Koreana

NAKUKUMUTAN ng maputing niyebe ang kalupaan ng South Korea nang lumapag sa Incheon ang kinasasakyan kong eroplano. Sa tube pa lamang na dinadaanan papasok ng airport ay damang-dama ko ang lamig ng panahon bagamat makapal ang aking suot. Pagkakuha ko ng aking mga gamit, tinungo ko agad ang immigration at pinaberipika ang aking mga papeles. Sa arrival, kung saan nakahilera ang mga nagsisipagsalubong sa mga bagong dating, nilinga ko ang aking paningin sa pag-asang makikita ko siya. May ilang sandaling hinanap siya ng aking mga mata, kasabay ng pagsiyasat sa mga taong naroroon ang kakaibang kaba ng aking dibdib. Ito ang kauna-unahang panahong tutuntong ako ng Korea at ang sadyang pakay ko ay makasama ang taong nagbigay ng kakaibang layunin sa aking buhay. Hayun, sa bandang dulo ng hilera ng mga tao nakita ko ang hinahanap ng aking mga mata si Jihye. Nakapatong ang kanyang mga braso sa railing ng arrival area, walang imik na nakangiti ng ngiting hanggang tenga, ngunit nahalata ko ang butil ng luha sa kanyang mga mata. Nakapink na jacket si Jihye na lalong nagpalitaw sa mala-porselanang kutis ng kanyang napakagandang mukha. Sumenyas siya na sasalubungin niya ako pagkalabas ng gate kung kaya`t nagkaroon ng saglit panahong nawalay siyang muli sa aking paningin.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate, nandun na si Jihye, nakatayo, buong-buo pa rin ang ngiti, ngunit hindi pa rin umiimik. Nilapitan ko siya, ibinaba ang lahat kong gamit maliban sa backpack sa aking likod, at niyakap siya ng buong-higpit. Sinuklian niya ito ng mahigpit na yakap; pagkunwa`y kumalas siya sa aming yakapan at bahagyang tumingkayad at inabot ng kanyang labi ang aking mga labi. Marubdob at punung-puno ng pagmamahal ang muling paglalapat ng aming mga labi.

“Baby,” sambit ko matapos ang aming halikan, “I’m so glad I’m here.”

Sinagot niya ako ng munting hagikhik, pagkunwa’y marahan niyang sinabi, “I miss you, baby.”

“I miss you too,” sabay akbay sa kanya habang tinutulak ko ang push cart na kinalalagyan ng aking mga daladalahan. Yumakap sa akin si Jihye habang papalabas ng airport.

“How was your flight?” Waring nakakakiliti ang Ingles niyang tunog Koreana.

“It was just fine. But I didn’t know it’s this cold here. Anyway, what’s more important is that I’m here.”

“Did I not tell you that it can be this cold here? Hmm,” sabay kurot sa aking tagiliran.

“Alright, my fault,” sabay nakaw ng halik sa kinasabikan kong pisngi ni Jihye, “God, you’re so beautiful, baby.” Sinagot niya akong muli ng isang munting hagikhik.

Lumabas kami sa gusali ng airport at tinungo ang parking area. May kalayuan ang pinaradahan ni Jihye ng kanyang kotse kung kaya’t nagkaroon kami ng pagkakataon upang makapag-usap habang parang naglalakad-lakad. Sa maikling panahon, pahapyaw na nabalikan namin ang mga panahong magkasama kami sa malamig na state ng Wisconsin bilang mga international scholars.

SA MADISON, Wisconsin, doon kami unang nagkakilala ni Jihye. Unang beses ko ring marating ng Amerika. Pareho kami pinalad na makapasok sa isang pretihiyosong fellowship kung saan makapag-aaral kami ng masterado sa pipiliin naming eskuwelahan. Pinili ko ang isang kilalang unibersad sa Wisconsin upang kumuha ng masterado sa comparative literature. Sa pambihirang pagkakataon, nakasabay ko ang isang napakagandang Koreana na nagpapakadalubhasa sa art history—si Jihye.

Magkasabay kaming dumating sa Wisconsin September ng 2005. Pagkarating na pagkarating, tinungo naming ang tanggapan na namamahala sa mga international scholars para sa aming matititirhan. Agad naman kaming tinulungan ng tanggapan at dinala kami sa tirahang inihanda na para sa amin ng foundation.

Isang fully-furnished na bahay na may dalawang palapag ang aming bahay habang nag-aaral. May dalawang kuwarto ito, banyo, at may maluwang na veranda sa itaas, malaki ang salas sa ibaba na may anteroom pa mula sa main door, may kaluwangan ang kainan na nahihiwalay sa kusina sa pamamagitan ng isa pang banyo. Maayos ang kusina, nandun na ang lahat pati mga lutuan at gamit sa pagkain. Ayon sa naghatid sa amin, bahay raw ito ng isang propesor sa unibersidad na ngayo’y nasa France na at nagtuturo na sa Sorbonne. Malaking bagay din ang dating may-ari dahil extensive ang sariling library nito sa bahay.

Noong una, nagkakahiyaan pa kami ni Jihye. Pasulyap-sulyap lang at miminsan kung nag-uusap. Natural lang naman dahil una, hindi naman kami magkakilala, pangalawa, babae siya at lalaki ako. Ngunit, habang lumalaon ay nagiging madalas na ang aming pag-uusap, lalo na’t hindi naman masyadong maraming Pilipino sa village na kinalalagyan namin. Maging si Jihye rin ay nahirapang mag-adjust noong una. Nahirapan siya sa language barrier dahil kahit maalam siyang mag-Ingles, may pagka-pilipit ang kanyang dila dahil na rin sa kanyang sariling wika.

Malimit, ang pagkakataon naming makapag-bonding ay kung may nahiram akong magandang pelikula sa film center. Pareho kaming mahilig manood ng pelikula ngunit hindi kami pala-sine. Una, dahil malayo ang sinehan, ikalawa, wala kaming kasama. Hindi pa pumapasok sa isip naming ang magsine na kaming dalawa lang.

Mas matanda ako sa kanya ng limang taon. Sa batch naming mga scholars, si Jihye ang pinakabata. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ang darling of the batch, ikalawa’y dahil para siyang manika—mala-porselana ang kaputian, laging nakangiti, naka-ponytail lagi. Matalino si Ji—palayaw ko sa kanya, maganda ang kanyang scholastic records kung kaya’t naging mas madali siyang nakapasa sa scholarship program.

Sa panaka-nakang pag-uusap namin, madalas naming pag-usapan ang kultura ng Korea at Pilipinas. Nakahiligan naming pag-usapan ang mga mito at alamat ng dalawang bansa. Napakahilig niya sa mga kuwento ng mga diyos at diyosang ayon sa mga kuwentong-baya’y namuno sa daigdig noong sinaunang panahon. Doon, unti-unti kong nakilala si Jihye. Unti-unti ko ring namalayang napakaganda niya palang talaga. Nasanay ako sa mga Koreanovela at mga Koreanong turista sa Pilipinas ngunit hindi ako masyadong nagagandahan sa kanila. Palagay ko mas maganda ang hubog ng mukha ng mga Pinoy. Ngunit, iba si Jihye; hindi gaanong singkit at laging nangungusap ang kanyang mga mata. Mabulas ngunit hindi tabain ang kanyang katawan. Kapag nagsasalita siya, parang may awit. Palagay ko, noon nagsimulang magustuhan ko siya.

Halos magka-akma ang aming class schedules, magkaibang courses nga lang kaya’t magkaibang buildings din. Ngunit sabay kaming umaalis ng bahay, sabay ding umuuwi. Nilalakad lang namin papuntang klase, pag-uwi naman nakagawian ko nang daanan siya sa tapat ng department of art studies. Lagi’t lagi, natatagpuan ko siya sa bench doon na katabi ng giant chess board.

May girlfriend akong naiwan dito sa Pilipinas noon, si Richelle. Sa unang bahagi ng pagklase ko sa Madison, panay pa ang tawagan namin, ngunit nang lumaon, dahil na rin sa laki ng gastos ng long distance calls, naging minsanan na lang. Isang gabi, buwan ng Nobyembre, nakatanggap ako ng text message mula kay Richelle: ‘pls call, important.’

Tinawagan ko siya at dagli namang sumagot.

“Hon, what’s the matter?”

Ilang saglit na hindi muna siya umimik. Nasundan ito ng marahang hikbi, saka lamang siya nagsalita.

“Vic, our distance is killing me. I love you and I care for you. I’m proud of you, but I think this isn’t working…”

Nabigla ako sa mga sinabi ni Richelle. Buong akala ko’y maayos ang aming relasyon. Tatlong taon na rin kasi kami; yun nga lang, nasanay kaming magkasama.

“Hon, I’m really sorry that I’m making you feel that way. I’ts just that nandito na ako e. I feel helpless I can’t be with you now. I’m just asking you to hold on, please.”

“I can’t promise, ok? Siguro, pag bumalik ka na lang.”

“Please, hon…”

Sa kabilang linya, narinig ko na lang ang busy tone. Mapait, lalo na’t wala akong magawa sa milya-milyang agwat ng Madison at Maynila. Hindi ako nakatulog nang gabing iyon.

Minsa’y kumatok si Jihye upang magtanong kung kumain na ako. Sinabi kong kumain na ako ngunit ang totoo ay wala talaga akong gana dahil sa nangyari sa amin ng girlfriend ko.

Kinaumagahan, kinatok ulit ako ni Ji.

“I’m ready to go,” nakangiting sabi niya.

“Oh, I think I’m not going to class today. I really don’t feel too well,” sabi ko.

Napawi ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng pag-aalala. Sinalat niya ang leeg ko upang alamin kung may lagnat.

“How do you feel? Anything wrong? D’you want me to stay?”

“No, no… thanks, Ji. I’ll be fine. You should go, it’s Friday, don’t miss your most important class,” sabi ko.

“Are you sure?” tanong niya na may labis na pag-aalala.

“Yeah,” sagot ko.

“Okay, but I’ll be home early. Don’t cook anymore, I’ll bring food.”

Umalis si Ji na halatang-halata ang pag-aalinlangan. Pagkaalis niya, naligo muna ako sa pag-asang kahit paano’y magiginhawahan ako sa kalungkutang nararamdaman. Pagkatapos ay natulog ako hanggang mag-aalas-tres ng hapon. Nang lumabas ako ng aking silid para mag-shower, sinalubong ako ng kakaibang bango ng kung anumang niluluto sa ibaba.

“Ji?” tawag ko habang bumababa ng hagdan.

“Yes?” sagot ni Jihye, “feeling better now?”

Nagkibit-balikat na lamang ako para maibsan ang kanyang pag-aalala.

“I cooked for us. You should rest eh,” sambit ni Jihye.

“Ji, I’m sorry, I’m not really sick. Something really, really bad happened last night. And since I don’t have anyone to share with, my girlfriend sort of broke up with me. She just can’t endure the distance between us.”

“Aw, I’m sorry, Vic…”

“It’s okay,” sabi ko, “I think this is part of it. Thank you really for being so concerned. I really appreciate it. Now I don’t feel I’m alone.”

Sinuklian niya ng ngiti ang mga sinabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

“We’re stuck here, Vic. Either we help or let each other down. I’m here for you in any way,” damang-dama ko ang pagiging totoo ng kanyang mga sinabi.

“Thanks, thanks, Ji… and if you’d not take good care of me, I’ll tell the foundation…” pabirong sambit ko, para bahagyang mapawi ang kalungkutang nakalukob sa akin.

“Oh, you should tell the foundation then that I’ve cooked for you. Let’s eat!”

Malaking tulong sa akin ng hapon na iyon ang kainang inihanda ni Jihye. Kahit paano’y nakalimutan kong panandalian ang sakit ng paghihiwalay namin ni Richelle. Naging masaya ang maagang hapunan namin. Ilang Korean dishes ang inihanda ni Ji, kaya’t appetizers pa lang, sandamakmak na. Napag-usapan na rin namin ang kanya-kanyang mga pakikipag-relasyon. Noon ko nalaman na hindi pa nagkaka-boyfriend si Jihye. Sa Korea, nakatuon ang buhay niya sa pag-aaral. Bagama’t may mga lalaking nagpapahiwatig ng interes, hindi naman matatag ang kanilang loob na lumapit sa kanya. Kahit hindi pala-imik si Jihye at pangiti-ngiti lamang ito, malakas ang personalidad niya dahil isa siya sa pinaka-matalino sa unibersidad na pinanggalingan.

“So how does it feel? Having no boyfriend since birth?” biro ko.

“It’s just okay, it’ll come eventually,” buong tapat na sabi niya.

“But, how come? You’re very pretty, talented…”

Tumawa lang siya.

“Do you drink, Ji?”

“Of course, I drink! I’ll die if I won’t!”

“Aha! You’re pilosopo! Kilitiin kita diyan, nakuha mo.”

“What?! You’re talking Filipino! Hmp!”

Tumawa ako at ginaya ang ekspresiyon sa kanyang mukha.

“I mean you’re rude and I want to tickle you,” natawa siya, “and I’m asking you if you’re drinking beer or alcoholic drinks.”

Tawa pa rin siya nang tawa.

“What’s funny, man?”

“Nothing… you…!”

Sinunggaban ko at kiniliti si Jihye sa kanyang tagiliran. Hindi ko alam na napakalakas ng kiliti niya dun. Napalupasay siya sa kaiiwas sa akin kaya’t nawalan din ako ng balanse at napahagalpak sa sahig. Sabay kaming nagpakawala ng malakas na tawanan.

May bahagyang tawa pa sa mukha ni Jihye nang tumayo siya. Tumayo na rin ako.

“You want to drink?” tanong niya.

“Only if you also want to…”

“I’d love to but I’m not used to drinking. Back home, I’ve only tried a teaspoonful of soju. But… hmm… I want to drink too! I wanna try!” May pananabik sa kanyang mukha na waring nagsasabing malaya siya at gusto niyang subukan ang isang bagay na hindi pa niya nagagawa.

“Alright, I’m gonna let you down only light drinks. Let me take care of it. I’m goin’ out to get some…” unti-unting nawawala ang ‘di magandang at naiibsan ito ng pagkawili sa kasalukuyang pagsasaya.

“Can I come with you?”

“Sure. But it could have been better if you’ll just wait for me here.”

“But I want to come… don’t you want me to go with you, hmm?”

“Alright, alright then.”

Dumidilim na ang paligid nang lumabas kami ni Jihye ng bahay. Sa bahaging iyon ng taon, malamig na ang paligid, ngunit lubhang mas malamig para sa isang Pilipinong sanay sa dalawang uri ng panahon lamang—tag-init at tag-ulan.

Habang naglalakad, damang-dama ko ang lamig. Kaya’t ‘di rin naiwasang isipin kong muli ang huling usapan namin ng girlfriend ko. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili: Bakit? Anong dahilan ng pagbitiw sa relasyong matagal ko pinaka-ingatan? Bakit kung kailangan ko ng pang-unawa, hindi niya naibigay? Maraming mga tanong, kasama na rin ng mga agam-agam, ang sumagi sa aking isipan. Hindi ko napansing tinatanong na pala ako ng aking kasama.

“Hey! Did you hear me?”

“Oh, I’m sorry, what was it?”

“Do you, guys, often drink in the Philippines?”

“Generally, Filipino males are drinkers…oh ‘mild drinkers’ as one short story goes. I think it’s part of our culture,” sabi ko. “But not me. I just drink ocassionally… very seldom…”

Dahil sa lamig, iniangkla ko ang mga brasko ko sa mga bisig ni Jihye. Nahalata niyang nilalamig ako kaya’t hinigpitan niya ang pagkakaipit sa aking braso.

“You should get used to winters, Vic, so that when you visit me in Korea, you can stay for long…” alam kong nagbibiro siya, ngunit dala na rin ng lamig, napilitan kong sakyan na lang ang sinabi ni Jihye.

“Really?! Hmmm… where can I stay when I’m there?”

“You can always stay with me, in my place.”

“Alright, I will plan for my first visit tomorrow…”

“Eeh, you’re fooling me.”

Narating rin namin ang grocery na nakagawian naming pagbilhan ng mga basic naming pangangailangan. Kumuha ako ng ilang bote ng beer at mixed drink para kan Jihye. Siya naman ang kumuha ng pulutan na karamiha’y chips lang naman. Pagkabayad, umuwi kami agad dahil gumagabi na at lalong lumalamig ang paligid. Suburban ang paligid ng university at dahil dito, sa ganitong mga panahon, may nagagawing mga grizzly bear. Delikado para sa mga naglalakad sa labas.

Nang makarating kami ng bahay, nagpaalam muna si Jihye na maliligo raw muna siya sa taas. Ako naman ang naghanda ng inumin. Habang naliligo si Jihye naisipan kong pumunta sa aking silid at magpalit ng mas kumportableng kasuotan dahil suot ko pa ang napakakapal na damit panlabas gayong mainit naman ang bahay dahil sa heater.

Paglabas ko ng aking silid nasalubong ko si Jihye na papalabas ng banyo, nakatapis lamang ito ng maksi kaya’t kitang-kita ang kanyang kakinisan at kaputian. Halatang malulusog ang dibdib ni Jihye na noon ko lang napagtanto dahil lagi siyang naka-longsleeves o di nama’y turtleneck collar. Patay-malisyang nilampasan ko siya at sinabihang bumaba agad at naghihintay ang inumin. Tumango lang siya at ngumiti.

Tinutungga ko na ang isang bote ng Bud nang bumaba si Jihye. Suot niya ang pamilyar na pantulog na parang mahabang tshirt na lampas-tuhod. Kaya naman napabiro tuloy ako.

“Are we drinking or are you already off to bed?”

“Drink of course, I just want to wear this so that I’m always ready to sleep,” pagdadahilan niya.

“This is yours,” sabay bigay ko sa kanya ng isang lata ng vodka ice na binuksan ko na para ‘di na rin siya mahirapan. “The rest are in the fridge.”

“Thanks… isn’t this strong?” sabay inom. “Hmm… this tastes like soda…” inom ulit. “I like this, Vic. It’s not bitter, it’s sweet, not like that, eeew,” itinuro niya ang bote ng beer na iniinom ko.

“Take it slow, Ji. It might get you drunk…” nginitian ko siya na parang nagbibigay babala. “You won’t know it, you’ll be surprised that you’re already intoxicated.”

Tumawa lang si Jihye sa sinabi ko. Halatang inienjoy niya ang pag-inom. Light drink lang ang iniinom niya pero natatakot akong malasing siya nito dahil sa bilis ng kanyang pag-inom at dahil hindi rin siya gaanong sanay sa mga nakalalasing na inumin. Naunang naubos ni Jihye ang kanyang vodka ice bago pa man ang huling tungga ko ng unang bote ng beer. Ibinaba niya ang bayong lata at nagpaalam na iihi daw muna siya.

Pagbalik niya galing banyo, nabanaag ko sa kanya ang kakaibang ngiti.

“Guess what, Vic? I think that drink had somehow gotten into me already…” medyo matinis ang kanyang boses, pagkatapos ay binitiwan niya ang isang pilyang hagikhik.

“Hala, sit down then. Are you ok?”

“I’m ok. It’s just that when I went to the toilet, I found it hard to stand up again,” nakatawa siya habang nagsasalita.

“Hahaha! Then don’t drink anymore, Ji. Sit here… with me.”

“No, I’m ok. I want more,” sabay hagikhik muli, “besides, it’s Saturday tomorrow.” Naupo siya sa tabi ko.

Kinuha niya ang isa pang lata ng vodka ice, binuksan ito, at uminom.

“So it’s this feeling, eh?”

“Yeah, but among men, drinking is a social thing… a form of bonding… much similar to what we’re doing now. Hey, drink slowly, you might puke on the couch!” at natawa kaming dalawa.

Halatang may tama na si Jihye dahil nakatawa na lagi ang kanyang mukha. Ang mga mata niya’y halos magsara na sa pungay na bunga ng nainom. Ihinimlay niya ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa, tumingin sa kisame na waring malalim ang pag-iisip. Nang magsalita siya, nadagdagan ang pagkapilipit ng kanyang dila dahil sa tama at halos hindi ko na siya maintindihan.

“S…so ha’ a’ oo… now?” usisa ni Jihye.

“What? I can’t understand what you’re sayin’?”

“Oor gefend…”

Naintindihan ko siya.

“We haven’t talked since yesterday. I don’t expect her to call anymore… now I’m okay, Ji. It still hurts but I have to live. It won’t help if I’ll lurk ’round here and stay down forever. Besides, I have to consider the main reason why I’m here…” tumigil ako at tiningnan si Jihye. Tinulugan na ako ng lasing.

“Ji… Ji… wake up…”

“Uuuuh…” suminghap-singhap lang siya ngunit di rin nagising.

May kaluwangan ang salas ng bahay kaya’t inayos ko ang mga upuan at mesita upang magkaroon ng espasyo sa gitna. Kinuha ko ang makapal na comforter, isang malaking unan, at isa pang makapal na kumot sa kuwarto ko at naglatag ng mahihigaan sa sahig. Inalalayan ko si Jihye pababa sa comforter at pinahiga doon. Pupungas-pungas siya ngunit nagpatuloy sa pagtulog. Hindi ko napansin ang hindi sadyang pagtaas ng laylayan ng kanyang damit nangpatambad sa napakaputing mga binti nito na napakaganda rin ng hubog. Ayaw kong patulan ang aking pagnanasa kaya’t ibinaba ko ang kanyang damit para muling matakpan ang kanyang mga binti.

Nakahiga si Jihye sa comforter, umupo ako sa kanyang ulunan, binuksan an TV at pinagpatuloy ang pag-ubos ng natitirang bote ng Bud. Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan para tingnan kung okay naman. Pinatay ko ang ilaw sa salas at itinira lamang ang ilaw sa maliit na lampshade na nasa ibabaw ng isang side table nang. Sa labas, tagos-buto ang lamig ng Nobyembre.

Nanonood ako ng TV nang bahagyang gumalaw si Jihye. Nagising siya at luminga sa paligid.

“Vic…?”

“Yes, I’m here, Ji. I’m just watching TV, you were drunk, you fell asleep. Anything?” Ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat niya para itiyak sa kanya na nandun nga ako.

“Yeah…” umunat siya at itinaas ang ulo at ginawang unan ang aking mga hita. Nag-ayos ako ng pagkakaupo para maging komportable siya. Ipinatong kong muli ang kamay ko sa balikat niya, pagkunwa’y hinila ko siya palapit sa akin para ayusin ang pagkakaulo niya sa binti ko. Humarap siya palayo sa akin ngunit hinila niya ang kamay ko ng sa gayo’y hawak ko ang isa niyang balikat sa ilalim at nakayakap ako sa kanya; ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ko at mahimbing na natulog. Nagpatuloy akong magpatay-malisya, bagama’t may mga pagkakataong dala na rin siguro ng konting tama ng iniinom na parang gusto ko siyang patusin. Ngunit nag-alinlangan ako.

Nang naubos ang beer na iniinom ko, pinatay ko ang TV, at iniunat ko ang aking katawan sa sofa nang sa gayo’y doon ako nakaulo habang nasa comforter naman ang aking mga binti.

Naidlip ako’t hindi namalayang gumising si Jihye upang umihi.

“Vic… Vic…”

“Hmmm… yeah?”

“You should get down here on the comforter.”

Bumaba ako at nahiga sa comforter. Nagulat na lang ako nang humiga rin siya sa tabi ko. Kinumutan niya ako at saka umilalim din siya sa kumot.

“Vic, it’s so comfortable to sleep on your comforter,” tapos kasunod nun ang ilang katagang kung hindi ako nagkakamali ay Koreano.

“What…?”

“I said I want something like this.”

Pagkatapos kinuha niya ang braso ko, ipinuwesto sa ilalim ng ulo niya at pumihit siya patalikod sa akin. Walang malisya si Jihye nang ginawa niya yun. Inakma ko ring yakapin siya mula sa likod.

“I feel better,Vic, you’re so warm.”

Lalo pang lumalas ang loob kong balutin siya ng aking mga bisig. Sa posisyong iyo’y naaamoy ko ang mabangong samyo ng kanyang buhok na tila lalong nagpapalapit sa akin sa kanya. Damang-dama ko ang kurba ng kanyang katawan, pati na rin ang umbok sa kanyang harapan na nakakalasagan ng malambot na bra.

“Ji… Ji…”

“You’re wearing bra while sleeping.”

“Yeah, why?”

“Loosen it. It’s not good, not healthy…”

“It’s okay.”

“No, it’s not. Let me unhook it…” sinasalat ko na ang likod niya para i-unhook ang bra nang humagikhik.

“The hook is in front, Vic. It’s a sports bra. You don’t know how to… wait…” pilyang wika ni Jihye.

“Well then, I’m unhooking it in the front…” mabilis inabot ko ang harapan ng malulusog na dibdib ni Jihye at sinalat ang maaaring kinalalagyan ng hook. Hindi maiiwasang masagi ng kamay ko ang kanyang mga bundok. May kalakihan ang mga suso ni Jihye, bilugan at malulusog, hindi nga lang halata dahil lagi siyang nakasuot ng maluluwang na longsleeves o di nama`y turtleneck collared na damit. Napatili ng bahagya si Jihye ng i-unhook ko ang kanyang bra na nasundan naman ng nakabibinging hagikhik. Natanggal ko rin an pagkakakabit ng kapirasong alpombrang tumatakip at nagpipiit sa kanyang nakapanggigigil na dibdib.

“There you go. Don’t ever wear bra again when you’re sleeping. It’s not healthy, and it will leave your boobs out of shape…”

Hindi siya sumagot, nagpatuloy lang siya sa hahagikhik. Ihinimlay ko ang aking ulo sa unan at yinapos kong muli si Jihye na parang matutulog na. Pagkunwa’y nanahimik na rin siya at tila nakiramdam. Naramdaman kong ipinatong niyang muli ang kanyang ulo sa aking braso, ngunit sa pagkakataong ito’y ipinailalim niya ang braso ko sa kilikili niya at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko. Sa ganitong posisyon, sapung-sapo ko ang ang kabuuan ng kanyang dibdib. Malambing si Jihye, natural ito sa kanya. Mayamaya’y ipinosisyon niya ang kamay ko sa ilalim ng kanyang pisngi at waring idinampi-dampi. Bahagyang tinigasan ako sa ginagawa niya, napaka-intimate ng kalagayan namin. Hindi ko tiyak kung nahalata niya ito.

“You’re keeping me warm…”

Gising pa si Jihye. Sinuklian ang mga sinabi niya ng marahang paghigpit ng aking pagkakayakap.

“And I’m cuddling a pretty girl.”

Hindi niya pinansin ang pahaging ko.

“What are your plans about your girlfriend?”

“Nothing…” napaisip ako ng aking sasabihin ngunit wala nang pumapasok sa utak ko.

“Maybe, if you’re really for each other, it will happen soon in the future.”

“I’m not even thinkin’ about it, Ji.”

“I’m glad you’re making the call. It would’ve been more difficult if you’re dependent on her.”

“Yeah, you’re right. It’s early to tell, but I think I can be more peaceful in this situation.”

“Just don’t be too hard on yourself…”

“Thanks, Ji…” hinalikan ko siya sa ulo at niyakap nang mas mahigpit. Nang panahong iyon, gusto kong ipadama sa kanya ang matinding pasasalamat sa pagiging napakabuting kaibigan at sandalan ko sa panahon ng kalungkutan.

Humarap si Jihye sa akin at niyakap niya ako. Nabigla ako sa ginawa ni Jihye. Walang pag-aalinlangan ang hangarin niyang mapawi kahit paano ang kirot sa aking puso.

Hindi ako umimik. Nagparaya akong ganon ang posisyon naming dalawa. Nagpipigil ako dahil ayokong magkaroon si Jihye ng impresyon na parang ginagamit ko lang siya sa gitna ng mapait na karanasan. Hindi ko rin maikakaila na dahil sa kaming dalawa lamang ang laging magkasama, napakagaan na ng loob ko sa kanya. Ngayong gabi, tanging mga damit lamang namin ang naghihiwalay sa aming dalawa. Pilit na naghuhumindig ang aking pagkalalaki, ngunit pilit kong linalabanan ito.

Mahimbing ang tulog ni Jihye; malamang dahil sa nainom niya. Sa kakaunting liwanag sa salas, nababanaag ko ang kaamuhan ng kanyang mukha. Napakakinis ng kanyang mukha, an maninipis niyang mga labi ay nakangiti maging sa pagtulog, at kahit nakapinid ay nangungusap pa rin ang kanyang mga mata. Ang kabuuan ng mukha ni Jihye ay animo’y Asyanong diyosang nakatanod sa yaman ng isang isla o karagatan—tulad ng mga sinaunang diyosang madalas naming pag-usapan. Halos abot-mata ang bangs niya na mas nagbibigay-atensiyon sa bilugang hugis ng kanyang mukha. Marahan-marahan, inabot ko at hinaplos-haplos ang kanyang pisngi; sinalat ko ang kanyang kilat, mga mata, ilong hanggang sa napakalambot niyang mga labi. Gumalaw siya ng bahagya, at unti-unting iminulat ang kanyang mga mata.

“Vic?”

“Thank you, Ji… you’re so kind and so good to me.”

“Because you’re good too…”

Nginitian niya ako ng isang matamis na ngiti. Dahan-dahan, hinalikan ko siya sa pisngi. At pagkatapos, tinitigan kong muli ang napakanda niyang mukha. Nakatingin din siya sa akin, waring binabasa ang laman ng aking isip. Ilang saglit kaming nanatiling ganon, habang ang mga bisig nami’y nakabalot sa isa’t isa. Nag-aalinlangan at dahan-dahang inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Jihye, nagdikit ang aming mga noo at ilong. Nagpaubaya siya. Naglapat ang aming mga labi. Sa una’y padampi-dampi lamang, hanggang sa naramdaman kong sinusuklian niya rin ako ng matatamis na halik. Naging mas marubdob ang halikang nagpatuloy. Mas mahigpit ang mga yakap niya, gayundin ang ginawa ko.

Pikit-matang ninamnam ko ang labis na lambot ng kanyang mga labi. Halatang hindi sanay si Jihye sa paghalik; halatang ginagaya niya lang ang paghalik ko. Ngunit damang-dama kong gustung-gusto niya ang ginagawa namin. Sinapo ko ang kanyang mga pisngi at buong pagnanais na pinagpatuloy ko ang walang-patid na paghalik sa kanyang mga labi. Puwedeng sabihing kay Jihye ang pinakamasarap na karanasan ko sa halik. Pagkaraan ng ilang saglit, naghiwalay ang aming mga labi. Ipinatong muli ni Jihye ang kanyang ulo sa aking braso. Tiningnan ko siya, nakatingin siya sa dingding, bahagyang naramdaman ko ang marahang panginginig ng kanyang mga labi.

“Ji, I’m sorry…” katulad ng maraming lalaki sa ganitong pagkakataon, ibig kong humingi ng paumanhin. Nadarang ako ng apoy. Ayokong isiping dahil na rin sa sakit na nararamdaman. Palagay ko, hindi; dahil naniniwala ako na kahit sa sitwasyon ko’y posible pa ring magkagusto ako sa aking kasama. Maganda si Ji. mabait, walang kapintasan, mabuti ang kalooban.

“Vic,” marahan siyang nagsalita, “it was my first kiss…”

“Oh, God…” naghahalo ang mga damdamin sa dibdib ko. Maaaring magsaya ako dahil akin ang unang halik ng napakagandang Koreanang kasama ko. Ngunit maaari rin aking malungkot dahil sa wari ko’y pinagkaitan ko siya ng karanasang dapat ay nangyari kasama ang lalaking kanyang mamahalin. “I’m really sorry… Ji…”

“Why? Don’t say you’re sorry… it was nice… I want to admit I liked it, Vic…”

“But it could have been better if you’ve done it with someone…”

“Hush…” pinigilan niya ako sa aking sasabihin, “you’re special to me and I know I am also special to you.”

“But you know that it’s not the best time for me… I just don’t want you to think that I’m using you…”

“You’re not, aren’t you? I don’t think you can use people, Vic. Do you?”

“No, I don’t…”

“Then, I don’t have to worry.”

“Ji…” napabuntunghininga na lang ako at hindi na nakapagsalita pa. Lalo ko na lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Posible palang mabuo ang isang pagtitinginan kahit sa ganitong sitwasyon na nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Wari ko, unti-unting naglalaho ang larawan ni Richelle sa aking kamalayan. Napapalitan ito ng pinagtagpi-tagping mga imahen ng masasayang sandali sa malamig at makahoy na lugar na ito. Kasama na ang mga sariwang kaalamang nakukuha ko sa mga klase, kasama ang mga bagong kaibigan at kakilala, kasama na ang napakaririkit na mga tanawin. At ngayon, sa tabi ko, ang nakabibighani at napakabuting Koreanang ito na tila nagpapahiwatig ng panibagong tunguhin. May katagalan pa ang ilalagi ko sa lugar na ito. Mahigit pan…