Ang karugtong…
Nagpatuloy ang mainit na bangayan nina Ashley at Jane sa cafeteria ng paaralan. Di nagtagal ay nauwi din ito sa matinding sabunutan at sapakan.
“Arrrghh! Let me go! Ano bang problema mo!” bulalas ni Ashley habang sinabunutan siya ni Jane.
“Ikaw kasi! Bakit nakikiagaw ka kay Tan! Mahal ko siya, di ba?” si Jane habang nagpatuloy pa rin sa pagsabunot kay Ashley kahit napahiga ito sa sahig.
Sumama na rin sina Angela at Lance para ilayo si Ashley kay Jane. Nagawa naman nilang hilain ang kaklase nila palayo. Napalahaw si Ashley sa sakit dulot ng matinding paghila ni Jane sa kanyang buhok.
“There, there. You’re safe now.” sabi ni Angela. “Nasaktan ka ba?”
Ang dating straight na buhok ni Ashley ay masyado nang kulot ngayon. Hinaplos naman ni Angela ang likod ni Ashley bilang pagdamay sa kasama.
Tumulong naman si Lance sa pag-alalay kay Angela para maiupo si Ashley pabalik sa kanilang table. Samantala, parang hindi pa yata tapos si Jane. Mabilis siyang lumapit sa table at muling sumubok na sabunutan ang karibal.
Ngunit si Lance na ang pumigil sa dalaga. Isang marahang sampal ang binigay niya dito.
*PAK!*
Namangha naman si Angela sa ginawa ng nobyo. Ngumiti naman sa kanya si Lance.
“Don’t worry, my boo. I’ve got this.” wika ni Lance.
Tumango naman si Angela at dinamayan si Ashley.
Matapos masapak si Jane ni Lance ay nagulat siya. “And who the hell are you?! Bakit ka nakisawsaw sa bangayan namin ni Ashley?!” sigaw ng dalaga.
“Excuse me, miss; I’m one of Ashley’s friends. Kaya ako nakisawsaw kasi sinaktan mo ang kaibigan namin! Ano ba kasi ang problema mo sa kanya?” tanong ni Lance.
“Wala ka nang pakialam.” tugon ni Jane. “Basta tandaan niyo ito: hindi pa ako tapos sa Ashley na yan! Sisiguraduhin kong hindi mapapasakanya ang lalaking inagaw niya sa akin!”
Tila naguguluhan si Lance sa nasambit ni Jane. Pati si Angela ay walang ideya kung sino nga ba ang lalaking “inagaw ni Ashley”.
Tiningnan ni Jane si Ashley nang matalim bago ito naglakad palayo. Nakatingin ang ibang mga estudyante sa kanya. Halos punit-punit na ang uniporme nito at punong-puno na ng buhanghang ang buhok nito. Pagalit naman niyang sinigawan ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya.
“What’s with the stare?!” sigaw nito. “All of you, go back to your tables right now!!”
Nang nakalabas na ng cafeteria si Jane ay patuloy pa rin ang pagtingin ng mga estudyante sa kanya. Agad napansin ng iba ang messy na pagkaayos ng buhok nito. Pinag-usapan naman ng iba ang nabalitaang eksena kanina sa cafeteria. May dalawang tsismosang estudyante pa ngang pinag-usapan siya.
“Grabe naman siya; hindi na nga siya gusto ng lalake, pinilit pa niya ang sarili. Kawawa naman yung tao…” sabi ng isa.
“Oo nga, kahit ako nga’y naiirita na rin ako sa malanding babae na yan. Sarap sabunutan sa ulo!” sabad naman ng ikalawa.
*****
Tanghali na at oras na ng uwian ng mga estudyante. Usap-usapan sa buong paaralan ang nangyaring kumprontasiyon nina Ashley at Jane kanina sa cafeteria. Dahil dito ay pinatawag sila ng mismong presidente ng paaralan sa kanyang opisina.
Nalaman ni Tan ang tungkol sa balita mula kay Yen. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang practice para sa pagkanta nang nakarating ang balitang iyon sa kanila. Nakaramdam siya ng galit nang malamang sinaktan ni Jane si Ashley habang kumakain ang huli sa cafeteria.
“I knew it! Set-up na naman niya ito para makipagbalikan kami. She’s crazy as hell!” wika ni Tan na nangangalaiti na sa galit.
Pinakalma naman siya ni Yen. “Oh. Easy, easy. Kumalma ka, baka magka-high blood ka pa.”
“Matagal ko na nga siyang binasted, pero wala eh. Balik pa rin ng balik. Sino ba namang hindi maiirita dun?” wika ni Tan.
“Maybe she did it dahil mahal ka niya?” usisa ni Yen.
“Wala akong gusto kay Jane. Alam mo naman yun, di ba?”
“Oo naman. Nabalitaan ko, eh isa siya sa tinaguriang ‘dirty little bitches’ ng mga taga-college.”
“Hmph. Hindi naman ako mabibigla. Hindi lang naman siguro ako ang nilalandi nun. Well, kailangan ko siyang makumprontahan.” sabi ni Tan na nagpipigil sa sarili.
“Wait, what? You mean ilabas mo ang lahat ng galit mo kay Jane?” tanong ni Yen.
“Yes. Hinding-hindi ko ito palalampasin. Sinaktan niya yung isa sa mga close friends ko!”
“You mean si Ashley? Yung co-candidate natin sa pageant?”
Tumango si Tan at tumayo na mula sa kinauupuan. Bago pa man siya lumakad ay nagsalita ulit ang binata.
“I have one more favor to ask of you. Please don’t tell my secret to anyone.”
“Okay, Tan. You can count on it.” Pagkatapos ay tuluyan nang lumayo si Tan para puntahan si Jane sa opisina ng presidente ng paaralan. Nang naiwan si Yen ay bigla niyang naalala ang mismong sikreto na ibinigay sa kanya ni Tan.
*FLASHBACK*
Habang nag-aantay ang mga kandidato para sa gaganaping orientation ay nag-uusap sina Tan at Yen tungkol kay Ashley.
“Alam mo Yen, nagagandahan ako kay Ashley. Yung female candidate ng STEM.” wika ni Tan.
“Oh… You mean that girl with a pink ponytail on her hair?” turo ni Yen. Tumango naman si Tan nang maituro ng kaklase si Ashley na kasalukuyang nag-uusap kay Lance.
“Yeah, that’s the one.” masayang wika ni Tan. Ilang saglit pa’y bumulong ang binata kay Yen.
“I have a secret to tell you. Please don’t tell it to anyone. Okay?”
“Sure, Tan. Partner mo na ako ngayon. Go on, tell me your secret.”
Ngumiti si Tan. “Nililigawan ko si Ashley ngayon. And guess what? Malaki ang possibility na masasagot niya ako!”
Napanganga naman si Yen nang sabihin ito ni Tan. “Wow… That’s great! Finally, magkaka-girlfriend ka na din. I’m so happy for you!” Pagkatapos ay marahang tinapik ni Yen ang likod ng binata.
“Atin-atin lang ito, ha? Huwag na huwag mong sasabihin ang sikreto ko kahit kanino. Okay?” pakiusap ni Tan.
“Of course naman. I’m your friend and partner-in-crime. Rest assured, na hindi mabubuking ang sikreto mo. I promise.”
“Thank you, Yen. Thank you.” Ilang saglit pa’y nagyakapan ang dalawang magkaibigan ng ilang minuto bago ang hudyat na magsisimula na ang orientation.
*END OF FLASHBACK*
Nagmumuni-muni si Yen matapos maalala ang kaganapang iyon. Usap-usapan pa rin kasi ang nangyari sa cafeteria kanina. May mga haka-hakang nagsasabi na dulot ito ng namumuong love triangle sa pagitan nina Jane, Tan at Ashley. Ngunit dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay hindi pa mapapatunayan kung totoo nga ba ito.
*****
Sa gitna ng paghahanap ni Tan kay Jane ay nakasalubong niya si Ashley. May bandage ito sa ulo dahil nang itinulak siya ni Jane kanina ay nasugatan ang kanyang noo.
Masaya si Tan nang makita si Ashley. Agad niya itong nilapitan at nagyakap sa dalaga.
“Ashley! Thank goodness you’re fine…” si Tan na halos maiyak na sa saya. “I was worried about you…”
Agad namang bumitaw si Ashley at itinulak palayo si Tan. “Please, Tan. Can you give me time to rest? Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari.”
Lalakad na sana palayo si Ashley nang pinigilan siya ng binata. “Ashley. Please. Mag-usap naman tayo. Gusto kitang tulungan para maka-iwas kay Jane.”
Humarap ang dalaga sa binata at sinampal niya ito. Nagulat si Tan at halos hindi makapagsalita dahil dito.
“A-Ashley…” ang nasambit ni Tan habang hinahaplos ang pisngi nito.
“No thanks. I can handle this all by myself. Pinag-uusapan na nga ako ng mga estudyante, at ayokong madagdagan ang mga problema ko.” bigkas ni Ashley. “Nabuking na nila ang tungkol sa atin, Tan! Hindi mo ba alam yun?”
Namangha si Tan at hindi makapagsalita. Patuloy ng dalaga:
“Tan. Salamat sa tulong mo sa akin. But please give me time and space. I just want to forget everything that happened.”
“Ashley… Ikaw lang talaga ang mahal ko. Hindi ko mahal si Jane, ikaw at ikaw lang ang laman ng puso ko.”
Hinagkan ni Tan ang mga kamay ni Ashley. “Natatakot akong mawala ka sa akin, Ashley. Huwag mo naman akong saktan ng ganito… Kasi mahal na mahal kita…”
Nagsimula nang pumatak ang mga luha ni Ashley. “Mahal din kita, Tan. But please. Layuan mo muna ako. I need time and space.”
“Ashley… Huwag mo akong lisanin…” pagmamakaawa ni Tan.
“Sorry, Tan. I just want to forget everything. See you na lang sa rehearsals.” Pagkatapos ay lumayo na si Ashley sa binata.
Nag-alala si Tan na baka makaramdam siya ng pagka-awkward kay Ashley gayong kailangan nito ng time and space. Lalo pang lumaki ang pag-alala niya sa dalaga dahil simula sa Lunes ay muli silang magkakasama sa rehearsals ng pageant.
Ilang saglit pa’y nakasalubong naman ni Tan si Jane na tila may saya sa mukha.
“Hi, Tan. How’s my lover boy?” pilyang wika ni Jane habang hinahaplos nito ang magkabilang pisngi ni Tan.
Ngunit mabilis namang itinulak ni Tan si Jane. Napasigaw ang dalaga nang bumagsak ito sa lupa.
“What the hell?!” bulalas ni Jane. “Anong problema mo?”
“Ang problema ko? IKAW ang problema ko!” bigkas ni Tan sabay turo sa dalaga. “Bakit mo nagawa ito kay Ashley? Ano bang gusto mong mangyari? Makipagbalikan sa akin?!”
Tumayo si Jane mula sa pa…