Kate At Trish

Matagal nang magkasama sila Kate at Trish, mula pa nung kolehiyo ay magkaklase na sila at nang kapwa magkatrabaho ay napagkasunduang maghati sa isang Condominium Unit. Sa simula pa lamang ay alam na ni Trish na may pagtingin sa kanya si Kate pero nauna na niya itong tinapat na hanggang pagiging magkaibigan lang ang magiging turing nya kay Kate. Masakit man sa loob ay tinanggap ni Kate ang pasya ni Trish at nagkasya sa pagiging kaibigan nito. Sapat na ang sitwasyong kahit papaano ay kapiling naman nya ang babae. Naging kampante naman si Trish na ginalang ni Trish ang kanyang saloobin at ito ang naging dahilan upang lalo silang naging malapit sa isa’t isa.

May mga pagkakataong nagiging mahigpit si Kate lalo na sa pakikipagkilala ni Trish sa lalake ngunit kadalasan ay tama ang hinala ni Kate dahil sa huli ay lumalabas ang masamang motibo ng mga ito. Iisa lang ang kanilang pakay. Napakaganda kasi ni Trish, balingkinitan ang pangangatawan, malulusog ang dibdib, matambok ang pigi, maputi at makinis ang kutis. Nagtataglay ito ng mahabang buhok na tila kumikinang ang kintab kapag natatamaan ng araw, mapungay ang mata, may matangos na ilong at mapupulang mga labi na tila napakalambot at masarap halikan. Dahil dito ay lalong nabuo ang tiwala ni Trish na kapakanan lamang niya ang iniisip ng kaibigan. May mga pagkakataon naman na nakakakilala sila ng lalaking matino at tanging malinis na pakikipagkaibigan lang ang pakay.

Hindi naman nalalayo sa kagandahan si Kate sa kaibigan. Katunayan ay may mga kalalakihang nakikipagkilala sa kanila na si Kate talaga ang pakay. Ang kaibahan lamang ay maiksi ang kanyang buhok at kayumangi ang kanyang balat. Ngunit talagang pusong lalaki si Kate, si Trsih ang lahat sa kanya, dito na umiikot ang kanyang buhay, ito lamang ang kanyang mamahalin at kailgayahan. Kahit alam nya na di mangyayari ang kanyang hinahanagad ay patuloy pa rin ang kanyang pagmamahal sa dalaga.

Hanggang sa makilala ni Trish si Martin, bagong empleyado sa pinapasukang kumpanya ni Trish. Madaling nakapalagayang loob ng dalaga ang binata at naging madalas na magkasama ang dalawa sa pagkain ng tanghalian. Isang gabing malakas ang ulan ay inalok ni Martin na ihatid ang dalaga na pinaunlakan naman ni Trish. Gusto na rin nyang ipakilala ang lalake sa kanyang matalik na kaibigan dahil napagpasyahan nyang kung liligawan sya ng lalaki ay agad nya itong sasagutin at kung sakali ay si Martin ang kanyang magiging kauna-unahang nobyo.

Inabutan nilang nanonood ng TV si Kate. “Kate meet Martin, officemate ko. Martin this is Kate, my best friend.” Pakilala ni Trish sa dalawa. “Nice to meet you Kate, how are you?” ani Martin at inilahad nito ang kanyang kamay kay Kate. Tiningnan lamang nito ni Kate at muling naupo, ipinagpatuloy ang panonood ng TV. Makikitang seryoso ang ekspresyon ng mukha at animoy galit.

Nakahalata naman ang binata kaya saglit lang ay agad itong nagpaalam. “Trish I’ll get going, lalong lumakas ang ulan baka abutan pa ko ng baha. Bye Kate, nice meeting you.” paalam ng binata na nakangiti.

Walang nagawa si Trish kundi payagan ang binata samantalang inirapan naman ni Kate si Martin. Nang makaalis si Martin ay inis na inis si Trish sa inasal ng kabigan. May nararamdaman na kasi sya sa binata at dahil sa ginawi ni Kate ay malamang na din a maulit ang paghatid nito sa kanya. Galit na hinarap ni Trsih si Kate.

“Bakit mo sinungitan si Martin? Maayos naman syang humarap sa iyo.. bisita ko sya and you don’t have any right to do that!” Nanggagaliiting sabi ni Trish.

“I know, pero di ko maiwasang magalit.” sagot ni Kate. “Di ko maiwasang masaktan kapag nakikita kitang may kasamang lalake.”

“Bakit?” galit pa ring tanong ni Trish.

“Mahal kasi kita Trish, I still have feelings for you at nagseselos ako!” galit na ring paliwanag ni Kate.

“Mahal?” nanggagalaiti paring sabi ni Trish. “How many times do I have to tell you..”

“Na hindi tayo pwede?” si Kate na ang nagdugtong sa sasabihin ni Trish..”dahil pareho tayong babae? Ganun ba?” dagdag naming tanong ni Kate na nangingilid ang luha.

“Oo dahil pareho tayong babae, may pisikal na pangangailangan ako na di mo kayang ibigay. Mahal kita, pero bilang kaibigan at hanggang dun na lang tayo. Sana maunawaan mo ako..” sagot naman ni Trish na naging malumanay dahil bigla syang naawa sa hitsura ng kaibigan. Naiiyak na din sya sa mga pangyayari. Ayaw nyang saktan si Kate dahil mahal nya rin ang babae ngunit di nya makita ang sarili na makipagrelasyon sa kapwa babae.

Masakit para kay Kate ang sinabi ni Trish, nadagdagan pa ito nang di sinasadyang ipamukha ng kabigan ang kanyang pisikal kakulangan bilang tomboy. Wala syang kibong pumasok sa kanilang kwarto. Duon nya ibinuhos ang sama ng loob at umiyak.

Hinayaan ni Trish ang kaibigan at hindi na kinumpronta. Lalong nabagabag ang kanyang loob ng marinig nya ang impit na pagiyak ng matalik na kaibigan. Hinayaan nya si Trish na matulog sa kanilang silid at sa salas na sya natulog.

Lumipas ang ilang araw na walang kibuan ang magkaibigan nagkakasama lamang sila kapag oras na ng pagtulog ngunit pati sa ganoong pagkakataon laging isa sa kanila ang nauunang mahiga at magkatalikod silang natutulog. May araw na inihahatid ni Martin si Trish at pumapasok na lamang si Kate sa kanilang silid upang umiwas.

Makalipas ang isang lingo, napagpasyahan ni Kate na bumukod na ng matitirhan dahil hindi na kaya ng kanyang damdamin ang makitang pagkakalapit ng kaibigan at ni Martin. Naiisip nya na marahil ay matututunan nyang makalimutan si Trish kapag di na sila madalas magkita. Gusto rin sana nyang mapanatili ang kanilang pagkakaibigan pero sobra nang masakit at masama na ang nagiging epekto nito sa kanyang sarili.

Nung gabing iyon hinintay niyang mahiga si Trish at kanyang kinausap. Ipinaliwanag nya ang kanyang desisyon para sa ikatatahimik ng kanilang kalooban at nang makapagpatuloy sila ng kani-kanilang buhay.

Habang nakikinig si Trish sa sinasabi ni Kate ay unti-unti syang napaiyak. Di nya akalain na ganun na pala ang paghihirap ng matalik na kaibigan. May…