Kinky Kittens’ Chatroom Series 22: Debutante’s Birthday Sex

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa’y maibigan ninyo.

Ako si Criselda o Crisel, 19 taong gulang, 5’5″ ang taas ko, long dark copper colored hair, fair skin, may balat (birthmark) sa kanang tagiliran, may maliit na nunal sa kaliwang taas ng labi, alanganin na madilat na singkit ang mata ko, brown eyes, kahawig ko raw si Charlie Dizon o si Ayanna Misola ayon sa kanila. Medyo payat ako pero may kurba at cup size C ang boobs ko kaya sakto lang ang bilog kahit wala akong bra. At may katamtaman din ang laki ng aking p’wet.

Ang Nakaraan: Naalala ni Crisel ang araw ng kaniyang pagtatapos sa highschool nang itanong niya kina Gem at Helga kung paano nila nalaman ang kaniyang tunay na trabaho. Ito pala ang pangyayari kung saan nagshowdown sila ni Andrea sa night club hanggang sinubasta ni Lorna si Crisel sa madla. Dahil si Crisanto ang may pinakamalaking tampa, siya ang nanalo para maiuwi si Crisel bilang premyo.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Crisel…

Naalala ko ang huling tanong sa akin ni Gem,

“Hindi ba ikaw ang ka table ni Mario noon?”

Kaya nilinaw ko sa kaniya na, “Nope, nagkataon lang na ako ang kumukuha ng order nila. ‘Yun ba ang kwento sa iyo ni Andrea?”

Oo nga pala, malamang nakarating kay Gem ang showdown namin ni Andrea kaya nakukuwento siguro nito ang nangyari sa amin sa kaniyang kapatid.

Kaya minabuti kong alamin na rin para hindi ako maguluhan, “Close ba kayo ni Andrea?”, tanong ko pa kay Gem.

“Hell no! Magkapatid kami oo ngunit hindi ko ma-feel na kapatid ko siya. To be honest, mas gusto pa kita kaysa sa kaniya noong nagshowdown kayo.”, bulalas ni Gem.

“Nandoon ka rin? Ano bang mayroon sa club na iyon at pati ikaw nandoon?”, patuloy kong usisa.

Si Helga na ang sumagot at naglinaw, “Actually, kumpleto kaming 4Q. Nandoon din ako kaya nga grabe ang tawa ko mga 50,000.”

“Eh? Nandoon kayo hanggang i-auction ako?”, gimbal ko sa bulalas ni Helga.

“Yeah! Kaya susunod ka sa amin. We know what you did last summer!”, natatawang banta pa ni Gem at kapwa na nila akong iniwan sa bungad ng classroom ko.

Dumungaw ako sa classroom at parang wala na namang prof na darating kaya balikan ko muna ang kwento namin ni Crisanto.

Balik-Tanaw noong Sabado, Mayo Uno, alas tres y medya n.u.

Sa loob ng kotse…

“Akala ko talaga hindi mo na ako babalikan?”, tanong ko kay Crisanto na may kaunting tampo.

“May inasikaso lang pero gaya nang pangako ko nandito na ako.”, wika ni Crisanto.

“Ni hindi mo man lang napanood ang debut ko bilang starlet?, tampo ko pa.

“Nandoon ako, napanood ko kayo. May kasama ka rin na dancer. Kilala mo ba iyon?”, usisa ni Crisanto.

“Oo, si Andrea. Ka-batch ko sa highschool. Mahilig lang talagang gumawa ng eksena.”, bulalas ko.

“Ah, okay!”, sambit ni Crisanto.

“Buti at dumating ka, Daddy. Kung hindi iba ang nakabili sa akin.”, pasalamat ko sa pagbalik niya.

“Huwag mong isipin na binili kita, mas may halaga ka pa sa 50,000 pesos.”, turan ni Crisanto.

“Eh, kung may nag-bid ng 100,000?”, tanong ko.

“Mag-bid ako 200,000!”, tugon niya.

“Eh, kung 400,000?”, kulit ko pa.

“Kahit isang milyon, tutubusin kita.”, turan niya.

“Totoo? Ganoon ako kahalaga sa iyo?”, tuwang tanong ko kay Crisanto.

“Higit pa sa inaakala mo.”, sambit niya sabay tingin niya sa akin. Medyo matagal ang pagtitinginan namin nang bigla siya umapak sa clutch at break.

Screeeechh!!!

Bahagyang gumilid ang sasakyan namin sa pagkakahinto ni Crisanto. Nang pagmasdan niya ang makipot na kalye, tumapat sa headlights ang tumatawid na itim na pusa.

“Buti na lang hindi ko nasagasaan, malas kasi kapag nakasagasa ka ng pusa at kukay itim pa.”, pasalamat ni Crisanto na walang nangyaring masama sa amin.

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ni Crisanto, “Hindi kasalanan ng pusa kung pinanganak siyang itim. Kung lagi kong iisipin na malas ako, ‘eh di sana hindi na lang ako nabuhay.”, inis kong turan.

“Whoa, teka lang muna. Hindi ito tungkol sa iyo kaya huwag kang magalit.”, kalma ni Crisanto sa akin.

Binaba ko ang tono ko at nagpaliwanag, “Nilalagay ko lang ang sarili ko sa isang pusa. Kung ano bang nararamdaman niya kapag lahat nang nasa paligid niya, malas ang tingin sa kaniya. Hindi na kasi ako naniniwala sa malas at swerte.”

Kinuha ko pa ang smartphone ko at tinignan ang aking horoscope app at muli akong nagpatuloy, “Gaya nitong horoscope ko, ang sabi, ‘Sikaping unawain na sa bawat hirap, kapag nalampasan ay may nakalaang gantimpala. Maswerte ka ngayon sa pamilya subalit matinding pagsisikap ang kailangan para sa iyong career at malabo ang pag-ibig sa araw na ito, bigyan muna ng puwang ang bawat isa.’ Lucky color: White Lucky number: 11. Maswerte sa pamilya? Yeah right!”

“Ako rin hindi naniniwala sa horoscope. Tama ka, hindi dapat tayo naniniwala sa malas at swerte. Tayo mismo ang gumagawa ng kapalaran natin.”, susog pa ni Crisanto sa aking tinuran.

Nabigla yata ako sa pagtaas ko ng boses sa kaniya kaya bumawi ako sa pagpuri ko sa suot niya, “Ang gwapo mo sa suit na iyan. Kaya ka ba nagsuot na niyan ay para sa akin?”

“Oo, Crisel. Para sa ‘yo ito. Gusto kong maging espesyal at memorable ang kaarawan mo.”, sweet niyang tugon.

“Gusto ko kapag tinatawag mo ‘ko sa tunay kong pangalan. Pakiramdam ko, karespe-respeto ako.”, feel good kong turan.

“Dahil dama ko rin ang respeto mo sa akin, Crisel.”, sambit ni Crisanto.

“Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? Ang alam ko, magkaibigan lang tayo.”, tanong ko.

“Sa panahon kasi na ito, ikaw lang ang dumamay sa akin. Kaya maliit na bagay lang ito kumpara sa mga mabuti mong nagawa para sa akin.”, bulalas niya.

Tuloy pa rin siya sa pagmamaneho at sa ‘di kalayuan ay huminto muna kami sa Baclaran.

“Magsimba muna tayo at magpasalamat sa Diyos sa panibagong taon sa buhay mo.”, wika ni Crisanto.

Lalo akong na in love sa kaniya dahil relihiyoso pala siyang tao. Mga ilang oras pa bago magsimula ang simba, bumili si Crisanto ng labing-walong kandila.

“Aanhin mo ang maraming kandila na iyan?”, takang tanong ko.

“Para sa iyo lahat iyan, Crisel. Happy birthday!”, bati niya sa akin.

Wala, ano pa bang masasabi ko kung ‘di, “Thank you!”

Tinirik niya iyon isa isa sa candle racks at sinindihan.

Tinanong niya ako kung, “Anong wish mo? Kahit hindi mo na kailangan sabihin basta pumikit ka lang at humiling.”

Ganoon nga ang ginawa ko at ang hiling ko, “Sana magkaroon na ako ng pamilya. Sana, Crisanto, ikaw ang tumupad at bumuo ng pamilya ko. Sana alukin mo ako ng kasal.”, dami kong wish sa sarili ko.

Hinipan ko lahat ng kandila na iyon kahit ang iba pang kandila, dinamay ko na. Natawa lang si Crisanto sa akin at muli niyang sinindihan ang mga kandila.

“Hayaan mo lang silang sumindi. Tara na sa simbahan?”, aya sa akin ni Crisanto. At tumuloy na kami sa loob. Nandoon ‘yung moment na magkahawak ang kamay namin habang kumakanta ng ‘Ama Namin’ at paghalik ko sa kaniyang pisngi sabay sabing, “Peace be with you!”

Makalipas ang halos isang oras ay natapos ang misa. Tumuloy na kami sa isang hotel sa Pasay. Sinalubong kami ng valet at inalok na siya ang magparada ng kotse. Agad naman binigay ni Crisanto ang susi at pumasok kami sa loob ng revolving door. Laking gulat ko nang paisa isang binigay ng mga staff ang tangan nilang isang pulang rosas sa akin hanggang makumpleto ang labing-walo.

Samantalang si Crisanto naman ang kumuha ng cake mula sa waitress at saka itinapat sa akin sabay kumanta ang lahat ng, “Happy birthday to you…”

Ang akala ko, the best na iyong sa Aristocrat. Kaya walang pagsidlan ang aking tuwa sa ginawa ni Crisanto para sa akin.

“Sobra sobra na ito, Crisanto. Maraming salamat!”, naluha pa ako sa sobrang tuwa matapos magpasalamat sa kaniya. At nagpasalamat din ako sa mga taong tumulong kay Crisanto.

“Inuupahan ko ang penthouse para sa atin. Akyat na tayo?”, aya niya sa akin.

Doon ay dumiretso na kami sa elevator tangan ko na ang aking mga rosas habang red velvet cake naman with strawberries on top ang sa kaniya. Pinindot niya ang ‘PH’ at dinala nga kami sa penthouse.

Pagpasok namin sa pinto ay tumambad sa akin ang malawak na kwarto. Bumungad agad sa akin ang kitchen at kumpleto ito sa gamit kasama ang island table. Ang sala set naman ay pabilog na may hagdan tatlong hakbang pababa at nakapalibot ang mga sofa na may pakurbang disenyo sa center glass table. Dito ako naaliw sa glass wall dahil tanaw ang swimming pool sa rooftop deck kabilang na sa matatanaw ang buong lungsod na puno ng ilaw lalo na ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Siguradong pagsikat ng araw mamaya ay lilitaw ang lawak ng dagat.

Hindi ko mapigilan ang mamangha sa aking nakikita lalo na nang makita ko ang swimming pool. Parang ang sarap maligo at mag-swimming.

Kaya nagpaalam ako kung, “Pwede ba akong mag-swimming?”

Nilapag ni Crisanto ang tangan na cake sa island table sa kusina at sinunod ko ring ilapag ang hawak kong mga bulaklak sa mesa ring iyo kasama ang hinubad kong salamin sa mata. Saka niya ako kinausap at tinanong, “Dala mo pa ba ang bikini mong pula?”

Sa suot kong off-shoulder brown dress ay mahahalata na niyang walang straps sa balikat ko na nagpapatunay na may suot akong bra.

“Anong bikining pula? Kailangan ba iyon?”, maharot kong tanong.

Ginulat ko siya nang hubad kong inangat ang aking dress at lumuwa ang mga mata niya nang malamang wala akong suot na bra at panty. Hubo’t hubad na akong nakaharap sa kaniya kaya kitang-kita niya ang mapintog kong mga suso at ang kalbo kong puke.

Ibubuka pa lang niya ang kaniyang bibig nang bigla akong tumakbo na parang bata palabas ng penthouse at lumundag patungong swimming pool.

Splash! Brrr! Ang lamig pala ng tubig. Lumangoy ako at bigla akong nangatal nang dumampi ang hangin sa aking balat na likha din sa lamig ng umaga.

Mula sa loob ng penthouse ay pinatugtog ang mellow music gaya ng Morning Girl ng The Lettermen. At lumabas din ng penthouse si Crisanto.

Doon ko siya inayang mag-swimming, “Halika na, Daddy! Samahan mo akong mag-swimming.” Hinampas ko pa ang tubig patama sa kinatatayuan ni Crisanto.

Napaatras siya upang umiwas sa hinampas kong tubig, “Ayoko! Malamig ang tubig. Buti hindi ka giniginaw?”, tanggi niya.

Kaya nag backstroke akong lumangoy upang pagmasdan ang reaksyon niya na nakatingin sa nakatihaya kong kahubaran. Nahuli ko pa siyang humawak sa kaniyang bumubukol na alaga suot pa rin ang kaniyang elegant dark brown tuxedo.

Pagkarating ko sa dulo ng pool ay humawak ako sa handrail ng swimming pool upang umahon, lalo akong nanginig sa sobrang ginaw. Lumapit pa ako sa bingit ng deck na may harang na gawa sa salamin at stainless steel. Mula sa taas nito ay tinanaw ko ang ibaba, nalula ako sa sobrang taas ng inaapakan kong rooftop deck.

Tinanong ko si Crisanto, “Gaano kataas ang hotel na ito, Daddy?”

“Nasa tuktok tayo na may 35 floors.”, sagot niya.

Medyo madilim pa rin naman ngunit batid kong maaari rin akong makitang hubo’t hubad dahil walang lilim ang rooftop.

Mula sa likuran ko ay lumapit sa akin si Crisanto at tinanong ako kung, “Hindi ka ba giniginaw at nakahubad ka pa?”

“Mas gusto kong nakahubad ngayon dahil birthday ko. Pare pareho naman tayong isinilang na nakahubad. Sa susunod na birthday ko, ganito ulit.”, katuwiran ko.

“Kung iyan ang gusto mo.”, sambit niya.

Nagulat ako nang biglang isinuot sa akin ni Crisanto ang kwintas na tinubog sa ginto at may hiyas na esmeralda sa palawit nito.

Hinawakan ko ang palawit at nagwika, “Ang ganda nito, Daddy. Thank you!”

Biglang tumugtog ang Dance with My Father ni Luther Vandross. Doon niya akong inayang sumayaw, “May I be your first and last dance? Ako na ang kukumpleto ng 18 roses mo.” Sabay abot ng mga rosas sa akin.

Kinuha ko ang mga inabot niyang mga bulaklak at hinawakan ko rin ang kamay niya. Doon ko isinandal ang ulo ko sa kaniyang dibdib habang hawak niya ang aking baywang. Nagpapamanyak na ako subalit ayaw niya pa rin akong manyakin. Talagang iba si Crisanto sa lahat ng lalaking aking nakilala.

“Dance with my father talaga ang music, Daddy?”, ngiting tanong ko sa kaniya.

“Naintindihan ko na wala kang Daddy kaya payag na akong tawagin mong daddy.”, sabi niya.

“Kaso hindi na ganoon ang pagtingin ko, Crisanto. Mahal na kita. Kaya mo bang mahalin ang tulad ko?”, pag-amin ko dahil hindi ko na kayang pigilan pati ang libog ko.

“Nakatali na ako sa aking asawa.”, bulalas niya.

“Alam ko, Crisanto. Kita ko ang singsing mo patunay na hindi ka na binata.” sabi ko.

“Pinagkasundo lang ang aming kasal, Crisel. Iba ang mahal ko noon hanggang sa makilala na kita. Mahal din kita, Crisel ko!”, pag-amin din niya sa akin.

It’s official! Hinayag niya na sa akin ang tinatagong pagtingin. Kaya hindi na ako nag atubili na ab…