Ang karugtong…
Matapos ang isang araw na pagkasuspindi ng klase ay balik-aral na ulit ang mga estudyante sa paaralan. Kontrolado naman ang baha sa labas dahil maayos naman ang flood control system doon. Kaya naman maayos ang paglalakad ng mga tao doon.
Mag-uumpisa na ang klase para sa first period. Dumating na rin ang guro nilang si Miss Coleen at nagbigay siya ng isang mahalagang anunsiyo para sa kanyang mga estudyante.
“Good morning once again, my dear students. Before I’ll begin the discussion for today, meron lang akong isang mahalagang anunsiyo para sa inyong lahat.” sabi ni Miss Coleen. Nag-uusap-usap ang ibang mga estudyante kung ano ba ang anunsiyong ito.
“This coming July, we will have our senior high ball.” anunsiyo ng guro.
Nang marinig ng mga estudyante ang anunsiyong ito ay makikita sa mga mukha nila ang kaba, saya at excitement. Lalo na ang mga kabarkada ni Angela na sina Kyzha at Gwen.
“I knew it! May sayawan ngang magaganap! Grabe, I can feel the excitement!” masayang wika ni Kyzha.
“Me too! Nakapili na rin ako ng partner para sa sayaw,” sabad ni Gwen.
“Hmm… Let me guess… Si Alfred, di ba?” si Kyzha.
“Exactly! How about yours?” si Gwen.
“It’s either si kuya Mich or si kuya Batit na taga-ibang section.”
“Wow! That’s smart! Basta behave ka lang doon ate ha? Baka mamaya, eh may something na mangyayari…”
Agad nakuha ni Kyzha ang ibig sabihin ni Gwen at binatukan nito ang kaibigan. Napasigaw naman si Gwen sa sapak ni Kyzha.
“Aray naman, ate Kyzha!”
“Ikaw talaga Gwen ha… Oo na. Magbi-behave lang ako. You’re so dirty-minded…” At nagtawanan ang dalawang dalaga sa kanilang kantyawan.
Ilang saglit pa’y may karagdagan pang anunsiyo si Miss Coleen. “During the ball, may pageant ring magaganap doon. Kailangan natin ng dalawang representatives para sa Mr. and Miss Senior High 2019. By track ang competition na ito, and we need one boy and one girl to represent our section.”
Napansin nina Kyzha at Gwen na tahimik lang na nakikinig si Angela sa anunsiyo ng kanilang guro. Marahang tinapik ni Kyzha si Angela sa balikat at kinausap niya ito.
“Angela girl. You’re the easy choice to represent our section.” wika ni Kyzha.
Ngunit parang hindi naman interesado si Angela. “No, not me. I’m not that pretty, you know?”
“Girl naman, sure win na ito sa atin kung ikaw ang manok natin! Look at you; your beautiful face and your wide knowledge of everything can do wonders!” kantyaw ni Kyzha.
“Thank you for that compliment, Kyzha. But still, I’m not joining.”
“Eh what if kung ikaw ang mapili? Kokontra ka pa ba?”
Hindi makasagot si Angela. Maganda naman ang mukha niya at suwabe ang hubog ng kanyang katawan. May angking talino naman siya. Pero sa isip ng dalaga, sasali lang siya kung mapipili si Lance.
“Then guess I have no choice…” may pag-aalinglangang sabi ni Angela. Natuwa naman si Kyzha nang sabihin ito ng kaibigan.
“Nandito lang naman kami at mga classmates natin para suportahan ka. You can do this, girl!” si Kyzha.
Ilang saglit pa’y natahimik ang mga estudyante dahil mag-aanunsiyo na si Miss Coleen kung sino ang mga magiging representatives ng section nila.
“So class. The representatives for our section for the Mr. and Miss Senior High 2019 are… Mr. Lance Justin Carr and Miss Lallaina Ashley Del Mundo.”
Nagpalakpakan ang mga estudyante sa anunsiyo ng kanilang guro. Natuwa naman sina Kyzha at Gwen nang marinig nila ang mga pangalan ng kanilang mga pambato sa pageant.
“Lance and Ashley?!” wika ni Kyzha. “Now that’s a heavenly match!”
“Exactly, ate! I sincerely hope that they will win this!” sabad naman ni Gwen.
Nang marinig ni Angela ang mga pangalan nina Lance at Ashley ay magkahalong emosiyon ang nararamdaman niya ngayon. Masaya siya dahil hindi siya ang napili at hindi na niya kailangang maging self-conscious sa sarili. Nalungkot din siya dahil si Ashley ang napili maging partner ng kanyang boyfriend na si Lance.
Suma total, emotionless si Angela ngayon. Ngunit hindi rin niyang maiwasang mag-alala para sa nobyo niya. Pumasok kasi sa isip niya na baka magkaroon sila Lance at Ashley ng affair habang nagre-rehearse ang dalawa.
Pero agad namang inalis ni Angela ang pag-alala, at sa halip ay hiniling na lang niya ang lahat ng best nila.
“Ashley, take care of my baby boo, okay?” wika ni Angela sa sarili. “I sincerely hope that nothing bad will happen to the both of you…”
Samantala, si Lance nama’y naghalo rin ang kanyang mga emosiyon. Masaya siya dahil makakapares niya si Ashley at may pagkakataon ulit silang magkasama at magkausap kahit ilang araw na silang hindi nagkakamustahan sa isa’t isa. Nalungkot din siya dahil hindi ang kasintahan niya ang napili.
Napansin din ni Lance na bakante ang upuan ni Ashley. Kailangan niyang gumawa ng paraan para sabihin sa dalaga na siya ang napili ng section nila para sa pageant. Ngunit hindi pa siya sigurado kung masasagot pa ba ni Ashley ang mga tawag niya o hindi.
Nakita din ni Angela na wala si Ashley sa loob ng classroom. Ang hinala niya ay baka nagtatambay ulit ito sa library, tulad ng nakasanayan nitong gawin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tumunog na rin ang bell, hudyat ng breaktime nila. Isa-isa nang lumabas ang ibang estudyante pero naiwan sa loob si Lance. Sa puntong ito ay nag-dial ang binata sa numero ni Ashley; nagri-ring lang ang kabila.
“Please, Ashley… I need you to answer my call…” ang nasambit ni Lance.
Ilang saglit pa…
“Hello?” tunog ng kabilang linya.
Napabuntong-hininga si Lance nang narinig niya ang pagsagot ng kabila.
“Hi Ashley. We need to talk.”
“Talk about what?” wika ni Ashley na nagtataray. “You dumped me for someone else, remember?”
“Now calm down, Ashley; this isn’t the time for that.” kalmadong sagot ni Lance. “This is an urgent one, so please listen to me. Just this time.”
“Okay. Go on.” nonchalant na sagot ni Ashley.
“The senior high ball is on the next month already. And hear this, there’s also a pageant called Mr. & Miss Senior High 2019.”
“Oh. Really?” sabi ni Ashley. “What’s so special about it?”
“You’ve been chosen to represent our section, Ashley. I’m not kidding.” sabi ni Lance na may halo nang pagkaseryoso. Tahimik lang si Ashley nang marinig niya ang balita.
“And I’ll be your partner for the pageant. Which means…”
“…you and I will be together again?” sabad ni Ashley. “Wow, Lance. That was unexpected!”
“You can say like that, but we need to be professionals here. Baka mapagkamalan pa tayong magkasintahan if maglalandian tayo while on set.”
Natawa naman si Ashley. “Of course, I’m a professional! We need to be careful not to fall in love. Naka-move on na ako, Lance.”
“Yeah I know. But promise me that we’ll still be friends. Okay?” ani Lance.
“I won’t break it. After all, you’re still my closest friend.” bigkas ni Ashley.
“Thank you. You need to come to school tomorrow. We still have more to talk about.”
“Okay. I won’t let you down. I’ll be seeing you.” wakas ni Ashley at ibinaba na ang telepono.
Nakaramdam naman ng pagluwag ng hininga si Lance dahil nagawa din niya ang kailangan niyang gawin. Masaya naman siya dahil makakasama ulit niya ang kanyang pinaka-close friend niya.
Kahit sinabi na ni Lance na hanggang kaibigan lang ang puwedeng maatim nilang dalawa ay nakaramdam din siya ng kaunting pagsisisi dahil hindi siya nagdadalawang-isip kung dapat ba niyang sabihin iyon o hindi.
“Ang tanga-tanga ko,” bigkas ni Lance sa sarili. “I should have not said that in the first place. How stupid am I…”
*****
Usap-usapan ng mga estudyante ang senior high ball sa buong campus. Kahit saan mang sulok ng paaralan ay ito lang ang tanging pinag-usapan ng mga mag-aaral at maging ang mga propesor.
Maging sa kabilang campus ay usap-usapan din ang nakatakdang senior high ball ng paaralan. At ang mga Prima Donnas na sina Jillian, Sofia at Althea ay pinag-usapan na rin ito.
“I’m really excited for the ball. Weehee!” masayang wika ni Althea. “It’s my time to be wild and free!”
“Calm yourself down, Thea.” pigil ni Sofia. “Remember, this is a formal event and not a night of partying, di ba?”
“So what?” pagtataray ni Althea. “If there’s a night of dancing, then that’s the time to be free!”
“Yeah, yeah…” ang nasambit na lang ni Sofia. “Basta nandito lang si Will sa tabi ko, okay na ako.”
Ilang saglit pa’y dumating ang nobyo ni Sofia. “I heard that!” wika nito.
“Hi Babe!” bati ni Sofia sabay halik sa labi ni Will.
“What’s up, my dear Sofie?” sabi ni Will. “Are you hungry? I’ll treat you to lunch.”
“Sure thing, my boy.” masayang sagot ni Sofia at nagpaalam na ang dalaga sa mga kasama niya para sumama kay Will sa cafeteria.
Nagkatinginan sina Althea at Jillian habang pinagmasdan ang landian ng magkasintahang Sofia at Will.
“You know what, naiingit na rin ako kay Sofie. She’s lucky that she’s found someone like him. I’m jealous!” si Althea.
“Just let them be, Thea. Makakahanap ka rin ng makakasayaw sa ball.” wika ni Jillian.
“What if ikaw na lang ang makakasayaw ko? How about that, Jill?” tanong ni Althea.
“Hahaha!” tawa ni Jillian. “Wag ako, Thea. May partner na ako.”
“I know who. Si Tan ba yun?”
Tumango si Jillian. Napangiti naman si Althea at masaya ito para sa kaibigan.
“Wow! I’m so happy for you. Mukhang ako na lang ang walang partner sa sayawan. Nakakainggit tuloy kayo!”
Pinakalma naman ni Jillian ang kaibigan. “There’s no reason for you to be jealous. Makakahanap ka rin ng makakapares mo. Trust me.”
Nakita ni Jillian si Tan na napadaan sa campus nila. Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan.
“Thea, I’ll be right back. I need to see someone.” paalam ni Jillian.
“Okay, Jill. Take your time, girl!” sagot naman ni Althea at tuluyan nang lumisan ang kaibigan niya.
Samantala, muling nagtagpo ang landas nina Jillian at Tan. Namangha naman ang binata nang makita ang pinsan.
“Oh Jillian. I’m busy today. Mamaya na lang tayo mag-usap.” wika ni Tan.
“Kuya Tan… I just wa…