Karma Ng Pagnanasa – Kabanata 7 – 9

Kabanata 7

RAUL’s POV

Amoy na amoy ko sa loob ng van ang mabangong pabango ni Adriana. Pasimple ko siyang tinitingnan paminsan-minsan. Maganda talaga siya sa malapitan. Mukhang bata pa at talaga namang sexy. Nakakasilaw ang makinis niyang legs. Nagmumukha lang talaga siyang masungit at istrikta dahil sa eyeglass na suot niya. Pero talagang maganda.

Kahit may asawa na ko ay naa-appreciate ko pa rin ang ganda ng ibang babae. ‘Yon nga lang ay Mondragon ang babaeng ito, kaya hindi dapat maging magaan ang loob ko sa kanya.

Adriana: Raul.

Ang sexy ng boses niya. Babaeng-babae.

Raul: Yes, Ma’am Adriana?

Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. Syempre amo ko siya kaya kailangang nakangiti ako sa kanya palagi. Pero siya ay wala man lang kangiti-ngiti sa labi.

Adriana: Anong pangalan ng asawa mo?

Napatingin ako sa wedding ring na suot ko. Bumalik na naman sa isip ko na hindi dapat malaman ng asawa ko ang anumang planong mayroon ako para sa pamilyang Mondragon. Ayaw ko siyang madamay dito.

Raul: Joy po, Ma’am. Bakit po?

Adriana: Naalala ko lang na nabanggit mo kaninang umaga na may asawa ka.

Nakatingin siya sa labas ng bintana habang kausap ako. Donyang-donya kung makipag-usap sa akin. Medyo nakakabastos. Haklitin ko kaya leeg nito paharap sa akin? Alam ko namang type ako nito. Nagpapakipot lang. Hindi. Aalaskahin ko na lang ulit. Naaalala ko pa ang sinabi ng demonyong si Emilio. NBSB itong si Adriana.

Raul: Kayo ba, Ma’am Adriana, sino ang boyfriend niyo?

Marahas siyang napalingon sa akin. Bingo!

Adriana: Kasama ba sa trabaho mo ang mang-usisa ng buhay ng mga amo mo?

Napalingon ako sa kanya sandali. Nakataas ang isang kilay niya habang tinatanong ako. Binalik ko ang aking concentration sa pagmamaneho. Nakangisi ako nang sumagot sa kanya.

Raul: Kayo naman, Ma’am, masyado kayong naiinis. Hindi niyo naman po kailangang sagutin ‘yong tanong ko.

Adriana: Hindi ko gusto ang tanong mo. Kaya manahimik ka na lang diyan. Magsasalita ka lang kung kakausapin kita. Wala kang karapatang makipag-usap sa akin na parang magkaibigan tayo. Maliwanag?

Tumiim-bagang ako.

Raul: Maliwanag po, Ma’am Adriana.

Pagdating ng oras ng hapunan ay nakita kong masayang nagkakainan ang pamilya Mondragon mula sa kusina. Nasa dining room sila habang kumakain naman kami sa kusina nina Mang Baldo at Fabio. Si Jacob ay hindi pa tapos ang shift. Sina Marta at Luna ay nakatayo sa tabi ng dining room in case may iutos ang mga miyembro ng pamilya.

Sinadya kong pumuwesto sa lugar kung saan ako makikita agad ni Cecilia. Gusto kong umpisahan agad ang plano ko at siya ang uunahin ko.

Kanina ko pa napapansin na hindi nagkikibuan ang mag-asawang Cecilia at Rigo. Nararamdaman kong may hindi sila pagkakaintindihan at dito papasok ang inyong lingkod para sirain ang pagsasama ng mag-asawa.

Habang kumakain ako ay sumusulyap-sulyap ako kay Cecilia. Sinasadya kong haluan ng lagkit ang titig ko sa kanya. Pero hindi talaga siya lumilingon sa pwesto ko. Madaldal si Lavinia. Maraming kwento at masayang nakikinig dito si Cecilia. Hindi ba niya alam na mas masarap akong titigan? Sa gwapo kong ito. Haha! Napailing ako na may simpleng ngiti sa labi. Umiral na naman ang kayabangan ko.

Maya-maya ay pumasok sa loob ng kusina si Marta. Mukhang kukuha ito ng tubig. Bago ito bumalik sa dining area ay lumapit ito sa akin at ipinatong ang kaliwang kamay sa aking kanang balikat.

Marta: Nauuhaw ka ba, Raul?

Nang-aakit ang tono nito at mukhang nilalandi ako. Umiral na naman ang pagkapilyo ko at tiningala ko siya. Hinawakan ko siya sa baywang at pinaglandas ang hinlalaki ko sa kanyang baywang. Taas-baba.

Raul: Kaya mo bang pawiin ang uhaw ko?

Malagkit ko siyang tiningnan at mukha naman siyang kinilig at napakagat pa ng labi.

Marta: Oo naman. Sabaw ko ang papawi ng uhaw mo.

Ang landi nitong Marta. Pero nakakalibog ang pagiging game niya. Inalis ko ang kamay ko sa kanyang baywang. Dahil nakatayo siya ay nakatapat sa mukha ko ang natatakpang harapan niya. Dumiretso ako ng tingin at hinipan ko ng dahan-dahan ang ibabang parte niya. Tumingala ako at nakita kong nakapikit siya at mukhang nanginginig. Napangisi ako at hinarap na muli ang pagkain.

Lavinia: Tubig!

Biglang nagising sa kanyang kalibugan si Marta at napalingon sa dining area.

Marta: Nandiyan na po, Ma’am.

Bago siya lumabas ay yumuko siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Marta: Huwag mo nang gawin ulit ‘yon. Lalamig ang sabaw.

Pakembot-kembot na bumalik ng dining area si Marta. Doon ko napansin na nakatitig na sa akin si Cecilia. Hmmm… Nakita kaya niya ang paglalandian namin ni Marta? Nainggit kaya siya?

Nilabanan ko siya ng tingin. Malagkit ang tingin ko sa kanya. Gayon din siya sa akin. Ganyan nga. Maakit ka sa akin, Cecilia.

Mahimbing ng natutulog sina Fabio at Jacob dito sa servant’s quarter. Hindi ako makatulog kaya lumabas ako at nakatambay ngayon dito sa labas ng quarter namin. Nagpapahangin. Nakasuot ng boxer shorts at black sando.

Maya-maya ay may napansin akong gumagalaw sa gilid ko. Napalingon ako. Nakita kong papunta rito sa quarter si Cecilia. Naka-red nighties. Ang sexy din ng isang ito. Hindi sa pagmamayabang, pero alam kong ako ang pakay niya.

Nakaisip ako ng kapilyuhan. Umikot ako sa likod ng quarter. Pupunta ako ng laundry room. Kung ako talaga ang pakay niya ay susunod siya roon.

Pagdating ko ng laundry room ay mabilis kong isinara ang pinto. Hinubad ko ang aking sando. Mababaliw si Cecilia sa ka-macho-han ko.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Hindi nga ko nagkamali. Mabilis na pumasada ang mata ni Cecilia sa katawan ko. Magmula sa malapad kong balikat, patungo sa matitipunong dibdib at naglalakihang braso, patungo sa aking abs, hanggang sa v-line na patungo sa aking alagang pinapantasya ng lahat.

Raul: Ma’am Cecilia, may kailangan ka ba?

Hinaluan ko ng kaunting pang-aakit ang aking boses. Mabilis niyang tinuon ang tingin sa aking mukha. Tumikhim siya. Isinara ang pinto. Lumapit siya palapit sa akin. Napaka-sexy ng suot niyang nighties. Sa ilalim nito ay isang maitim na maliit na panty at maliit na black bra. Sinadya kong bagalan at samahan ng lagkit ang pagkakatingin ko sa kanyang katawan.

Binasa ko ang aking ibabang labi gamit ang aking dila. Kinagat ko ang aking ibabang labi at malagkit na tumingin sa mga mata ni Cecilia. Isang malanding ngiti ang nakikita ko sa kanyang mukha.

Cecilia: Busy ka ba bukas, Raul? May humingi na ba ng serbisyo mo?

Nakakaakit ang boses niya. Halatang-halata na sa aming dalawa na inaakit namin pareho ang isa’t isa.

Raul: Ikaw pa lang ang lumalapit sa akin, Ma’am Cecilia. May pupuntahan ba kayo bukas?

Cacilia: May pupuntahan kami ng asawa ko. Gusto ko sanang ipagmaneho mo kami.

Raul: Ah. Ganoon ba? Wala namang problema. Saan ba? Papuntang langit?

Nakita ko ang init sa kanyang mga mata nang sabihin ko ‘yon. Pero sandali lang at muling sumagot.

Cecilia: Kung magpapahatid ako sa ‘yo sa langit, hindi ko isasama ang asawa ko.

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay malandi siyang tumitig sa akin at tumalikod. Dahan-dahang lumapit sa pinto at binuksan ito. Bago tuluyang lumabas ay lumingon siya sa akin.

Cecilia: Nine A.M. sharp, Raul.

Raul: No problem.

Nakangisi akong tumingin sa kanya at sinadya kong ipakita sa kanya ang pagtitig ko sa kanyang malalaking puwit.

Pagtingin kong muli sa kanyang mga mata ay kumindat siya. Isa namang mala-demonyong ngiti ang ibinalik ko sa kanya.

Hindi mahirap sirain ang isang ito.

———-

Kabanata 8

RAUL’s POV

Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Cecilia mula sa rearview mirror. Mukhang matindi ang tama nito sa akin. Ngumingisi lang ako sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Siya naman ay ngumingiti ng palihim. Hindi siya napapansin ng kanyang asawa dahil nakatutok ang mga mata nito sa labas.

Ngayon ay plano ng mag-asawang mamasyal sa mall. Mag-bonding. At kinuha nga ni Cecilia ang serbisyo ko para sa buong araw. Sinabay na lang ni Don Emilio sa sariling van nito ang anak na si Lavinia. On the way naman ang university nito papunta sa opisina ng matanda.

Ginamit naman ni Adriana ang van niya papunta sa sariling shop. Minsan talaga ay paiba-iba ang mood ni Adriana. Minsan gusto niyang siya ang nagda-drive papuntang shop niya. Minsan naman gusto niyang ipinagda-drive siya papuntang shop.

Sayang. Hindi pa siya sumabay dito sa kapatid niya. Nasa mood pa naman akong asarin siya. Hmmm… Mukhang nagiging feeling close ako kay Adriana. Hindi pwede ito.

Cecilia: Buti naman at hindi ka ngayon busy sa negosyo, Rigo. Kayang-kaya naman ‘yon ni Papa.

Rigo: Well, matagal ko na rin namang gustong mag-leave. At saka matagal na rin simula noong huli tayong lumabas. Nami-miss na rin kita.

Kitang-kita ko nang hawakan ni Rigo ang kamay ni Cecilia at pisilin ito. Sweet din pala itong si Rigo. Kaso napansin ko ang pagtingin niya sa akin sa rearview mirror ng may halong lagkit. Aba! Tama yata ang hinala kong bakla itong asawa ni Cecilia.

Malalaman ko rin ‘yan.

———-

THIRD PERSON POV

Adriana’s Haven…

Adriana: Buti naman ay naisipan mo kong bisitahin, Judy. Nakakaloka mag-isa rito sa shop ko.

Judy: Eh, nasaan ba kasi ‘yong dalawa mong assistant?

Adriana: Sabay silang nag-leave. Hinayaan ko na. Bihira lang naman sila mag-leave. At isa pa, kaya ko naman rito. Kapag ganitong walang masyadong customer lang naman ako nabo-bored.

Judy: Mag-boyfriend ka na kasi. Ewan ko ba naman sa ‘yo kung bakit hindi mo pa sinasagot si Erwin. Ang tagal-tagal na niyang nanliligaw sa ‘yo.

Adriana: Alam mo, okay naman siya. Kaso ang boring niyang kausap. Wala siyang ka-thrill-thrill sa katawan. Pero naa-appreciate ko talaga lahat ng effort niya. Actually, siya ang first suitor ko. Hindi siya tinablan ng katarayan ko.

Judy: He’s a good catch. Sayang naman kung pakakawalan mo.

Nagbuntung-hininga si Adriana.

Judy: Anyway, balita ko may bago raw kayong driver. Gwapo ba?

Biglang tumaas ang kilay ni Adriana.

Adriana: Feeling gwapo kamo. Sobrang presko pa. Parang sinalo niya lahat ng kayabangan sa mundo. Ito pa. Feeling close.

Napatango-tango si Judy.

Judy: Hindi rin ba umubra sa kanya ang katarayan mo?

Adriana: Oh, well. Driver lang siya. Alam niya rapat ang limitasyon niya.

Judy: So, pinamukha mo sa kanya?

Adriana: Of course. Pero huwag na natin siya pag-usapan. Please lang. Ayoko masira ang araw ko.

Judy: Okay.

———-

Sa Eastmond University…

Napalingon si Justin sa tatlong babaeng tumawag sa kanya. Nakita niya ang tatlong kaibigan ng kasintahang si Lavinia. Sina Flor, Cara, at Nanette.

Justin: Oh. May kailangan kayo?

Flor: Itatanong lang sana namin kung bakit hindi na sumisipot sa tambayan namin si Lavinia.

Justin: Ha? Hindi ko alam ‘yan.

Cara: Yes. Lagi niyang sinasabi na busy siya.

Biglang lumingkis sa kaliwang braso ni Justin si Nanette.

Nanette: Baka naman kasi lagi mo siyang pinapagod kaya hindi na siya sumasama sa amin?

May halong panlalandi ang boses nito.

Sa kanang braso naman ni Justin lumingkis si Flor. May halo pang pagpisil sa braso ng binata si Flor.

Flor: Baka ginagalingan mo ang performance sa kama, Justin, kaya lagi siyang pagod?

Biglang naguluhan si Justin sa inaasal ng mga kaibigan ni Lavinia.

Justin: Sandali. Naguguluhan ako. Ano bang…

Cara: Come on, Justin. We know your reputation in this campus. You are a sex addict. Sex lang naman ang habol mo kay Lavinia, ‘di ba? Kayang-kaya namin ibigay sa ‘yo ‘yon. Let’s have a fo…