Kaputol (27)

Continuation…

Pinaupo ni Robin sa lamisa si Angelica at kinuha sa cabinet ang first aid kit box at inumpisahang gamutin ang sugat nito…

Hawak hawak nya ang mga kamay nito at inumpisahang ginamot ang sugat nito…

Habang ginagamot ni Robin ang sugat ni Angelica ay nakatingin ito kay Robin.. Di nya ikakaila na dahan dahang nahuhulog ang kanyang loob sa binata.. Kahit malibog ito na kanyang ikina dismaya ay hanga pa din ito dito dahil sa ipinakitang pagka maginoo ni Robin sa kanya..

Matapos magamot ni Robin ang sugat ni Angelica ay nakarinig sila ng may tumatawag sa labas ng bahay…

Agad namang pinuntahan ni Robin upang i check kung sinong tumatawag na bisita sa labas ng kanyang bahay…

“oyyy ate yolly.. Magandang umaga po.. Aga nyo pong bumisita?.. Pasok po kayo ate..”.. Ang anyaya ni Robin sa kanyang bisita..

“salamat Robin”.. Ang nakangiting tugon naman nya at sumunod sya kay Robin papasok ng bahay…

“ma..”.. natigilan si Angelica sa kanyang nakita.. Nakita nya si yolly at naalala nya na nakita na nya ito.. Di nya maalala kung saan ba nya ito nakita..

“magandang umaga po”.. Ang bati ulit ni Angelica sa pagkaputol ng kanya sanang sasabihin, sabay pasalamat nya sa kanyang sarili na nakapagsalita sya ng maayos ngunit pilit inaalala pa din kung saan nya nakita ang babae.. Dahil familiar sa kanya ang mukha nito at alam nya na nakita na nya ito ngunit di nya lang maalala kung saan…

“magandang umaga din”.. Ang bati ni yolly habang nakatitig din kay Angelica at nag iisip din kung saan nya nakita si Angelica dahil naalala nyang nakita nya na din ito,di nya lang maalala kung saan nya ito nakita..

Pagkatapos batiin din ni yolly si Angelica ay napatingin ito kay Robin..

“Kukuha muna ako ng kape para makapagkape po kayo..”.. Ang nakangiting turan ni Angelica kay yolly… At sabay nito talikod at pumunta sa kusina para kumuha ng kape ng bisita ni Robin..

Habang kumukuha si Angelica ng kape ay pilit pa ding inaalala kung saan nya nakita ang bisita ni Robin dahil pamilyar ito sa kanya.. Nakakunot ang kanyang noo at patuloy na nag iisip..

“saan ko ba nakita yung ale na yun? I know nakita ko na sya.. Di ko lang maalala kung saan”.. Ang pabulong na turan ni Angelica sa kanyang sarili habang patuloy pa din sa pag aayus ng kape ng bisita ni Robin…

“ahh may kasama ka pala dito Robin.. Nag asawa ka na ba?.. Ang medyo pabulong na turan ni yolly kay Robin na nakangiti..

” a..di.. pa po ate yolly.. Kaibigan po sya ng tiyahin ko nag bakasyun lang dito sa atin.. Dito muna sya tumigil at ipinagamit ko muna sa kanya ang lumang bahay para doon sya muna tumira habang naka bakasyun sya dito..

” ahh ganun ba? “.. Ang turan ni yolly at sabay biglang dumaan sa kanyang isipan nung nasa bus sila ng kanyang anak at pauwi sila sa probinsya.. Nakasabay nya si Angelica sa bus at sa isang hilira lang sila ng upuan.. Yun din yung araw na di na nya nakita ang kayang mister na si pido dahil di na ito nakauwi sa kanila at nalaman na lang nya sa mga pulis na isang malamig na bangkay na si pido kasama nito ang kaibigang si timyong na wala ng buhay din ng makita ng mga alagad ng batas…

Naalala na nya kung saan nya nakita si Angelica at di nya alam na itoy kaibigan pala ng tiyahin ni Robin.. Bago lang sa kanya ang mukha ni Angelica.. Nauna silang bumaba ng kanyang anak kaya di nya alam na kung saan ito bumaba..

“ate?”.. Lalim ata ng iniisip mo.. “.. Ang turan ni Robin sa kanya na nagpabalik ng kanyang diwa..

” ahh.. May naalala lang ako Rob.. Ang nakangiti na turan ni yolly.. At dumulog silang dalawa sa lamisa at doon naupo..

Pagkaupo nilang dalawa ni Robin sa lamisa ay agad tinanung ni Robin si yolly ng kanyang di inaasahang pag bisita..

” ate yolly anung atin?”.. Maaga kang pumunta? “.. Tungkol ba ito sa palayan ate?”..

“ahh hindi Rob.. Tungkol ito sa lead na natuklasan ni inspector agoncillo sa pagkamatay ni kuya mo pido..”.. Ang turan ni yolly kay Robin..

Nagulat si yolly at Robin ng kumalampag sa sahig ang kutsaritang dala ni Angelica na nahulog sa nakalagay na platito na may isang tasa ng kape..

Napalingon sila Robin at yolly ng sabay sa kinaroroonan ni Angelica..

” ay sorry.. Nahulog ang kutsarita..”..ang pag hingi ng paumanhin ni Angelica..

Napatayo naman si Robin at inalalayan si Angelica..

“ok lang angel at dali dali nyang pinulot ang kut…