Takot man at nag aalala si Angelica sa mga posibling mangyari na kanyang kinakatakutan ay kanya muna itong iwinaglit at nag linis ng kanyang katawan at isinuot ang ibinigay ni robin sa kanyang damit..
Paglabas nya ng cr ay inikot nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto ni robin…humanga sya sa maayus na kwarto ni robin na bihira sa mga lalaking walang asawa na katulad ni robin na maayus sa kwarto na likas na sa mga lalaki na salaula pag dating sa kwarto.. Ngunit si robin ay kakaiba.. Maayus ito sa kanyang kwarto…
Napangiti sya sa kanyang ayus ng tumingin sya sa salamin at nakita nya ang sarili dahil napakalaki ng damit na binigay sa kanya ni robin..
Asiwa man at di komportable sa kanyang suot ay minabuti nya nalang na huwag ng bigyan ng pansin ito dahil nahihiya sya dahil nag papasalamat sya sa kagandahang loob ni robin sa pag papahiram sa kanya ng damit nito na kahit papano ay may isinuot syang damit…
Lumabas sya sa kwarto ni robin at nakita nya na nakahain na ang lamisa… Inikot nya ang kanyang paningin at nakita nya si robin na may dalang pitsil ng tubig at mga baso…
“halika na Angelica, kumain na tayo”.. Ang nakangiting turan ni robin habang inusug ang upuan para maka upo si Angelica…
Natuwa naman si Angelica sa pagka maginoo ni robin sa kanyang kilos…
“pasensya ka na sa luto ko ha.. Hehe”.. Pabilisan lang kasi masyado dahil malalim na ang gabi eh”…
“ok lang masarap naman ang luto mo..” nang matikman nya ang ulam ni robin na sardinas na may miswa..
“salamat.. Nasanay kasi akung mag isa kaya di ako masyadong nagluluto ng madami kaya wala akung masyadong stock na pag kain.. Minsan binibigyan lang ako ng aking kaibigan sa kabilang bahay ng ulam na niloloto ng kanyang asawa dahil nga na ako lang ang mag isa dito sa bahay.. “.. Ang salaysay ni robin habang nakangiti na nakatingin kay Angelica habang sumusubo ng pagkain..
Nakangiti lang si Angelica habang kumakain dahil medyo naiilang sya kay robin.. Napaka maginoo ni robin para sa kanya, kakaiba ito sa mga nakakasalamuha nya na mga lalaki na habol palagi ay ang kanyang alindog…
“ok ba ang damit mo?”.. Pasensia ka na, malaki ata sa iyo ang damit.. Hayaan mo at bibili na lang tayo bukas “.. Ang turan ulit ni robin kay angelica..
” ok lang.. “ang matipid na tugon ni Angelica…
Patingin tingin si robin kay angelica habang sila ay kumakain ngunit sa kanyang isipan ay nag lalaro ang maraming katanungan.. Nahihiya sya at nababahala na mag tanung kay angelica ng mga bagay na baka makasakit o makasama sa kanyang pandinig…nakakaramdam man ng kunting takot at pangamba si robin dahil sa pagkatao ni angelica ay minabuti nya na lang na ipag paliban muna ito at bigyan muna ng oras na makapag pahinga si Angelica para mapanatag ang kanyang loob dahil alam nya na may nangyari dito dahil sa ayus nya kanina ng makita nya si Angelica na nakahandusay sa parang at punong puno ng putik ang kanyang damit…
Tahimik silang kumain ni angelica na animoy nakikiramdam sa isat isa..
Pati din si Angelica ay nag aalangan na makipag usap kay robin dahil sa kanyang nagawa sa dalawang matanda na kanyang napatay.. Di nya malaman kung papano nya ito sasabihin kay robin kung sakali na mag tanung ito sa kanya…
Nag iisip sya na umuwi nalang sa kanila ngunit sa tuwing maaalala nya ang kanyang ina ay umaapoy ang galit nya sa kanyang puso… Wala syang magawa sa mga oras na yun dahil tanging katawan nya ang naiwan sa kanya wala syang gamit kahit isa dahil di nya alam kung saan na napunta ang malita nya dahil itoy inagaw sa kanya ng matandang manyakis na muntik ng gumahasa at pumatay sa kanya..
Wala syang magagawa kung di pasamantala ay tumigil muna kay robin…
Bumalik sya sa kanyang katinuan mula sa malalim na pag iisip ng madinig nya ang boses ulit ni robin na nagtatanung sa kanya…
“ahh angelica.. May pamilya ka ba?”.. O asawa? “.. Ang tanung ni robin kay angelica dahil di ito makatiis na mag tanung upang kahit papano ay makilala nya ng konti si Angelica sa kanyang pagkatao…
Natigilan saglit si Angelica at napatingin kay robin.. Nag iisip sya kung sasabihin ba ang totoo kay robin o hindi dahil nakaramdam sya ng takot kung sasabihin nya ang katutuhanan.. Di nya alam kung papano ipapaliwanag kay robin ang lahat lalong lalo na ang pagkamatay ng dalawang matandang manyak na muntik ng gumahasa sa kanya.. Sigurado syang di maniniwala si robin na mapapatay nya ang dalawang matanda na sya lang mag isa..
“angelica?”.. Ang tanung ulit ni robin na nakatingin na ito kay Angelica…
“a.. Di ko matandaan eh.. Di ko nga malaman kung bakit nandoon na ako sa parang.. Hindi ko matandaan ang mga nangyari sa akin..”.. Ang pagsisinungaling ni angelica kay robin, ngunit sa kanyang isipan ay ang dalangin na sanay di sya mahalata ni robin sa kanyang pag sisinungaling..
” ahh, ok.. Hayaan mo na pag katapos nating kumain ay magpahinga ka na, baka nag karoon ka lang ng truma kaya nakalimutan mo ang nangyari sa iyo..” ang nakangiting turan ni robin kay angelica..
Tumango lang si Angelica sa tinuran ni robin..
“sorry robin sa aking pag sisinungaling hayaan mo at lilisan din ako..” ang bulong ni angelica sa sarili..
Panaka nakang nakatingin si robin kay angelica naguguluhan sya, ngunit umiral ang awa nya kay angelica..
“baka may amnesia sya kaya di nya matandaan kung anung nangyari sa kanya..” ang bulong din ni robin sa kanyang sarili..
“ahh.. May bahay na bakanti sa tabi ng bahay ko, bahay namin yun dati na luma walang tumatao.. kung ok lang sa iyo doon ka muna tumira habang wala ka pang maalala sa nakaraan mo.. Wag ka munang umalis kung di mo alam kung saan ka tutungo at baka mapahamak ka sa daan.. Babae ka pa naman.. “.. Ang nakangiting turan ni robin kay angelica..
” salamat”.. Ang matipid na tugon ni angelica na may matipid din na ngiti sa labi..
“walang anu man..”.. Bukas aayusin ko ang bahay sa kabila para makalipat ka at mag karoon ka ng parivacy”.. Ang turan ulit ni robin kay angelica…
Isan…