Kinky Kittens’ Chatroom Series 4: Ang Virgin Killer Sweater Ni Rina

Ang aking kwentong inyong matutunghayan ay gawa ng malikhaing kaisipan at hango sa malikot na imahinasyon at may halong kaunting katotohanan. Anuman ang pagkakahalintulad ng aking gawa sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lang. Nawa’y maibigan ninyo.

Ang nakaraan: Ang kwento ni Rina nang makilala si Spencer sa kanilang pagtatapos sa hayskul bilang photographer at pinsan ni Miya. Nagkapalagayan ng loob, walwalan at sayawan sa disco bar sa Adriatico. Hanggang malasing nang husto si Rina at nagpasyang umalis na sa disco bar. Nang sumuka na si Rina dala ng sobrang kalasingan, doon na hinabilin ni Miya kay Spencer si Rina at sina Hazel naman ay nag aya sa kanila para doon ituloy ang walwalan. Hindi na makausap ni Spencer ang tulog na si Rina upang alamin man lang kung saan ito nakatira at dahil hindi niya kabisado ang Maynila at kabadong igarahe sa motel ay nagpasyang isama si Rina pauwi ng Baguio. Nang makarating sa Baguio, nagising si Rina na tanging jacket ni Spencer na lang ang suot niya. Dahilan upang pagdudahan ang pagkatao ni Spencer. Kinalaunan ding iyon ay napagtanto ni Rina kung gaano natatangi si Spencer sa lahat ng nakilala niyang mga lalaki.

Ako si Erina o Rina, half-Japanese, half-Filipino. Sa Japan, Airi-chan ang tawag nila sa akin. 18 taong gulang, brown eyes, long shiny black hair, height 5’2″ o 157.48 cm, radiant white skin, mesomorph, may boobs na gaya ng kay Haruka Kasumi at medyo hawig lang ng kaunti kay Park Shin-Hye.

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Rina at Spencer…

Matapos sabay na naligo sina Rina at Spencer sa banyo, unang lumabas si Spencer na nakatapis ng tuwalya sa kaniyang baywang dala ang batyang naglalaman ng mga nabanlawan at napigaang bestida, bra at panty ni Rina. Sumunod na rin si Rina suot ang maroon na sweatshirt na kinuha pa niya sa kabinet habang natutulog si Spencer kanina. “Hindi ba ako pwedeng sumama sa’yo na ganito lang ang suot ko?”, pangungulit ni Rina. “Sigurado ka? Iyan lang ang isusuot mo sa labas? Walang bra at panty?”, pag-aalala ni Spencer. “Mahaba naman ang laylayan ng sweater na ‘to. Hindi na siguro mahahalata na wala akong panty.”, wika ni Rina na tila nanunukso. Napalunok si Spencer at iniba na lang ang usapan, “Magtatanghali na pala at hindi pa tayo nag-aalmusal. Kung nagkakape ka magtimpla ka na lang sa kusina.” Gaya nang sabi ni Spencer, nagtungo nga si Rina sa kusina upang magtimpla ng kape samantalang si Spencer naman ay lumabas upang isampay ang mga damit ni Rina.

Hindi na mawaglit sa isip ni Spencer ang mga tinuran ni Rina kanina. Kung magpapakatotoo lang si Spencer at susundin ang libog, gusto niya ang ideyang makasama si Rina sa labas na halos walang saplot at dahil likas sa kaniya ang pagiging isang photographer, kukunan niya si Rina bilang kaniyang nude model sa bawat tanawin. Ngunit nagtatalo ang isip niya kapag nagkaproblema at sila lang ang dalawang magkasama, hindi niya mapoprotektahan si Rina. “Bakit ganito ang pag-aalala ko sa’yo, Rina? Umiibig na ba ako?”, tanong niya sa sarili.

Matapos na magsampay, may tumawag sa pangalan niya, “Spens! Spens!” Mula sa hagdan ay lumitaw ang mga taong tumatawag sa kaniya. Ang kaniyang mga tropa na sina Larry, Danny at Bong. “Sabado ngayon. May dala akong crispy bagnet. Saing ka na!”, alok ni Danny. Napansin ni Larry ang isinampay ni Spencer, “Damit ng babae ‘yan ‘ah? May bisita ka, Spens?” “Oo ‘eh! Pero sige dito na tayo kumain ng dala niyo at magsasaing na ‘ko.”, sagot niya. “Saka magbihis ka na rin. Para kang si machete ‘eh!”, asar ni Bong. Tumugon lang ng tawa ang nakatapis na si Spencer at pumasok na ito. Sumunod naman ang tatlo sa kaniya.

Pagpasok nila, lumilinga si Larry na halatang hinahanap ang bisita ni Spencer, “Nasaan ang bisita mo?”, “Nasa loob ng kusina.”, matipid na sagot ni Spencer. Nakaupo sa harap ng hapag-kainan si Rina at humihigop ng kape habang nakataas at nakapatong ang mga paa nito sa inuupuan niya. Ang mga tuhod niya ang nagsisilbing patungan ng bisig niya habang hawak ang tasa ng kape. At sa ganoong ayos ay nasumpungan ni Spencer si Rina nang maunang pumasok ito sa loob ng kusina. Nakita rin ni Spencer na may kapeng itinimpla sa kaniya si Rina. Nagulat lang si Rina nang may kasunod si Spencer na pumasok sa kusina kaya agad niya ipinatong ang tasa sa hapag at inunat ang laylayan ng sweatshirt at umupo nang tuwid.

Pinakilala ni Spencer ang mga kaibigan niya kay Rina, “Nga pala, Rina. Eto si Bong ang payaso ng tropa, si Danny ang mahilig sa chibog at si Larry ang pinakamalibog.” Kumaway lang si Rina sa tatlo. Agad na lumapit si Larry kay Rina at iniabot ang kamay sa dalaga. Napakamot ng ulo si Larry, “Ba’t gan’un naman ang pakilala mo sa akin? Baka maniwala agad si Miss Beautiful.” Nakipagkamay naman si Rina kay Larry. “Ang lambot naman ng kamay mo, Miss.”, puri ni Larry. Doon na binitiwan ni Rina ang magaspang na kamay ni Larry at inalok niya ang tatlo, “Gusto niyo itimpla ko kayo ng kape?” Tumango nang tumango sina Bong at Danny tugon sa alok na pakape ni Rina at umupo na rin sila sa bangko kung saan din nakaupo si Larry at nakaharap sila sa kusina kung saan nagtitimpla ng kape si Rina. “Ang puti ng mga legs ni Rina. Napakaswerte naman ni Pareng Spens. Sana all!”, inggit na paghanga ni Bong. “May iba pa akong iniisip sa tsiks ni Spens, parang walang suot na panty ‘yung tsiks.”, pabulong na hinala ni Larry. At napatingin silang tatlo sa laylayan ni Rina.

Lumapit naman si Spencer kay Rina habang abala ito sa pagtimpla ng kape at bumulong, “Bigyan kita ng salawal kahit ‘yung boxer lang ang isuot mo.” “Komportable na ako dito ‘eh saka panloob mo ‘yan. Ikaw ba papayag ka ba ipasuot ko sa’yo ang panty ko?”, pagtanggi ni Rina. “Para lang hindi ka makitaan ng tatlo. ‘Di ba ayaw mong mabosohan kaya mo nga ako binato ng tabo?”, pilit ni Spencer. “Bakit ako ba nagdala sa mga iyan?”, katuwiran ni Rina. “Bakit pakiramdam ko pinahihirapan mo ako?”, inis na tanong ni Spencer. “Bakit pinipilit mo ‘kong umayon sa gusto mo? Nobyo ba kita?”, supalpal ni Rina. Natigilan si Spencer matapos marinig ang mga tinuran ni Rina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang pinagkaiba lang ay hindi niya magawang ipagsigawan ang ginaw na nararamdaman gaya ng pagligo ni Rina sa malamig na tubig kanina. Nang maihanda na ni Rina ang tinimplang kape para sa tatlo, iniwan niyang nag-iisa si Spencer sa kusina.

“Mga pogi, heto na mga kape niyo!”, bola ni Rina sa tatlo habang hinahatid niya ang mga tasa ng kape hawak ang tray. Paglapag niya ng tray sa hapag, isa isang inabot ang tasa sa bawat isa. “Salamat, sexy. Ikot ka naman para sa amin.”, hiling ni Larry. Napakunot ang noo ni Rina at tinitigan niya nang matalim si Larry habang nilapit ang mukha niya sa mukha nito at nagwika, “Mukhang tama si Spencer sa pagpapakilala sa’yo, Kuya Larry. Ganoong klase ka ba talagang tao?” Napahiya si Larry matapos ipaalala sa kanya ang sinabi ni Spencer tungkol sa kaniya at humingi ng paumanhin kay Rina, “Nagbibiro lang ako, Rina. Pasensiya na.” “Masyado ka namang komportable sa akin, kuya. Ngayon lang tayo nagkita at hindi pa tayo close.”, gatong pa ni Rina. Napainom na lang si Larry ng kape at napaso pa nang mabigla ang nguso niya sa paghigop sa kape. Paatras na umupo si Rina na hindi pa rin nilulubayan nang tingin si Larry habang ito naman ay hindi na makatingin nang diretso sa mga mata ni Rina. Matapos isalang ang sinaing, tinanong ni Spencer ang bagnet na dala ni Danny kaya tumayo ito at iniabot kay Spencer ang supot ng crispy bagnet. Dama pa rin ang awkwardness na nabalot sa silid-kainan. At dahil dala rin ni Rina ang kaniyang smart phone, binuksan niya iyon at kinumusta ang group chat…

Rina: Ano nang ginagawa niyo jan?

Hazel: Eto kumakain na kami ng lunch.

Rina: Kawalang gana dito.

Hazel: Bakit naman?

Rina: Nagsama ng mga asungot si kumag

Hazel: Di ba sabi mo Spencer ang pangalan nung kumag na iyon.

Rina: Basta bwiset siya.

Miya: Agang LQ niyan ah lol

Rina: Basta uuwi na ako pagkatapos kumain.

Cass: Di ba may flight ka pa papuntang Japan?

Rina: Bukas pa iyon. Pwede naman mauna si Mommy dun.

Hazel: Basta ayusin mo na iyang mommy issues mo.

Rina: Yeah! Right!

Matapos mag-usap ang magbarkada sa group chat. Sinilip ni Rina ang mga photos nila sa graduation na naka-post ngayon sa social media. Mula ang mga post na iyon sa mga kaklase at ka-batch niya. Hindi na niya namamalayan ang takbo ng oras katitingin sa mga photos ngunit lingid sa kaniyang kamalayan, yumuko sa ilalim ng lamesa si Bong upang silipin kung ano ang nasa loob nga ng laylayan ng sweatshirt ni Rina. Naumpog pa ang ulo ni Bong sa ilalim ng lamesa kaya naman nauga ito at napahimas ng batok si Bong sa sakit ng pagkakaumpog. Nagulat din si Rina kaya itinigil na niya ang pagtutok sa kaniyang smart phone at muling tinitigan nang masama sina Larry at Bong. Hanggang dumating ang kanin sa lamesa na inihatid ni Spencer sunod ang hiniwang crispy bagnet na nakahain sa plato habang si Danny naman ay gumawa ng sawsawang toyo at sili na may kasamang kamatis at sibuyas para sa bagnet. Siniko ni Larry si Bong hudyat kung ano ang nakita ni Bong sa ilalim. Sumagot lang ng pagkawag ng mga kamay nito. Hindi malaman ni Larry kung anong ibig sabihin nito, kung ito ba’y tunay na walang pang-ibaba si Rina o kumawag dahil hindi malinaw ang kaniyang nakita. At dahil nakabantay ng tingin sa kanila si Rina, nakakahalata na rin ito kung ano ang pahiwatig ng mga senyas ng dalawa.

Umupo na rin sa bangko katabi ni Rina si Spencer at ibinigay sa kaniya ang platong gagamitin niya sa pagkain kasama ang kutsara’t tinidor. Samantalang si Spencer naman ay nagpatong pa ng paa sa bangko at ginawang patungan ng siko niya ang kaniyang tuhod at dumakot ito ng kanin at kumuha ng bagnet gamit ang kamay sabay aya sa kaniya na, “Kain na tayo, Rina.” Namangha si Rina kay Spencer dahil hindi siya sanay na may kasama siyang ganoon kumain. Kaya nag taas din siya ng paa gaya ng ginawa ni Spencer at dumakot ng kanin pati ulam na bagnet. Natabig ni Larry ang kubyertos niya at ito’y nahulog sa lapag kaya yumuko siya upang pulutin ang kubyertos o sinadya niya ito upang maboso ang hiwaga sa ilalim ng lamesa. Nagdahilan si Larry, “Nahulog ‘yung kubyertos ko. Mukhang madumi na kaya gagayahin ko na lang din kayo, magkakamay na rin ako.” Napailing na lang si Spencer habang kumakain samantalang si Rina naman ay pinagmamasdan lamang ang itsura niya na tila wala nang pakialam kahit malaman pa ng tatlo ang misteryo sa ilalim ng kaniyang sweatshirt. Kaya may naisip na naman si Rina upang subukin si Spencer.

“Ang haba naman ng manggas nitong sweatshirt mo, Spencer. Ang hirap magkamay.”, reklamo ni Rina. Kaya inurong niya hanggang lumabas ang mga bisig niya. “Siguro kung virgin killer sweater ang suot ko, mas madali akong makakagalaw.”, dagdag pa niya. Si Danny ang na-curious sa tinuran ni Rina, “Ano ‘yung virgin killer sweater?” Malugod na sumagot si Rina, “Ganito rin ‘yun, kuya. Sweater din pero walang manggas at backless.” “May dala ka bang ganoong damit, sexy?”, tanong ni Larry. Parang hindi narinig ni Rina si Larry at tinanong niya si Spencer kung, “Hindi ba talaga ako pwedeng lumabas na ganito ang suot ko, Spencer?” “Ikaw bahala, Rina. Sino ba ako sa’yo?”, pabalang na sagot ni Spencer. Tumaas ang boses ni Rina, “Eh ‘di ayos! Bago ako umuwi, ipapakita ko sa inyo kung ano ang virgin killer sweater.” At sabay-sabay nagsabi ang tatlo ng, “Ayos!” at nag high-five pa ang tatlo.

Muling kumapal ang mukha ni Larry at naglakas-loob na magtanong kay Rina, “Kumusta ang bagnet, Rina? Masarap ba?” “Hindi ba lechon kawali lang ito?”, tanong ang ibinalik ni Rina kay Larry. “Parang ganoon din pero mas pinalutong ang balat niyan.”, paliwanag pa ni Larry. “Para ka sigurong bagnet, sexy?”, wika ni Larry. Nahalata ni Rina na pick-up line ito, “Bakit?” “Kasi kapag kinakain ka, maingay ka.”, biro ni Larry. “Hindi ko na-gets, kuya.”, wika ni Rina. Bahagyang natawa si Spencer sa palpak na pick-up line ni Larry. Napansin ni Rina ang ngiti ni Spencer kaya napangiti na din siya. Husto pa ang paliwanag ni Larry, “Yung balat kasi ng bagnet ‘di ba kapag kinagat mo, malutong, kaya maingay.” Umalis na lang si Spencer mula sa pagkakaupo, ganoon din si Rina na kaunti lang ang nakain subalit niligpit na ang kaniyang kainan. Sumunod din na tumayo sina Bong at Danny dala ang mga pinagkainang pinggan dahilan para maiwan si Larry na nag-iisa sa hapag-kainan. Pakiramdam niya’y napagkaisahan siya ng apat.

Samantala, makalipas ang ilang sandali pagkatapos ng tanghalian nila. Muling nagsindi ng sigarilyo si Spencer at humithit habang tinutungo niya ang kwartong may bukas na pulang ilaw. Dark room kung tawagin dahil dito niya pinoproseso ang mga nakuhanan ng camera niya mula sa negative film tapes hanggang maging hardcopy photos. Subalit ang pulang ilaw sa silid na iyon ay pinalitan niya ng puti. At ang silid ay naging isang photo studio. Kinuha niya ang kaniyang professional camera sa ibabaw ng computer desk at sinilip ang lente. “Hindi mo sinabi sa akin na may studio ka dito, Spencer?”, tinig na nanggaling sa nakabukas na pintuan ng silid. Itinutok ni Spencer ang camera sa pinanggalingan ng tinig. “Rina, tamang-tama ang dating mo. Oo, kakapundar ko lang ng mga gamit ko para sa studio na ‘to. Pangarap ko kasi ang magkaroon ng sariling studio.”, tugon ni Spencer. “Ang ganda ng rehistro mo sa camera. Gusto mo kuhanan kita?”, ani’ya. Gumitna nga si Rina sa harap ng studio ni Spencer. Dinagdagan naman ng ilaw ang tapat ng studio. May spotlights, ring light sa harap in case gamitin for close-up shot at reflectors sa ilalim. “Wow! Kumpleto ka na pala ‘eh!”, mangha ni Rina. “Kulang pa ko ng blinker saka timer, bibili pa ako ng standee at tripods para ma-stabilize ang kuha ko… teka, may alam ka ba sa photography?”, usisa ni Spencer. “Ah wala! Pero ganito kasi ‘yung setting kapag may photoshoot ako.”, wika ni Rina. “Ah model ka?”, sabat ni Larry na kanina pa nila kasama ang tatlo sa loob ng studio habang abala sila sa pag-uusap. “Shit! Bigla bigla na lang kayong pumapasok!”, gulat ni Spencer sabay hithit sa sigarilyo, pagbuga ng usok nito ay idiniin ang upos sa ashtray na nakapatong din sa computer desk niya. “Parang ganu’n, kuya. Sports apparel model noong bata pa ako at nakatira pa sa Japan.” Humirit din ng tanong si Bong at nagmistulang isang panayam para kay Rina, “Buti marunong ka pa ring magtagalog kahit lumaki ka doon?” “Lagi naman kaming nag-uusap ni Mommy ng Tagalog kahit nasa Japan kami.”, paliwanag ni Rina. Nagtali ng buhok si Spencer upang hindi humarang ito sa kaniyang mukha. “Wow! Kenshin, mukha ka na talagang samurai!”, puri ni Rina at parang kinilig naman si Spencer sa tinuran ni Rina dahil sa ngiti nito. “Dahil model ka, Rina. Hahayaan kita pumoste. Handa ka na?”, tanong ni Spencer at nagbigay lang ng tango si Rina.

Una, nag-pose siya ng nakalagay ang mga kamay sa batok niya at hinakbang paharap ang kaliwang paa na nakatuwid. Pangalawa, nakapamewang siya at nakatingala ang ulo sa kaliwa at iniangat nang bahagya ang tuhod. Medyo nakakaramdam ng pagkailang kasama na rin ang inis dahil sa tatlong kasama ni Spencer. Kaya huminto muna siya sa pag-pose at nagwika, “Spencer, alam mo bang bukas ang flight ko papuntang Japan?” “Ah! Sige mag-asikaso na ‘ko.”, unawa ni Spencer. “Hindi ganu’n ang ibig kong sabihin, Spencer. May kontrata ako doon bilang gravure idol.”, paglilinaw ni Rina. “Ano ba ‘yung gravure idol?”, panayam ni Danny kay Rina. “Isang model para sa isang sikat na magazine sa Japan na magsusuot ng iba’t ibang klase ng bikini o kaya cosplay.”, tugon ni Rina. Nag iba ang mood ni Spencer nang marinig niya kay Rina ang magiging trabaho niya sa Japan. “Ikaw lang ang una kong model dito kaya wala akong ganyang garments o wardrobe sa ngayon.”, inis na wika ni Spencer. “May gunting ka, Spencer? Pahiram!”, pakiusap ni Rina at tumalima naman si Spencer na kinuha ang gunting mula sa drawer ng desk at iniabot niya ito kay Rina. “Sandali lang may gagawin lang ako. Pwede bang lumabas kayong lahat ng silid?”, pakiusap ni Rina. “Pati ba ako, Rina?”, tanong ni Spencer at tumangong nakatitig sa kaniya si Rina hanggang siya’y makalabas ng silid at si Spencer na mismo ang nagsarado ng pinto.

Ilang minuto rin ang nagdaan at nakuha pang magyosi ni Spencer ng isang stick ay tinawag na sila ni Rina mula sa loob ng studio. Si Spencer ang nagbukas at sinilip kung anong ginagawa ni Rina sa loob. Matapos ang nakita, agad na isinara ni Spencer ang kwarto kasabay ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso at uminit ang kaniyang pakiramdam. “Anong nangyari, Spencer? Puwede na ba tayong pumasok? Tawag na tayo ni sexy.”, tanong ni Larry. “Hindi na! Ako lang ang tinatawag ni Rina. May nasira sa suot niya kaya hindi niyo iyon pwedeng makita.”, pananaboy ni Spencer sa tatlo at itinulak niya ito palabas ng pinto ng palapag. “Salamat sa pananghalian. Makakaalis na kayo at marami pa akong gagawin.”, wika niya sa tatlo sabay sarado ng pintuan. Nakita rin ng tatlo kung paano sinunod na isara ni Spencer pati mga bintana ng ikatlong palapag at kamot-ulo silang bumaba ng gusali.

Binalikan ni Spencer si Rina sa naturang studio. Sa inis niya, nabulyawan niya si Rina, “Ano iyang ginagawa mo? Parang hindi ka nagiging patas sa akin?” “Bakit? Tinupad ko lang sa tatlo na ipapakita ko sa kanila ang itsura ko kapag suot ang virgin killer sweater.”, pagmamaang-maangan ni Rina. Tinitigan ni Spencer ang suot ngayon ni Rina. Ang dating color maroon na sweatshirt na may mahabang manggas ay isang nang virgin killer sweater. Wala na itong manggas at laki ng gupit sa tela, kita na ang gilid ng suso ni Rina at hubad na rin ang likod na ito na sa laki ng nawalang tela ay kita na ang kuyukot ni Rina. At dahil walang panloob si Rina, halos hubad na siya sa paningin ni Spencer.

“Hindi mo ba nagustuhan ang nakikita mo?”, landi ni Rina. Napalunok lang si Spencer subalit hindi pa rin nito mapigilan ang nararamdamang inis kaya hindi na niya pinansin ang tinuran ni Rina, “Alam mo bang mauulol ang mga iyon kapag nakita kang ganyan ang suot mo? O damit pa ba ‘yan?” “Buti nakuha mo agad ang ibig kong ipahiwatig?”, wika ni Rina. “Anong ibig mong sabihin?”, pagtatakang tanong ni Spencer. “Na ikaw lang ang gusto kong makakita nito.”, napakalma si Spencer sa mga sinabi ni Rina at nagwika na, “Sana sinabi mo na lang na ayaw mo ng istorbo.” Natawa si Rina, “Spencer, ikaw ang nakatira dito at bisita mo rin ako. Hindi ko rin magagawang ipagtulakan ang mga kaibiga…