Ang kuwentong inyong matutunghayan ay hango nga lamang sa malikot kong imahinasyon. At ang mga pangalan at pangyayari sa kuwentong iito na mababanggit ay walang anumang kinalaman sa mga tunay na kaganapan. Kung mang pagkakahalintulad, ito pp’y hindi sinasadya at inihihingi ko rin po ito ng paumanhin. Maraming salamat po….
page 2: sa pagpapatuloy
Sa balak ngang iyon ni Diego na mangibang bansa, nagawa nga nitong ibenta ang kalahati n lupang kaniyang sinasakay. Lupang minana pa niya sa kaniyang mga magulang, andoon naman supportado ito ng asawa niyang si Rochelle. At nangyari ay kung todo asikaso ang dalawa, sa isipan ni Diego na ito na ang simula ng malaking pagbabago sa kanilang mag-asawa. Ang maibigay ni Diego kay Rochelle ang buhay na may kaginhawahan.
Subalit, sa kabila nang mga hangaring iyon ni Diego sa isang iglap ay nawala. Ito ay dahil sa illegal recruitment na kaniyang nalapitan, malaking halaga rin ang natangay sa kanila. Dahil doon ay halos hindi malaman ni Diego kung papaano niya mababawi ang halaga ng salapi na nawala sa kaniya. At dahil sa pangyayaring iyon doon ay unti-unting nakikitaan ng pagbabago si Rochelle. Nagiging madalas ang pagkainitin ng ulo nito kay Diego sa tuwing darating ito mula sa pag-aasikaso sa natitirang lupain ng kaniyang palayan. At isang araw habang nanananghalian ang mga ito, laing at tuyo ang kanilang siya nilang ulam sa hapagkainan. Doon ay hindi naiwasan ni Rochelle na magreklamo sa asawa.
Rochelle: ito na naman ulam natin?! aa Diego, nangangati na lalamunan ko dito ahh?! (wika nito sa asawa)
Diego: pasensiya ka na, mababa kasi bentahan ng palay ngayon! (sagot naman nito)
Rochelle: kung bakit kasi hindi mo muna inaral ‘yang pag-aasikaso mo abroad e di sana hindi ka naloko?! (waring paninisi nito)
Diego: puwede bang huwag mo na akong sisihin, nangyari na yun e! isa pa, hindi ko ron naman ginustong maloko…
At nangyari’y hindi na sumagot si Rochelle at umalis na lamang itong bigla na naiwang mag-isa sa hapagkainan ang asawa. Hindl na naman ito pinigil ni Diego dahil alam niyang hindi rin naman ito papipigil at napai…