*****
FINAL Chapter
Nagawang makatakas ni Catriona mula sa mga pulis nang una siyang nagpaputok ng baril sa kanila. Malayo-layo na rin ang natakbuhan niya at gusto na niyang pumunta sa bahay nila Kylie. Mabuti na lang at malapit na siya sa kanyang paroroonan. At nang nakarating na ang beauty queen sa bahay ng kaibigan ay paulit-ulit niyang pinipindot ang doorbell.
“Kylie… Open the gate please…”
Sa loob naman ng bahay ni Kylie ay masayang nanonood ng Netflix ang dalaga kasama ang kanyang fiance na si Jake. Hahalikan na sana ni Jake ang kanyang fiance nang marinig ni Kylie ang paulit-ulit na tunog ng doorbell na mula sa labas.
“Putris naman… Kung kailan ready na tayong maglambingan, saka pa may gatecrasher sa labas…” inis na tugon ni Kylie.
“Ba’t di mo silipin, mahal?” tugon ni Jake. “Baka naman, eh kaibigan mo yun.”
Matamlay na lumabas si Kylie at binuksan ang gate. Nakasalubong niya ang kaibigang si Catriona na kanina pa humihingal dahil sa kakatakbo.
“Cat naman oh… Why do you have to show up now?” si Kylie.
“Makinig ka sa akin Kylie.” mahinang sabi ni Catriona na halos malagutan na ng hininga. “Hinahabol ako ng mga pulis, at kailangan kong magtago dito. I don’t want to get arrested. Please, Kylie. Let me in…”
Ayaw sana niyang papasukin ang kaibigan, ngunit nakaramdam rin siya ng awa dito. Kaya nagpaubaya na si Kylie.
“Sige na nga, pumasok ka na. Nagmumukha ka nang taong grasa sa itsura mo.” sabi ni Kylie at pinatuloy na niya ang kaibigan.
Pinaupo niya si Catriona sa sala at nagtungo sa kusina para ipaghandaan ito ng tubig. Mabilis namang nakabalik si Kylie at dala na niya ang baso.
“O, heto. Inumin mo muna to. Tapos mag-uusap tayo pagkatapos nito.” bigkas ni Kylie at nagtungo ito saglit sa banyo. Dahil naudlot ang panonood nila at nagdesisyon si Jake na umakyat muna sa kuwarto at maglaro ng Mobile Legends, at hindi na niya pinansin si Catriona.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Kylie sa sala at kinausap ang kaibigan.
“Cat. Ano ba kasing nangyari sa’yo’t nagkaganyan ka? Tapatin mo nga ako.” wika ni Kylie. Ngunit tahimik lang si Catriona at hindi umiimik. Muli siyang tinanong ng kaibigan.
“Tell me, Cat. Nang dahil na naman ba ito kay Lance?”
Tahimik na tumango si Catriona. Nakaramdam naman ng pagkadismaya si Kylie.
“Sinasabi ko na nga ba, eh.” pagalit nitong sabi. “Di ba sinabi ko na sa iyo, leave Lance alone! Alam mo na ngang may girlfriend na siya, hindi ba? Wag mong sabihing pinatay mo siya o ang girlfriend niya!”
“Kylie… Please let me explain—“
Hindi na nagawang tapusin ang sasabihin sana ni Catriona nang bigla siyang sinampal ni Kylie sa mukha, dahilan upang mapahaplos si Cat sa pisngi niya.
“You really are an asshole, Catriona. You promised me that you’ll let Lance go and you’ll leave him in peace!” ang pagalit na sigaw ni Kylie.
Nakatingin lang si Catriona sa kaibigan, at nag-umpisang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
“I’m really sorry Kylie… It’s just… that I still love him so much… Hindi pa kasi ako maka-move on sa kanya… I never intended to harm him or his girlfriend.”
“Never intended?! Huwag mo nga akong pinagloloko, Catriona. Alam ko na kung anong tunay na dahilan kung bakit naaatract kay Lance. Dahil hindi ka naniniwalang may girlfriend na siya!” bigkas ni Kylie. “Hindi porket hindi nila kasama ang girlfriend ng isang lalaki kahit sinabi niyang may mahal na siyang iba, hindi ibig sabihin nun na break na sila! Nakuha mo ba yung point ko?”
“Matagal ko nang alam yun…”
“O, alam mo pala yun, eh. Bakit ba kasi lapit ka pa rin ng lapit sa kanya? Akala ko ba you learned your lesson after you met Angela in person. But I was wrong, Catriona. You really are insane. Kung nakinig ka lang sana sa akin, hindi sana mangyayari ang trahedyang ito!” ang galit at pagkadismaya ay naroon pa rin sa tinig ni Kylie, hindi mapayapa ang naging damdamin niya dahil sa nangyari.
Kumapit si Catriona sa balakang ni Kylie. “Please Kylie… Nangyari na yun, at tinanggap ko naman na nagkamali ako. Just let it slide for now, okay? We’re still best friends, after all.”
“Just let it slide? Sa tingin mo, ganun na lang kadali yun para sabihin yan?” si Kylie. “Do you think Lance will come back to you because of what you did? Never, Cat. Never in a million years. He deserves to live a peaceful life with his girlfriend, and I agree with it. Now get out of my house, and surrender yourself to the authorities. Now!” Pagkatapos ay hinila niya si Catriona at pinalabas na ito ng bahay.
May dumating naman na police mobile sa paglabas ni Catriona. Bumaba ang mga sakay nito at muli nilang pinapalibutan ang beauty queen.
“Miss Catriona! Sumuko na po kayo! Samahan niyo na kami sa presinto!”
Hindi na nanlaban pa si Catriona at isinuko na niya ang kanyang sarili. Maya-maya pa’y ipinasok na nila ang dalaga sa auto at tumakbo na ito palayo. Habang nagmamaneho ang mga pulis patungo sa presinto, iniisip ni Catriona ang mga sinasabi ni Kylie sa kanya. Totoo nga ang kanyang mga sinasabi nito, at bigla siyang natauhan. Inilagay ni Catriona ang mga salita ng kaibigan sa isip niya, at nangako sa sarili na magbabago na siya simula sa araw na ito.
*****
Kasalukuyang nag-aantay si Lance sa lobby ng ospital kasama si Rhys. Hindi pa rin nawawala ang nararamdamang pagkalungkot niya kay Angela. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang trahedyang ito.
Umaasa pa rin siyang magkikita ulit sila ng kasintahan. Kanina pa namumugto ang mga mata ni Lance sa kakaiyak dahil sa pag-aalala at pagkalungkot. Dinamayan naman siya ni Rhys.
“Lance. Calm down, tol. Mabubuhay rin si Angela. Trust me.” si Rhys habang hinahaplos-haplos niya ang likod nito.
“It’s really unthinkable na mangyayari ito sa kanya…” hikbi ni Lance. “How I wish I was there to be able to save her sooner… I guess it’s my fault, somehow…”
“Wala kang kasalanan dito, Lance. Shhhh… It’s alright Lance. It’s alright. There, there. Everything’s going to be alright, I promise. Magiging okay rin ang lahat. Maniwala ka sa akin, God will take care of everything.”
Nagyakap nang mahigpit si Lance kay Rhys. Naramdaman naman ni Rhys ang hirap at hinagpis na pinagdadaanan ni Lance ngayon. Naniniwala naman siya na magiging masaya ulit si Lance sa oras na makagising na ulit ang nobya niya.
*****
Nagawi sa isang malaparaisong dagat si Angela na tila naliligaw. Halos walang tao ang makikita sa paligid, at maaliwalas ang panahon.
“Nasaan na ako? Langit na ba ito?” sambit ni Angela. Nagpatuloy ang dalaga sa pagmamasid nang may lumapit sa kanya na isang lalaki. May katangkaran ang lalaki, mga 5’7″ ang height. Nakasuot ito ng puting barong. Agad namang nakilala ni Angela ang lalaking yun.
“Pa? Papa!” bigkas ni Angela sabay yakap dito. Nagkataon na nakasalubong niya ang minamahal niyang ama.
“Hi sweetheart. I missed you.” masayang bati ni Arthur. “Look how big you’ve grown. Dalagang-dalaga na ang anak ko.”
“Namiss din kita, pa.” sabi ni Angela. Kasabay ng pagsalubong ng dalaga sa kanyang ama ay tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. “It’s really nice to see you again.”
“Same here, iha.”
Pagkatapos ay umupo ang mag-ama sa buhangin habang pinagmamasdan ang dagat sa kanilang harapan. Maya-maya pa’y kinausap ni Arthur ang anak.
“Anak, kamusta naman ang buhay mo ngayon?” tanong ni Arthur.
“Maayos lang naman po ako, pa.” sagot ni Angela. “Malapit na akong gagraduate ng senior high.”
“Wow, that’s good to hear! Ang laki na talaga ng pinagbago mo, anak. Maayos ba ang samahan niyo ng mama mo?”
“Opo. Bihira lang kami nag-aaway, pa. At kung may nagkamali man sa akin, nagkapatawaran naman kami.”
Naghari sandali ang katahimikan sa kanilang dalawa, at ang tanging maririnig dito ay ang paghampas ng maliliit na alon ng tubig-dagat sa dalampasigan. Hinawakan ni Arthur ang kanang kamay ni Angela at muli siyang nagsalita.
“Alam mo anak, naging mabait ka naman sa iyong ina, at maging sa mga kaibigan mo. You still have a bright future ahead, iha. Hindi pa dito nagtatapos ang mga pagsubok ng buhay mo. Marami ka pa palang misyon na hindi mo pa nagawang tapusin…”
“Pa, gusto ko na po kayong makasama dito. I want to spend every moment with you…”
Napatahimik saglit ang ama ni Angela sa sinabi nito.
*****
Nasa loob na ng operating room sina Lance at Rhys, at nandoon na rin sina Ashley at Tan sa loob. Naging maayos naman ang lagay ni Angela, kaya napabuntong-hininga naman si Lance.
“Talaga po ba, doc? Ibig sabihin, mabubuhay pa siya?”
“Sure na ako na mabubuhay pa ang pasyente natin.” anang doktor. “Kailangan lang natin ng konting pasensya para makapahinga siya nang maayos.”
“Salamat po, doc. Salamat.”
Ilang saglit pa’y naghari ang katahimikan sa loob ng operating room. Patuloy lang sila sa pagbabantay kay Angela. Ngunit kinabahan ang lahat nang magsusunod-sunod na ang tunog ng life support machine, at makikita sa screen na halos wala nang pulso ang dalaga. Bumabalik ang pag-alala ni Lance para sa kasintahan.
“No! Angela, please. Magpakatatag ka. Huwag mo kaming iwanan nang ganito…” pagsusumamo ni Lance. “No baby. Please don’t…”
Ngunit huli na ang lahat. Static na ang tunog ng makina, at tuluyan nang nalagutan ng hininga si Angela. Dito bumuhos ang matinding emosiyon ni Lance dahil alam na niyang wala na ang kanyang kasintahan. Bumibigat ang kanyang puso dahil dito.
“Angela!!!” ang sigaw ni Lance. Itinabi naman siya ng mga nurse at inihanda na ang defibrillator para subukang buhayin ang dalaga. Dito dumurog ang puso ni Lance habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga nurse sa nobya.
“Angela baby. Please don’t leave me… Huhu…”
“200 volts. And clear!” sigaw ng nurse. Hindi rumeresponde si Angela sa kuryente. Nagsubok ulit sila, at itinaas ang voltage ng defibrillator.
“300 volts. Ready? And clear!”
Wala pa rin. Wala nang nagawa si Lance kundi tanggapin na lang ang katotohanang wala na ang kanyang minamahal. Nagyakap na lang siya sa kanyang mga kaibigan.
*****
“Pa. Gusto na po kitang makasama dito. Namimiss na kasi kita…” tugon ni Angela. Inakbayan naman ni Arthur ang anak sabay halik sa noo nito.
“Anak. Pati ako ay gusto na rin kitang makasama dito. But remember th…