Pagkarating ni robin sa kanyang katawang lupa ay agad syang pumasok dito.. Napasinghap sya ng malalim na hininga ng makapasok sya sa kanyang katawan…
Agad nanaman syang nagulantang sa kanyang nakita.. Tatlong kaluluwa ang nakaharap sa kanya.. Makikita sa mga mukha nila ang pagkamuhi.. Nakakatakot ang kanilang anyo at mababakas sa kanila ang lagim ng kanilang kamatayan…
Kumaripas ng takbo si robin dahil sa takot sa mga kaluluwa na nakatayo sa harapan nya… Nag sisigaw sya habang tumatakbo…
Napahinto sya sa kanyang pag takbo ng makita sa unahan ang nakatayong lalaki na nakasuot ng itim na long sleeve at itim na slacks na pantalon..
Nakatingin sa kanya ang lalaking naka itim.. Naalala nya ang lalaking iyun.. Iyon ang lalaking nakita nya na sumundo sa kaluluwa nila timyong at pido…
“kaka.. kayo po ang taga sundo hindi po ba?..”.. Ang paputol putol na turan ni robin sa kaharap..
“oo ako nga..” ang turan ng lalaki habang nakatitig sa kanyang mga mata..
“bakit po kayo nandito?”.. Ang tanung ulit ni robin..
“nandito ako para bigyan ka ng babala..”.. Ang sagot ng lalaki na di umaalis ang pag kakatitig sa kanya..
“ano pong babala ang tinutokoy nyo?”.. Ang balik na tanung ulit ni robin sa kanyang kausap..
“ikaw ay nasa ilalim ng isang sumpa.. Dahil ikaw ay nasa ilalim ng isang sumpa ay mayroon kang kakaibang kakayahan na ngayun mo lang naranasan sa buong buhay mo.. Nagagawa mo ang mga bagay na di nagagawa ng isang ordinaryong tao.. Ngunit ang lahat ng iyun ay kapalit ng iyong buhay pag hindi nawala ang sumpa sayo… Sa tuwing ginagamit mo sa kasamaan ang kakaibang kakayahan mo ay dadami ang mga kaluluwa na naghihintay na kunin ka at dalhin sa impyerno kasama nila.. “.. Ang salaysay ng tagasundo…
Natigilan si robin sa kanyang narinig.. Naalala nya ang kanyang kakaibang kakayahan.. At naalala nya ang ginawa nyang pag gamit nun sa di magandang bagay na kanina lang ay kanyang ginawa kay Raquel na pinsan ni linda…
“a.. ano pong gagawin ko?”.. Ang tanung ni robin sa tagasundo..
“gawin mo kung ano ang tama.. At iyun ang mag dadala sa iyo na matanggal ang iyong sumpa..”.. Ang turan ng lalaki at pagsabi nito ay agad na nag laho na parang bula sa kawalan…
Nakatayo lang si robin at nagulat sa pagkawala ng lalaki na parang bula sa kanyang harapan… Palinga linga sya na hinahanap ng kanyang paningin ang lalaki ngunit di na nya ito nakita pa..
Parang nabato balani si robin saglit at nag isip ng malalim habang minumunimuni ang mga sinabi sa kanya ng lalaking taga sundo…
Biglang bumalik sa kanyang alaala ang tatlong kaluluwa na nakita nya kanina at agad syang nakaramdam ng takot at mabilis na naglakad na halos patakbo pauwi…
Ilang sandali lang ay nakarating si robin sa kanyang bahay.. Nadatnan nya si Angelica na may ginagawa sa kusina..
Nakatayo lang sya na nakamasid kay Angelica habang itoy nakatalikod sa lababo at may gina gawa…
Mag sasalita na sana sya ng biglang lumingon si Angelica sa kanya…
“mabuti at dumating ka na pala”.. Ang nakangiting turan ni Angelica kay robin
“ahh.. oo bago lang kakarating ko lang”.. Ang nakangiting turan ni robin kay Angelica…
“halika na at kakain na tayo..” ang turan ni Angelica kay robin habang nag punta sa lalagyan ng pinggan at kumuha ng pinggan nilang dalawa…
Agad namang tumulong sa pag aayus ng hapag kainan si robin.. Tahimik lang itong nag aayus kasama si Angelica..
Nakaramdam si robin ng kakaibang saya ng makita nya si Angelica..
“kilangan ko na siguro na mag asawa, hindi ako titigil sa aking mga pinag gagawa kung di ako mag aasawa”.. Ang bulong ni robin sa kanyang sarili habang tumutulong sya sa pag aayus ng kanilang hapag kainan..
Napansin ni Angelica ang katahimikan ni robin.. Di sya nag pa halata na syay medyo nadismaya sa ginawa kanina ni robin na halos kitang kita nya ang detalye ng kanyang kahalayan na ginawa nito kay Raquel na pinsan ni linda…
Nakaramdam sya ng konting takot sa kakayahan ni robin ngunit di nya ito ipinahalata.. Kanina nya pa alam ang pag dating ni robin ngunit dalidali syang pumunta sa kusina at kunwari ay may ginagawa para di mahalata ni robin na alam nya na dumating na ito…
“kilangan kong maging alerto sa taong ito.. May iba syang kakayahan”.. Ang bulong ni Angelica sa kanyang sarili..
Pinagmamasdan nya minsan ng panakaw na tingin si robin at di nya maikakaila na nakakaramdam sya dito ng awa kaysa pagkamuhi.. Di nya malaman sa kanyang sarili bakit sa kabila ng kanyang nakita kanina ay di nya maramdaman na masamang tao si robin na katulad ng dalawang matandang muntik ng humalay sa kanya..
Si robin ay kakaiba.. Magaan ang loob nya dito at di nya pa na ramdaman na humanga sa isang lalaki simula una.. Karamihan sa mga lalaki na dumaan sa kanyang buhay ay kanyang pinaglaruan lang at ni wala syang naramdamang ibang feeling sa mga ito na kanya ngayung naramdaman kay robin…
Biglang bumalik sa kanyang isipan ang halimaw sa kanyang katawan at ang dalawang napatay nya dahil sa halimaw sa kanyang katawan.. Bigla syang nakaramdam ng takot sa kanyang sarili..
“di na ako normal”.. Isa na akong halimaw.. “di na ako makakapamuhay ng maayos na katulad ng normal na tao.. Ang malungkot na bulong ni Angelica sa kanyang sarili..
Biglang nag iba ang kanyang pakiramdam at nakaramdam sya ng lungkot sa kanyang sarili.. Puno ng mga negatibong isipin ang kanyang isipan at kanyang puso…
Naawa sya sa kanyang sarili dahil kung saan na nakaramdam sya ng kakaiba sa lalaking kumukupkup sa kanya ngayun ay isa naman na syang halimaw at hindi ordinaryong babae.. At ang lalaking nag magandang loob sa kanya ngayun ay isa ding halimaw na may kakaibang kakayahan na katulad nya..
Napabuntong hininga nalang si Angelica sa kanyang mga isipin na dumaan sa kanyang isipan..
“ok ka lang Angelica?”.. Ang tanung ni robin habang nakatingin ito kay Angelica..
“ahh.. oo.. ok lang ako robin..”.. Ang matipid na ngiti ni Angelica kay robin na nag pabalik sa kanya sa katinuan sa kanyang isipin na bumabagabag sa kanya..
“ahh.. ok.. Akala ko may nararamdaman ka dahil masyado kang tahimik”.. Ang turan ni robin..
Ngiti lang ang itinugon ni Angelica kay robin…
Tahimik lang silang kumain ng hapunan.. Nag papakiramdaman sa isat isa..
“kamusta”.. Ang halos sabay nilang turang dalawa ni robin at Angelica.. “.. Natigilan sila at nag tawanan..
” ikaw muna mauna Angelica “.. Ang nakangiting turan ni robin kay Angelica..
” haha.. Ikaw munang mauna”.. Ang sagot naman ni Angelica kay robin..
“ahh.. Hehe.. Ang sabi ko kung kamusta naman ang maghapon mo dito sa bahay..”.. Ang nakangiting turan ni robin kay Angelica…
“ok lang naman.. Medyo nag iisip lang ako kung masarap ba ang niluto ko kasi di ako magaling mag luto eh..” ang turan ni Angelica habang pinagtakpan muna ang tunay nyang iniisip para di mahalata ni robin ang kanyang tunay na mga pinag iisip..
“ikaw kamusta naman sa bukid?”.. Ang tanung naman ni Angelica kay robin…
“ok lang naman.. Natapos ko nadin naman ang gawain sa palayan ko”.. Ang nakangiting turan ni robin kay Angelica…
Masaya silang nag kukuwentuhan ni…