Tahimik lang ako, di ako basta basta magkagusto ng babae, seryoso ako masyado, makaluma ang gusto kong estilo at ibang klaseng babae ang gusto ko. Kaya kahit maraming humanga sa’kin na kaklaseng babae, ilag din sila sa’kin dahil di ako namamansin. Dito kay Ma’am bumabaling isip ko kaya lalo kong ginalingan pag-aaral ko lalo na sa subject niya. Pansin naman ni Ma’am ang aking talino at lagi niya akong mino-motivate na mag-aral. Lingid sa kaalaman niya, makita ko lang siya ay sobra na ang motivation ko.
Tinatago ko lang ang attraction ko kay Ma’am, pero nahalata rin ito ng kaklase ko kaya kinakantiyawan ako. Medyo nahalata nga rin ata ni Ma’am na may tinatago akong pagtingin sa kanya. Nung 4th year high school ako, siya ang naging class adviser namin kaya lalong lumakas motivation kong mag-aral. Tatlo kaming honor students na mini-mentor ni Ma’am for writing and journalism. Of course naman, ganado ako lagi at grabe ang saya na makita ko at malapitan si Ma’am araw araw at makausap. Sa tatlong mini-mentor, pansin kong ako ang pinaka favorite ni Ma’am. Siguro dahil ako rin ang candidate for valedictorian at magkasundo kami sa usapan especially academic matters and social issues at yung usapang may kabuluhan. Dun ko rin sekretong inalam ang mga gusto ni Ma’am. Unti unti ko ring nakilala ang pagkatao niya.
Habang naging malapit ako kay Ma’am lalong tumindi naman ang pagkagusto ko sa kanya. Naisipan kong gamitin ang talent kong magsulat para unti unting ipaalam kay Ma’am ang nararamdaman ko. Sinimulan kong sumulat ng short notes like poem or articles about love and admiration to someone from Monday to Friday. Nilagay ko ito sa table niya bago pa siya pumasok sa room. Kaya lagi akong maaga sa school. Hanggang sa sinamahan ko na rin ito ng bulaklak. Di ko lang alam kung anu ang dating nito kay Ma’am kasi tahimik lang siya. Pero siguro naisip niya na galing ito sa isang estudyante na humahanga sa kanya.
Ginawa ko yun halos buong school year. Pinagtiyagaan ko talaga. Nung malapit na ang graduation, meron kaming recollection. Isa sa tanong ay yung sabihin kung sino ang pinaka ‘special person’ sa buhay mo dito sa school. Parang chance namin na sabihin kung anung nasa puso namin. At dun na ako nagsabi na ‘crush ko si Ma’am’. Ngumiti lang si Ma’am, tumingin sa’kin at yumuko. Siguro naisip niya na ako ang nagpadala ng mga notes at bulaklak sa kanya araw araw.
After graduation, nag-isip na akong i-invite si Ma’am for dinner para sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Matagal ko yung pinag-isipan at humugot ng lakas ng loob para magawa ko pero natatakot pa rin talaga ako. After one month, nakapagpasya na akong gawin ko na kung anung nasa puso ko. Ready na sana akong sabihin kay Ma’am ang aking naramdaman ngunit nabalitaan ko na lamang na ikakasal na siya. Parang gumuho ang mundo ko. Para akong lumutang at nanliliit sa nalalaman. Ang sakit ng naramdaman ko at di ko maiwasang magalit kay Ma’am. Kaya never na talaga akong nagpakita at nagparamdam sa kanya.
After one year, dinaramdam ko pa rin ang nangyari, ngunit nabuhayan akong muli nung nabalitaan kong nakipaghiwalay si Ma’am sa kanyang asawa. Kahit nalaman kong meron siyang isang anak, di na ito mahalaga sa’kin. Ang importante may pag-asa akong ipaalam kay Ma’am ang naramdaman ko sa kanya. At sa puntong ito, desidido na akong ligawan siya.
Ginawa ko ulit ang ginagawa ko dati. Sumulat ulit ako ng mga short love notes na may kasamang bulaklak at nilagay ko sa table niya. After 3 months, nagpakita na ako sa kanya.
“O, nabuhay ka ata. Tagal mong naglaho!”
Ngumiti lang ako at binati si Ma’am.
“Pasensiya na po Ma’am. Kung ok lang po sa inyo, gusto ko sana kayong imbitahan ng dinner.”
“Really? Naku, baka awayin mo lang ako. Galit ka ata sa’kin.”
“Di naman po Ma’am. Magpapaumanhin na lang din po ako.”
“Ok sige, pagbigyan kita kasi ang tagal mong nawala. Kelan ba yun?”
“This weekend po Ma’am.”
Sa dinner namin ay sinabi ko sa kanya lahat, kung gaano siya ka special sa’kin at kung anu ang naramdaman ko nung nag-asawa siya. Na grabe ang sakit na dulot nun sa’kin nung nalaman kong ikakasal na pala siya. Kaya di ko siya inimik at pinansin.
Sinabihan naman niya ako bakit di raw ako nagsabi sa kanya. Sabi ko naman dahil dinaig ako sa takot at hiya. Sinabi ko na rin kay Ma’am na ako yung gumawa ng love notes na binigay sa kanya na may kasamang bulaklak.
“Alam kong ikaw yun, kasi walang makasulat ng ganun kaganda dito. Bilib din ako sa sikap at sipag mong gawin yun.”
“Thank you po Ma’am.”
“Bakit mo ginawa yun?”
Natameme ako sa tanong ni Ma’am at parang binusalan ang bibig ko.
Natapos ang dinner namin na di ko nasabi ang gusto ko sanang sabihin sa kanya. Pagdating sa bahay, ang bigat ng pakiramdam ko. Kaya nagdesisyon akong i-beeper si Ma’am.
“You’re the only one who is so special to me. This night is the most beautiful night because I’m with you. I’m in love with you Ma’am. I love you.”
“Make sure you understand what you’re saying.”
Ito lang ang reply niya.
Pagkatapos nun ay araw araw kong sinusundo si Ma’am at binitbitbit ang mga gamit niya at inihatid sa kanila pero hanggang labasan lang ako. After weeks na ginawa ko yun ay niyaya na niya akong pumasok sa apartment niya. Nakilala ko anak niya at ang yaya nito. Ganun ang takbo ng panliligaw ko kay Ma’am sa loob ng halos tatlong taon. May panahon ring magdinner kami sa labas at nag-uusap. Palaging maganda at makabuluhan ang usapan namin. Marami rin akong natutunan sa kanya.
Isang araw habang hinahatid ko si Ma’am at pinapasok ako sa loob. Naabutan ako ng asawa niya dun sa loob ng bahay. Nagalit ito at sinabi niya kay Ma’am,
“Wag kang maglandi sa harap ng anak mo. Itong lalaki na to ang pinalit mo sa’kin?”
Tahimik lang si Ma’am. Tapos pinalayas ako ng asawa niya.
Napahiya ata si Ma’am nun at nagalit. Pagdating ko sa bahay, nag message siya at nagsorry. Tapos sabi niya magkita raw kami bukas. At nung nagkita kami, sinagot niya ako. Naisip ko, siguro gusto niyang panindigan ang sinabi ng asawa niya. Sobra ang saya ko. Very memorable yun, kasi pagkahatid ko sa kanya after dinner, pagbaba ng taxi, hinalikan niya ako sa pisngi at sinabing:
“Good night honey.”
Di ako nakapagsalita.
“O anu? Bakit natulala ka. Ayaw mo?”
Niyakap ko si Ma’am ng mahigpit. Tapos nag kiss kami sa lips, dampi lang, hinawakan niya ako sa mukha, ngumiti at sinabing:
“I love you.”
Tapos umalis na siya at pumasok sa bahay. Naiwan ako sa labas, nakatayo at di makapaniwala sa nangyari. Di ako nakatulog sa gabing yun sa kakaisip sa n…