pa nang payo sa kin…’

‘Oo nga e kaso naunahan ako…’

‘Nang ano?’

‘Naunahan nang gutom sa tiyan ko. Bwa!ha!ha!ha!’

‘Haaayy naku! Kain na nga tayo at baka kabag ang maranasan ko sa iyo.’

Kumain kami, naglinis nang pinagkainan. Pumunta kami sa veranda nang bahay at doon ay nakita ko ang tabing dagat. Mahangin ang gabi, kaya medyo nilamig ako.

‘Sandali may kukunin ako sa loob.’

‘Sige lang, dito muna ako at masarap ang hangin galing sa dagat.’

Pages: 1 2 3 4