Kaulayaw

Marso 28, 2016, kakagraduate ko lang ng junior high school.

Ang mga kasabayan ko ay excited na sa kanilang summer vacation. Ang iba ay nasasabik ng mag-aaral ng senior high school subalit iba naman ang nagpapasabik sa akin. Makikita ko na naman ang lalaking kaulayaw ko nitong nakaraang mga summer vacation.

Ako si Agnes, 19 na taong gulang. Nasa college na sana ako kung hindi lang ako naulila. Tatlong taon na ang nakalipas ng namayapa ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente. Mapalad naman ako at kinupkop ako ng aking dalagang tiyahin na si Paula.

Dahil sa wala naman siyang anak, itinuring na niya akong tunay na anak. Ni minsan ay hindi niya pinaramdam sa akin na ako ay nag-iisa. Nangungulila man ako sa aking mga magulang ngunit napupunan naman ito ng aking tiya.

Kinabukasan maaga akong gumising. Naghanda ng agahan at nagsimulang magwalis sa bakuran. Labis ang aking galak dahil bukas ay darating na si Anton. Siya ang lalaking nagpapagising sa aking diwa at puso – maging ng aking natatagong libog.

“Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin”, aking himig habang nagwawalis.

“O, ang saya-saya mo ata Agnes!”, sabi ng tiyahin ko.

“Si Tiya naman! Bakit masama bang kumanta habang nagwawalis?” sagot ko naman.

“Hindi naman. Nakakapanibago lang kasi. Dati-rati ay hindi ka naman humuhuni habang nagwawalis eh”, sabi ni Tiya Paula.

“Wala lang Tiya. Magaan lang ang pakiramdam ko. Akalain mo bang natapos ko na rin ang Junior High School ko.” sabi ko kay Tiya subalit nasasabik lang talaga ako sa pagdating ni Anton lalo na at pinadalhan niya ako ng larawan ng kanyang hubad na katawan kagabi sa messenger.

“Sabi mo eh. O siya anong plano mo ngayon? Sa siyudad ka ba talaga mag-aaral?” tanong ni Tiya.

“Dito nalang siguro tiya, para may makasama ka”, sagot ko naman.

“Okay lang sa akin kung doon mo nais mag-aral. Maari ka naman umuwi dito tuwing Sabado. Tatlo at kalahating oras lang naman ang byahi.” saad niya.

“Pag-iisipan ko po Tiya. Siyanga pala tiya nakapaghanda na ako ng agahan. Ihahanda ko na lang ang mesa.” tugon ko.

“Mabuti naman kung ganoon at ako’y gutom na rin.” sabi niya.

Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang kumare niyang taga simbahan. Di nagtagal nagpaalam ang tiyahin ko.

“Agnes, may biglaang lakad ako. Hindi daw tutuloy si Anita doon sa seminar. Ako ang ipinalit. Dalawang araw akong mawawala. Heto, ang perang magagamit mo habang wala ako,” sabi ng tiya. ” Aalis na ako dahil ngayon ang unang araw ng pagtitipon. Masyado na akong late.

“Ganoon po ba Tiya?,” sagot ko na may bahid ng lungkot ang boses. ” Mag-ingat po kayo Tiya.

Ang totoo niyan mas lalo akong nasabik. Isang napakalaking blessing na ako lang mag-is…