She will live on in the hearts of everyone who loved her
Malungkot na binasa ni Mari ang nakasulat sa lapida ng namayapang kapatid. Unti/unting bumuhos ang mga luha na kanina niya pa pinipigilang pumatak simula ng pagkapasok nila sa private cemetery.
‘Paano na ako’
‘Saan ako pupunta’
‘Bakit ninyo ako iniwan’
“Mari.” Napatalon sa gulat ang dalaga nang hawakan siya sa braso ng asawa ng namayapang kapatid. “Hinihintay ka na ni Anna sa sasakyan” Tinutukoy nito ang pitong taong gulang na bata na anak ng kaniyang ate.
Mabilis na pinunasan ng dalaga ang mga luha at marahang tumango.
“Sige kuya Carlo susunod po ako” Sagot niya sa lalake ngunit parang wala itong narinig at mariin pa ring nakatingin sa kaniya. Hindi pa rin nasasanay si Mari sa nararamdamang kaba kapag nasa malapit lang ang lalake.
Isang taxi driver si Carlo at isa namang elementary teacher ang Ate May niya. Nagkakilala ang mga ito nang isang araw ay naging pasahero ni Carlo si May at nagkagaanan ng loob sa biyahe.
Tandang-tanda pa ni Mari ang araw na ipinakilala ni May sa kanilang pamilya si Carlo pitong na taon na ang nakakalipas.
Muntik nang mahimatay ang kaniyang ina nang malaman na magpapakasal na ang panganay na anak sa lalakeng kakapakilala lang nito noong araw ring iyon.
“Sigurado ka na ba sa kaniya Ate?” Mahinang tanong ni Mari sa ate niya habang naghuhugas ng mga pinagkaina nila kanina.
“Oo naman Mari. Mahal namin ang isa’t-isa at nasa tamang edad na rin naman kami diba?” Nakangiting tugon ng ate niya pagkatapos ay tinuon ang tingin nito sa lalakeng iniibig na masinsinang kinakausap ng kanilang ama sa sala.
Nilingon niya ang kapatid at nakita niya rito ang kakaibang saya sa mukha habang tinitingnan si Carlo.
Maganda ang Ate May niya. May taas na 5’5″ at may balingkinitang katawan. Namana nito ang malaporcelanang kutis ng kanilang ina. Lagi rin itong hinihikayat ng mga kakilala na sumali sa mga beauty contest dahil sa natatangi nitong ganda ngunit alam niyang walang hilig ang nakakatandang kapatid sa mga ganoong bagay. Pagbabasa at pag-aaral lang…