Kinky Kittens’ Chatroom Series 25: Andrea Diamante

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa’y maibigan ninyo.

“Good afternoon po! My name is Miriam Mediola Gamiao, 18 years old from Paco, Manila. I believe in a phrase saying, ‘Carpe Diem’ seize the day while we’re young, wild and free. YOLO!”, pakilala ni Miya sa lahat ng kaniyang kaklase at teacher.

Nang makapagpakilala na ang lahat at nang matapos na ang klase ay lumapit at umupo sa tabi ng kaniyang upuan si Andrea. Nangalumbabang kinausap si Miya, “Taga Paco ka pala? Malapit ka ba kila Mario?”

Luminga linga si Miya sa dami nang kaklaseng babaeng nakapalibot sa kaniya. Halos lahat ng babaeng naroon ay sumusunod kay Andrea.

“Magkatabi lang ang barangay namin. Bakit, Andrea?”, kabang tanong ni Miya.

“Wala kasing nagbabantay sa baby boy ko. When I heard na tagaroon ka, gusto ko sanang bantayan mo siya para sa akin.”, suyo ni Andrea.

“S-sige, para sa’yo babantayan ko si Mario mo.”, nangangatal niyang tugon.

“Close ba kayo ni Criselda? ‘Yung makating higad na gustong umahas sa baby boy ko?”, tanong ni Andrea.

“Criselda? Classmate ko dati tapos nagkasabay kaming mag-enrol dito. Kasama rin natin sa dati nating school.”, bulalas ni Miya.

“Eh bakit hindi ka sa amin sumama ni Mario?”, tanong ni Andrea.

“Baka kasi makaistorbo ako sa inyo kaya medyo alangan ako.”, pahayag ni Miya.

“Dahil magkaklase na tayo. Gusto ko lahat tayong mga girls, solid na magkakaibigan. May isa pa akong favor na hihingin sa iyo.”, wika ni Andrea.

“Ano ‘yun?”, matipid na tanong ni Miya.

“Mula ngayon, hindi mo na papansinin si Criselda. Dahil ayokong may kaibigan na dumidikit sa may bakokang.”, dikta ni Andrea.

*********

Miya, kung alam mo lang. Gusto ko nang sabihin ang dahilan kung bakit kinamumuhian ko sa inyong lahat si Crisel.

High-school pa lang tayo gusto ko nang makipagkaibigan sa inyo. Kaso lang iba ang nararamdaman ko kay Crisel. Sa pananamit at pagkilos niya, parang gusto na niyang tuklawin si Mario ko.

Hindi hamak na mas maganda ako sa kaniya. Subali’t sinasadya niya ‘atang magpapansin na kahit saan naroroon si Mario ‘eh nandoon siya.

Natatakot lang ako na piliin ni Mario na ipagpalit niya ako kay Crisel dahil mas abot niya ang katulad niya kesa sa tulad kong lumaki sa marangyang buhay.

Lalo ngayon na may tampuhan kami ni Mario dahil katuwiran niya ay lagi ko na lang siyang kinahihiya sa tuwing napag-uusapan namin ang tungkol sa aking pamilya.

At ang kinaiinisan ko lang ay ang pakiramdam na laging na lang akong nakikipagkumpitensiya kay Crisel bagama’t ako ang girlfriend, ako dapat ang panalo sa puso ni Mario… at hindi sa tulad niyang haliparot.

Ako si Andrea, 18 taong gulang. May vital statistics na ’33-23-35′ at may height na 5’3″. Cup size E kahit may kapayatan ang pangangatawan. Mataray daw akong tignan, singkit ang mata, black colored eyes. Long black hair and I love tying it in pigtails.
Grecian nose, and having a luscious pink lips.

Hindi kami halos magkasama ni Mario noong graduation namin sa high school dahil kasama ko ang Daddy at Mommy ko sampu ng kanilang mga katiwala.

Hindi hayag ang relasyon ko kay Mario. Kaya sinusulit ko kapag kami lang ang magkasama sa classroom. Hiniling ko kasi kay Daddy na kapag nasa loob na ako ng campus, no bodyguards allowed or otherwise, magta-tantrums talaga ako. He then granted my request. Doon lang ako nakakaramdam ng kalayaan.

Mas nanaig ang lungkot ko noong graduation dahil matatapos na ang maliligayang araw ko sa piling ni Mario. Kaya hiniling ko ulit kay Daddy na ipagpatuloy pa rin ang scholarship program namin para kay Mario sa college. Para hindi halata, dinamay ko na rin ang buong basketball team nila para sa scholarship at pumayag naman si Daddy. Walang pagsidlan ang aking tuwa sa pagpayag niya.

Kaya bago kami umuwi, nagsabi ako kay Daddy at Mommy na magpaalam muna sa mga kaklase ko pero ang totoong dahilan, gusto ko lang saglit na makasama pa si Mario at upang sabihin sa kaniya ang magandang balita.

Nagbago ang timpla ko nang makita kong may kausap na mga babae si Mario. Napansin ko rin na parang kakatapos lang nilang kausapin si Uncle Toto at parang kasabay pa niya si Crisel na lumabas ng gate. O nagkataon lang dahil alam kong graduation ko ang sinadya ni Uncle Toto, kaya hindi dapat bigyan ng malisya.

Lumapit ako at umangkla sa tabi ni Mario, “Let’s go, baby boy!”, aya ko.

Inaya ako ni Rina, “Hey, Andrea. Sama kayo sa amin ni Mario. Celebrate natin ang graduation nating lahat.”

“Sorry girls. May lakad din kasi kami ni Mario. Have fun na lang! Bye!”, paalam ko.

“Yeah! May lakad nga pala kami. Salamat sa paanyaya.”, sabi naman ni Mario habang hinihila ko siya palayo.

Kinumpirma sa akin ni Mario kung totoong, “May lakad tayo?”

“Wala. Sinabi ko lang iyon to get rid of them. Sasama ka ba talaga without me or not even telling me?”, inis kong sabi.

“What am I supposed to do? Ni hindi mo nga ako maipagmalaki na boyfriend mo sa mga parents mo?”, hinanakit niya.

“Is this your way of pressuring me? Be grateful na tayo kahit alam naman natin na bawal pa akong mag boyfriend. All I ask is for you to understand or else, lalo lang lalala ang situation natin.”, pakiusap ko.

Bugtong-hininga lang ang tugon niya sa akin. Sumandal lang ako sa balikat niya.

Ilang sandali pa’y tumawag na si Yaya Baning sa akin, “Andrea, tawag ka na ng Daddy mo. Uwi na raw tayo.”

Ni hindi ko na nabanggit kay Mario ang tunay na pakay ko dahil nauna na naman ang pagtatalo namin.

Maya-maya ay lumapit si Talbot sa amin at doon na ako nagpaalam kay Mario. Hindi ko na nakuha pang humalik dahil sa pagkailang ko sa team captain ni Mario. Feeling ko kasi chuchu siya ng ate kong impakta, si Gemmilyn.

Nang makalabas na ako ng campus at sumakay ng kotse kung saan kasama ko sina Daddy at Mommy. Hindi na ako umimik dahil noon pa man ay hindi na magkasundo sina Daddy at Uncle Toto. Lalo nang batiin ako ni Uncle ngunit hindi man lang siya pinansin ng Daddy ko. Kaya hanggang ngayon, dito sa loob ng sasakyan, ramdam ko pa rin ang tension.

Nang makarating kami sa Bel-Air sa mansion. Ang dami naming bisita, kaso hindi akin. Puro mga kasosyo sa negosyo ng Daddy at Mommy ko. Kasama rin nila ang mga anak nila na hindi ko naman ka-close pero dala dala nila ang magagarang mga regalo.

Kaya mas pinili ko na lang dalawin ang lolo ko na nakaratay sa kaniyang kama sa kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto, agad kong inakap si lolo, “Lolo, napanood mo ba ang graduation ko?”, tanong ko.

Ang nurse na ang sumagot para kay Lolo, “Senyorita, n’ung umaakyat ka sa stage. Ngumiti ang lolo mo.”

Nakasuot ng nasal cannula o oxygen tube ang ilong niya at hindi na makakilos maliban sa kaniyang mga mata at ngiti sa kaniyang mga labi. Kaya alam kong masaya siya para sa akin. I’m a proud lolo’s girl. Kaya masakit sa akin kapag nakikita ko siyang nahihirapan.

Kaya nasambit ko lang, “Lolo, pagaling ka na. Mga Diamante tayo kaya matibay tayo. Pakatatag lang po.”

Hindi ko napigilan ang luha sa aking mga mata habang hawak ang kaniyang kamay. Lalo akong nahabag nag makita ko rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha at hindi man lang makapagsalita.

Kaya tinahan ko siya, “Heto na, lolo. Hindi na ako iiyak. Basta pagaling ka po.” Pahid ko sa aking luha pati na rin sa kaniya.

Biglang may kumatok sa pinto at binuksan ito. Si Yaya Baning pala at tinatawag ako upang magpalit ng damit.

Kaya iniwan ko si Lolo nang halik sa pisngi at nagpaalam saka sumama kay Yaya sa aking kuwarto. Nakahanda na ang pink gown ko na nakalatag sa aking kama.

“Ano ‘yan? Parang debut ulit ‘eh graduation lang naman ang celebration natin?”, angal ko.

“Eh ito raw ang gustong ipasuot sa’yo ng Mommy mo.”, sabi ni Yaya.

Lumapit ako sa aparador ko at kinuha ko ang nakasampay na cherry pink dress na may tie string straps at revealing ang ibabaw ng dibdib nito kapag sinuot ko. At ang laylayan nito ay nasa ibabaw lang ng aking tuhod.

“Ito na lang, Yaya. Hindi ko pa nasusuot ito.”, turo ko sa aking napiling damit.

“Hindi ka palalabasin na ganyan ang suot mo.”, sabi sa akin ni Yaya.

“Eh ito nga ang gusto ko eh?!”, pilit ko pa.

“Ganito na lang, suot mo ang gusto ng Mommy mo, tapos saka ka magpalit.”, wika ni Yaya.

Pumayag agad ako kaya naman naligo na ako saka ko sinuot ang napiling gown ni Mommy.

Then, pumasok si Mommy sa kwarto ko. Nang matapos akong magbihis, pinasuot niya sa aking ang mamahaling kwintas niya na may batong Diamante. Regalo daw niya sa akin sa pagtatapos ko ng high school. Sa tuwa ko’y niyakap ko at hinalikan si Mommy sa pisngi bilang pasasalamat ko sa regalong natanggap.

Kaya nang lumabas ako ng kwarto, nirampa ko na ang aking pink gown kasama ang diamond necklace kahit medyo hirap sa paglalakad gawa ng suot kong pink stiletto.

Mahigpit ang kapit ko sa handrail ng pakurba naming hagdan sa takot na matumba habang bumaba.

Doon ako pinakilala ni Daddy sa mga bisita habang nakatingala sila sa akin, “Please welcome, my daughter, Andrea! The next and future head of SD Holdings, Inc. Let’s give her a round of applause!”

Palakpakan naman ang lahat sa introduction ni Daddy sa akin.

Napakunot-noo ako sa pagpapakilala sa akin ni Daddy at naaasiwa. Halos lahat kasi ng naroroon ay nagtatrabaho at business partners namin sa kumpanya na si Lolo pa ang nagtatag.

Pagkababa ko’y lumapit agad kay Daddy at humalik, “Daddy, bakit ganoon naman ang pakilala mo sa akin?”, tanong ko.

“Siyempre, ikaw ang susunod sa yapak ko bilang tagapagmana ng kumpanya. Ngayong graduate ka na, at pag tuntong mo ng college, ikaw na ang magpapatakbo nito.”, sabi ni Daddy.

“Malayo pa ‘yun. Mga apat na taon pa. Mali pala, mga sampung taon pa.”, biro ko.

Natawa si Daddy at sa gigil niya, pinisil niya ang mga pisngi ko.

“Ang cute mo talaga! O sige na, puntahan mo na ang mga bisita mo.”, lambing sa akin ni Daddy.

Ang totoo, wala akong makakausap dito sa dami ng taong narito kun’di si Yaya Baning lang. Wala rin naman akong kakilala sa kanila kahit karamihan sa kanila ay empleyado ng kumpanya namin. Nakakabagot lang kapag ganito ang okasyon. Hindi ko rin feel ang kumain kahit ang daming nakahaing masasarap na pagkain sa buffet tables. Pakiramdam ko, may kulang.

Hanggang sa napansin ko ang tawanan nina Ate Gem sa table nila na parang may pinapanood sa kaniyang smart phone. Na-curious ako kaya lumapit ako sa kanila.

“Ate, ano’ng me’ron?”, tanong ko agad kay Ate Gem sabay usyoso sa phone niya.

Inilag niya iyon at sinabi sa akin, “Wala! Bakit ba? Hindi naman ikaw ang pinagtatawanan namin.”

“Wala naman akong sinabi. Nakakainip lang kasi, wala akong makausap.”, pahayag ko.

“Ganoon ba? Sana sumama ka sa boyfriend mo. Pumunta sila sa beer house ngayon.”, bulalas ni ate.

“Beer house? ‘Yung may sumasayaw na babae at naghuhubad?”, mangmang kong tanong.

“Mismo, kaya buwelong buwelo ang dyowa mo dahil walang bantay. Free throw lang ng free throw. Hahaha!”, tuya sa akin ni ate.

Sa inis ko, nag-walkout ako at dumiretso sa kwarto ko. Panay ang tawag ko sa cellphone ni Mario pero hindi niya ako sinasagot. Hindi ako mapakali lalo nang malaman ko kung nasaan ngayon si Mario at ang kaniyang barkada.

Kaya nagpalit na ako ng damit, ‘yong una kong pinili na damit, tie string straps pink dress at pink sandals. At muli akong bumalik sa lamesa nila Ate Gem.

“Alam niyo ba kung saang beer house sila nagpunta?”, tanong ko kay Ate.

“Siyempre naman, pero hindi ko sasabihin. Kapag ako’y pinilit, sasabihin ko rin.”, asar sa akin ni ate sabay tawa ng kaniyang mga kasama. Napapraning ako sa tuwing nagtatawanan sila. Feeling ko, ako ang pinagtatawanan nila.

“Ate naman ‘eh! Please naman, samahan niyo ako doon.”, pilit ko.

“Sigurado ka? Hahanapin ka ni Daddy.”, wika ni ate.

“Hindi tayo magtatagal. Pauwiin ko lang si Mario.”, pagtiyak ko.

Nag-alangan pa rin si ate at ang sabi, “Gabi na. Pareho tayong malilintikan.”

“Ako na’ng magdadahilan kay Daddy basta samahan niyo lang ako.”, panghihikayat ko pa.

“Hmm! Sabagay, boring na rito. What do you think, guys?”, konsulta ni ate sa barkada niya.

“Masaya ‘to!”, sabi ni Helga na nauna pang tumayo kay ate. Tila naunawaan na niya ang ibig mangyari ni ate. Ngumiti at tumango lang ang dalawa niya pang kasama.

“Sige, Helga! Ikaw na ang mag-drive.”, habilin niya sa kaibigan sabay itya ng susi ng kotse. Sinalo naman ito ni Helga nang pakawit.

Inutusan pa ni Ate Gem ang guwardiya upang buksan ang gate. Nag-aalangan pa itong sumunod sa takot na masisante ng Daddy ko subali’t pinagbantaan siya ng ate ko, “Sa akin ka matakot kaya gawin mo na lang.”, kaya naman tumalima pa rin ito.

Sumakay kami gamit ang pulang Audi A3 Sedan ni Ate Gem at si Helga ang driver kasama pa sina Abigail at Mary Joy. Sila ang tinatawag na 4Q. Habang nasa harapan naman ako katabi si Helga.

Pagkabukas ng gate ay humarurot agad ng patakbo si Helga. Nakarating kaagad kami sa Pasay matapos naming bagtasin ang kahabaan ng Buendia Avenue.

Pagdating namin sa sinasabing beer house, sinita pa ako ng bouncer dahil mukha raw akong menor de edad kaya nilabas ko at pinakita sa kaniya ang aking ID patunay na disiotso na ko. Parang hindi pa rin siya kumbinsido kaya nagsalita na naman ang ate kong simbangis ng tigre at nagbanta, “Ang alam ko, mas bata pa sa kapatid ko ang mga pokpok niyo rito? Ano kaya kung ngayon pa lang ipa-raid ko na ito kay Chief Inspector Caballero?”

Nagbago ang tono ng bouncer sa amin. Parang lumambing at pumayag na kami’y makapasok sa beer house.

Nang nasa loob na kami, punumpuno ng tao at maingay gawa ng pinagsamang dagundong ng musika at hiyawan ng mga tao. Amoy usok ang lugar at nasusulasok ako sapagkat hindi naman ako naninigarilyo at hindi rin sanay na nakakalanghap nito. Ngayon lang talaga ako nakapasok sa ganitong klaseng lugar.

Napatingin ako at natulala nang makita ko ang dancer sa ibabaw ng entablado. Lahat ng ilaw ay nakatapat sa kaniya habang sumasayaw suot lamang ang kaniyang bikini.

Hindi ko sukat akalain na magpupunta sa ganitong lugar si Mario. Hanggang sa matanaw ko ang matangkad kong boyfriend na may kausap na isang babaeng nakasuot ng salamin bukod pa sa iksi ng shorts nito at sa puting sando nitong labas ang pusod.

Pasugod na ako para malaman ko kung anong pinag-uusapan nila nang may pumigil at humiklat sa aking braso. Napasubsob ako sa dibdib niya sa sobrang lakas ng hatak niya sa akin.

“Miss, dito ka muna sa amin. Mamaya pa naman yata ang sayaw mo.”, sabi ng mamang may bigote habang ngumunguya ito ng chewing gum na parang kambing.

“Ah! Nagkakamali po kayo. Hindi po ako dancer dito. Hinahanap ko lang po ang boyfriend ko. Excuse me po.”, magalang kong pagtanggi dala ng aking takot sa mama.

“Kung ganoon. Ako na ang boyfriend na hinahanap mo.”, makulit na turan ng matandang panget.

Nang biglang dumapo ang malakas sa sampal sa mukha ng bastos na mama. Mula pala ito sa aking kapatid. Mataray niya itong sinabihan na, “Hindi ka rin nakakaintindi, ano? Ang sabi niya hindi siya dancer dito kaya huwag kang bastos!”

Aalma pa lang sana ang panget na mama nang lumapit sa amin ang bouncer. Sinabi ni ate na nanggugulo ang naturang mama. Panay pa rin ang atungal niya at doon na lumabas ang mas malaki sa bouncer na si Talbot. May taas itong 6’3″, kalbo at malapad ang pangangatawan nito. Doon nagimbal ang mama at napilitang lumabas ng beer house.

Iniwan ko na sila upang komprontahin si Mario at ang kausap nitong babae.

Sakto lang ang pagkatalikod ng babae kay Mario. Pero hindi ko pa rin pinalagpas ang pagkakataon at hinatak ko ang balikat niya paharap sa akin. Hindi na ako nagulat at nagtaka nang malaman kong si Crisel pala ang malanding babaeng kausap ng boyfriend ko.

“How cheap naman finding you here at a place like this?”, hamak ko kay Crisel.

“Please, Andrea. Not tonight. Mahalaga sa akin ang gabing ito.”, pakiusap niya sa akin.

“Sabi ko na, ikaw ang school mate namin ‘eh!”, tuwang sabi ni Mario.

Tumingin ako kay Mario at siniko ko ang kaniyang tadyang.

“Aray! Masakit ‘yon, Babe!”, angal ni Mario.

“Come on, Mario. Doon tayo sa ibang lugar na hindi kasing cheap nito.”, aya ko.

“I can’t. Huwag mo akong hiyain sa harap ng mga tropa ko. We already spent our money here.”, inis na sabi ni Mario sa akin. Uminit ‘ata ang ulo niya matapos ko siyang sikuhin.

Dahil hindi ko siya…