Kinang At Lilim – Chapter 39: Longing For Your Love

NOTE: Photo above is Lance and Angela, the main characters of this series. Kindly read this chapter from top to bottom. And please don’t rush and don’t skip.

*****

Chapter 39

Ang karugtong…


Isang araw bago ang pinakaaantay na Senior High Ball, magkasama ngayon sina Lance at Angela sa bahay ng una. Dito magpapalipas ng gabi ang dalaga dahil tutulungan niya ang nobyo sa pag-aayos sa itsura nito bukas. Nakahanda na ang kanilang susuotin para sa event.

Kanina lang ay ipinakilala ni Lance ang kasintahan sa kanyang mga magulang. Sa kabutihang palad naman ay tanggap naman nila si Angela para sa kanilang anak. Masaya naman si Lance dahil dito.

Habang naghahapunan silang lahat ay pinag-usapan nila ang magiging future nila Lance at Angela.

“So siya na talaga ang babaeng napili mong mahalin.” sabi ni Felix, ang ama ni Lance. “That’s good to hear, anak. Bagay na bagay kayong dalawa.”

“Tama ang papa mo, Lance.” pagsang-ayon naman ng ina ni Lance na si Carmela. “You are both meant to be talaga. Gwapo ka at maganda siya. So that should count as a match made in heaven.”

Namula naman ang pisngi ng binata sa kahihiyan. “Ah, hehe… Thank you mom, dad. Nahihiya tuloy ako…”

“There’s no need to be shy about it, iho.” si Felix. “After all, nasa tamang edad ka na, and you’ve been single for five years already. I guess ito na ang tamang panahon na magkaroon ng minamahal mo sa buhay.”

“Thank you po, Mang Felix; akala ko kasi, eh hindi po ninyo ako tanggap para sa magiging anak ninyo.” sabi ni Angela. “Ang first impression ko kasi sa inyo, mabagsik.”

“Hindi naman ako ganun, Angela iha. Malalaki naman kayo, at alam niyo naman siguro ang tama at mali, ano? Oh, and by the way, call me Tito Felix instead.”

Tumango ang dalaga. Binigyan ni Carmela ng payo ang magkasintahan.

“Angela. Be nice to my son, okay? Huwag mo siyang balewalain kung may kailangan siya sa’yo. Get to know each other more, and always cherish every moment na magkasama kayo. At siyempre, dapat nandoon rin ang respeto sa isa’t isa. Because respect is the essential ingredient to a successsful love.”

“Will do po, Tita.” sagot sa kanya ni Angela.

Dagdag pa ni Felix, “At iho, sana hindi kayo mag-aaway; boto pa naman ako sa inyong dalawa. Mataas pa naman ang expectations ko sa inyo. Maaasahan ko ba yan?”

“Opo, Dad. Pangako, hinding-hindi ko siya iiwan.”

“That’s what I’ve been waiting to hear.” ani Felix. “O siya, ituloy na natin ang hapunan, at mamaya na ulit tayo mag-uusap.”

Naghari ang katahimikan sa loob ng bahay habang ipinagpatuloy nila ang pagkain ng kanilang hapunan. Makalipas ng sampung minuto ay natapos na ang hapunan ng pamilya ni Lance kasama si Angela. Inaayos na ni Carmela ang pinagkainan at lumapit si Lance sa ina.

“Mom, I’ll help with the dishes.”

“Ako nang bahala dito, anak. Go spend the night with Angela; baka nag-aantay na siya sa’yo doon sa sala.” sagot ni Carmela.

“Sige po, Mom.” wika ni Lance at dumiretso na ang binata sa sala. Naroon si Angela na kasalukuyang nanonood ng mga palabas sa telebisyon. Tumabi ang binata sa kasintahan.

“Hi love. Bukas na talaga ang pinakaaantay natin.” sabi nito sabay akbay kay Angela.

Ngumiti naman nang matamis ang dalaga at ibinaling ang atensiyon sa nobyo. Ilang saglit pa’y mariin niyang siniil ng halik si Lance sa labi. Kumalas naman ang dalaga makalipas ang ilang segundo.

“Let’s have an intimate moment together. Balita ko after ng program, magkakaroon ng sayawan.” ani Angela.

“Susuportahan ko kayong dalawa ni Tom sa performance niyo sa cotillion. I’ll be cheering for you from the sidelines. Sana lang ay hindi kayo ma-fall sa isa’t isa.” biro ni Lance.

“Hindi naman mangyayari yun, Lance. Ikaw lang kasi ang mahal ko, after all.”

“Aasahan ko yan. I love you Angela.” si Lance.

“I love you too Lance.” si Angela. Ilang saglit pa’y lumapit ang kanilang mga mukha at di nagtagal ay naglapat din ang kanilang mga labi. Ramdam na ramdam nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa habang palalim nang palalim ang kanilang halikan.

Bago pa man tuluyang lumalim ang laplapan ng magkasintahan, kumalas saglit si Angela at hinaplos ang magkabilang pisngi ni Lance.

“I’ll support you sa pageant bukas. I’ll be cheering for you all the way. I believe kakayanin mo ito.”

Ngumiti nang matamis si Lance. “Thank you, Angela. You’re my confidence booster talaga. And I owe you one. So tara, doon na tayo sa kuwarto.”

Tumango naman ang dalaga at sabay na nilang iniwan ang sala at dumiretso na ang dalawa sa kuwarto. Sa kusina naman ay nasaksihan naman nila Felix at Carmela ang nangyari.

“Mukhang masaya naman si Lance sa piling ng kanyang minamahal.” wika ni Felix. “Parang parte na siya ng mundo ng anak natin.”

“Tama ka. Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang taong nagmamahal sa’yo. Parang ako, na asawa mo na ngayon.” sagot ni Carmela.

“Hehe. Oo naman, masaya naman din ako dahil masaya rin ang pamilya natin. Lalo na para kay Lance. Nahanap na rin niya ang ‘the one’ para sa kanya.”

“Oo nga. Sana magkatuluyan rin sila sa takdang panahon.”

*****

Kinabukasan, sa isang engrandeng convention center sa BGC. Lahat ng mga estudyanteng lalahok sa ball ay nag-aantay na sa lobby. Malawak naman ang area na gagamitin ng student body dahil na rin sa sobrang dami ng mga mag-aaral na kasali.

Ang mga lalaking estudyante ay naka-pormal ang ayos. Makulay ang pananamit ng ilan sa kanila; meron namang ibang simple lang ang porma, ngunit bagay naman sa kanilang itsura. Hindi rin nagpapatalo ang mga kababaihan: parang nagkakaroon ng contest sa pagandahan at pahabaan ng gown. Ang ilan sa kanila ay simple lang at barely there ang makeup; yung iba nama’y may colorete ang mukha.

Nakalinya ang mga Senior High students by section. Ang mga kasali naman sa cotillion ay nakalinya sa likod. Alas nuwebe pa ng umaga magsisimula ang event, ngunit maaga silang dumating para maging maayos ang kalalabasan ng ball.

Kasalukuyang nagba-bonding ang mga cotillion dancers sa lobby habang inaantay nila ang pagsisimula ng event. Naroon na sina Sofia at Althea kasama ang kanilang mga partners na sina Will at Migo, respectively. Nagandahan ang ilang mga kasama sa suot na berdeng gown ni Sofia.

“Wow Sofia… Ang ganda talaga ng gown mo today.” puri ng isang babaeng kasama nila. “I really love the design, bagay talaga sa’yo.”

“Thanks.” sagot ni Sofia sabay ngiti sa kasama.

At siyempre, marami rin ang nakapansin sa suot na gown ni Althea. Puno ng glitters at feathers ang dress ng dalaga. Abot hanggang sahig ang haba ng suot ni Althea ngayon. Nauna na si Migo sa pagpuri sa gown ng dalaga.

“Now that’s what I call perfection.” wika ni Migo. “For sure, ikaw ang magiging head-turner of the day.”

“Pffft. Hindi ako, no!” si Althea. “Oo nga, pwede rin ako. Pero feeling ko, may mas maganda pa ang suot kaysa sa akin. But it doesn’t matter naman.”

Maya-maya pa’y nasaksihan ng grupo ang pagdating ni Jillian. Kasapakat ng dalaga ang nobyong si Rhys. Kaagad namang nagpalakpakan ang mga cotillion dancers sa pagdating ng magkasintahan.

Masaya silang binati ni Will habang nakaakbay sa nobyang si Sofia. “The king and queen have arrived. The true headturners of the day have finally come to this event. Let’s give another round of applause for Jillian and Rhys!”

Muling nagpalakpakan ang mga cotillion dancers, at nang tumigil ito ay unang nagsalita si Jillian.

“Wow, nag-effort pa kayong salubungin kami. Thanks sa inyong lahat.” sabi ni Jillian. “The truth is, ako ang nag-makeup kay Rhys at maging sa sarili ko.”

“Jillian’s right. Nagtulungan kami kanina habang naghahanda kaming dalawa para sa event na ito.” dagdag ni Rhys. “Anyways, salamat sa pagsalubong niyo sa amin. Although it’s not necessary, we still appreciated it.”

Nagpalakpakan ulit ang grupo para sa dalawa. Ang ilan sa mga estudyante ay napatingin sa kakaibang ganda ni Jillian ngayon. Kumikinang ang violet na gown na suot ng dalaga. Simpleng makeup lang meron ang dalaga, ngunit sa kabila nito ay nagandahan pa rin ang ilan sa kanila.

Napansin ito ni Rhys at pinuri ang nobya. “Wow babe, marami talaga ang napalingon sa’yo ngayon. Look at you, you really look beautiful today.”

Ngumiti naman nang matamis si Jillian. “Thank you babe. Pero alam naman nila siguro na taken na ako sa’yo, hindi ba?”

“Alam ko naman. Baka magpapapicture ang mga lalaki sa’yo. Huwag kang mag-alala, babe; papayag naman ako basta’t humingi lang sila ng permiso sa akin.”

“Magpapapicture lang naman yung tao, babe; hindi naman ibig sabihin na—“

“I get what you mean, babe. Nagbibiro lang naman ako, ikaw talaga.” biro ni Rhys. “Sige na, kung may magpapapicture mang lalaki sa’yo mamaya, okay lang sa akin yun.”

“Sige sige. Sina Ate Angela na lang ang inaantay natin. Eight-thirty na ng umaga, wala pa sila.” si Jillian.

“Baka na-trapik lang. Let’s wait for them na lang.” wika ni Rhys at nakisama na ang dalawa sa pagba-bonding sa kanilang grupo.

*****

Nakarating na ang sasakyan ni Lance sa venue. Kasama niya sina Tan, Yen, Ashley, Tom at ang kasintahang si Angela sa passenger seat ng kotse. Nakikita nila ang ilang mga estudyante na masayang nagpi-picture sa parking lot.

“Alright, nandito na tayo.” wika ni Lance at isa-isa nang bumaba ang mga sakay ng sasakyan. Maya-maya pa’y sabay nilang pumasok sa loob ng lobby na kung saan ilan sa mga estudyante ang napatingin sa kanila. Naka-linya na ang mga cotillion dancers at ang mga kasali sa pageant sa pinakalikod, ngunit bago pa man sila naghiwalay ng landas ay nagbilin muna si Lance sa kanyang mga kaibigan.

“Tom. Please take care of my girlfriend, at sana hindi kayo magka-inlaban sa performance niyo mamaya.” sabi ni Lance. “You surely don’t want me to get mad, right?”

“Will do, bro. Promise ko yan sa’yo.” sagot ni Tom.

Matapos nito ay si Angela naman ang kausap ni Lance. “Love. Narinig mo na ang bilin ko kay Tom, ano? Hopefully maging flawless ang performance niyo mamaya.”

“It’s all clear to me, love. I won’t make you upset later.”

“Good. We’ll be seeing you later, then.” Pagkatapos ay nauna nang umalis sina Angela at Tom at nagtungo na ang mga ito sa kanilang grupo. Samantala, nagtungo na rin sina Lance sa grupo ng mga kasali sa pageant.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang event. Bago pa man magsimula ay nagbigay si Lance ng best wishes kina Tan at Yen, at maging sa ibang kandidato.

“I wish you all the very best mamaya sa pageant. May the best pair win.”

Nagpalakpakan naman ang ibang mga kandidato, at maging si Ashley ay nagbigay rin ng best wishes para sa kanilang dalawa.

“Lance. We’re all in this together. We can do this, right?” wika ng dalaga sabay ngiti sa binata.

“Right. Para ito sa section natin. Kung ako man ang kokoronahang Mr. Senior High this year, I’m going to dedicate the win to Angela, at maging sa mga kaibigan ko. And that includes you, too.”

“Thank you. Best of luck to both of us.”

Ilang saglit pa’y nagsimula na ang parada ng mga estudyante at ng mga faculty at staff. Maayos at maaliwalas ang martsa nila habang nilalakbay nila ang pulang carpet papasok ng malawak na convention center. Sa kalagitnaan ng pagtugtog ng A Thousand Years ni Christina Perri, pinapakiramdaman ng lahat ang kaba at excitement para sa event na ito.

Kasali rin sa processional sina Catriona, Kylie at Kaori. Silang tatlo ang magiging judge ng pageant mamaya. Katulad ng mga ibang estudyante ay maaliwalas rin ang mga ayos nila. Suot ni Catriona ang isang dilaw na long gown na abot hanggang sahig ang haba. Maikling evening gown naman ang suot ni Kaori habang shining black long dress naman ang ka…