Ang karugtong…
Isa na namang panibagong araw ng klase sa paaralan. Oras ng breaktime at kahit sa susunod na buwan pa ang senior high ball ay nag-practice na sina Ashley at Lance ng kanilang contemporary dance. Si Angela ang nagsilbing instructor ng magkapares dahil nagkataon ay malawak ang kaalaman niya sa mga sayaw.
Todo ensayo sina Ashley at Lance para sa kanilang “intimate dance”. Habang pinagmasdan ni Angela ang dalawa ay kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ng dalaga. Napigilan naman ni Angela ang nararamdamang selos sa sayaw nina Ashley at Lance. Mapanuri niyang pinagmasdan ang bawat galaw at hataw ng dalawa.
Natapos ang tugtog ng sayaw at ngumiti sina Ashley at Lance sa isa’t isa. Pumapalakpak naman si Angela sa naging performance ng dalawa.
“Good job, guys. You did your best!” puri ni Angela sa dalawa. “That’s it for now, guys. Mamayang hapon ulit tayo mag-practice.”
Ilang saglit pa’y nagpahinga na sina Ashley at Lance. Napansin ng ibang kaklase na tila lumalayo sila sa isa’t isa. Napansin din ito ni Angela at naghanap ng pagkakataon para makausap si Ashley.
“Ashley.” wika ni Angela. “Can we talk for a while?”
Humarap si Ashley kay Angela at ngumiti. “Sure. What’s on your mind?”
Gumanti ng ngiti si Angela. “Gusto lang kitang kausapin, Ash. About you and Lance.”
“Oh? About Lance? We’re in good terms naman, although hindi na kami masyadong nag-uusap. Kasi I knew already that you’re his girlfriend already. Right?” si Ashley.
Tumango si Angela. “Gusto lang nating pag-usapan ang tungkol kay Lance. Parang nag-iiba na ang feeling niya sa atin. Pakiramdam ko, nao-awkward na siya sa situation natin.”
Naintindihan naman ni Ashley ang mga saloobin ni Angela. “I understand naman what do you mean. I’m still friends with Lance, and I already knew that his heart belongs to you. Pero pakiramdam ko, he still has feelings for me.”
“He still does?” tanong ni Angela.
Tumango si Ashley. “But that was then. Now I couldn’t just simply reciprocate his love for me. I think Lance was right that he told me that we should stay as friends.”
“I understand. Hindi ka ba nasaktan nung sinabi sa’yo ni Lance yun?”
“No. It was completely fine to me. But—” Naudlot ang dapat sanang sabihin ni Ashley dahil biglang tumulo ang mga luha niya. Dinamayan naman siya ni Angela.
“It’s okay, Ashley. It’s okay. There, there.” wika ni Angela habang hinahaplos niya ang buhok ni Ashley.
“Lance was a good friend to me. He was so very sweet. And I’ve got to admit, I loved him.” sabi ni Ashley na humihikbi.
“Don’t worry, Ashley. I already know that you don’t have feelings for Lance anymore. Kung ako ang tatanungin mo, you and Lance should talk about it. Tell him that you cannot reciprocate his love anymore dahil ako na ang girlfriend niya.”
Tahimik lang si Ashley.
“Ang gusto ko lang sanang mangyari, eh sana maging malapit na ulit kayo sa isa’t isa,” patuloy ni Angela. “Lalo na’t magkapartner pa naman kayo sa Mr. and Miss Senior High, at nakikita ko, parang nao-awkward kayo sa isa’t isa.”
“Angela…”
“I should tell Lance about it. Para naman eh, hindi pa maglaki ang isyu na to. And don’t worry, Ashley. I’ve got you covered.” si Angela.
“Thank you, Angela… Thank you.” si Ashley.
Marahang hinaplos ni Angela ang likod ng kaklase. “Kakausapin ko si Lance tungkol dito. I just want you both to give your best sa darating na pageant. If magkaroon man kayo ng affair na hindi ko alam, I won’t be mad at you naman.”
Dahan-dahang tumango si Ashley. “Maybe you’re right. If may mangyayari man sa amin, I should get away from it as soon as possible. You know naman siguro na kaibigan lang ang tingin ko kay Lance, di ba?”
“Exactly.” pagsang-ayon ni Angela. “Now I wish you the best for the pageant. I sincerely believe that if you work together, you can win this.”
“Thank you.” At muling nagyakapan nang mahigpit sina Ashley at Angela. Ilang saglit pa’y dumating na ang guro nila sa susunod na subject. Kanya-kanya nang balik ang mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan.
Bago bumalik si Ashley sa kanyang upuan ay napasilip ito kay Angela at ngumiti dito.
“Angela is a good girl pala. Hindi naman siya mataray, after all.” isip ni Ashley.
Sa isip naman ni Angela…
“Hindi naman pala masungit si Ashley. Mature pala ang mindset niya, and she can handle tough situations easily. She’s the girl that I adore the most.”
*****
Sa classroom naman ng GAS, nagpa-plano pa ang mga kaklase ni Tan patungkol sa magiging performance ng mga representatives nila sa nalalapit na pageant. Sina Tan at Yen ang mga manok ng kanilang section.
Nagtitipon-tipon sina Tan, Yen, Batit at Sheena tungkol dito. Pumuna si Batit na mag-perform silang dalawa ng duet performance.
Nang narinig ni Tan ang suggestion ni Batit ay naging hesitant siya. “Tol, alam mo naman na hindi ako singer, di ba?” wika ni Tan.
“Huwag kang mag-alala, tol. Tutulungan ka naman ni Yen.” si Batit. “She’s got your back when it comes to singing.”
“And if we all work together, maipapanalo pa nila ang pageant. Don’t you agree?” wika naman ni Sheena.
Sumang-ayon ang iba pang mga kasama, pati na si Yen.
“Tan, para ito sa pagkapanalo natin. I’ll help you naman. I’m a natural-born singer.” sabi ni Yen.
Gustuhin man niyang tumanggi ay tumango na rin si Tan. “Fine. But don’t blame me if hindi tayo mananalo sa pageant, okay?”
“Do your best lang, tol.” wika ni Batit. “Kahit hindi man kayo manalo, at least you did your very best naman.”
Tumango si Tan. “Okay. It’s settled, then. Ako na ang bahala sa magiging song choice namin.”
“Okay, tol. We’re counting on you!” wakas ni Batit.
Ilang saglit pa’y lumayo na sina Batit at Sheena sa grupo. Nang naiwan sina Tan at Yen ay agad nilang sinimulan ang pagpili ng kanilang aawitin.
“So Yen.” wika ni Tan. “Most probably, dapat duet song ang kantahin natin doon.”
“Yun nga din ang naisip ko eh.” bigkas ni Yen. “Sino ba ang pipili?”
“Ikaw na lang siguro. Tutal ikaw naman ang nakaalam. Baritone lang kasi ang voice range ko.”
“Sige. Magse-search na lang ako sa Google.”
Habang nagtutulungan sina Tan at Yen sa paghahanap ng kakantahin nila para sa pageant, sa labas naman ng classroom ay naroon sina Jane de Leon at Bianca Yao. Nakita ni Jane sina Tan at Yen na magkasama.
“Girl! May panibago na namang babae si Tan oh…” wika ni Jane.
“Kumalma ka na nga, girl!” sabad ni Bianca. “Ni-reject ka na nga ng tao, tapos balik ka pa rin ng balik? Naku, sinasabi ko na sa’yo. Nagmumukha ka nang linta sa ginagawa mo.”
“Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. At hindi ako titigil hanggang mapasaakin ulit ang Tan na yan.” si Jane.
“Bahala ka na nga! Hindi ka na nga gusto ng tao, tapos susubok ka ulit na landiin siya? Girl, kahit ano pang gagawin mong paglalandi sa kanya, hindi ka niya magugustuhan. Kung ayaw mong maniwala sa akin, bahala ka na.” At lumakad na palayo si Bianca at iniwan na ang kaibigan.
Tumatak ang mga salita ni Bianca sa isip ni Jane. Ngunit determinado pa rin siyang makipag-balikan kay Tan kahit hindi interesado ang binata sa kanya. Si Tan lang talaga ang laman ng puso’t damdamin ni Jane. Kahit may ibang nanliligaw sa kanya, tinanggihan niya silang lahat.
“Humanda ka ngayon sa akin, Tan Roncal. Dahil darating din ang araw na mapapasakin ka na ulit.”
*****
Sa cafeteria naman ng paaralan ay muling magkakasama ang tatlong Prima Donnas. Pinag-uusapan ng tatlo ang mga magiging kapares nila sa darating na Senior High Ball. Nailahad na rin ni Althea sa mga kasama ang magiging kapartner niya sa sayawan.
Ipinakita ni Althea ang picture ng lalaki kina Jillian at Sofia. “That’s him. Si Migo. Ang partner ko.”
Namangha si Sofia. “You mean si Migo Adecer? Yung taga-ABM?”
“Bingo!” natutuwang sabi ni Althea. “Siya na mismo ang nagyaya sa akin. At um-oo agad ako!”
“Wow… That’s great!” wika ni Sofia. “May partner na rin tayo. Wait… Si Jillian na lang ang walang partner sa atin.”
Kinausap ni Althea si Jillian na tahimik na pinagmasdan ang paligid ng cafeteria.
“So nakahanap ka na rin ba ng partner mo, Jill? Ikaw na lang ang walang dance partner.” si Althea.
“So far, wala pa.” bigkas ni Jillian. “Makakahanap rin ako. Huwag niyo lang akong madaliin. Nape-pressure tuloy ako sa inyo.”
“Hmmmm. I see. Bibigyan na lang kita ng kapartner. What do you say?”
Umiling naman si Jillian. “No thanks. Marunong din kaya ako maghanap, no!”
“Sige…