Kinky Kittens’ Chatroom Series 21: Showdown Sa Night Club

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa’y maibigan ninyo.

Ako si Criselda o Crisel, 19 taong gulang, 5’5″ ang taas ko, long dark copper colored hair, fair skin, may balat (birthmark) sa kanang tagiliran, may maliit na nunal sa kaliwang taas ng labi, alanganin na madilat na singkit ang mata ko, brown eyes, kahawig ko raw si Charlie Dizon o si Ayanna Misola ayon sa kanila. Medyo payat ako pero may kurba at cup size C ang boobs ko kaya sakto lang ang bilog kahit wala akong bra. At may katamtaman din ang laki ng aking p’wet.

Ang Nakaraan: Matapos ang threesome ni Crisel sa dalawang matanda ay hinatid siya nito malapit sa night club na tinutuluyan niya at sinalubong siya ng Mommy Lorna niya. Inalala ni Crisel ang pamilya niya mula sa isang maliit na litrato. Ito raw ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy sa buhay at umaasa na muli silang magkikita at mabubuo bilang pamilya. Sa pagpasok ni Crisel sa pamantasan, bigla siyang hinila sa rooftop ni Mario at nanaig ang lihim na pag-ibig niya sa sinisintang binata na naging daan ng kanilang marubdob na kantutan. Lingid sa kanila, may nakakita sa kanila at gagamitin ang pagkakataon na iyon upang mapasunod si Crisel sa plano ng mga senior student na ngayon niya lang nakilala.

Sa pagpapatuloy ng kwento…

Lumabas na kami ng CR at kasalukuyang naglalakad sa corridor kasama ang bago kong kakilala na sina Gem Diamante at Helga Salas at lahat ng mga tambay na estudyante doon ay nakatingin sa aming pagdaan.

“Sa Sabado na pala ang stag party ni Sean? Saka parang minamadali ang kasal nila kahit kaeenrol niya lang.”, pagtataka ko.

“Mukhang interesado ka rin kay Sean. May mabigat kaming dahilan kung bakit ayaw naming matuloy ang kasal nila. We want to get rid of his fiancee out of this school, out of this country and out of our lives!”, saad ni Gem.

Lalo akong naguluhan pero isa lang ang malinaw sa akin, hindi talaga si Sean ang puntirya nila kung hindi ang babaeng ayaw na nilang pangalanan. Medyo masungit na si Gem kaya iniba ko na ang tanong,

“Paano mo nga pala ako nakilala at nalaman ang tunay kong trabaho?”

Nagtinginan ang dalawa at nabuga pa nila ang kanilang mga laway sa hindi mapigilang tawanan. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa tanong ko.

“How naive, silly girl? Isipin mong mabuti kung paano nabisto ni Andrea si Mario na pumupunta sa beer house. Hindi ba ikaw ang ka table ni Mario?”, natatawang sabi ni Gem habang si Helga naman ay namumula na at hindi na nakakahinga sa kakatawa.

OMG! Sa dami dami nang eskwelahan na mapapasukan ko, dito pa ako napunta sa lugar na maraming tao ang nakakaalam nang sikreto ko.

“Nakakatawa pala itong si…”, natatawang sabi ni Helga at naalala na hindi pa pala niya ako kilala kaya binigay ko ang pangalan ko, “Criselda Mae Adis, 1st year mass comm student.”

“Right, sorry. Naalala ko na naman ang tagpong iyon.”, patuloy na pagtawa ni Helga na napapatukod pa sa kaniyang tuhod habang nakayuko dahil sa igik nang kaniyang pagtawa.

Ano ba ang tagpong iyon? Ah tama! Highschool graduation namin noon.

Balik-Tanaw Noong High School Graduation

“Crisel, sama ka? Para kumpleto naman tayong magbarkada.” aya sa akin ni Hazel.

“Saan kayo pupunta?” tanong ko.

“Sa Adriatico kami. Alam mo iyon. Dati nating pinupuntahang disco bar?”, bulalas ni Cass.

“Tara na, Crisel. May service car naman. Siksikan tayong apat sa likod.”, aya naman ni Rina.

“Hoy, Rina! Sa harap ka kasama mo si insan. Kami na lang apat ni Crisel sa likod, ‘di ba, Crisel?”, tanong sa akin ni Miya.

Nakakatuwa lang malaman na gusto nila akong makasama subalit…

“Kasama ko ang daddy ko ‘eh! By the way, Dad. This is Hazel, Rina, Cass and Miya. Guys, meet my daddy, Crisanto.”, pakilala ko sa bawat isa. At nagsibatian sila sa pinakilala kong daddy.

“Uhm, girls. If you like…”, bago pa ituloy ni Crisanto ang sasabihin niya, pinisil ko ang kaniyang kamay. Tumingin siya sa akin at bakas niya sa aking mata kahit may suot akong salamin na ayokong sumama.

Mabilis na nakaisip nang palusot si Crisanto, “Imbitahan ko sana kayo kaso baka magtagal kami sa lakad ng anak ko.”

“Okay lang po. Kung sakali Crisel, sumunod ka na lang.”, aya pa rin ni Hazel sa akin.

“Bye, guys! Have fun na lang and stay safe!”, paalam ko sa kanila at nagpaalam na rin sila sa amin.

Nang sumakay ako sa kotse ni Crisanto sa tabi niya habang siya ang nagda-drive, kinausap niya ako, “We could have been with them if you want to. Mukhang gusto ka nila at pinakilala mo pa akong daddy?”

“Ayoko rin kasing magmukhang kawawa sa araw ng graduation ko. Mukha naman tayong mag-ama ‘eh ‘di ba daddy?”, lambing kong sabi kay Crisanto at sinabi niyang tumigil na ako dahil naaasiwa siya kapag tinatawag ko siyang daddy.

“Saka ayoko talagang sumama. Ang lapit ng trabaho ko doon baka mabisto nila ako, Daddy.”, tukso ko pa sa kaniya.

“Please cut it out. It gives me the creeps kapag naiisip kong anak kita.”, awat niya sa pagtawag ko sa kaniya ng daddy.

“Daddy! Daddy! Daddy!”, kulit ko pa at kinikiliti niya ako sa pagsundot niya sa aking tadyang.

First love ko si Crisanto kahit 45 taong gulang na siya. Moreno, matangkad at gwapo. Kahawig niya lang nang kaunti si John Estrada pero mas gwapo siya doon siyempre.

“Saan mo gustong pumunta? Celebrate natin ang graduation tapos birthday mo na bukas.”, tanong sa akin ni Crisanto. Oo nga pala, tuwing Labor Day ang birthday ko.

“Hindi talaga kasi ako nagse-celebrate ng birthday at dahil pinaalala mo, I’ll make an exemption. Saka gusto ko sana kasama kita hanggang sumapit ang birthday ko sa alas dose. Kapag ginawa mo iyon, may surprise ako sa iyo.”, sabi ko kay Crisanto.

“Kaya nga cancel lahat ng appointments ko para sa iyo.”, turan niya na kinakiligan ko.

Kaya napaakap ako sa kaniyang braso at nagsamo ako sa kaniya na, “Kumain muna tayo, Dad.”

Nakita kong nasuya ang mukha niya nang tawagin ko ulit siyang daddy. Sarap talaga niyang asarin. Saka ang nagustuhan ko sa kaniya ay napaka-gentleman niya. Pakiramdam ko, isa akong prinsesa na binabantayan ng isang magiting at maginoo na kawal.

Sino ba si Crisanto?

Una kong nakilala si Crisanto sa club at ang trabaho ko lang ay kumuha ng order ng mga costumers. Hindi pa ako sumasayaw noon dahil usapan namin ni Mommy Lorna ay magtapos muna ako ng highschool. Pero pinatutulong niya ako sa club para masulit naman daw ang pinaaaral niya sa akin.

Madalas mag-isa si Crisanto noon habang umiinom ng beer. Parang lagi siyang may hinihintay pero natatapos ang gabi na iyon na umuuwi siyang mag-isa at lasing. Hindi naman siya kumukuha ng babae para i-table niya. Naging regular customer namin siya na ganoon lang gabi-gabi.

Hanggang sinubukan ko siyang kausapin. Noong una, hindi niya ako pinapansin pero nang maglao’y may napansin siya sa mukha ko na nagpapaalala raw sa dati niyang nobya. Maganda talaga siya kung ganoon nga, charot!

Hanggang sa pumupunta na siya sa club para makipagkwentuhan sa akin. Para sa kaniya, libre lang ako kausap pero sinisingil siya ni Mommy Lorna at wala namang angal si Crisanto na parang inaabuso na siya ni Mommy. Kapag sobrang lasing na siya, ino-offer ko ang KTV Room No. 5 habang nagpapahinga siya. Upang mahimasmasan, pinagtitimpla ko siya ng kape. Para ngang pinabayaan na ni Mommy Lorna sa akin si Crisanto upang asikasuhin ko dahil isa raw si Crisanto sa pinakagalante niyang costumers.

Kaya nga madali kong ayain si Crisanto ngayong graduation ko dahil tiwala si Mommy Lorna sa kaniya at hindi niya ako pinagagalitan kapag kasama ko si Crisanto.

Dinala niya ako sa Aristocrat Restaurant at umorder siya ng paborito kong beef caldereta at kare-kare. Beef lover kasi ako dahil siguro Taurus ang zodiac sign ko. And to my surprise, may nilabas silang cake para sa akin at kumanta pa ang lahat kabilang si Crisanto ng, “Happy Birthday to You…” First time kong magblow ng candle sa birthday ko kaya best birthday ever ko iyon kahit bukas pa talaga ang totoong birthday ko.

Matapos kaming kumain ay naglakad lakad lang kami sa Baywalk at nagkwentuhan. Hanggang inaya ko na lang siya mag KTV sa club namin. Doon nagkantahan kami at in fairness sa kaniya, malamig ang boses niya para akong pinapatulog. Lalo noong kinanta niya ang Angels brought me here ni Guy Sebastian at ilan pang RnB songs ni Jay-R at Kris Lawrence.

Nasa kasarapan na kami ng kantahan nang biglang may emergency daw sa opisina ni Crisanto.

“Something came up and I need to take this call.”, paalam niya sa akin.

“Wait? Paano tayo mamaya?”, tanong ko.

“Text kita. Basta magkikita tayo mamaya.”, pangako niya sa akin.

Nalungkot ako dahil hindi niya makikita ang debut ko. Ang pagiging ganap kong starlet.

**********

So, this is it. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong sasayaw sa stage.

Nasa dressing room ako at tinitignan ko ngayon ang sarili ko sa salamin suot ang red string bikini ko. OMG! Luwang luwa ang kaluluwa ko at kaunting likot ko pa, lalabas ang gilid ng areola ko sa bikini bra ko na parang micro.

“Alisin mo nga iyang suot mong salamin.”, sita sa akin ni Mommy patungkol sa aking antipara sabay sungkit dito.

“Sa tingin mo, Mommy? Maganda ba ako sa suot ko?”, conscious kong tanong.

“Kamukha mo ang ina mo.”, sambit niya sa akin.

“Talaga? Kilala mo ang nanay ko?”, gulat kong tanong.

“Ang ibig kong sabihin, sa picture niya. Nakakamukha mo na siya.”, palagay ko palusot niya lang dahil kinukutuban na ako. Pero palalagpasin ko muna.

Iniba niya na ang usapan upang hindi ko sundan ang tinuran niya, “Inahit mo sana ang bulbol mo para hindi siya lumabas sa bikini mo.”

“Ginawa ko na po. Pinaghandaan ko na ito.”, wika ko kay Mommy.

“Oh sige, pinasuot ko lang iyan. Mag bihis ka muna. Ikaw ang star of the night kaya huli kang sasayaw.”, sabi ni Mommy.

Tumalima ako at nagsuot muna ako ng white sando na hanggang ilalim lang ng dibdib ko ang laylayan at maong shorts na sa iksi nito, kita na ang pisngi ng p’wet ko. Sinuot ko ulit ang aking antipara. Ginawa ko muna ang trabaho ko bilang waitress at lumabas na ako ng dressing room para mag estima ng mga customer.

Nagulat ako sa dami ng tao at karamihan mga graduates ding katulad ko. Nagsisimula na kasing sumayaw ang iba pang dancers namin na bikini lang din ang suot habang gumigiling sa harap ng maraming tao. Kinukuha ko ang order ng customers ko nang mabigla ako sa pagdating ng isang pamilyar na lalake. Oh no! Si Mario at ang mga tropa niya sa basketball. Pero wala akong napapansing may kasama silang babae.

Pagkakuha ko ng order ay agad akong lumapit kina Mario. Medyo hindi gaano maliwanag sa lugar nila kaya hindi niya ako nakilala.

Binilang ko muna ang mga kasama niya at lahat sila casual ang mga suot bago lumapit kay Mario. “Table for 8?”, tanong ko mismo kay Mario at ang sagot niya, “Make it 10. May hinihintay pa kaming kasama.”

“Right this way, sir.”, dinala ko sila sa dulo para hindi niya ako makita kaso humiling si Mario na, “Pwede ba kami malapit sa stage? First time kasi namin pumunta sa ganitong lugar.”

“Fully occupied na po kasi ang front tables. Sa next row na lang po kayo pero igitna ko na lang ang tables niyo para kita niyo ang show namin.”, sabi ko kay Mario.

“Okay lang sa akin. Alam mo, miss. Parang kilala kita…”, wika ni Mario sa akin habang dinudungaw niya ako samantalang ako naman ay nakayuko sa kaniya. Medyo natapat na kami sa liwanag at halos hindi ko siya marinig dahil lumalayo ako nang bahagya samahan pa ng malakas na dagundong ng musika.

“Ano po pla ang order niyo?”, tanong ko sa kanila at bahagya rin akong tumalikod kay Mario para maitago ko ang sarili ko sa kaniya.

“Basta miss, bigyan mo kami ng dalawang buckets muna.”, sabi ng isa sa kasama ni Mario.

“Ano pala ang pulutan natin?”, tanong naman ng nasa dulo. Kasama rin ni Mario.

“Sizzling pork sisig lang muna.”, sabi ni Mario sa akin mula sa aking likuran.

Medyo asiwa ako nang maramdaman ko pa ang hininga niya sa aking batok. Natuliro ako kaya paglingon ko, bumangga ako sa katawan niya at nahulog ang salaming suot ko.

Pareho pa kaming napayuko at nauntog namin ang isa’t-isa.

“Ouch! Awit ka naman kasi, hindi ka tumabi.”, inis kong sabi kay Mario.

“Okay ka lang?”, alalang tanong sa akin ni Mario.

Pagsuot ko sa aking antipara ay bigla akong napatingin sa mukha niya. Mata sa mata. Saglit na tumigil ang mundo ko at hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng kabog ng aking dibdib.

Pati rin si Mario natigilan nang makita niya ako. Ngayon alam na niya na dito ako nagtatrabaho. Kapwa rin kaming tumayo mula sa pagkakayuko.

“Kilala kita. We’re in the same school before.”, sabi sa akin ni Mario.

“Ah, naku, sir! Baka napagkamalan niyo lang ako. Napaka generic kasi ng mukha ko kaya marami akong kamukha.”, kaila ko…