Kapalit (Ang Proposal)

Ang kwento na ito ay mula sa imahinasyon ko lamang. Anumang pangalan, bagay, lugar, at pangyayari na tugma sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang.

Chapter 1

Isang dapithapon sa probinsya ng Rizal. May isang gulod ang napapalibutan ng mga mababang damo at makukulay na bulaklak, may mapapayat at malalaking puno rin sa paligid. Dito makikita ang magandang tanawin ng lawa ng Laguna. Sa tabi ng lawa makikita rin ang ilang mga mangingisda sakay ng kanilang mga bangka na nagaayos ng kanilang palaisdaan. Sa kabilang parte naman ay matatanaw ang mga kalsada, ilang mga kabahayan at ibang gusali na natatakpan ang kalahati ng mga matataas na puno.

Pero sa kabila ng lahat ng magagandang tanawing ito, may isang babae ang nakatayo roon at nagtataglay ng natatanging kagandahan.

Si Karina.

Mailalarawan si Karina bilang isang konserbatibong dalagang pilipina, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, at may mapupulang mga labi. Maputi ang balat at mahaba ang itim na buhok, may tamang taas at tindig, nagtataglay ng malulusog na mga suso at bilugan na pwet. Kahit na sinong lalaki ay mapapalingon sa tuwing siya ay daraan sa iyong harapan.

Suot nya ang isang puting bestida na lalong nagpakita ng kanyang kagandahan. Humuhulma ang hubog ng kanyang katawan, at sa kanyang paanan naman ay nagteterno ang isang magandang sandalyas. Kapit nya ang isang puting panyo na minsan ay ipinapaypay at wari ay may hinihintay.

“Nasaan na kaya si Dan?” ang inis na bulong niya sa sarili.

“Sabi ay dito niya ako aantayin para magkasama kaming magpahangin.” ang sabi pa niya.

Hindi namalayan ni Karina na mayroon isang papalapit mula sa likuran nya, dahan dahang hinila ang kanyang kamay at nagsabi.

“Ate. Ate? may hinihintay ka ba?” ang sabi ng bata na nasa kanyang likuran.

Laking gulat ni Karina dahil hindi niya namalayan ang pagdating ng bata. Napalingon siya dito at napangiti. Kilala niya ang bata, si Marco, anak ito ng kanilang biyudang kapitbahay.

“Ate… Bulaklak o.. Para sa iyo.” malambing na tono ng batang si Marco habang iniaabot ang ilang piraso ng rosas na hawak nya.

“Salamat Marco.” “Ang cute mo ha!” “At sino ang kasama mong umakyat dito?” ang pagtatakang sabi ni Karina na bahagyang yumuko at pinisil ang pisngi ng bata.

“Ako ba hindi cute?” ang tugon naman ng isang lalaking biglang lumitaw mula sa likod ng isang malaking puno.

“Ha?” ang pagkabiglang tanong ni Karina dahil hindi na naman niya namalayan ang isa pang lalaking dumating.

“Carlo!???” ang tawag ni Karina sa papalapit na lalaki.

Si Carlo. Kababata ni Karina, isang taon lang ang pagitan ng kanilang mga edad. Matangkad, moreno, ngunit mukhang komedyante sa sirko. Pero bumawi naman sa magandang pangangatawan dahil na rin sa suot nitong fit na tshirt at maong shorts. Mababakas mo sa kanya na siya ay sanay sa mga trabahong mabibigat.

“Oh heto, dagdagan natin iyang mga bulaklak na hawak mo.” ang tugon naman ni Carlo habang inaabot ang ilan pang mga rosas na hawak niya..

“Ah? Salamat ha.” ang nahihiyang tugon ni Karina

“Hindi ka pala cute. Carlo!” “Hahaha” ang tawa ng isa na namang lalaki na nagsimulang lumabas mula sa pinagtataguan nitong puno. Habang si Carlo naman ay napapakamot ng kanyang ulo at si Marco naman ay tinatakpan ang bibig upang mapigil ang kanyang pagtawa.

“Eric!?” ang pagtataka ni Karina.

Si Eric. Isa pang kababata ni Karina. Magkasing edad lamang sila ni Carlo. Matangkad din gaya nung una at moreno. Pero di hamak naman na mas magandang lalaki kumpara kay Carlo. Nakasuot ng polo shirt na uniporme at maong na pantalon, halatang galing pa sa pinapasukan na kumpanya.

“Karina. Hindi mo binibigyan ng atensyon ang nasa paligid mo ha, nako, baka magahasa ka nyan.” “Haha” ang pagbibirong tugon ni Eric.

“Ito pa mga bulaklak oh!” sabay labas ng isa pang bulto ng mga rosas mula sa kanyang likod at iniabot ito kay Karina.

“Salamat”
“At ano na namang paandar to ha?” “Eric?” “Carlo?” at dinamay ninyo pa si Marco!? ang sabi ni Karina na may ambang ihahampas ang mga bulaklak sa kanilang dalawa.

“Sandali! sayang ang mga bulaklak!” patakbong iwas ni Carlo kay Karina.

“Hindi kami ang may paandar niyan.” ang ilag naman ni Eric.

“Kung ganoon sino?” ang tanong ni Karina.

Nag umpisang umihip ang malamig na hangin, kasabay ng paglubog ng araw sa dakong kanluran. Ang mga bulaklak sa halamanan na nahahanginan ay sumasabay at yumuyuko sa direksyon kung nasaan si Karina.

Lumabas sa kanyang pinagtataguan ang may utak ng lahat. Isang lalaki na nakasuot ng disenteng polo at pantalon. Mas matanda ito ng ilang taon sa kanila. Hindi siya kasing tangkad nina Eric at Carlo, ngunit maputi at may angkin ding kaguwapuhan. May tamang pangangatawan at higit sa lahat hindi mukhang salat o hirap sa buhay.

“Dan…?” ang tawag ni Karina.

Lumapit ang lalaki at sinimulan siyang yakapin nito.

“A… Ano ito ha?” ang tugon ni Karina.

Napangiti lang si Dan. Yumuko at iniluhod ang isang tuhod sa harap ni Karina, dumukot sa kanyang bulsa at inilabas ang isang singsing, umangat muli ang ulo at nagumpisang magtalumpati. Dito na unti unting tumulo ang mga luha ng babae, magkahalong kaba, saya at pagkasabik ang naramdaman niya. Ito na ang isa sa mga bagay na pinakahihintay niya. Ngunit alam niya na mayroong kapalit ang saya na nararamdaman niya ngayon, dahil sa mga susunod na mga araw ay panibagong pagsubok ang kanyang haharapin.

“Karina… Ilang araw na lang, malapit na ang alis ko patungo sa ibang bansa, at alam natin na matatagalan ako roon. Gusto ko sanang mapanatag ka at siguraduhin sa iyo na sana tayo pa rin hanggang sa huli.”

“Karina, pakakasalan mo ba ako?”
“Sa pagbabalik ko upang magbakasyon.” “Pakakasalan mo ba ako?” ang muling tanong ni Dan.

“Oo” “At handa akong maghintay.” ang tugon naman ni Karina, at isinuot na ni Dan ang singsing sa kanya.

Naiyak ang magkasintahan dahil sa labis na tuwa. Maging si Marco at Carlo ay naluluha rin habang pinapalakpakan ang dalawa. Si Eric naman ay pilit na itinatago ang emosyon. Masaya siya sa kanyang kababata, oo masaya siya ngunit mayroong kirot na pilit niyang itinatago sa kanyang puso.

Palubog na ang araw at lumalamig na ang hangin. Naguumpisa ng umilaw ang mga poste sa kalsada at sa ilang mga kabahayan.

“O tayo na at bumaba” ang yaya ni Dan sa lahat.

“Halika na at baka nakaluto na si Aya ng hapunan.” “Doon tayo sa bahay magsalo salo at mag inuman!” ang dugtong ni Carlo.

Nagkatinginan si Eric at Karina, isang tango at ngiti lang naging tugon ni Eric sa naguguluhang si Karina. Naintindihan naman ni Carlo ang sitwasyon at ipinaliwanag na napakiusapan lang siya ni Dan sa gagawing hapunan.

Si Carlo ay nagmamay-ari ng isang malaking tindahan, kadikit ng tindahan ang malaking bahay nito na minana niya sa kanyang yumaong mga magulang.

Si Aya ang tindera ni Carlo at umuupa ng isa sa mga kuwarto sa bahay. Anak siya ng dati nilang katiwala na ngayon ay nagretiro na nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Mas bata ito kay Carlo, at ganap ng isang dalaga. Maputi ang kanyang kutis, hanggang balikat ang buhok, at nagtataglay din ng maamong mukha. Nabiyayaan din ng malulusog na suso at matambok na puwet. Pilya at masayahin din ang babaeng ito.

“Marco. Pagdaan natin sa bahay niyo yayain mo ang mama mo na sa bahay na maghapunan.” ang sabi ni Carlo sa batang nakasakay sa kanyang mga balikat.

“Opo Kuya.” ang tugon nito na may kasama pang tapik sa ulo ni Carlo.

“Carlo, mukhang hiningal ka na agad sa pagbaba natin sa may gulod ah.” ang pagbibiro ni Eric.

“Ako hihingalin?” “Kahit ilang Marco pa ang isakay mo sa akin.” “Hindi ako mapapagod.” sabay nguso sa babaeng nauunang naglalakad sa kanila.

Kunsabagay sino ba naman ang hindi gaganahan kung ang babaeng sinusundan mo ay may katawan na gaya ng sa isang diyosa? Ang pwet na kumekendeng habang bumabakat sa suot nitong puting bestida, na manaka nakang nahihipan ng hangin at sumisilip ang mapuputing mga hita at binti nito, na wari’y nanunukso na maaari bang pasadahan ng mga dila at labi.

“Maiba ako Eric, bakit hindi mo niligawan si Karina dati?” ang tanong ni Carlo habang ibinababa si Marco na ngayon ay nasa tapat na sila ng bahay nito.

“Dan!” “Karina!” “Mauna na kayo at susunduin lang namin ang mama ni Marco.” ang sigaw ni Eric sa nangungunang magkasintahan.

Isang simpleng kaway lang ang itinugon ng dalawa at patuloy na naglakad patungo sa bahay nila Carlo.

“Eric?” ang muling tanong ni Carlo.

“Ayaw ko nang dumagdag pa sa mga pagpipilian ni Karina” ang pagmamalaking tugon ni Eric.
“Hinayaan ko na silang dalawa na lang ang magpaligsahan na mapasagot siya.” ang dugtong pa niya.

“Pero may kirot pa rin diyan sa puso mo?” “Lalo na at engaged na sila ngayon!” ang pang aalaska ni Carlo.

“Mga bata pa lang tayo, nakababatang kapatid na ang turing niya sa atin”
“Hanggang ngayon parang kapatid pa rin ang trato niya at hindi na mababago iyon”
“At tsaka masaya na ako ngayon kay Chel” ang tugon naman ni Eric.

“Masaya ka nga ba?” “Haha”
“Pero hindi naman talaga tayo totoong magkakapatid. Kaya pupuwede pa rin.” sabay tingin ng makahulugan kay Eric.

Naintindihan naman ni Eric ang pahiwatig na iyon ng kaibigan, napayuko at napangiti na lamang ito.

“Kuya. Wala si mama sa bahay.” “Ang sabi ng kapitbahay umalis daw kanina at pupunta raw sa inyo.” ang sabi Marco kay Carlo.

“Ah ganoon ba?” “Halika na at baka nakahain na sila doon.” sabay buhat kay Marco at naglakad na ng mabilis papunta sa bahay nila Carlo.

Dahil hindi naman ganoon kalayo ang pagitan ng mga bahay sa lugar nila ay madali silang nakarating. Pagdating sa bahay ay naghahain na si Aya at ang nanay ni Marco na si Dianne. Ang magkasintahan naman ay parang mga ibon na magkatabi sa sofa ng sala at nagpapahinga. Sumalubong si Aya sa dalawang binatang dumating at si Marco naman ay tumakbo patungo sa kanyang ina.

“Kamusta kuya Eric?” “Ngayon lang ulit kita nakita ah?” ang bungad ni Aya.

“Oo nga eh. Mga ilang buwan din ako hindi tumatambay dito sa inyo ni Carlo.” nakangiting sagot nito.

“Ang sipag sipag mo kasing pumasok. Hihi” “Hindi mo na ako dinadalaw dito” ang pagbibiro pa ni Aya.

“O sige tama na yan at kumain na tayo” ang sabat naman ni Carlo.

Ngumiti na lang si Aya at tumalikod ito kay Eric. Napatingin si Eric sa dalaga at may napansin ito. Matagal tagal din siyang hindi nakikisalamuha sa mga tao sa kanilang komunidad. Dahil na rin sa sipag niyang pumasok ay pati araw ng pahinga ay pinapasukan na niya. Umuuwi na lamang siya ng bahay para kumain at matulog. Bihira rin sila magkita ng kanyang nobya na si Chel. Kung magkikita man sila ay sa bayan na, kakain sa labas, magkukwentuhan at minsan mauuwi sa kantutan.

Sa ilang buwan na walang pakikisalamuha ay napansin ni Eric na lalo nang gumaganda at nagiging kaakit akit si Aya. Nung pumihit ito patalikod sa kanya ay napansin niya ang malulusog nitong mga suso, dahil na rin sa suot nitong hapit na tshirt ay lumalapat ang hugis ng kanyang baywang at tiyan. Sabayan pa ng suot nitong shorts na nagpapabakat sa guhit sa pagitan ng mga bilugang pisngi ng pwet nito.

Napansin din ni Eric ang nanay ni Marco, si Dianne. Ibang iba ang itsura nito noong huli niya itong nakita. Palibhasa ay nakapag-asawa ng maaga at 18 anyos palamang ng ipinagbuntis si Marco, makikita mo ang kurba at hugis ng kanyang katawan. Naging malaman ngunit hindi lumapad ang balakang. May katamtaman ang laki ng mga suso at may maiksing buhok. Malaki na ang ipinagbago niya na dati ay payat at mukhang sakitin. Marahil nagsimulang magbago ito ng mamatay ang kanyang asawa isang taon palang ang nakakaraan.

“Oh dito kana sa tabi namin ni Marco maupo.” ang yaya ni Dianne nang magtama ang kanilang paningin at hinihila na ang mga silya sa gilid ng mesa.

Papunta na si Eric sa kanyang puwesto ng matabig ni Marco ang kutsara at nahulog sa sahig. Agad namang humingi ng paumanhin ang bata sa kanyang Ina na ngayon ay nakaupo na.

“Sandali at ako na ang kukuha.” ang pigil ni Aya kay Marco ng akmang dadamputin na niya ito sa sahig.

“Heto gamitin mo na itong bago at huhugasan ko na lang iyang nahulog mo.” sabay abot ng panibagong kutsara at yuko sa kinaroronan ng kutsarang nahulog.

Sa di sinasadya ay nasagi ng puwetan ni Aya ang uupo na sanang si Eric. Dumikit ang isang pisngi ng pwet ni Aya sa harapan ni Eric na agad namang naramdaman ng binata. Naginit ang pakiramdam niya at naramdaman niya na nagigising ang kanyang alaga. Si Aya naman ay hindi agad nakuha ang kutsara. May pagkakataon na nabitawan pa niya ito dahil sa pagmamadali, upang ang kutsara ay tumalbog pabalik sa sahig at kanya na namang aabutin.

Sa mga puntong iyon ay ilang beses na kumiskis ang pwet ni Aya sa harap ng nakatayo pa ring si Eric. May pagkakataon na pumagitna pa ito sa magkabilang hita niya upang lumapat ng husto ang kanyang nagagalit na alaga. Kakaibang sarap ang dulot nito na animo’y pinalaman na hotdog sa mainit pang monay. Napapaatras pa ng balakang si Aya kaya minsan ay mas lalo pa itong nadidiin. Napahawak na siya sa silya upang hindi siya mawalan ng balanse sa pagkakatuwad niyang iyon.

Sa wakas ay tumayo na si Aya at nakangiting hawak ang kutsara. Ngunit nananatili pa rin sila ni Eric sa ganoong ayos. Nakadikit ang likod ni Aya sa dibdib ni Eric, at halos naaamoy na niya ang bango ng buhok nito. Naglalapat naman ang pwet ng dalaga sa pagitan ng mga hita ng binata. Tigas na tigas na ang alaga ni Eric, huli na ang lahat para pigilan pa nya ito, kulang na lang ay ibaba na niya ang zipper ng kanyang pantalon upang malaya itong makalusong sa pagitan ng pwet ng dalaga.

“Wew. ang hirap pala abutin noon ha.” ang pagbibiro ni Aya habang pinapahid ang namuong pawis sa kanyang nuo.

“Pwede ka na maupo kuya, pasensya na kung naabala ka.” ang nakangiting sabi nito at tuluyan ng tumungo sa lababo ng kusina at hinugasan ang kutsara.

Namumulang naupo si Eric at nagsimula ng kumain. Tinit…