Ang araw ng mga puso ay araw ng pag-iibigan. Limampung taong kasal na sina Maria at Fidel. Matatanda na sila at matatanda na rin ang kanilang mga anak. Nguni’t di nawawala ang kanilang pagka-romantika at romantiko. Noong nakalipas na Valentine’s Day, at noong mga nakalipas na Valentine’s Days nang mga nakalipas na mga taon, ipinagdiwang ng dalawa ang araw ng mga puso sa paraang tila honeymoon. Nagpapalipas sila ng gabi sa isang first-class hotel. Pagkatapos ng dinner ay magkatabi sila sa kama at nanonood ng TV. Pag inantok na ay humihiga na ang dalawa at magdamag na magkayakap. Ugali pa nilang matulog nang hubad-hubad.
“Fidel,” sabi ni Maria sa boses na mayroon nang panginginig. “Baka naman sipunin ka.”
“Hindi, honey. Huwag kang mag-alaala, malakas pa ang tuhod ko,” sagot ni Fidel.
“Ano ‘kamo, may ahas sa likod ko?!” dinig ni Maria.
Inilapit ni Fidel ang bibig sa taenga ni Maria. “Ang sabi ko, malakas pa ang tuhod ko!”
“A, malakas pa ang tuhod mo. . . Fidel, walang kinalaman ang tuhod sa sipon; baka ang baga mo ay hindi na kaya ang nakahubad ka magdamag. Baka ka malamigan.”
Mainit noon sa labas ng hotel. Sagot ni Fidel, “Honey, naka-heater na tayo.” At pagkatapos ay nakatulog na ang dalawang matandang nagmamahalan.
Maagang nagising ang dalawa. Gaya nang kinagawian nila, tumawag si Fidel sa room service upang magpadala ng breakfast-in-bed.
Nakaupo si Maria sa kama at nakahubad pa rin. Nang dumating ang breakfast ay dinala ni Fidel ang breakfast tray kay Maria at inilapag ito sa kandungan ng babae.
“Fidel,” nasambit ni Maria sa kanyang katuwaan, “napaka-romantiko mo pa rin. Ochenta anyos ka na. Hanggang sa ngayon ay damang-dama ko pa rin ang init ng iyong pagmamahal.”
“Maria, paanong hindi mo mararamdaman ang init. . . ang dede mo nasa kape!”
Ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ay karaniwang nasa level na physical – sex.
Kahapon ay maghapong nasa loob ng motel ang mangsing-irog na sina Robert at Marivic. At ano pa ang ginawa nila sa loob ng motel kundi ang magromansa maghapon. Punta lang sa banyo ang pahinga. Oo nga pala, nananghalian sila sa loob ng kuwarto sapagka’t maaaring magpahatid ng pagkain sa kuwarto. At may ilang sandali na nanood sila ng TV. Nguni’t sa kabuuan, maghapon silang walang inatupag kundi ang mag-sex.
Kinabukasan ay nag-usap ang dalawa sa cell phone.
Sabi ni Robert, “Nasobrahan yata. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak.”
“Hay naku, Robert,” sagot ni Marivic, “ang sakit-sakit ng biyak ko, parang may ulo.”
Noong Valentine’s Day ay sumakay sa tricycle ang isang madre at nagpahatid sa kumbento. Salbahe ang tricycle driver, malisyoso. Sabi niya sa madre, “Sister, ang pangarap ko ngayong Valentine’s Day ay makipag-date sa isang madre. Virgin pa ako at ang una kong karanasan sana ay sa piling ng isang madre. Puwede ba ninyo akong pagbigyan, sister?”
Sagot ng sister, “Ay, masama ‘yan!” Nag-isip siya sumandali bago idinagdag, “Pero, kung marunong kang magtago ng sekreto ay pagbibigyan kita.”
Kung kaya’t ang dalawa ay nauwi sa isang motel sa kabilang bayan. At nangyari ang mangyayari.
Nasabi ng tricycle driver sa madre, “Sister, isusumbong kita kay Father Damaso. Marami ka palang alam na style.”
Nang pauwi na sila ay nagtapat ang tricycle driver. “Sister, may ipagtatapat ako sa iyo. Hindi ako virgin. Sa totoo l’ang tatlong beses na akong nakasuhan ng rape.”
“Susmaryosep!” Nagulat ang madre. Pagkatapos ay sinagot niya ang tricyle driver. “Huwag kang mag-alaala. May ipagtatapat din ako sa iyo.”
“Ano ‘yon, sister.”
Sabi ng madre, “Hindi ako totoong madre. Nakasuot ako ng madre dahil papunta ako sa costume party.” Nangingiti ang madre. “Saka isa pa, ang totoo kong pangalan ay Bino.”
Musmos pa si Teresa, halos labing-walong taong gulang pa lamang. Noong Valentine’s Day pinipilit siya ng kanyang binatilyong syota na sila ay mag-date. Malaki ang kursunada niya sa lalaki at sila naman ay dalawang taon nang magkaibigan kung kaya’t pumayag sa date ang dalagita. Dalawang bagay ang ipinayo sa kanya ng lola upang siya ay hindi mabuntis sa pagkakasala at sa bata pang edad. Una, gumamit ka ng aspirin. Pangalawa, huwag mong papayagan ang lalaki na pumatong sa iyo.
Nakikipagkuwentuhan si Teresa sa kanyang matalik na kaibigang babae na si Rita. Ito’y isang araw pagkalipas ng Valentine’s Day.
“Para saan iyong aspirin?” Usisa ni Rita.
“Inilagay ko ang aspirin sa pagitan ng dalawa kong tuhod. Ang sabi ng lola, huwag ko raw pababayaang mahulog ang aspirin.” Paliwanag ni Teresa.
“E, anong nangyari?” Tanong ni Rita.
“Nahulog ang aspirin. Ang hirap gawin iyong sinasabi ni Lola.”
Dagdag pa ni Teresa. “Pero iyong pangalawa niyang payo ay sinunod ko. Hindi ako pumayag na si Edgar ay pumatong sa akin. Ako ang pumatong sa kanya.”
Laman ng simbahan ang dadalawampuing dalaga na si Ditas. Siya ay nagsisimba araw-araw at kabilang sa mga ibang babae na taga-bayan na nag-aayos sa simbahan at kusang-loob na tumutulong sa pari. Kung kaya’t kilala siya ni Father Damaso. Sa totoo l’ang ay may interes sa kanya ang pilyong pari.