Kinang At Lilim – Chapter 38: The Thing That I Love About You

NOTES:
1. This chapter serves as Diana and Franki’s last appearance in this series. And please read this chapter from top to bottom, nang hindi kayo mabitin.
2. Habang nagbabasa kayo, please take note of the italicized text. That serves as a brief teaser for the next chapter. Thank you and happy reading 🙂

*****

Chapter 38

Ang karugtong…

Nakarating na ang barkada nina Lance sa isang ospital. Kaya sila nandito upang bisitahin ang kaibigan nilang si Kyzha na ilang araw nang naospital dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Kanya-kanya na sila ng haka-haka upang malaman ang totoong dahilan. Ngunit ipinaliwanag naman ni Angela na tatlong buwan nang buntis si Kyzha sa anak nila ni Mich. Ayon sa kanya, nagkaroon si Kyzha ng tumor sa kanyang obaryo, at kailangan siyang operahan.

Nakasalubong nila si Mich habang nagtungo sila patungo sa third floor. Masaya namang bumati sa kanila ang binata.

“Hi guys! Kamusta kayo?” bati ni Mich.

“Uy Mich! It’s so good to see you.” bati naman ni Lance. Sumunod naman ang iba sa pagsalubong sa kaibigan nila. Ilang saglit pa’y nagtanong si Angela sa binata.

“Kamusta naman si Kyzha? Ongoing pa ba ang operasyon niya?” tanong niya.

“Sa ngayon, ongoing pa. Umaasa ako na sana maging matagumpay ang operasyon niya…”

“Huwag kang mag-alala, pare. Kasama mo kami sa pagdasal para sa minamahal mo.” si Tan habang nakahawak ang kamay kay Ashley.

“Thank you, pare. Tara, samahan niyo ako sa taas. Doon tayo magpalipas ng oras habang inaantay ang resulta ng naging operasyon ni Kyzha.” yaya ni Mich sa kanila. Sumunod naman ang apat sa kanya at sabay-sabay na silang nagtungo sa waiting area.

Masayang nagkukuwentuhan ang apat na magkakabarkada kasama si Mich tungkol sa kanilang estado ng buhay, at maging ang mga paghahanda nila para sa nalalapit na Senior High Ball.

“Kamusta naman ang preparations niyo para sa ball?” tanong ni Angela. “Ikaw, Mich; ready ka na ba?”

“Naka-ready na ang lahat ng kakailanganin ko. Sabay kami ni Kyzha bumili ng damit. Nakahanda na ang dress niya, at nakapagbili na rin ako ng tuxedo at slacks.” si Mich.

“As for me, ready na rin ako.” sabad ni Tan. “Grabe, ang bilis talaga ng panahon. Five days na lang, senior high ball na.”

“Oo nga, ano?” si Yen. “Sana isayaw mo ako doon, ha?”

“Oo naman, Yen. Isasayaw kita doon. Pagkatapos kong maisayaw si Ashley, ikaw naman ang isasayaw ko.” wika ni Tan. Ngumiti naman si Ashley at pinutol ang usapan.

“Narinig ko yun…” si Ashley. “What if sabay tayong tatlo?”

“Sure naman, mare. Para naman masaya.” sagot ni Yen. “What do you think, partner?”

“O sige na, sabay na tayong tatlo. Feel ko kasi, disco agad ang itutugtog pagkatapos ng main program, eh.”

Habang nag-uusap sina Tan, Ashley at Yen, kausap naman ni Mich ang dating kasintahang si Angela. Kinamusta nila ang isa’t isa ilang buwan matapos nilang maghiwalay.

“So Angela.” ani Mich. “I see na masaya ka na dahil nakahanap ka na rin ng lalaking nagmamahal sa’yo.”

Ngumiti naman nang matamis ang dalaga. “Ako rin naman, I’m just happy for you and Kyzha. Siguro naman, you’ve learned your lessons naman nung mga panahong tayo pa ang magkasama…”

“Of course naman.” sabi ni Mich. “And I’m trying my best para hindi na maulit ang nangyaring yun kay Kyzha.”

“Okay. I’m really counting on you. Sana hindi mo siya sasaktan. Bestfriend ko pa naman siya…”

“I won’t ever harm her, Angela. And always remember: kahit hindi na tayo, I’ll always be your friend.” wika ni Mich.

“Same here. Stay strong sa inyo.” Pagkatapos ay lumapit si Angela kay Mich at nagyakapan nang mahigpit.

Patuloy lang ang masayang kuwentuhan ng magkakabarkada habang inaantay ang resulta ng naging operasyon ni Kyzha. Sa second floor ng parehong ospital, mag-isang nag-aantay si Franki sa pagdating ni Diana. Napagkasunduan nilang dito sila magkikita dahil may binibisita lang ang una dito. Ilang linggo na ang nakalipas buhat nang maging opisyal na magkasintahan ang dalawang binibini na ikinagulat naman ng marami.

Maya-maya pa’y nakarating na rin si Diana at binati ang kaibigan na ngayo’y nobya na niya.

“Hi there, sweetheart!” si Diana sabay beso kay Franki. “What brings you here?”

“I’m just visiting my uncle.” sagot ni Franki. “He got hospitalized due to glomerulonephritis. He needs more rest and he’s also under intense monitoring.”

“I see. So, shall we have lunch together?” yaya ni Diana.

“Sure thing. Gutom na ako, eh.”

Nang magkasundo na ang dalawang binibini ay lumabas na sila ng ospital at nagtungo sa isang restaurant na nasa harapan lamang ng kanilang naging meeting place. Magkahawak ang kamay ng dalawa at nakaakbay naman si Diana kay Franki. Marami naman ang nakatingin sa kanila at hindi nila maiiwasan na magbigay ng komento sa magkasama.

“Pare, kita mo yun? Ang sweet nung naka-black sa kasama niya.” wika ng unang tambay na nakasaksi sa pagdaan nina Diana at Franki.

“Oo nga. Ang ganda naman niya. Sana ako na lang yung babaeng kasama niya…” sagot naman ng ikalawa.

“Sayang naman yung ganda niya. Sa kapwa babae lang siya pumapatol.”

“Oo nga, ano? Pero may dahilan naman siguro kung bakit ganun. Baka nagsawa na siya sa mga lalaki, kaya sa babae na lang siya nakikipagrelasyon. Hula ko lang, pare ha?” Natigil ang usapan ng dalawang tambay nang lumapit si Diana kasama ang nobya.

Matalim ang tingin ni Diana sa dalawang tambay. “Ako ba ang pinag-usapan niyo?” wika ng dalaga. “So what kung babae ang karelasyon ko ngayon?”

Napatahimik ang dalawa sa naging banat ni Diana. Maya-maya pa’y pinakalma siya ni Franki.

“Sweetheart… That’s enough… Never mind them na lang…” awat ni Franki sa nobya. Ilang saglit pa’y nagsalita ang unang tambay.

“Sorry po kung hinusgahan ko kayo nang ganun.” aniya. “Ano kasi, hindi ko lang kasi ma-imagine na girlfriend mo siya. Akala ko kasi, magkaibigan lang kayo…”

“Kuya.” wika ni Franki. “Sorry about that. She’s just defending our relationship. Please don’t be judgmental to us, okay? Please excuse us.” Lumayo na ang dalawang dalaga at iniwan na nila ang dalawang tambay na nalilito at hindi makapaniwala na totoong magkarelasyon nga sila.

Hindi na sila nagsalita pa at sa halip ay pumasok na ulit sila sa loob. Nagkataon na nasa labas sila ng internet cafe, at marahil ay tapos na silang naglaro.

Nakapasok na ang magkasintahan sa restaurant, at marami rin ang napatingin sa kanila. Titig na titig ang mga kalalakihan kay Diana. Ibang klase naman talaga ang kagandahan niya ngayon. Maging si Franki ay nabighani din sa kasama.

“Those people just can’t seem to take my eyes off me.” ang naging saloobin ni Diana. “Maybe because I’m so pretty today? Or is it because of something else?”

“Calm down, sweetheart. Just let them be. Never mind them na lang.” sagot ni Franki. “Ako na ang mag-order.”

Tumango na lang si Diana at tumayo si Franki para makapag-order ng pagkain nila. Lahat ng mga tao ay nakatingin pa rin kay Diana at kung ano-ano na lang ang sinasabi ng mga customer sa restaurant.

“Sayang naman ang ganda ni Ate, kapwa babae rin ang nobya…”

“Siguro ayaw niya sa lalake? O baka naman eh nakaranas siya ng trauma nung last relationship niya?”

Gusto man ni Diana na rumesbak sa mga taong pinag-usapan siya, binalewala na lang niya ang mga ito. Sinunod na lang niya ang payo sa kanya ni Franki.

“Kahit ano pang sabihin nila, wala silang magagawa. I’m a lesbian and I’m proud of it.” ang nasambit ni Diana sa sarili habang matiyagang inaantay ang pagbabalik ni Franki.

*****

Makalipas ang ilang oras ng pag-aantay, nakarating na sa grupo nila Lance ang naging resulta ng operasyon ni Kyzha. Sinabi sa kanila ng doktor na naging matagumpay ang operasyon at nakapagpahinga na si Kyzha nang maayos. Kailangan lang nilang mag-antay ng ilang minuto.

Napabuntong-hininga naman si Mich nang malaman ang balita. Ibig sabihin, makakasayaw na niya ang dalagang minamahal sa darating na ball.

“Thank the Lord Jesus na naging successful ang naging operasyon. Fifty-fifty pa naman ang kondisyon niya…” wika ni Mich. “I can finally dance with her sa ball.”

“Wow. Good for you, pare.” puri ni Lance. “Kumpleto na ulit ang barkada natin.”

Maya-maya pa’y sumulpot sa kanila si Kyzha. Naka-wheelchair ang dalaga at may nakakabit na dextrose sa palad niya. Masaya naman siyang sinalubong ng kanyang mga kaibigan.

Unang lumapit si Angela at agad siyang yumakap kay Kyzha. “Kyzha my friend! We missed you a lot…” Ngumiti naman si Kyzha habang sinasalubong niya ang mga kaibigang nag-alala para sa kanya.

“Hello guys, namiss ko rin kayo…” sabi ni Kyzha. “It’s really refreshing to know na nandito pa rin kayo sa tabi ko. Thank you all so much.”

“Kamusta ka naman, love?” tanong ni Mich. “It’s really good to see you well again.”

“Heto, maayos naman ako ngayon. Mabuti rin naman ang kondisyon ng bata. And in six month’s time, manganganak na ako.”

“Good to hear that. I’ll let you stay sa bahay namin para makapagpahinga ka ng maayos. Doon ka na rin maghanda para sa ball. Nandoon na sa bahay ang gown mo.”

“Thank you talaga, love. You really saved me some time. Tara na, uwi na tayo.” sagot ni Kyzha. Ilang saglit pa’y nagkasundo na ang barkada na umuwi na sa kani-kanilang mga bahay para makapagpahanda na sa darating na Senior High ball.