****
Chapter 42
Ang karugtong…
Nakarating na ang sasakyan lulan ang magkasintahang Angela at Lance sa bahay ng dalaga. Naabutan sila ng ulan sa daan nila pauwi. Mabuti na lang at may nakahanda nang payong para sa kanila.
Naninirahan ang pamilya ni Angela sa isang malaking mansiyon. Sinalubong ang magkasintahan ng isa sa mga yaya ng pamilya ng dalaga.
“Welcome home po, Miss Angela, sir.” bati nito sa kanila. Ngumiti naman si Angela sa yaya at pumasok na ang magkasintahan sa loob. Nakasalubong nila si Amanda, ang ina ng dalaga.
“O anak, nakauwi ka na pala.” sabi ni Amanda. “Kamusta ang event?”
“Masaya naman po, ma.” sagot ni Angela. “By the way, si Lance nga po pala, boyfriend ko.”
“Magandang gabi po.” bati ni Lance sabay mano sa ina ni Angela.
“Magandang gabi rin sa’yo, iho. So ikaw pala ang nobyo ng anak ko.” wika ni Amanda. “Kumain ka na ba?”
“Hindi pa po.”
“Ganun ba? Eh dito ka na lang kumain, iho. Make yourself at home. By the way, ako nga pala ang Tita Amanda mo.”
“Sige po, salamat po.” Pagkatapos ay bumalik saglit si Lance sa sala at nanonood ng mga palabas sa telebisyon. Sumabay naman si Angela sa nobyo at pinag-usapan nila ang kabaitan ng ina ng dalaga.
“Ang bait pala ng mama mo.” wika ni Lance. “Saan na pala yung dad mo?”
“Ayoko sanang umiyak, Lance. Pero sige na nga, I’ll tell you where he is right now.” sagot ni Angela. Matiyaga namang naghihintay si Lance na pakinggan ang kuwento ng kasintahan.
“Well you see, my dad passed away when I was just fourteen years old. Na-diagnose kasi siya ng Stage 4 prostate cancer, and naka-confine siya sa ICU. My dad is a fighter, lalo na sa kanyang trabaho bilang corporate president ng isang kumpanya. At kahit malayo man si papa sa amin, hinding-hindi niya kami pinabayaan.” kuwento ng dalaga.
“Your father is a nice guy, indeed.” putol ni Lance. “How I wish he’s still alive para bigyan ko siya ng pagsaludo mula sa akin.”
Maya-maya pa’y itinuloy ni Angela ang kuwento.
“At nang malaman namin ni mama na na-ospital si papa, siyempre nag-alala kami. Ako naman, lagi ko siyang sinasabihan na magpakatatag siya para sa pamilya namin, lalo na’t ako lang ang kaisa-isang anak dito. He always gives me advice about life, until his death weeks later. Nang malaman kong wala na si papa, siyempre umiyak ako nang umiyak. But then, I learned to accept everything that happened. Ultimately, sinabihan ko ang papa ko sa burol niya, ‘Dad, you can rest now. Nagawa niyo na po ang misyon niyo dito sa lupa. Sana sa pagbabalik niyo sa langit ay maging masaya pa rin kayo.'”
Na-touch naman si Lance sa kuwento. “Ang bait pala ng dad mo. Nakikita ko naman kung bakit bihira lang sila nag-aaway ni Tita Amanda…”
Naudlot naman ang usapan ng magkasintahan dahil tinatawag na sila ni Amanda sa kusina.
“Angela anak. Nakahanda na ang hapunan natin. Kumain na tayo.”
Tumayo na ang dalawa at nagtungo na sila sa kusina. Tinolang manok ang ulam nila; paborito ni Lance. Maya-maya pa, sabay nang kumain ang tatlo, at naghari ang katahimikan sa loob ng mansiyon.
*****
Nakarating na sa isang branch ng Starbucks si Catriona. Ang suot niya ngayon ay ang pangkaraniwang denim mini-skirt at puting sleeveless na top. Nakasalubong niya si Kylie sa isang mesa. Nakahanda na ang mga pagkaing inorder ni Kylie kanina lang.
“Hi Cat!” bati nito. “It’s good to see you. Nalaman ko na kung saan yung sasakyang sinabi mo kanina.”
“Siyanga? Saan?” puna ni Catriona.
“Malapit lang dito. Montero na kulay yellow. Hindi lang ako sigurado, pero nakapark siya sa mansiyon na malapit lang dito sa Starbucks.”
“Teka lang ha, lalabas lang ako. I just want to prove to myself na totoo nga yung mga sinasabi mo sa akin.” bigkas ni Catriona sabay tayo mula sa kinauupuan.
“Bahala ka na nga, baka mapahamak ka pa sa kalsada. Mag-iingat ka.”
Hindi na pinansin ni Catriona ang sinabi ng kaibigan at lumabas saglit ng Starbucks. Napansin rin niya agad ang sasakyang nabanggit ni Kylie kanina lang. Isa ngang Montero na kulay yellow na ang plaka ay ACR 3704. Hindi nga nagsisinungaling si Kylie sa kanya.
“Totoo nga. Sasakyan nga ni Lance yun.” ang nasambit ni Catriona. “I’m coming for you, Lance. You’ll be mine tonight, definitely!”
Pinagmasdan muna ni Catriona ang kotse sa huling pagkakataon bago ito lumayo na may ngiti sa mukha. Nagmamadali siyang pumasok ng Starbucks at ibinalita kay Kylie ang nasaksihan niya. Napansin naman nito ang kakaibang ngiti sa mukha ng kaibigan.
“O Cat. What’s with that smile on your face?” tanong ni Kylie nang mapansin nito ang ngiti ni Catriona na abot hanggang sa pisngi.
“Totoo nga, nasa malapit lang si Lance. For sure ay magiging masaya na ulit ako!” sagot naman sa kanya.
“Girl, leave him in peace na lang. You don’t understand, alam naman natin kung gaano kasaya si Lance sa piling ng kanyang girlfriend, di ba?” si Kylie. “Please naman Cat… Hayaan mo na si Lance na maging masaya…”
Umiling agad si Catriona. “No. Ako, at ako lang ang deserving para sa kanya! That girl doesn’t deserve his love. I’ll do everything I can to get what I want. Because he is only mine and you know it!”
“Cat. Please. For the love of all things bright and beautiful, leave Lance alone. You might get into trouble for doing that. Please stop it na…” pagsusumamo ni Kylie. Ngunit hindi pa rin nakikinig si Catriona; tumayo na ito at kinuha na niya ang isang baso ng iced coffee na inorder ng kanyang kaibigan kanina.
“Thanks for the advice. But no.” bigkas ni Catriona. “I going to make sure that Lance comes back to me, and that girl won’t see the light of day ever again.” Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng Starbucks.
Hindi na alam ni Kylie kung ano ang gagawin. Nakikita niya na talagang determinado si Catriona na maibalik si Lance sa kanya sa kabila ng katotohanan na may minamahal itong iba.
“Is she out of her mind? May girlfriend na nga si Lance, eh. I’ve got to do something about this.” ang nasambit ni Kylie sa sarili at ipinagpatuloy na niya ang pagkain sa mga inorder niya kanina.
*****
“Mabait naman si Arthur sa akin. Bihira lang naman kami nag-aaway, at kung nag-away man kami, siya ang unang humihingi ng tawad sa akin.” kuwento ni Amanda nang pinag-usapan nilang tatlo ang tungkol sa asawa niya.
“Bilib na talaga ako sa kanya, Tita.” pangiting sagot ni Lance. “Ang bait naman pala talaga ni Tito Arthur. And now I’m learning from his example, ngayong nakapiling ko na ang anak niyo.”
Ngumiti naman si Amanda. “Wow, that’s good to hear! Hopefully lalo pang tumibay ang pagmamahalan niyong dalawa, katulad ng pagmamahal ng asawa ko sa akin. Anyway, kailan niyo balak magpakasal, anak?”
“Siguro po after naming grumaduate.” sagot ni Angela.
“Hm, I see. Malapit-lapit na rin, ano? It’s only ten months away. I’m really excited for that, my dear.” Pagkatapos ay hinalikan ni Amanda ang noo ng kanyang anak.
“After naming grumaduate ng college.” paglilinaw ni Angela.
“Oh. I get it. But it doesn’t matter at all, anak.” wika ni Amanda. “Kung kailan niyo gustong magpakasal, it’s your decision after all. Anyways, you’re still young adults pa naman; and there’s still much for you to learn. I’m still here to support you, dear.”
“Thank you ma. You’re the best mother ever.” sagot ni Angela sabay yakap nang mahigpit sa ina. Pagkatapos ay nagsalita si Lance.
“Tita Amanda, may itatanong lang sana ako sa inyo.”
“Sure. What is it, dear?” puna ni Amanda.
“Okay lang po ba sa inyo na magpakasal muna kami sa judge bago sa simbahan?” tanong ni Lance. “Expected na kasi na magkakaroon kami ng anak ni Angela in the coming months. We had sex weeks ago without protection…”
Marahang tinapik ni Amanda ang likod ni Lance. “It’s just fine to me. Do whatever suits you best. Basta ang mahalaga, hindi niyo pababayaan ang isa’t isa. At pagtibayin niyo lang ang inyong pagmamahalan. Maaasahan ko ba yan?”
“Opo, Tita. I won’t ever let you down.” sagot ni Lance.
“That’s I’ve been waiting to hear. So matutulog na ako, ha? Maaga pa naman ang trabaho ko bukas. Enjoy the night here in this house.” Pagkatapos ay umalis na si Amanda sa sala at naiwan ang magkasintahan dito. Muling nagtanong si Lance kung anong trabaho ng ina ng nobya.
Kaagad namang isinagot ni Angela ang tanong. “My mom works at a business firm as associate vice president. At malaki rin naman ang kinikita niya.”
“Wow… Ngayon ko lang nalaman, ah. Kaya naman pala ang bait niya…” sambit ni Lance. Maya-maya pa’y nagdesisyon ang dalawa na manood ng ilang palabas sa Netflix. At nag-offer naman si Lance na siya na ang bibili ng pagkain.
“Love, ako na ang bibili ng food natin. Para naman, eh may maiaambag rin ako sa inyo…”
“Hindi, ako na.” sabi ni Angela. “Para makabawi ako sa’yo. Ako naman ang maglilibre.”
Nagpaubaya naman si Lance. “Okay. If you insist. Mag-iingat ka sa daan, love. Baka mapahamak ka pa, lalo na’t lumalalim na ang gabi.”
“Oo naman, Lance. Mahal kasi kita eh.” Pagkatapos ay lumabas na ng bahay si Angela at naglakad na ito patungo sa Starbucks para bumili ng kanilang pagkain.
Samantala sa bahay, palihim niyang sinilip ang cellphone ni Angela na naiwan nito. May password ito, pero alam naman niya. Pagbukas ng phone ay kaagad siyang nagtungo sa photo gallery at iniisa-isa niya ang pag-scan ng mga pictures na naka-imbak doon. Natigilan siya nang may nahanap siyang litrato dito na kung saan magkahawak ang kamay nilang dalawa.
Tinitigan ni Lance ang litratong iyon. Bumulong siya na animo’y nag-uusap lang sa nobya.
“Please be safe out there my love. I just want to be with you for the rest of my life…”
*****
“Thank you babe sa time. Hanggang sa uulitin.” bigkas ni Jillian nang nakarating na ang sasakyan nila sa bahay ng dalaga. Inihatid kasi siya ni Rhys dahil may dala naman itong kotse, at hindi na nila kailangang mag-commute pauwi.
“Love you so much babe.” sabi ni Rhys habang hinalikan niya ang noo ng nobya.
“I love you too.” ang huling nasambit ni Jillian bago ito pumasok ng bahay. Nakangiti naman ang binata dahil natupad rin ang kanyang mata…