Kinky Kittens’ Chatroom Series 12: Dutdut Sa Aking Pussy

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa’y maibigan ninyo.

Ako si Hazel, 19 y/o, 5’11’, morena, lean body, curly hair, color brown narrow eyes, cup size B, so hindi ako eksaktong taga-Africa though hindi katangusan ang aking ilong, hindi naman din ako pango. The say i look like Zendaya with the face of Patricia Tumulak but I said it’s too much to be compared by them. Ako ang kontesera sa kinky kittens at Amazona daw dahil marunong ako sa taekwondo. Kaya panatag sila kapag ako ang kasama.

Ang Nakaraan: All is well na sa rape issue ni Mama Ditas at Ninang Mildred. Kung ako man ay produkto ng pangyayaring iyon ay hindi ko na inalam basta niyakap ko na ang katotohanan na si Papa Bal ang kinikilala kong ama at unti-unti na ring lumalapit ang loob sa akin ni Nikki. Nabanggit ni Mama na gusto raw kami makita ni Lolo Rio kaya inimbitahan kami ni Papa Bal na lumipad patungong Bacolod. Noong una, tumanggi si Papa ngunit pumayag rin kinalaunan. At nangyari nga ang pagkikita naming lahat lalo na nang makilala ko si Vernon, ang taong nababalot ng tattoo at misteryo.

Sa pagpapatuloy ng kwento…

Nakapagpaalam na ako at iniwan sina Lolo Rio at Papa Bal na abala sa pamimingwit sa fish pond doon lang sa likuran ng bungalow ni Lolo.

“Sige Hazel. Kung sasama ka, sa harapan ka na katabi ni Vernon.”, bilin sa akin ni Mama habang sumasakay kami ng Black Ford SUV Explorer.

Sabay kaming pumasok ni Mama sa loob ng sasakyan, ako sa harap at siya naman sa likuran kasama si Ninang Mildred. Pinahawak muna kay ninang ang aking baby na si Nikki saka yumuko si Mama papasok at umupo sa tabi ni ninang.

Huling pumasok si Vernon sa driver’s seat sabay bati sa aking suot, “Ang ganda mo sa suot mo, Hazel. May date ka ba?”

“Kanina mo pa binabati ang suot ko. Wala akong date. Mamamasyal lang sana ako sa mga dati kong kaibigan.”, tugon ko sa tanong niya na hindi ko magawang tignan ang itsura niya.

Nilapit niya ang mukha niya sa aking tainga at bumulong, “Mas gusto ko ang suot mo kagabi.”

Hindi ako makaimik at kinilabutan ako sa paglapit niya sa aking tainga kaya diretso lang ang tingin ko sa harapan at nagpanggap na wala akong narinig.

Hanggang sa bumiyahe na kami at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa tinatawag nilang ‘rape crisis center’. Sinadya ang ganitong pasilidad para sa mga nabiktima ng sexual assault at panggagahasa. Puro babae ang naririto at nakalagay sa karatula, ‘Male visitors are allowed to enter upon request. You may proceed to the receiving area.’

Kaya hanggang gate na lang si Vernon at nagpaalam, “Sunduin ko na lang po kayo ng alas singko?”

“Kahit alas sais, Vernon. Salamat!”, sabi ni Mama. Humalik si ninang sa pisngi ni Vernon at pumasok na sa gate bitbit si Nikki ko. Nakuha pang mag flying kiss ni ninang kay Vernon. Ang cheesy naman!

Sinubukan kong hiramin si Nikki kay Mama, “Ma, pwede ko bang isama si Nikki para mamasya? Bonding sana namin ni Nikki?”

“Akala ko ba sasama ka sa loob? Hindi pwede! Gusto ko lagi kong kasama si Nikki. Sige na kung hindi ka makakasama sa loob.”, sungit na paalam ni Mama sa akin. Nagmadaling humakbang si Mama upang makasabay papasok si ninang.

“Parang gusto kong ipa-straight ang buhok kong kulot. Grrr!”, inis na sabi ko sa sarili. Nakalimutan ko nga pala na kasama ko pa rin si Vernon.

“You look nice on your curly hair, Hazel. Braids na lang natin kung gusto mo para hindi bumuhaghag sa hangin.”, mungkahi ni Vernon.

“Talaga? Marunong ka?”, dudang tanong ko.

“Oo naman. Tapos kain tayo ng inihaw na pusit sa tabing dagat”, aya ni Vernon.

“Sige, basta sagot mo.”, payag ko.

“Ako ang nag-aya, ako ang taya.”, sabi niya.

Kaya naman sumakay na kami ng SUV at pumarada siya sa tabi ng kalye kung saan malapit ang tabing-dagat. Doon niya tinirintas ang aking buhok, nakatayo si Vernon habang bukas ang pinto ng SUV kung saan ako nakaupo.

Dito ko kinuha ang pagkakataon na tanungin siya, “Kaninang umaga, nabanggit mo ang tungkol sa CCTV.”

“Biro ko lang iyon kasi napansin ko ang suot mo kagabi. Akala ko nalagyan lang ng tinta ang lente ng mata ko. Wala ka pala talagang panty?”, walang kaabog-abog na bulalas ni Vernon.

Nahiya ako nang mabanggit niya iyon kaya nasabi ko na lang, “Nakasanayan ko na kasi ang matulog nang ganoon. Hindi mo naman sana ako makikita nang ganoon kung hindi mo ako itinago sa ilalim ng masikip na stool table.

“Hindi naman ako shocked. Marami na akong natattooan sa mga maseselang bahagi. Saka may gusto pa sana akong aminin sa iyo.”, wika ni Vernon.

“Ano naman iyon, Vernon?”, tanong ko.

“Isa akong itim sa watawat ng bahaghari.”, talinhagang hayag ni Vernon.

“Sinasabi mong isa kang…”, sabi ko kay Vernon na naghihintay lang na sa kaniya mismo manggaling ang ibubulalas niya. Ayoko na rin kasing magmukhang judgmental.

“Silahis, double blade, bisexual, chick boy.”, pag-amin niya.

Natawa ako sa huli niyang sinabi, “Chick boy?”

“Pwede sa chick, pwede sa boy.”, birong sabi ni Vernon.

“Ikaw na nga si Vernon! Ang kalaro ko sa piko at Chinese garter. Ikaw lang naman ang nagtyaga sa akin dahil ampanget ko pa noon.”, napagtanto ko.

“Akala ko nakalimutan mo na ako. Hindi ka panget, Hazel. Kakaiba ka lang sa iba. At gusto ko ang pagiging iba mo sa lahat.”, wika ni Vernon.

Nakahinga ako nang maluwag at biglang naging komportable ako kay Vernon na sa isang iglap matapos kong marinig ang kaniyang pag-amin, nawala ang takot ko sa kaniya lalo nang malaman kong siya ang pinakapaborito kong kalaro noong araw.

Binalik niya ulit ang usapan namin tungkol sa sinabi niyang diumano’y CCTV sa bahay ni lolo.

“Saka hindi ipagkakatiwala ni Lolo na magkabit ng CCTV sa bahay niya kung ang magmomonitor ay ang mga bodyguards niya. Binawasan na niya ang mga iyon matapos ang termino niya bilang mayor. Gusto na niya nang pribadong buhay.”, dagdag pa ni Vernon.

“Nakakatuwa naman, Vernon, na lahat ng kasama mo sa bahay kasundo mo kahit kakaiba ang personality mo.”, wika ko kay Vernon.

“Naku, hindi naman lahat, Hazel. Kinasusuklaman ako ng tatay ko. Isa raw akong malaking disappointment. Maniniwala ka ba kung siya ang dahilan ng mga tattoo ko kung bakit ko inilagay ang mga ito sa aking katawan?”, bulalas ni Vernon.

“Makikinig ako, Vernon.”, malasakit kong sabi sa kaniya.

“O ayan! Tapos na, Hazel! Check mo sa salamin.”, bulagang sabi ni Vernon.

Tinignan ko sa rear view mirror ang ginawa niya sa kulot kong buhok. Pa-zigzag ang hati niya sa aking buhok at pantay pantay din ang tirintas niya rito.

“Ang ganda! Kamukha ko si Beyonce. Parang may dumaang ahas sa ulo ko.”, tuwang sabi ko kay Vernon.

“Alam mo bang nakaka-relate ako sa mga ahas. They are the most misunderstood creatures. Ngunit ang laki ng ambag nila pagdating sa pagbibigay ng lunas. Napipilitan lang naman silang lumaban kapag nakakaramdam na sila ng takot.”, trivia ni Vernon.

“Kuya Kim, ikaw ba iyan? Ano na?”, biro ko sa kaniya.

Muli kong tinignan ang buhok ko sa naturang salamin. Sa tuwa ko, napayakap ako kay Vernon na siya namang sumukbit sa akin palabas ng sasakyan.

“Tara kain naman tayo ng inihaw na pusit.”, aya niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako patungong ihawan. Gaya nga ng sinabi niya, siya ang nagbayad sa binili naming pusit at doon namin inihaw.

“Ang sarap pala nito!”, masaya kong sabi.

“Kuha ka pa. Akong bahala.”, pagtiyak ni Vernon.

Inangklahan ko ang braso niya at tinapat ko sa bibig niya ang hawak kong inihaw na danggit ng pusit sa stick. Kinagat naman niya at parang napaso pa noong hawakan niya ang kaniyang bibig. Dinampi ko rin ang kaniyang bibig ng aking hinlalaki.

“Alam mo, Vernon. Hindi ka mahirap magustuhan. Napakabuti mong tao. Tama nga si Lolo, wala sa itsura ng tao ang kabutihan kaya hindi dapat nanghuhusga.”, paghanga ko kay Vernon.

“Talaga? Sabi ni Lolo iyon? Buti pa siya kahit hindi niya ako kadugo.”, wika ni Vernon na biglang may lungkot sa kaniyang tono.

Bigla naman naalala ko ang hinihintay kong kwento niya, “Ayun nga pala. Kwento mo naman kung bakit si tatay mo ang dahilan ng personality mo ngayon?”

“Gusto mo ba ng softdrinks?”, tanong sa akin ni Vernon habang lumalapit siya sa sari-sari store at napapansin ko ang iwas niya sa tanong ko kaya hindi ko kakalimutang ikulit ulit ito sa kaniya.

“Rootbeer sa akin.”, sagot ko sa kaniya.

“Isang rootbeer at isang orange soda.”, request ni Vernon sa tindera sabay abot ng bayad. Kinuha niya ang mga softdrinks namin na nakalagay sa supot na may straw at inabot niya sa akin ang rootbeer. Nagmamadali siyang pumunta ng dalampasigan. At dahil nauuna siya sa akin, napansin ko ang nakatirintas niyang mahabang buhok sa likuran na nakatago lang sa ilalim ng kaniyang itim na t-shirt.

Binati ko iyon habang sinusundan ko siya patungo sa dalampasigan, “Ang haba pala ng hair mo sa batok.”

“Oo, simula iyan nang matapos ko ang grade school sa catholic school. Dati tinitira ko lang iyan parang kay Anakin Skywalker sa Star Wars hanggang humaba na. Nagkaroon pa ako ng shaolin style na buhok hanggang nag mohawk na ko.”, bulalas ni Vernon.

“Kuwento mo na!”, kulit ko sa kaniya sabay kalabit sa kaniyang likod.

“Ang alin?”, maang-maangan ni Vernon.

“Tungkol nga sa erpat mo.”, sabi ko sabay kalabit ulit sa likod niya.

“Tigilan mo nga kakadutdut sa akin, baka ikaw ang dutdutin ko d’yan.”, inis na sabi ni Vernon.

Napansin namin na marami rin palang tao ang naglalakad sa tabing-dagat at ang iba naman ay tuwang-tuwa sa paliligo. Pinagmasdan ko rin ang dagat at dinama ang simoy ng hangin ng baybayin.

Maya-maya pa’y may pumansin sa itsura ng kasama kong si Vernon, “Sige ka, kapag makulit ka, ibigay kita sa taong iyon.”, nginuso ng ale si Vernon at ginawang panakot sa kaniyang anak.

Tinitignan ko si Vernon at tila nabasa niya ang iniisip ko, “Huwag kang mag-alala sa akin, sanay na ako.”, sabi niya.

May lumapit naman sa amin, magtotropa naman, pero nagulat lang ako dahil paghanga naman ang binigay nila kay Vernon. “Uy kuya! Astig ang porma mo! Para kang si Ryuk ng Death Note. Pwede ba kaming magpa-picture kasama ka.”, hiling ng binatilyo na may kasama pang apat na tropa niya. Na-miss ko tuloy ang barkada ko.

Pinaunlakan naman ni Ryuk este ni Vernon ang mga bagets at ako naman bilang tagakuha ng litrato. Snap! Snap! Nagpasalamat naman sila sa amin. Natawa naman ako sa sinabi ni Vernon, “Ryuk sa Death Note? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto.” Sabay hawak sa mukha niya.

Naramdaman ko ang pagkabalisa niya. Kaya naman, upang mapawi ang lungkot niya, inaya ko siya hawak ang isang kamay niya patungo sa dagat. Umatras siya at sinabing, “Anong ginagawa mo? Hindi ako pwedeng mabasa.”

“Tara na! Maligo na tayo! Samahan mo ako!”, aya ko sa kaniya.

“Hindi ka rin pwedeng maligo, mababasa ang sasakyan ni lolo. Saka tirik na ang araw. May nakikita ka pa bang nagbabad ngayon sa dagat?”, awat niya sa akin.

“Kaya ko nga naisipan na maligo ngayon ay dahil kaunti na lang ang tao. Huwag kang mag-alala, hindi mababasa ang van ni lolo.”, pagtiyak ko sa kaniya sabay hampas ko ng tubig-dagat sa kaniya. “Ano ba?!”, inis niyang sabi.

Kung agaw-pansin ang kakaibang hitsura ni Vernon, mas hinigitan ko iyon. Kahit siya mismo na-shock sa ginawa ko matapos kong hilahin ang laylayan ko paangat at hinubad ko ang akin dark blue dress. Dahil wala akong bra at nakaharap pa ako kay Vernon, siyempre tulala siya at nakatingin sa aking maliit na boobs. Pati kulay lavender na Havaianas slippers, patalsik kong sinipa. Hanggang itim na panty lang ang natirang saplot sa akin.

“Dahil ayaw mong maligo, Vernon. Bantayan mo na lang ako pati gamit ko.”, bilin ko sa kaniya.

“Hay! Gaga ka! Iiwan kita rito.”, panakot ni Vernon.

“Subukan mo. Isusumbong kita kay lolo.”, banta ko rin kay Vernon.

At dahil abala na si Hazel sa pagtampisaw sa dagat, ako na bilang may-akda ang magpapatuloy ng paglahad ng istorya.

Walang nagawa si Vernon kung hindi ang maghintay roon at umupo sa buhangin sa ilalim ng tirik na araw habang binabantayan si Hazel. Lumilinga linga rin siya dahil alam ni Vernon na hindi lang siya ang nakakita sa hubad na katawan ni Hazel kung hindi may iilang tao rin na naroon ang nakasaksi. Napapailing na lang rin si Vernon sa ginawa ni Hazel.

Lingid sa kaalaman ni Vernon, may isang morenong lalake ang lumalakad patungo sa kaniya suot lamang ang kulay green na may black stripes sa gilid ng Speedo brief nito.

Kinalabit niya si Vernon at paglingon ni Vernon sa lalake, agad na inupakan ang mukha ni Vernon.

“Akala mo natatakot ako sa hitsura mong demonyo ka!”, galit na binulyawan si Vernon.

“Nognog?”, gimbal na sambit ni Vernon habang hawak ang pisnging nasuntok. Matipuno ang tinawag niyang Nognog na may mukha ni Buboy Villar.

Nagalit lalo ito, “Ban, ang itawag mo sa akin. Alam ko bakla ka eh. Bakit mo pinopormahan si Hazel? Alam mo ba kung ano niya ako?”, mayabang na pakilala ni Ban sa sarili at sinipa naman si Vernon sa sikmura. Napaimpit naman si Vernon sa tindi ng sakit.

“Wala! Wala kang kaugnayan sa akin!”, sabat ni Hazel. Nilangoy niya agad matapos makita mula sa ‘di kalayuan na paparating si Ban sa kinaroroonan ni Vernon. Kaya nakalapit agad siya subalit huli na matapos makadalawa ng hagupit si Ban kay Vernon.

Natigilan si Ban pagkaahon ni Hazel sa dagat, pinilantik pa ni Hazel ang kaniyang buhok upang matagtag ang tubig nito at tumilamsik. Banayad pa niyang hinagod ang kaniyang buhok papuntang likuran at piniga ito gamit ang dalawang kamay. Dahan-dahang tumayo si Hazel at tumindig. Kitang-kita ang kili-kili niyang makinis at ang bahaging iyon ang medyo maputi sa kaniya dahil mamula mula na ang kaniyang kulay kayumangging balat dala ng sun burn.

Parang slow motion kay Ban ang nangyaring paghaharap nila ni Hazel na nagkataon pang hubad ang katawan nito maliban sa suot niyang black panty.

Kinuha naman ni Hazel ang kaniyang bestida sa nakahigang si Vernon at agad na nagbihis kahit basa pa rin ang kaniyang katawan. Panay pa rin ang silip ni Ban sa kaniyang kili-kili sa tuwing inaangat ni Hazel ang kaniyang straps sa balikat upang ituwid nang maayos. Inalalayan niya si Vernon na unti-unti nang nakakabawi mula sa pananakit sa kaniya ni Ban.

“Urbano Mendez. Ikaw dapat ang huling tao na gusto kong makita.”, taray na sambit ni Hazel kay Ban habang kinurus nito ang kaniyang mga bisig.

Dumami ang mga taong nag-usyoso sa kanila at pabilog silang pinaligiran. Ang iba pa’y kinukunan pa sila ng video gamit ang kanilang mga cellphone.

“Hazel naman? Parang wala tayong pinagsamahan. May anak pa nga tayo eh!”, bulalas ni Ban na may halong panunuya kay Hazel.

“Ah nakalimutan ko na iyon simula nang sabihin mo na may pangarap ka at dapat i-abort si Nikki.”, bulalas ni Hazel na hindi naisip ang dulas sa kaniyang pahayag.

“Nikki pala ang pangalan niya. Ang ganda niya. Mana sa’yo.”, puri ni Ban sa anak nila ni Hazel.

“Ano pa nga ba ang masasabi ko? Sige alis na kami, Nognog!”, paalam ni Hazel kay Ban habang inakbayan si Vernon sa braso, tinalikuran na nila si Ban at handa na sana nilang iwan ang tabing-dagat nang biglang hinila ni Ban ang nakatirintas at mahabang buhok ni Vernon sa likod.

Napalingon si Hazel matapos malamang hinila ni Urbano ang buhok ni Vernon.

“Akala ko ba bakla ka? Bakit pinopormahan mo ang asawa ko? Kinulam mo bang demonyo ka?”, galit na sabi ni Ban kay Vernon habang nakatapat ang bibig niya sa tainga ni Vernon. “Hiklatin ko kaya ang pakaw sa tainga mo?”, banta pa ni Ban patungkol sa tunnel earring ni Vernon.

Akma ngang hihilahin ni Ban ang tunnel sa tainga ni Vernon kaya inawat ito ni Hazel, “Teka lang, Nognog! Ano bang gusto mo para tigilan mo na kami?”

“Bumalik ka lang sa akin, Hazel. Handa na akong maging asawa mo at maging ama sa anak natin. Paninindigan na kita.”, hiling ni Urbano.

“Hindi ba huli na para d’yan. Wala na talaga akong nararamdaman para sa iyo.”, taray na sabi ni Hazel.

“Okay. Madali naman ako kausap!”, sambit ni Ban at tila itutuloy na niya ang banta kay Vernon.

“Okay sige na! Tayo na ulit! Masaya ka na!”, napilitang pagpayag ni Hazel sa gusto ni Ban.

“Ano iyon? Hindi ko narinig?”, sabi ni ban na gusto lang ipaulit ang sinabi ni Hazel.

“Oo na! Tayo na!”, malakas na sambit ni Hazel.

“Bakit parang walang, i love you, Ban?”, tanong ni Ban na nangingiti lang sa pinasasabi niya kay Hazel.

Luminga-linga si Hazel sa paligid at namumula na siya sa hiya dahil sa dami ng taong nag-uusyoso at karamihan sa kanila ay kinukunan pa ng video gamit ang kani-kanilang cellphones. Kaya para matapos na lang, ibinigay ni Hazel kung ano ang gustong marinig ni Ban.

“Oo na, tayo na! I love you, Urbano Mendez! Tanging ikaw lang, wala nang iba!”, buong lakas na sinigaw niya dala nang gigil. “…Asungot sa buhay ko.”, mahinang sabi niya karugtong ng sinabi niya kay Urbano.

“Parang kulang pa? Siyempre action speaks louder than words ‘di ba? Alam mo na ibig kong sabihin.”, pahiwatig ni Urbano.

Parang puppet na sumusunod si Hazel sa kagustuhan ni Urbano kaya lumapit siya at akmang hahalikan ni Hazel si Urbano ngunit naudlot ito nang bumulong si Hazel at nagbanta, “Walanghiya ka, Nognog! Talagang gusto mo akong hiyain dito. Makakaganti rin ako sa iyo.”

“Huwag mong gawin at tutuluyan ko itong syota mong shikigami.”, kontra-bantang bulong din ni Urbano.

Hindi pa natatapos ang bulong ni Ban kay Hazel ay niyapos na siya nito sabay halik sa kaniyang mga labi. Nabitiwan ni Ban ang buhok ni Vernon upang akapin din si Hazel. Hinahaplos pa ni Ban ang bewang at likod ni Hazel at napapapikit pa ito sa marubdob nitong halik. Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang lahat ng usisero at mga marites na naroroon.

Bumitaw sa halikan nila si Hazel at binigyan ni Hazel ng isang matinding sampal na may buwelo pa mula sa likod niya at dumapo ito sa mukha ni Ban. Mabilis na hinawakan ni Hazel ang kamay ni Vernon at nagmadali silang umalis sa dalampasigang din iyon.

Natigilan pa saglit si Hazel at mabilis nitong hinubad ang kaniyang basang panty at nilukot ito. Bago pa man makalayo si Hazel kay Ban ay tinawag niya ito, “Nognog! Para hindi mo ako makalimutan! Umm!” Ibinato ni Hazel ang nilukot na basang panty at sapul ito sa mukha mismo ni Urbano. At patuloy na tumakbo sila Hazel at Vernon hanggang makarating sa kanilang SUV.

Nang kapwa nakasakay na sina Vernon at Hazel, pagkasara ng pinto ay agad na pinaandar ni Vernon ang naturang SUV at agad din silang umarangkada. Matulin nitong pinatakbo ang sasakyan upang tiyakin na hindi sila aabutan kung may humabol man.

“Whooaaa! Nakakainis ka talaga, Nognog! Sana hindi na kita nakilala pa!”, inis na sigaw ni Hazel at gigil na pinukpok ang kamao sa dashboard na parang martilyo.

“Hoy! Gagang ‘to! Magagalit si Lolo pag nasira mo iyan.”, awat ni Vernon kay Hazel. “Hindi mo magiging anak si Nikki kung hindi dahil sa sperm donor na iyon.”, dagdag pa niya.

Napakalma si Hazel sa sinabi ni Vernon. “Tama ka! May point ka d’yan! Isa na lang siyang sperm donor na impakto.”, napagtanto niya.

Biglang natawa si Vernon na patuloy pa rin sa pagmamaneho. Muling nainis si Hazel at takang tinanong si Vernon kung, “Bakit ka natatawa? Ni hindi mo man lang naipagtanggol ang sarili mo kanina eh mas matangkad ka doon.”

“Sa tingin mo kapag pinatulan ko iyon, magbabago ba ang tingin sa akin ng tao? Lalo lang akong magmumukhang salbahe dahil ganito ang hitsura ko.”, paglilinaw ni Vernon.

“Oo nga! Nagmukha pa tayong nakakahiya kanina kaya ako naiinis. Kaya hindi ko maisip kung bakit ka tumatawa?”, muling pagtataka ni Hazel.

“Kagabi kasi nakita ko ang kalahati mong katawan na hubad. Ngayon naman nakita ko sa beach ang karugtong nun. Kaya nang marinig kong tinawag mong impakto si Nognog, natawa ako dahil ikaw naman ang manananggal.”, pang-aasar ni Vernon.

“Ah ganu’n? Nakakatawa iyon? Eh ikaw ang aswang sa atin. Hindi mo ako pinatulog kagabi! Tuluyan ko na kayang hiklatin ito?”, inis na wika ni Hazel sabay hawak sa tainga ni Vernon.

“Nagmamaneho ako, ano ba? Pinapatawa lang kita. Salamat, Hazel! Pinagtanggol mo ako. Bukod kay Nanay, wala pang gumagawa sa akin niyan. Nasanay na akong binubully. Noong bata pa ako, kahit isumbong ko kay Tatay, balewala. Magpakalalake raw ako.”, bulalas ni Vernon.

“Parang naiintindihan ko na. Ang mga tattoo mo sa katawan na sinabi mong hango sa ginawa sa iyo ng tatay mo.”, naliwanagang sabi ni Hazel sabay kapit sa kamay ni Vernon na nasa kambyo.

“Ako rin. Ngayon lang kitang lubusang nakikilala. Ang bongga ng rebelasyon mo, ‘day! Naging kayo ni Nognog at may anak kayo na inakala kong kapatid mo kay Mother Ditas.”, wika ni Vernon sabay kambyo at inilipat ang nakapilantik na kamay sa manibela.

“Gaga! Ampanget mong bakla! Hahaha!”, natawang biro ni Hazel kay Vernon. At tumawa rin si Vernon na napanatag matapos makita ang tuwa sa mga labi ni Hazel.

“Hazel, dadaan lang muna ako sa shop.”, paalam ni Vernon patungkol sa kaniyang tattoo art shop.

“Pwedeng sumama? Gusto kong makita ang shop mo.”, curious na wika ni Hazel.

“Oo naman. Pakilala ko sa iyo si Venom.”, sabi ni Vernon. Tumango na lang si Hazel kahit wala siya alam kung sino si Venom.

Mula sa main road, lumiko lang ang SUV sa kaliwa, at kumaliwa pa sa unang kanto hanggang bumagal ang SUV saka huminto.

“Sa back door na lang tayo dumaan para hindi isipin ni Nognog na nasa shop tayo.”, paintinding sabi ni Vernon kay Hazel. Umoo lang si Hazel.

Sabay na bumaba sina Vernon at Hazel sa SUV at sinara ni Vernon gamit ang remote ng kotse for auto lock. Pit! Pit!

Nang may biglang maalala si Hazel, “Teka, nakalimutan ko ang handbag at cellphone ko.”

“Nasa loob ba? Hindi mawawala iyon.”, pagtiyak ni Vernon.

“Kahit cellphone lang kunin ko.”, paalam ni Hazel. At pinindot ulit ni Vernon ang remote ng kotse. Pit! Pit! At pumasok na sa masikip na eskinita si Vernon.

Bumalik si H…