Kinky Kittens’ Chatroom Series 14: Sa Lingkis Ng Kamandag

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa’y maibigan ninyo.

Ako si Hazel, 19 y/o, 5’11’, morena, lean body, curly hair, color brown narrow eyes, cup size B, so hindi ako eksaktong taga-Africa though hindi katangusan ang aking ilong, hindi naman din ako pango. The say i look like Zendaya with the face of Patricia Tumulak but I said it’s too much to be compared by them. Ako ang kontesera sa kinky kittens at Amazona daw dahil marunong ako sa taekwondo. Kaya panatag sila kapag ako ang kasama.

Ang Nakaraan: Dinala ni Vernon si Hazel sa kwarto na parang isang interrogation torture room. Isiniwalat ni Vernon ang malupit na sinapit noong siya’y bata pa hanggang sa lumaki sa kondisyong pasasakitan siya gamit ang ibinigay na flogger kay Hazel. Kumuha naman si Hazel ng kandila at sinindihan niya iyo upang ipalit sa flogger na ginagamit niya sa pagpaparusa kay Vernon. Naging epektibo ito matapos malaman ni Hazel na takot sa apoy si Vernon. Muli nilang napag-usapan ang planong gumanti kay Urbano na dating boyfriend ni Hazel.

Sa pagpapatuloy ng kwento…

Makalipas ang ilang araw matapos ang fiasco sa harap ng tarangkahan sa bahay ng mga Solis. May tumatawag sa smart phone ni Hazel at sinagot niya ito sa loudspeaker.

Hazel: Uhhhm! Hello?

Bumulaga kay Hazel ang tinig ni Urbano.

Urbano: Hazel, kumusta ka?

Hazel: Ohh! Bakit ka tumatawag?

May napansing kakaiba si Urbano sa boses ni Hazel.

Urbano: Bakit para kang humahangos?

Hazel: Nag-eexercise kasi ako.

Urbano: Alas onse ng gabi?

Hazel: Ahh! Bakit? Nagpapaantok lang ako. Ohh! Anong problema doon?

Urbano: Wala naman.

Hazel: Hmm! I-ikaw? Bakit ka tumatawag… ng ganitong oras?

Urbano: Naniniwala ka pa ba sa akin?

Hazel: Shit! Ahh! Sorry? Oo naman. Sasagutin ko ba ang tawag mo kung hindi ako naniniwala sa iyo?

Urbano: Napamura ka. Anong nangyari sa iyo.

Hazel: Ano kasi… sumabit ang tela ng damit ko sa treadmill. Teka hubarin ko na tutal ako lang naman ang nandito.

Urbano: Talaga? Pwede ba tayong mag video call.

Hazel: Bukas na lang. Magdya-jogging ako bukas nang umaga. Sabayan mo na lang ako kung gusto mo. Ohh! Ahh!

Urbano: Paano tayo magkikita?

Hazel: Fuck! Ohh! Mga alas sais hanggang alas siete. Uhhmm! Paikot ikot lang ako sa subdivision.

Urbano: Bakit napamura ka na naman?

Hazel: Iyong paborito kong damit kasi… Ohh! Nasira!

Urbano: Gano’n ba? Video call na tayo. Gusto kitang makitang mag treadmill.

Hazel: Sa ibang araw na lang. Matutulog na rin ako pagkatapos nito. Sprint na ako. Bye! Aah! Ohh! Hmm! Uhhm! Hoh! Aah!

In-off na ni Urbano ang kaniyang tawag kay Hazel. Napaisip si Urbano matapos marinig ang ungol at halinghing ni Hazel, “Parang hindi nagte treadmill si Hazel? Kung hindi siya nagpaparaos sa sarili, maaaring may kumakantot sa kaniyang iba.”

Kinabukasan, alas sais n.u. sa loob ng subdivision

Mag-isang nag-jogging si Hazel suot ang kaniyang hoodie sweat jacket na kulay bubble gum blue at dark blue na jogging pants na may puting linya sa gilid nito na may suot ding rubber shoes na Sketchers na kulay light blue with silver linings. Nakataklob lang ang hood nito sa ulo niya at suot naman ang buckled straps sa kaniyang bewang na may nakasukbit na water sports canister sa magkabila nito.

Sumisilang pa lang ang araw noon at may kalamigan pa ang simoy nang hangin. May iilang tao na rin ang gising at nag-uunat lang sa tapat ng kanilang mga bahay. Ang iba naman ay abala na rin sa pagwawalis ng kanilang bakuran. Dahil ngayon niya lang ulit nakikita ang mga taong iyon, wala rin silang alam na siya si Hazel, ang apo ng dating mayor nilang si Mercurio Solis.

Mamaya pa’y may sumabay sa kaniyang isang lalake na mag-jogging, suot ang berde na may halong puti na singlet mula sa huling sinalihan niyang fun run marathon. May suot din siyang maikling red shorts at itim na Reebok rubber shoes na may mahabang medyas na halos abot hanggang tuhod na may linyang kulay pula at asul sa dulo nito.

Natawa nang kaunti si Hazel matapos makita ang mahabang medyas na suot ng sumabay na lalake. Tinanggal ni Hazel ang nakataklob na hood sa kaniyang ulo. Nasanay na siyang naka braid ang kulot niyang buhok dahil sa astig nitong porma. Matapos matawa ay itinago niya ang mga ngipin bago tignan ang kausap at nagwika, “Ayos ang porma mo ngayon, Ban ‘ah? Nirarayuma ka ba? Bakit ang taas ng medyas mo?”

Sumagot naman si Urbano, “Madalas kasing magpawis ang mga binti ko saka hindi ako sanay sa ginaw. Ngayon lang ako nagising nang ganitong kaaga dahil sa iyo.”

“So, kasalanan ko pala dahil inaya kitang mag-jogging nang ganitong kaaga?, taray na sabi ni Hazel kay Urbano na patuloy pa rin sa pagtakbo.

“Hindi naman. Medyo hindi lang ako nakatulog kagabi kakaisip sa iyo.”, turan ni Urbano.

Iniba na ni Hazel ang usapan at kung ano ano na ang pinansin sa suot ni Urbano katulad ng singlet nito, “Nagmamarathon ka pala? Ibig sabihin malakas kang tumakbo?”

“Hindi naman. Nakuha ko lang ito dahil may sinuportahan akong fun run. Alam mo na, para daw sa kalikasan.”, bulalas ni Urbano.

“Maniwala ka sa mga fun run, fun run na iyan. Pera lang habol ng mga iyan. Pwede ka naman mag-jogging katulad ng ginagawa natin. Libre pa.”, wika ni Hazel.

“Ano nga pala, Hazel. Paano ang usapan natin na magtatanan tayo?”, nahihiya pang tanong ni Urbano.

“Usapan? Pumayag na akong maging tayo ulit pero hindi natin napag-usapan ang tungkol doon.”, kunot-noong sabi ni Hazel.

“Nabanggit ko kasi noong nandoon tayo sa harap ng gate ng daddy mo. Sinabi ko sa iyo na magsama na tayo ng anak natin at iwan na natin ang pamilya mo.”, ani Urbano.

Huminto si Hazel sa pagdya-jogging at namewang. Taas-kilay na kinausap si Urbano, “Sa tingin mo, napapayag mo ako? Sinabi ko lang sa iyo na mag-uusap pa tayo matapos n’un.”

“Akala ko kasi malinaw na sa iyo kung bakit ako naroroon?”, wika ni Urbano.

Mula sa buckled strap sa bewang na suot ni Hazel, nakakabit din doon ang kaniyang smart phone at kumuha ng wireless earphones sa bulsa ng kaniyang jogging pants at isinuot ito sa magkabilang tainga niya.

Muling nagpatuloy si Hazel sa pagdya-jogging at ganoon din ang ginawa ni Urbano na nakasabay lang sa phasing ni Hazel.

“Look, sinusubukan ko pa kung magwo-work pa ang relasyon natin. Pero mukhang minamadali mo ako. Gaano ka ba kabilis?”, inis na tanong ni Hazel habang lumiliko sila sa kanto.

“Sa lalong madaling panahon sana. Gusto kong makasama ka sa pagpunta ko ng Canada at doon na tayo mamumuhay nang tahimik at masaya.”, ang nais na mangyari ni Urbano para sa kanila ni Hazel.

Napansin ni Hazel na walang gaanong tao sa kalyeng nilikuan nila kaya pinindot ni Hazel ang speed dial sa smart phone habang binababa ang zipper ng suot niyang hoodie sweat jacket.

Sumagot ang tinawagan niya sa smart phone at nagsabi si Hazel dito na, “Sige, papunta na ako sa usapan natin.”

Nagtaka si Urbano sa sinabi ni Hazel, “Huh? Anong sabi mo?”

Minali ni Hazel ang narinig ni Urbano. Sa halip ay muli niyang tinanong ito ng, “Ang sabi ko, gaano ka kabilis?”

Pagkasabi’y mabilis niyang hinubad ang suot na sweat jacket at ibinato sa mukha ni Urbano. Nahinto si Urbano sa pagdya-jogging matapos itapon sa mukha niya ang sweat jacket ni Hazel. Nang matanggal niya ang naturang jacket sa mukha ay nakita niyang nakalayo na si Hazel na walang pang-itaas na suot. Hubad na likod na lang ni Hazel ang natanaw niya sa ‘di kalayuan. Kaya pinilit pa niyang habulin ito at malakas na tinawag ang umiwan sa kaniya, “Hazel! Sandali lang. Hintayin mo ako. Hindi pa tayo tapos mag-usap!”

Natatawa lang si Hazel matapos kumaripas nang takbo at iwan nang ilang metro si Urbano. May nasalubong pa siyang ale na nagwawalis sa sidewalk, binati pa niya ito at kumaway sa ginang. Natulalang kumaway pabalik sa kaniya ang ginang matapos siyang makitang nagdya-jogging na walang suot pang-itaas. Sa suso nitong may cup size B, umaalog naman ito at dala rin ng lamig ng umaga, matitigas ang mga utong nito na may nakakabit pang piercings katulad din sa pusod niya.

Kumaway din siya sa isang matandang lalake na nagkakape at naibuga pa nito ang iniinom na kape matapos siyang makitang half naked.

Nakasalubong pa niya ang mag nobyo na katulad niya ring nagdya-jogging at titig na titig sa kaniya ang lalake na lumuluwa na ang mga mata kakatitig sa kaniyang umaalog na boobs. Natawa din si Hazel matapos takpan ang mga mata ng lalake ng kaniyang girlfriend at hindi na niya narinig ang sigaw at mura ng girlfriend sapagkat nakasalang sa wireless earplugs niya ang musika ni Avril Lavigne na may pamagat na ‘Girlfriend’.

Muling lumiko si Hazel sa kanto at doon na niya nakita ang nakaparadang Black Ford SUV Explorer. Agad siyang nagtungo roon at binuksan ang pinto sa harap nito.

Nang makita si Vernon sa driver’s seat ng naturang SUV, binati niya ito, “Maayong buntag, gugma ko.”

“Wow! Half naked ka? Hindi ka ba giniginaw?”, pag-aalalang tanong ni Vernon.

“Nagbato ulit ako ng souvenir kay Urbano saka ako kumaripas nang takbo.”, bulalas ni Hazel.

Binalabal ni Vernon ang tuwalya sa hubad na katawan ni Hazel at nagsabi ito, “Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Giginawin ka niyan sa ginagawa mo.”

“Alam ko kasing aabutan ako ni Urbano kapag hindi ko tinabunan ang panget niyang mukha para huminto sa pagdya-jogging.”, paliwanag ni Hazel.

Napansin ni Hazel na paparating na si Urbano at huminto sa may kanto. Yumuko ito at hinawakan ang mga tuhod habang nagpapahinga dala nang hingal sa pagtakbo.

“Speaking of impakto, ayan na siya. Tara alis na tayo, Vernon.”, aya ni Hazel subalit si Vernon ang nagpaandar ng sasakyan at tuluyan na ngang umalis ang SUV sa lugar na iyon.

“Maiba nga pala tayo. Pumayag na ang Papa mo na maging bise alkalde ng Tatay ko matapos ang pag-uusap nila noong isang gabi.”, bulalas ni Vernon.

“Talaga? Lalong maglalapit ang mga pamilya natin, Vernon.”, tuwang sabi ni Hazel sabay angkla at halik sa braso ni Vernon saka inunan ang balikat ni Vernon.

“Oo, at ayaw na nilang maupong muli ang mga Conde at Raymundo bilang pinuno ng bayang ito. Kapag nanalo na ang mga tatay natin, Hazel. Pakasal na tayo.”, pahayag ni Vernon.

Bumitiw sa pag-angkla si Hazel sa braso ni Vernon. Tumingin ito sa kaniyang bintana at nagkrus ng kaniyang mga braso at tumanggi ito sa alok ni Vernon, “Ayoko pa muna, Vernon. Hindi pa nga natin naisasakatuparan ang paghihiganti natin kay Urbano. Ayokong magmadali.”

“Naiintindihan ko, Hazel. Smile ka na. Huwag ka nang masungit. Sige ka, papangit ka tulad ko.”, panakot na biro ni Vernon.

“Isang pang dahilan iyan. Ayokong masunog ka kapag pumasok ka ng simbahan.”, pabirong asar ni Hazel.

“Siraulo! Hahaha! Sa tingin mo ba, balak kong ikasal sa simbahan? Sa beach tayo kung sakali.”, ani Vernon.

“Mangyayari naman lahat iyan. Basta magtapos muna tayo ng college, okay?”, wika ni Hazel na nagbigay ng kundisyon kay Vernon.

“Kahit ikaw lang ang makatapos. Ako na lang mag-aasikaso ng mga negosyo natin.”, sabi ni Vernon.

“Sige sana dumami pa ang tattoo art shops mo.”, hiling ni Hazel para kay Vernon sabay balik ulit ng kaniyang ulo sa balikat ni Vernon.

Biglang may nag-ring sa kaniyang smart phone. Kinuha ni Hazel ito sa kaniyang baywang at sinilip kung sino ang tumatawag. Nang makita ang pangalang ‘Nognog’, kinansel niya ito. Tuwag ulit si Urbano subalit kinakansel lang ulit ni Hazel. Hanggang magpadala na ito ng mensahe.

Urbano: Pinaglalaruan mo ba ako? Kapag hindi ka ulit nagpakita sa akin, mag-eeskandalo ako sa harap ng gate niyo.

Sumagot naman agad si Hazel.

Hazel: Alas sais ng gabi sa Playgroundz Gym.

Pagkatapos magbigay ni Hazel ng mensahe. Binalik niya ito at sinukbit sa kaniyang buckled strap sa baywang.

Nahalata ni Vernon na kausap ni Hazel si Urbano sa messenger dahil bumubuka ang bibig ni Hazel habang nagta-type ng message at binanggit ni Vernon ang lugar na pagtatagpuan nina Hazel at Urbano, “Playgroundz? No play, no game?”, natatawa pa si Vernon pagkatapos sambitin ang pangalan ng gym.

“Di ba dapat, no pain, no gain ‘yun?”, tuyang tanong din ni Hazel.

“Parang ganito raw ‘yan sabi ni Tito Dalton, ‘no basket, no ball, no basketball’.”, paliwanag pa ni Vernon.

“Walang mangyayari kung walang magaganap. Potential to kinetic if you know what I mean.”, dagdag pa ni Vernon na ginagaya pa ang boses ng kaniyang Tito Dalton.

“Para pala siyang si Asiancutie na may sense. Sinabi ba talaga ni Tito Dalton iyon?”, tanong ni Hazel.

“Hahaha! Ang hilig mong manood ng vlog. Oo, sinabi niya iyon. Nakakatawa lang kasi, napaka-defensive niya kasi sa pagbibigay niya ng pangalan sa kaniyang gym, ang dami niyang kuda.”, natatawang sabi ni Vernon.

“Don’t stop dreaming, keep sleeping.”, birong sambit ni Hazel.

“Di ba believing iyon? Hahaha.”, tawa ni Vernon sa biro ni Hazel.

“Basta kung ako iyan, ipapangalan ko, Serpent’s Lair.”, dagdag pa ni Vernon.

“Bakit palaging tungkol sa ahas? Kung si Tito Dalton, baduy magpangalan. Ikaw naman obsessed na sa mga ahas.”, wika ni Hazel.

“O baba na. Itapis mo na iyang tuwalya at magbihis. Sabayan nating mag almusal si Lolo Rio.”, wika ni Vernon matapos iparada ang SUV sa garahe sa bahay ng mga Solis.

Alas sais n.g. sa Playgroundz Gym

Nagsimula si Hazel na mag-inat para sa kaniyang warm-up exercise. Suot ang black tube bra kasama ang kaniyang paboritong black fish net tank tops, black yoga leggings at black Sketchers rubber shoes. Nakatirintas pa rin ang kaniyang buhok na parang si Hillary Swank sa pelikulang Million Dollar Baby.

Kahit studio type ay may kalakihan ang gym. Puno ng malalaking salamin ang bawat dingding nito. Kumpleto sa gym equipments pati timbang ng mga dumbbells mula 2.5 lbs. hanggang 30 lbs. na nakadisplay sa mga racks. Steel bars sa ilalim ng racks at nakatabi ang mga steel plates mula 5 lbs. hanggang sa pinakamabigat nilang 50 lbs. May steel lockers din sa dulo para sa mga miyembro. At nakalapag naman ang rubbber mats sa sementadong pulang sahig.

Habang nasa harap ng salamin, inunat ni Hazel ang mga braso pataas daan para makita ng iba pang kalalakihan na naroon ang kaniyang bagong ahit na kili-kili. Tanging si Hazel lang ang nag-iisang babae kasama ng iba pang mga lalake na nagdyi-gym din tulad niya. Kaso lang, talagang distracted ang iba lalo nang bahagya niyang ibuka ang mga hita niya at yumuko upang abutin ang magkabilang dulo ng mga paa niya nang salitan.

Habang nakatuwad siya, pinag-uusapan na siya ng tatlong magtropa kung may panty ba siyang suot o wala. “Pare, wala akong napapansing panty line sa p’wet niya.”, puna ng isa. “Tol, mabilog at malaman ang p’wet ni miss beautiful.”, susog naman ng pangalawa. Kaya hindi na natiis ng pangatlo, “Mamaya lang makikipagkilala ako d’yan para malaman natin kung may panty ba siyang suot o wala.”

Patuloy pa rin sa pag-inat si Hazel kahit nakakahalata na siya ang pinag-uusapan ng tatlong nasa likuran niya. Malalaki ang mga katawan nito at matatangkad kaya medyo kabado si Hazel kapag napagkaisahan siya ng mga ito. Subalit hindi siya nagpahalata bagkus ay tuloy lang siya sa kaniyang warm-up exercise.

Inunat niya ang kaniyang braso kasama ang kaniyang tadyang pakaliwa at ganoon din sa kanan habang nakabuka pa rin ang kaniyang mga hita. Pagkatapos ay nag jumping jacks pa siya ng sampung beses. Tumatalbog ang kaniyang p’wet subalit hindi ang kaniyang dibdib sa sikip at hapit ng kaniyang suot na tube bra. Doon na lumapit ang pangatlo na naka skinhead ang pagkakalbo nito.

“Miss, napansin ko wala kang kasama.”, puna ni kalbo.

“May hinihintay ako, mamaya parating na iyon.”, sabi ni Hazel.

“Gusto mo alalayan kita habang hinihintay ang kasama mo?”, prisenta ni kalbo.

“Okay lang naman basta huwag mo akong pwersahin.”, pagpayag ni Hazel.

“Sige kung ano lang ang kaya mo.”, pagtiyak ni kalbo sabay senyas ng okay sa dalawang kasama. Nag-apiran naman ang dalawa habang nanonood lang sa diskarte ni kalbo.

Hindi pa man nagsisimula ang kalbo kay Hazel nang biglang dumating si Urbano suot ang iniwan nitong hoodie sweat jacket. Maikling pulang shorts at black Reebok rubber shoes gaya n’ung suot niya matapos ang jogging nila kaninang umaga.

Nang makita ni Urbano si Hazel agad niyang tinanong ito nang may mataas na tono, “Bakit mo naman ako iniwan?”

Nagtanong si kalbo kay Hazel, “Heto ba iyong sinasabi mong hinihintay mo?”

Umiling si Hazel, “Hindi pa iyan. Kakilala ko lang iyan. Mayroon talaga akong hinihintay. Stretching muna ako sa legs habang nakahiga ako. Tulungan mo akong iunat…”, turan ni Hazel habang hinihintay na sabihin ang pangalan ng kausap.

“Howard, ma’am.”, pakilala ni kalbo.

“Hazel, pleased to meet you.”, pakilala naman ni Hazel sa sarili. At nakipagkamay siya kay Howard.

“Coward, ako naman si…”, sabat ni Urbano.

“Sinong coward?”, kunot-noong tanong ni Howard kay Urbano.

Lalapitan na sana ni Howard si Urbano nang bigla siyang hawakan ni Hazel sa bisig nito. “Hayaan mo na siya hindi naman kasi lalaban sa iyo iyan. Dati ko siyang friend na beki.”, awat ni Hazel kay Howard.

“Ganoon ba? Kaya pala ganyan ang suot niya pambabaeng sweatshirt.”, sabi ni Howard pansin ang suot nitong hoodie.

“Hazel, pinapunta mo ba ako para insultuhin mo? Iyang kalbo ba ang ipapalit mo sa akin.”, galit na binulyawan ni Urbano si Hazel.

“Ang sabi mo, gusto mo lang akong makita. O ayan nakita mo na ako. Kung gusto mo panoorin mo ako habang nagdyi-gym o kung wala kang kailangan dito, umalis ka na.”, ani Hazel na nakakapit pa rin sa bisig ni Howard.

“O, narinig mo. Kung wala kang gagawin dito, bakla. Lumayas ka na!”, taboy ni Howard.

“Sino sa tingin mo ang bakla? Hindi ako natatakot sa iyo, Coward!”, dilat-matang sabi ni Urbano kay Howard.

Sumabat ang isa sa kasamahan ni Howard, “Gusto mo, ‘tol, sa labas na namin pagtulungan ito.”, sabay na tumayo ang dalawa na nakaupo kanina sa bench na may nakasalang na 200 lbs. na barbell.

Natameme si Urbano matapos malamang may dalawang malaking kasama si Howard. Bahagya siyang humakbang paatras.

“Guys, pakiusap. Hayaan niyo lang si Bunny mag-stay dito. Kung hindi ka magdyi-gym, Bunny, hintayin mo na lang ako matapos saka tayo mag-usap.”, pagsamo ni Hazel.

Tumango lang si Urbano at kumalma ngunit nagyabang pa rin ito sa tatlo, “Pasalamat kayong tatlo, kung hindi dahil…