Kinang At Lilim – Chapter 5: Easing The Tension

Chapter 5

Ang karugtong…

Umpisa na ng first period ng klase. Hindi na nawawala sa isip ni Mich kung paano siya mag-apologize sa dati niyang kasintahang si Angela. Kahapon kasi ay nag-isip-isip ang binata kung ano nga ba ang mga tamang salita na kailangan niyang sabihin para hindi na magalit sa kanya ang dating kasintahan. Ilang beses na kasi niyang nasaksihan kung paano ito magalit. Ibang klase pala kung magalit si Angela.

Lumalalim pa ang mga iniisip ni Mich at halos hindi na nakikinig sa diskusyon. Ilang sandali pa’y napansin ito ng kanilang teacher.

“Mr. Mich Wunder,” tawag ng guro sa binata. Parang naalimpungatan naman ang binata nang tinawag ng guro ang pangalan niya.

“Y-Yes, Ma’am?”

“When did World War One started, and what are the first countries that were involved?”

Natahimik ang buong classroom sa naging tanong kay Mich. Dagling napa-isip ang binata, pero walang salitang lumalabas sa bibig niya. Nasa isip pa rin niya ang paghingi ng tawad kay Angela.

“I expect an answer, Mr. Wunder,” matinis na ang wika ng guro. Matalim nitong tiningnan si Mich mula ulo hanggang paa. Si Mich nama’y hindi alam kung ano ang sasagutin. Nanginig sa kaba ang binata.

“Ummm… A-Angela?” sagot ni Mich na halos walang ideya sa naging diskusyon. Ang katahimikan ng buong klase ay napalitan ng tawanan at ingay. Pinatahimik naman ng guro ang mga estudyante.

“Quiet! This is not funny. Understood?” Natahimik ang klase dahil nagtaas na ito ng boses. Pagkatapos ay muling ibinaling ng guro ang kanyang atensiyon kay Mich. “And you, Mr. Wunder. I’ll be seeing you in the faculty room after this class.”

Muling tumahimik ang klase. Nabalot ng matinding kahihiyan si Mich dahil hindi niya nasagot ang tanong. Wala nang ibang iniisip ang binata kundi si Angela. Mahal pa rin niya ito, ngunit hindi siya sigurado kung mahal pa ba siya ng dalaga.

Napahawak na lang si Mich sa pisngi dahil sa kahihiyan. Di nagtagal ay tinapik siya ni Batit mula sa likod.

“Oh no, pare!” sabi ni Batit. “Mukhang kailangan mo nang gumawa ng plan B. Yan kasi, siya pa ang iniisip mo, eh di ka na mahal nun…”

“Hmph. Hindi porket hindi ko nasagot ang tanong niya eh parusahan na ako. I don’t give a damn about it,” sagot ni Mich. “Basta ang mahalaga, mapatawad ko na siya.”

“Naku. Good luck na lang sa’yo mamaya,” kantyaw ni Batit at nakinig na sa diskusyon.

Sa pagpapatuloy ng diskusyon sa klase ay paminsang lumilingon si Mich sa itinagong bouquet of flowers sa loob ng isang bookshelf. Napansin niyang malapit nang malanta ang ilan sa mga bulaklak.

*******

Samantala, sa classroom nila Angela.

Maingay ang loob ng classroom dahil nagkataon ay wala silang klase para sa kanilang first period. Ang hinala ng ilan ay umabsent si Ma’am Coleen dahil nag-honeymoon siya kasama ang asawa nito. Natuwa naman sila dahil nakahanap sila ng tiyempo para kilalanin ang isa’t-isa.

Kasalukuyang magkasama sina Angela, Alfred at Shoichi sa isang row ng mga upuan at pinag-usapan nila ang tungkol sa nangyaring eksena sa cafeteria kahapon.

“Oh. So iyon pala ang dahilan kung bakit may suot kang arm guard sa left elbow mo,” sabi ni Alfred.

“Alam niyo ba na nainis na talaga ako sa kanya? Ilang beses ko na nga siyang iniiwasan pero panay pa rin ang habol sa akin na parang aso!” wika ni Angela na naiirita.

“Eh baka naman, eh ilang beses na rin siyang nag-apologize sa’yo,” sabad ni Shoichi. “Mas lalong hindi magtatapos ang tensiyon sa inyong dalawa kung maiinis lang kayo sa isa’t isa.”

“Inaamin ko, may pagkakamali din akong nagawa,” usisa ni Angela. “Ang akin lang kasi, natatakot lang ako na masaktan ulit if ever magiging friends na kami ulit. Baka mamaya, eh may masama pala siyang balak…”

Marahang hinaplos ni Alfred ang likod ni Angela. “Keep your head up, Angela. Naiintindihan namin ang iyong punto. Pati kami nga eh naaawa na rin para sa’yo. Siguro ang sa akin lang, mag-usap kayo ng masinsinan para matapos na lahat.”

“Tama si Alfred,” dagdag ni Shoichi. “Tanggapin mo na ang apology ni Mich. Siguro naman eh sincere pa rin naman siya sa’yo kahit exes na kayong dalawa.”

Hindi nagsalita si Angela. Sa halip na magsalita ay niyakap na lang niya si Alfred. Pati si Shoichi ay nakisali na rin sa kanilang yakapan at damayan.

“Alfred. Shoichi. You guys are the best,” wika ni Angela na luhaan na. “Matagal na ring sinabi ng mga kaibigan ko na tanggapin na lang ang apology ni Mich kahit ayaw ko na sa kanya. Matagal ko na ring gustong i-settle ang rift namin, pero ako talaga mismo ang may ayaw eh.”

Hinaplos ni Alfred ang buhok ni Angela. “It’s okay. Just keep your head up, Angela. Hopefully matatapos na rin ang gulong ito. Nag-alala na kami para sa’yo dahil baka lalo pang lumaki ang gulong ito, kung nagkataon…”

Ilang saglit pa’y may nag-aabang na estudyante sa labas ng room nila. May dala siyang bouquet of flowers, isang letter at isang pakete ng Toblerone.

“Excuse me, guys,” wika ng lalaki. “This is for Miss Rolyn Angela Tungol. Nandiyan po ba siya?”

Nang marinig ni Angela ang pangalan niya ay nabuhayan siya ng loob. Nag-volunteer naman si Alfred para kunin ang regalo para sa dalaga. Pero si Angela na mismo ang kusang tumanggap ng regalo para sa kanya. Tumango na lang si Alfred at sinabihan siyang, “Wishing you for the best!”

Lumapit si Angela sa pintuan at namangha siya nang makita niya kung sino ang nagpadala.

“Hi, Emjay!” bati ng dalaga. “Kamusta ka na?”

“Okay lang naman,” sagot ni Emjay. “Galing lahat yan kay Mich. Pinadala niya sa akin ang lahat ng ito kasi inutusan siya ng teacher namin.”

Tinanggap ni Angela ang padala ni Mich para sa kanya. “Thank you, thank you.”

“So paano, una na ako ha? May klase pa kasi ako. Ingat ka!” paalam ni Emjay.

“Okay. Ingat ka din!”

Bumalik sa loob ng classroom si Angela at pinagmasdan ang tinanggap na regalo. Ipinahawak niya kay Alfred ang mga bulaklak habang binabasa ang letter. Sa cover nito ay may nakalagay na “I’m sorry” na letterings na kinulayan ng pink, green at blue. Simple lang ang naging mensahe na laman ng card.

“Angela, I’m very sorry for everything. I hope that we will be friends again.”
-Mich
P.S. Please accept these gifts as my token of apology.

Nanlambot ang puso ni Angela habang binabasa niya ang sulat. “Ang sweet pa rin niya, eh,” bulong ni Angela sa isip niya. Bagaman simple lang ang mensahe ni Mich para sa kanya ay agad na itong tumatak sa puso niya. Minahal pa rin siya ni Mich bilang kaibigan kahit matagal na silang hiwalay bilang mag-jowa.

Napansin ni Alfred na parang namumula ang pisngi ni Angela habang binabasa ang sulat. “So Angela. Tinatanggap mo na ba ang apology niya?”

“Yes and yes!” natutuwang sabi ni Angela. “He still loves me as a friend, after all.”

“Hehe. That’s our Angela!” sabi ni Alfred na may halong pagngiti. Ilang saglit pa’y muling nagyakapan ang dalawa. Makikita sa mukha ni Angela ang labis nitong katuwaan dahil natuldukan na rin sa wakas ang tampuhan at iringan sa pagitan nila ni Mich.

Ilang saglit pa’y dumating sina Kyzha at Gwen na galing sa CR. Agad nilang napansin ang bouquet ng bulaklak na nakalagay sa tabi niya.

“Girl! What’s the meaning of this?” sabi ni Kyzha.

“Galing ito kay Mich,” sagot naman ni Angela. “Nag-apologize na siya sa akin.”

“Wow! Good for you!” bigkas ni Kyzha na natutuwa para sa kaibigan. “So tinatanggap mo na ang apology niya.”

“Exactly! He actually cared for me as my friend, after all. I really don’t know how to repay him for his efforts.”

“Awww… I’m so happy for you…” Pagkatapos ay niyakap ni Kyzha si Angela na labis ang tuwa para sa kaibigan. Sobrang tuwa ni Kyzha dahil maayos na ang closure nina Angela at Mich.

******

Sa loob ng faculty room ay naroon si Mich kasama ang guro na nagyayang samahan ito sa opisinang ito. Nagkataon na walang ibang tao sa loob kundi sila lang dalawa.

“Mr. Wunder. Come here at my table,” tawag ng guro sa binata.

Hindi pa rin alam ni Mich kung bakit nga ba siya pinahiya ng guro sa mga kaklase niya kanina. Nagulat siya dahil artista pala ang naging teacher nila kanina. Nang tumambad sa kanya ang guro ay halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

Si Andrea Torres pala!

Litong-lito pa rin si Mich kung ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit nga ba siya pinatawag ni Ms. Andrea. Dahil ba hindi niya nasagot ang tanong kanina? O baka naman may lihim itong pagnanasa sa kanya?

Wala siyang kaalam-alam dito.

Lumapit si Mich at pinagmasdan ang pananamit ni Andrea. Plunging ang suot nitong damit at kitang-kita na rin ang cleavage nito. Hindi rin maiwasan ni Mich ang mabighani sa itsura ni Andrea ngayon.

“So Mr. Mich Wunder. What a good name for a handsome guy,” sabi ni Ms. Andrea. Nalilito pa rin si Mich hanggang ngayon. Kaya agad na niyang itinanong sa teacher niya kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya niyaya para samahan ito dito sa opisina.

“Ma’am Andrea, I just want to share something, with all my respect.” sabi ni Mich.

“Go ahead, Mich. What is it?”

Dito ay inihayag ni Mich ang kanyang mga saloobin. “Ma’am, first of all, I was really confused about why you invited me here. I was aware na hindi ko nasagot ang tanong niyo about sa World War One. I hate to say this, Ma’am Andrea; but I feel offended that you shamed me in front of my classmates.”

Ngumiti naman nang matamis si Ms. Andrea at tumayo ito para pumuwesto sa harap ni Mich. “Mr. Wunder, about that shaming, I’m very sorry for that. I apologize if I offended you while doing it.”

“I accept your apology. Ma’am,” wika ni Mich. “So ano po nga ba ang punishment, Ma’am?”

Marahang hinaplos ni Ms. Andrea ang pisngi ni Mich. “To be honest, none. The real reason why I called you he…