Di maiwasan ni Angelica na manibago sa kanyang nararamdaman.. Nilalamig sya na mainit ang kanyang pakiramdam…
Nahiga sya sa kanyang kama dahil napakasama ng kanyang pakiramdam.. Naka tingin sya sa kisami at nakita nya ang liwanang ng ilaw… Nasilawan sya sa ilaw ng kisame kaya tumayo sya at pinatay ang ilaw.. Napansin nya ang liwanag ng buwan na pumapasok sa kanyang bintana.. Napakaganda nito sa kanyang paningin..
Dahan dahan syang tumayo at pumunta sa bintana.. Binuksan nya ito at tumingala sya sa langit at nakita nya ang bilog na bilog na buwan na napakaliwanag..
Nakadama sya ng kakaibang pakiramdam ng makita nya ang bilog na bilog na buwan..napahawak sya sa kanyang tiyan.. Nakaramdam sya ng sakit.. Di nya alam ang kanyang nararamdaman sa mga oras na yun.. Parang hinihila ang kanyang katawan para itong mahahati…
Napahawak sya sa bintana.. Namilipit sya sa sakit.. Nadarama nya na parang mahahati talaga ang kanyang katawan…
“anu ba itong nangyayari sa akin?”.. Bakit ako nag kakaganito.. “.. Ang turan ni Angelica sa kanyang sarili..
At biglang sa isang iglap ay biglang nakita ni Angelica ang sarili na humawalay ang kanyang pang itaas na katawan sa kanyang pang ibabang katawan.. Naputol sa dalawang bahagi ang kanyang katawan.. Nakita nya ang kaputol ng kanyang pang ilalim na katawan na naiwan itong nakatayo.. At nakita nya din ang paglabas ng dalawang pakpak mula sa kanyang likod…
“anung nangyari sa akin?”.. Bakit ako naging manananggal? “.. Huhuhu..” hindi.. isa lang itong panaginip!!! “.. Ang umiiyak na turan ni angelika habang nakahawak sa kanyang mukha at kanya itong sinasampal.. Ngunit nakaramdam sya ng sakit…napagtanto nyang itoy katutuhanan…
Dahil sa kanyang pakpak ay lumabas sya sa kanyang bintana at lumipad sa himpapawid.. Nakita nya ang kanyang sarili na lumilipad sa himpapawid.. Nabigla sya sa nangyari sa kanya.. Di nya lubos akalain na naging manananggal sya..
Nakita nya ang buong siudad mula sa itaas kung saan sya lumilipad.. Pumunta sya mataas na gusali at sa taas nun ay doon sya nakalutang pasamantala.. Hindi sya makatigil sa paglipad dahil wala syang pang ibabang katawan..
“bakit ako naging manananggal?”.. Ibig sabihin ay kakain din ako ng tao? “.. Ang turan ni angelica sa kanyang sarili..
Ngunit di sya nakakaramdam ng kakaiba.. Di nya nararamdaman ang pagkagusto na kumain ng tao.. Sadyang naputol lang ang kanyang katawan..
Tumulo ang kanyang luha, umagus ito sa kanyang pisngi.. Di nya matagap ang kanyang kalagayan na isa na syang manananggal.. Di nya lubus maisip na tutuo ang tinatawag nilang manananggal.. At di nya din pinangarap na maging isang mananggal..
Isa syang mayaman at magandang babae.. Lahat ng mga kalalakihan ay nag kakandarapa sa kanya.. Napahawak si Angelica sa kanyang mukha at umiyak ng umiyak…
Magulo ang kanyang isipan sa kanyang sitwasyun.. Na patingin sya sa kalangitan at ilang sandali nalang ay mag liliwanag na at lalabas na ang araw…
Nararamdaman nyang parang hinihila ang katawan nya.. Parang nararamdaman nya ang kaputol ng kanyang katawan.. Kanina lang ay naramdaman nyang gusto itong humiwalay sa kanyang katawan ngunit ngayun ay nadarama nyang gusto nitong bumalik sa kanyang katawan..
Lumipad si Angelica papunta sa kanilang bahay at mula sa nakabukas na bintana sa kanyang kwarto ay bumalik sya papasok.. Nakita nyang tumapat ang kanyang kaputol na pang itaas na katawan na tumapat sa pang ilalim na kaputol ng kanyang katawan..
Para itong may isip na dumugtong bigla.. At sa isang iglap ay naging buo ulit ang kanyang katawan..Kasabay ng pag kabuo ng kanyang katawan ay ang biglang pag kawala ng kanyang pakpak..
Napaluhod sya sa sahig ng nabuo ang kanyang katawan.. Hapong hapo sya at humihingal.. Muling tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi at pumatak ito sa sahig..
Samut saring isipin ang gumugulo sa kanyang isipan.. Pumasok sa kanyang isipan ang kanyang mga magulang.. Papano nya sasabihin sa mga ito ang kanyang kalagayan ang kakaibang nangyari sa kanya.. Papano sya tatanggapin ng kanyang mga magulang,nang kanyang mga kaibigan.. At bakit sya naging isang mananggal..
Ang lahat ng isiping iyun ay nag pabigat ng kanyang ulo.. At dahandahan syang tumayo at nahiga sa kanyang kama at nakatulog…
Nagising si Angelica sa mga katok sa kanyang pintuan.. Napadilat ang kanyang mga mata at ang bigat ng kanyang katawan na pumunta sa pintuan ng kanyang kwarto at dahan dahang pinihit ang doorknob…
Nakita nya ang kanyang mama na nakatayo at nakatingin sa kanya at may hawak na kape..
“ohh anak.. May nararamdaman ka ba?.. Tanghali na ah.. Nanibago ako sa gising mo”.. Ang turan ng kanyang ina sabay nito lagay ng kamay sa kanyang nuo..
“medyo masama lang po ang pakiramdam ko ma..” ang turan ni Angelica at kinuha ang tasa ng kape na bitbit ng kanyang mama at sabay nag lakad papunta ng kanyang higaan…
Naka sunod din ang kanyang mama at naupo sa kanyang kama katabi nya..
“di ka na ata nag palit ng damit anak ah.. Naka panglakad ka padin ng matulog?.. Ang nag tatakang turan ng kanyang mama…
Napatingin sya sa kanyang ayus.. Naalala nya ang nangyari sa kanyang kakaiba kagabi … Nakaramdam sya ng takot dahil sa biglang pag babago nun sa kanyang katawan…
“mama.. May lahi ba tayo ng manananggal?” .. Ang turan ni Angelica habang nakatingin ng diritso sa mata ng kanyang ina..
“ha?”.. Anu bang pinag tatanung mo anak?.. Syempre wala.. And besides bakit mo naman natanung yan eh kahit ako di ko alam kung totoo yan.. Kwento lang yan nak.. Sa palagay ko ay di yan totoo.. “bakit mo ba yan natanung anak.. Dalaga ka na.. Ngayun ka lang nag ka interest sa ganyang bagay”.. Ang naka kunot noo na turan ng kanyang mama..
“wala po mama, napanaginipan ko lang po”.. Ang turan ni angelica sabay nya hawak sa kanyang ulo dahil bigla itong sumakit…
Pag angat nya ng kanyang mukha ay nagulat sya dahil bigla nyang nakita ang kaluluwa ng kanyang ina sa katawan nito..di sya makapaniwala sa kanyang nakikita.. Tumingin sya sa dingding ng kanyang kwarto at nakikita nya ang labas ng kanyang kwarto.. Tumatagos ang paningin nya dito..
Dahil sa gulat ay…