And then she heard that song being played through the pipe-in sound system of the room. All Of Me.
“I love that song. Forever LSS yata ako sa kantang yan.”
“We performed that during my daughter’s debut.”
“Aw shit, tumutugtog ka nga pala! Hanggang ngayon ba?”
“Not regularly. Alam mo naman ang buhay ko. Pag may oras, sumasama sa praktis-praktis.”
“Gusto ko talaga yang kantang yan.”
“Sige pag may time ako irerecord ko ang tugtog ko para sayo.”
“Ayy sweet! Di nga? Naalala ko tuloy si office crush, nagbabanda din yun eh, pero keyboards siya. Grinab ko yung uploaded video niya sa FB na tinutugtog yan hahaha.”
“Takte! Wag na! Hindi na ko magi-effort pa irecord yan para ikumpara mo lang sa kung sinong tukmol.”
“Ay, me ganon? Sinabi ko bang ikucompare ko? Di ka naman adik niyan kuya?”
“Weh. Sino namang tukmol yang crush mo? Mahiya ka nga, tanda na kumacrush pa?!”
“Eh ikaw pala ang tukmol eh. Bakit para sa mga bata lang ba ang crush? Tsaka ang wafu kaya nun para maging tukmol.”
“Anong FB niya para makilatis?”
“Kilatis mo mukha mo. Stalker ang peg?”
“Sus. Di wag. Sige ikaw na lang ang humanap sa friends list ko ng pangalang Michelle. Crush ko naman yun.”
“Ok. Check your messenger later. I’ll send you crush’s pic.”
“Wala akong pakialam sa pagmumukha niya.”
“Eh akala ko ba gusto mong kilatisin?”
“Di na.”
“Eh di hindi. Sayad!”
Hindi na sumagot si Motyo. Maya-maya pa kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at diretsong tumayo. Sinundan lang ito ng tingin ni Sam.
“Nasabi ko naman sayo na maaga akong aalis di ba? Kailangan kong ihatid si Jawo sa lakad niya. Dala kasi ng panganay ang isang kotse.”
Tumango lang si Sam at bumangon na rin. Nagsuot na ng pantalon at nagsimulang mag-ayos ng sarili sa harap ng salamin. Pumasok naman si Motyo sa banyo. After a few minutes, kinatok niya ito.
“I’ll go ahead.”
“Gusto mo bang sumabay na lang sa akin pagbaba?”
“Wag na. Sige na.”
“Ok. Ingat ka. San pa ba ang lakad mo after this?”
“May iba pa akong booking.”
Sinundan ng ngiti ang sinabi. Pero hindi gumanti ng ngiti si Motyo. Kinawit lang ng isang braso ang batok ni Sam at hinalikan ng mariin sa labi. Sabay bitaw.
“Umuwi ka na. Text mo ko pag nasa bahay ka na ha.”
” Sure. Later.”
Si Sam naman ang humalik dito. Pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng kuwarto. Naglalakad siya papuntang elevator ay hindi niya maitanggi ang bigat ng pakiramdam.
Hindi na yata talaga siya masasanay. Ganito palagi ang nararamdaman niya kapag naghihiwalay na sila pagkatapos ng iilang oras na pagkikita sa minsan isang taon halos o mahigit pa na pagitan.
Nasa Trinoma na siya at nakaupo sa isa sa mga benches doon nang tumunog ang cellphone niya. It was Motyo calling.
“Saan ka na?” Tanong agad nito pagsagot niya.
“Andito sa Trinoma. Naghihintay ng pagbukas. Ikaw?”
“On the way na. Maluwag ang trapik, stop light lang kaya nakatawag ako. Uwi ka na.”
“Hehe.” Tunog ng pang-asar na tawa niya.
“Bakit ba pinapauwi mo na ako?” Dugtong niya.
“Eh bakit ba tatambay ka pa jan?”
“Palipas lang ng konting oras. Paalam ko kasi sa bahay hanggang 12 ang training ko. Kaya ka lang tumawag para pauwiin na ako?”
“Oo.”
“Yun lang? Di mo man lang ba aaminin na namiss mo agad ako?”
“Yun din.”
Napailing na lang siya at piniling idaan sa biro.
“Wehhhh. Di naman yata ako kundi yung BJ ko. Hahaha.”
“Baliw. Siyempre ikaw mismo.”
Di niya inasahan ang spontaneous admission nito na namiss nga siya agad kahit kakahiwalay pa lang nila.
“Anong nakain mo?”
“Ewan sayo. Sige na, go na ulit. Text you later. Uwi ka na ha.”
“Ok. Be safe.”
Napabuntunghininga siya after the call. She wanted to say “I love you” before disconnecting. Pero alam niya she won’t hear him replying. At ayaw niyang mapahiya na naman sa sarili. Bukod pa sa takot din siyang isipin nito na pinpressure niya to take whatever they have to the next level.
Naalala ang sinabi sa kanya minsan ng lalake. Kung gaano kataas ang level of jealousy nito. Territorial. Pero napakadamot naman magpakita ng emosyon. Napasimangot siya sa naisip at bumalik ang bigat sa dibdib.
After a few hesitations, she decided to check it out. She accessed her FB and searched for Motyo’s account. Then she checked out his friends’ list. At nakita niya ang nag-iisang pangalan na binanggit kanina.
Michelle.
She wasn’t impressed. At least seeing her pics lifted up her moods. Then she decided to send the pic of her officemate na crush niya talaga.
Two days after their tryst, two days na ring seen zoned ang FB message niya. Hindi na siya nakatiis and decided to send him another pm.
“Bakit seen zoned? Anong problema mo?”
Nagulat pa siya ng may reply agad galing dito.
“Ok tutal tinanong mo na rin lang naman sasabihin ko na. Nakakabwusit kasi na may makitang picture ng ibang lalake sa messenger ko. At hindi ako nagseselos. Lilinawin ko lang, nabubwusit ako sa pictures ng kung sinong ogag na ipinadala mo!”
She felt like he hit her physically. She replied.
“Alam ko naman na hinding-hindi ka magseselos eh. Pero engot ako kasi gusto kong mag-ilusyon na kahit papano, magseselos ka rin. Na bakasakali, pag nakita mo ang pic ng ogag na crush ko, matuto ka namang magpakita ng konting emosyon towards me.
Yung kahit papano eh iparamdam mong kahit ganito lang ang meron tayo, capable ka pa rin namang iparamdam sa akin na hindi lang ako fubu para sayo.
Alam mo bang tuwing magkikita tayo parang ayoko na lang umoo sayo? Kasi alam ko na pagkatapos na naman ng meet up, you would be the King of Antarctica again. Di nga ako nagkamali.
Bakit, kala mo naman sa ‘kin, manhid?
Ayoko na. I just had enough. I’m giving up.”
After that, she blocked him on FB. She deleted his number. More than a month passed by and she hasnt received even a single text from him. At aaminin niyang nasasaktan pa rin siya na sa ganun na naman nauwi ang simpleng asaran nila.
Until September came. And that text.
“Kelan pa naging September ang birthay mo?
Para siyang dinagukan sa lakas ng tambol sa dibdib niya. Sa dami ng mga taon na binilang, hindi man niya kabisado ang number nito, dahil may memory gap na siya, kabisadong-kabisado naman niya kung sino ang kaisa-isang tao na ganun ang banat sa text man o sa tawag.
Motyo.
Pinag-isipan niya ng mga ilang minuto bago siya nagdesisyon na mag-reply.
“Bakit mo nakita ang notifications? Hindi ako ang may birthday. Old account ko yan na di ko na inaacess halos. Di ko naalalang friend pala kita jan. Iunfriend mo na nga ako.”
“Nope. Ikaw ang mag-unfriend sa akin if you want.”
“Ok. Ireset ko na lang ang password.”
“Desisyon mo yan.”
“Alam ko. Di ko naman sinabing desisyon mo.”
“Sus.”
“Sus ka rin. Bakit ba nagtxt ka pa? Papansin ka lang eh.”
“Eh bakit ka pa nagreply kung ayaw mo ko pansinin?”
“Litsi ka talaga. Ikaw na nga ang may atraso ikaw pa ang mayabang!”
“Anong iniyabang ko? Dahil tinawag kong tukmol ang crush mo? Dahil naurat ako sa pictures na sinend mo sa messenger ko? Ikaw lagi kang ganyan eh. Pag naba-bad trip ka wala kang alam gawin kundi manakot na manlalalake ka na lang ng iba. Ako ba ni minsan ginawa ko sayo yan? Ang sabihan kang mambababae na lang ako ng iba?”
She was taken aback by his long reply.
“Nung nakaraan! Nag-namedrop ka pa nga eh! Eh ako ba kahit minsan bumanggit ng pangalan ng ibang lalake? Tanggap ko naman pag pangalan ni wifey mo ang binabanggit mo sa akin eh. Pero yung ibang babae? Bastusan talaga kuya?!”
A few minutes after she sent her message, he called up.
“Anong pangalan ang binanggit ko?”
Walang pasakalyeng tanong nito pagsagot niya sa tawag.
“Ay pisti ka. Bakit dami mo ba babae kaya di mo maalala kung sino sinabi mo sa akin?”
“Wala ano! Me binanggit ba ako talaga?”
“Gahguh! Malamang! Ano ko gagawa n…