Kapalaran

WARNING!!!

Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong iito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mang pagkakahalintulad, ito pp’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….

page 1: ang simula

Marami sa atin ay nangarap na makapag-asawa, magkaroon ng masaya at tahimik na pamilya. Mga tsikiting na nakatutuwang pagmasdan sa tuwing sila’y ating makikitang nakangiti at masayang nagsisipaglaro. Kay gaan din naman sa kalooban na ating nasusubaybayan ang kanilang paglaki. Ito, ito ang pangarap nang karamihan at isa na nga dito ay si Diego na taga-bukid. Pangarap nga rin nito na magkaroon ng asawa o pamilya kahot sa napakasimpleng pamumuhay. Tulad nang nga din ng yumao niyang mga magulang na masayang nagmamahalan at saksi siya dito no’ng araw na ang mga ito ay nabubuhay pa. Subalit ang pangarap niyang iyon ay waring pinipigil nang sitwasyon niya sa buhay. Sa kadahilanang hindi na nito nagawang tapusin pa ang kaniyang pag-aaral. Kung kaya’t sumubak na ito sa trabahong bukid upang mabuhay at gayon din naman ay makapag-ipon.

Hanggang sa dumating ang isang di inaasahang pagkakataon, ito ay muli niyang makita ang noo’y kaklase niyang si Rochelle. Noon pa man ay gustong-gusto niya ito dangan nga lamang ay nahihiya siya dito dahil sa may kagandahang taglay ang babae. Kaya dinaan na lamang niya ang lahat sa paligaw-ligaw tingin. Ngunit sa pagkakataong ito pagkaraan nang taon, sa muli nga nilang pagkikita ay di inaasahan ni Diego na ang babaeng pinangarap ay siya palang kaniyang magiging kabiyak. Napaibig si Rochelle kay Diego dahil sa buti nito at kasipagan, marunong makisama at magalang sa kaniyang mga magulang. Kung kaya’t unti-unti ay nahulog na rin ang loob niya dito hanggang sa tuluyan siya pakasal sa lalake. Walang pagsidlan nang tuwa si Diego dahil kapiling na niya ang babaeng ni sa panaginip ay hindi sumagi sa kaniya na mapapangasawa niya ito. Kaya lahat ay ginagawa nito mapasaya lamang ang asawa, tanggap naman ni Rochelle ang buhay na kinakaharap niya ngayon kasama si Diego.

At sa kabila nang masayang pagsasama ng dalawa, ay hindi nawala ang mga taong laban sa kanilang pagsasama. Ilan sa mga ito ay kaibigan at kamag-anak ni Rochelle, may pagkakataon pa ngang kapag dumadalo ang dalawa…