Kunwari’y Ako Siya Part 1, 2, 3

Because I Know U R The One’s Spin-off Series

Sasha’s Side Story – Kunwari’y Ako Siya

Part One – Ang Lihim Na Pagtingin

Mapagkunwari…

Mapanlinlang…

Bulaan…

Ikakatwa ang lahat, alang alang sa pag-ibig?

Hindi siguro… Sinasabi niyo bang itinatanggi ko lang? Denial? Delusional?

Maaaring naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon…

Sabihin niyo nang oportunista ako, ipokrita, plastik at manggagamit.

Isa lang ang totoo para sa akin…

Ang pinakamimithing pag-ibig ko para kay Ariel.

Sa mga may pakialam, ako si Constantia Tierrez, my friends usually called me Sasha. A mix of Filipino, Spanish, and Russian races.

Kaka 18 ko lang at hindi naging memorable sa akin ang debut ko. Something’s missing. Sayang nga talaga dahil balak ko talagang lasingin sa aking pagmamahal si Ariel kung pumayag lang sana siyang sumama sa akin noon.

Bakit kasi hindi lahat ng gusto ko nakukuha ko?

Kung tutuusin mas maganda naman ako kay Rebecca Alperez. Ang hindi ko lang gusto sa balat ko ay ang dami ng aking pekas. Kaya kinailangan ko pang gumamit ng concealer.

Gaya na lang ng pag-ibig ko. Dahil tingin ko kay Ariel, ayaw niya ng straightforward na babae. Yung tipong babae na ang manliligaw. Kaya ayokong magkamali ng move at lagi ko lang ino-obserbahan ng bawat galaw at gusto niya.

Kaya naman kinaibigan ko mismo si Alperez. At sa kaniya ko rin mismo inalam ang mga qualities na hinahanap ni Ariel sa isang babae.

“Napansin ko, classmate. Matagal na kayong magkakilala ng katabi mo.”

“Si Ariel? Matagal na siyang kaibigan ng Ate pinsan ko. Doon kasi dati sa lugar nila nakatira si Ate sa Grace Park hanggang lumipat kami sa Pasay.”

“Talaga? Sa Tondo naman kami ni Shane kaya close kami noon pa. Wala nga kaming masyadong friends dito.

“Same. Medyo hindi rin ako kumportable dahil wala rin akong gaano kakilala. Tubong Zamboanga pa kasi ako.”

“Ayan magkakaibigan na tayo. Iwasan mo lang yung tatlo lalo na si Bautista, ubod ng manyak yun. Puro basura ang laman ng bibig nun.”

“Hay, naku! Sinabi mo pa, Sasha. Alam mo ba noong magpaparegister pa lang ako…”

Nagkaroon agad ako ng rapport kay Alperez nang malaman kong asar din siya kay Bautista. Sabi nga sa Art of War ni Sun Tzu, an enemy of my enemy is my friend. Dahil asar ako kay Kurt, it’s clear to us that he is the present danger.

Hanggang sa dumating na si Ariel. Hinihingi na niya ang upuan niya.

“Hi Sasha. Can I have my seat? Parating na si Ma’am.”

These butterflies in my stomach can’t even help me. I’m at loss. Wala, nakatanga na lang ako habang kinakausap niya ako.

Ang nasambit ko na lang, “Yes, you can.”

“Uhm! Okay! Tayo ka na, Sasha.”

Napapikit ako sa sinabi ko. Ano yun? Para akong nabobo. Naaning aning na rin ako nang pinatatayo niya ako. Kaya tumayo agad ako.

Nauntog ko ang ulo niya at dumugo ang ilong niya.

“Ugh! Ouch!”

Masakit din ang noo ko at pakiramdam ko nagkabukol ako dahil doon ngunit mas inalala ko ang kalagayan ni Ariel.

“Oops! Sorry, Ariel. Hindi ko sinasadya.”

Agad kong kinuha ang puting panyo ko at dinampian ko ang kaniyang ilong upang mapunasan ang tumutulong dugo mula rito.

“It’s okay, Sasha.”

“Dalhin na kaya kita sa clinic?”

“I’m fine. May klase na tayo saka may panyo ako. Don’t worry, Sasha.”

“Are you sure? Sorry talaga.”

Ngumiti lang siya sa akin. At kinuha ko na ang panyo ko na may bahid ng kaniyang dugo matapos niyang gamitin ang sarili niyang panyo.

Matapos ang klase namin ay kumain kami sa convenience store ni Shane.

Pinagmamasdan ko ang puting panyo ko na may dugo ni Ariel.

“Ano yang dugo na iyan, Sha?”

“Nauntog ko kasi ang ilong ni Ariel kanina. Ang dami naman kasing tatamaan, noo ko pa sa kaniyang ilong. Sana lips to lips na lang.”

“Hala! Ang landi nito ‘oh!”

“Bakit ba? Alam ko hindi dapat ako matuwa dahil nasaktan ko si Ariel. Pero, Shane, kinausap niya ako tapos tinawag niya pa ako sa pangalan ko.”

“Tinawag ka niyang Constantia?”

“Gaga! Siyempre sa palayaw ko.”

“Ako pa ngayon ang gaga? Linawin mo kasi.”

“Gusto mo lang mang-asar ‘eh!”

Speaking of asar, maya-maya biglang may naglapag ng sanitary napkins sa lamesa sa harap namin.

At kinausap pa niya kami.

“Dapat lagi kang handa sa oras ng sakuna. Ligtas ang may alam!”

Tumingala ako mula sa aking inuupuan. Sino pa ba ang mahilig sa kabastusan?

“Kurt! Ang bastos mo! Para saan itong napkins?”

“Sa regla mo! Saan pa ba iyan? Hindi naman diaper pam-poo poo ‘yan!”

“Pilosopo! Alam mo, hindi ka nakakatawa! I-rereport kita!”

“Sige, report mo ‘ko. Tapos i-order mo ako ng cheeseburger na may cheese. Samahan mo na rin ng softdrinks na malamig.”, wika niya habang fine-flex niya pa ang muscle ng braso niya na nakaturo ang hinlalaki niya sa counter.

Nakadagdag pa sa inis ang sabat ni Timothy.

“Gago, Kurt! Nakaangil na yung T-Rex. Baka ikaw ang gawing cheeseburger niyan.”

“Takot ako! Wooh!”, sambit ng bwiset na Kurt.

“Huwag niyo ngang tuksuhin ang apelyido ko. It’s Tierrez not T-Rex. Kaya ayoko na tumambay dito. Tara na, Shane. Alis na tayo.”

Nakita ko pa si Kurt na kinindatan pa si Shane bago kami umalis, at ngumiti naman ang gaga.

Nang makalabas kami sa convenience store.

“Para saan ang ngiti mo?”

“Nginitian ako ni Kurt ‘eh! Kaya gumanti lang din ako ng ngiti.”

“Ew! Dami daming guwapo d’yan.”

“Aba! Gwapo si Kurt ‘ah!”

“Gwapo nga, bastos naman. Hindi katulad ni Ariel ko.”

“Ariel mo? May Rebecca na yun. Ikaw ang humanap ng iba.”

“Mahirap makahanap ng katulad ni Ariel ‘no? Guwapo na, matalino pa…”

“Gan’un din kaya si Kurt.”

“…at hindi bastos! Period.”

N’ung naging sila na nga ni Alperez lalo nang makita ko ang halik ni Ariel para sa kaniya, gusto kong magwala mismo sa loob ng classroom. Isa na yata sa pinakamasamang araw sa buhay ko.

Dagdag ko na rin iyong gabi na hindi nila pinaunlakan ang aking imbitasyon ng aking debut. Ang sama sama ng loob ko n’un.

Pero dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ang saya lang dahil wala na nga si Bautista, wala pa si Alperez. Mas maganda kung sila na lang ang magsama…

Basta sa akin lang si Ariel ko.

Part Two – Ang Pagbisita

Sa loob ng klase namin, yung araw na hindi pumasok sina Bautista at Alperez. Banaag ko kay Ariel ang pagkabalisa nito at hindi siya mapakali habang hawak ang smartphone niya.

Kaya kinumusta ko siya at umupo sa upuang binakante ni Alperez katabi niya.

“Hi, Ariel! Ano raw ang balita kay Beck?”

“Tinawagan ko ang pinsan ni Beck, ayaw pa niya sabihin kung anong nangyari kay Beck. Ngunit nabanggit niya na wala raw sa kanilang apartment. Ayaw rin niyang sabihin kung saan pumunta.”

“Alam mo ba kung saan nakatira si Beck?”

“Oo, sa Pasay. Mamaya puntahan ko para kumustahin.”

Maya-maya pa’y nag-anunsyo na ang isa sa mga kaklase namin.

“Galing ako sa faculty kanina, wala na tayong pasok sa alas sais. Absent si Prof.”

Pagkasabi’y nag-ingay ang lahat at nagkagulo.

Lahat ay nagkaisa at nagkantahan ng “Uwian na!” in the tune of ‘Here comes the bride!’

Ngunit hindi kami ni Ariel. Halatang nag-aalala siya kay Alperez.

Kaya binitbit niya agad ang bag niya pagkatayo niya at walang sabi sabing lumabas ng classroom.

Sinundan ko siya.

“Ariel, sandali lang!”

Huminto siya at nilingunan niya ako.

“Sama ako sa’yo.”, dagdag ko pa.

“Bakit ka sasama sa akin?”, tanong ni Ariel.

“Tulad mo, nag-aalala rin ako kay Beck.”

Hindi niya ako sinagot at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Tahimik lang akong sumama sa kaniya. Hindi niya ako pinigilan.

Yun nga lang iba ang hitsura niya. Para siyang sundalo na pupunta sa giyera. Walang emosyon ang kaniyang mukha.

Ito ang tunay na dahilan kung bakit ako sumama. Upang pigilin ang pagsiklab ng anumang pagmumulan ng giyera. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kung sakaling makita nga ni Ariel na magkasama sina Beck at Kurt.

Hindi ko alam kung paano kakausapin si Ariel. Mula sa paglabas namin ng campus hanggang makasakay kami ng jeep, wala siyang imik.

Kumidlat na nga lahat lahat, hindi pa rin siya natinag.

Krrrugggzzz!

At dahil katabi ko siya, napaakap ako sa kaniya matapos kumidlat at kumulog. Nagpanggap akong natakot sa kidlat.

“Ngii! Ariel, takot ako sa kidlat. Mukhang uulan pa ‘ata?”

Para akong nakipag-usap sa hangin.

At hindi rin niya pinalagan ang pag-akap ko sa kaniya. Kaya lalo kong hinigpitan at idinantay ang ulo ko sa kaniyang balikat.

Ang sarap niyang yakapin dahil malaman siya nang kaunti. Sinalat ko kung may abs. Okay lang kahit medyo wala at hindi naman masyado malaki ang kaniyang tiyan. Mas bet ko nga ang daddy tummy ‘eh! Basta ako ang baby niya.

Halata kong tense na tense na siya dahil sa tagaktak na siya ng pawis. Nevertheless, mabango pa rin siya at ang sarap niyang amuyin.

Kaya ayos lang kahit hindi na niya ako kausapin at kahit matagal ang biyahe, basta’t kasama ko siya at yakap ko pa.

Maya-maya pa’y nakahalata na yata sa akin si Ariel. Medyo kinabahan ako baka isipin niya nananamantala ako.

“Okay ka na ba, Sasha? Wala na yata ang kulog. Pwede mo na akong bitiwan. Nakakahiya kasi medyo basa na ako ng pawis.”

“Naku, Ariel. Ako nga ang dapat mahiya ‘eh! Dahil napayakap ako sa’yo. Takot kasi talaga ako sa kulog at kidlat ‘eh!”

Muli na namang kumidlat at parang mas malapit pa ang kulog nito sa amin.

Krrrugggzzz!

Kaya pinabayaan na lang ako ni Ariel na yumakap sa kaniya.

“Sige, Sasha. Kapag okay ka na, bumitaw ka na. Malapit na rin naman tayo.”

Lalong lumaki ang paghanga ko sa kaniya. Hindi siya mapagsamantala at tunay na maginoo. Hindi na yata paghanga ito, umiibig na ako nang tuluyan.

At doon na nga sa bandang Pasay na kami bumaba. Nauna siyang bumaba sa akin at dahil nga batid niya na kasama niya ako, inabot niya ang kamay niya upang alalayan ako. Ayoko na talagang matapos ang araw na ito.

Kaso lumulubog na ang araw nang matunton namin ang lugar nila Beck. Nakatira pala sila sa apartment na may tatlong palapag. Nasa unang palapag naman sila kaya hindi na namin kinailangan pumanhik.

Kumatok si Ariel at pinagbuksan naman kami ng pinto. Tumambad sa amin ang isang maganda at sexy na babae.

Kahit hindi si Beck iyon ay parang naiinis pa rin ako. Hindi kaya maging kaagaw ko rin ito kay Ariel?

“Oh? Ariel? Napadalaw ka?”

Shit lang talaga magdamit ang babae. Naka spaghetti strap crop top ito at dolphin shorts. And she doesn’t mind kung lumuluwa na ang utong niya na nakaalagwa pa ang malintog nitong mga suso.

Kaya bigla kong tinakpan ang mga mata ni Ariel.

“Ma’am, medyo nakahubad na po ‘ata kayo.”

“Ay sorry, Ariel. May kasama ka pala. Kaya pala nakipag-break sa’yo si Beck.

Umalma si Ariel sa sinabi ng babae.

“You got it wrong, Francine. Kaibigan din siya ni Beck. What could be the reason I am here for to begin with? I am sick worried. Hindi pumasok si Beck sa school.”

Para matigil na ang agam agam ng babae, nagpakilala na rin ako personally.

“Classmate rin po niya ako at friend na rin. By the way, I’m Sasha. Pwede po ba kaming pumasok?”

Doon lang naalala ng babae na patuluyin kami. Mabuti na lang at kinuha na niya ang tuwalya na nakasampay sa upuan at nagtapis.

“Sige, tuloy kayo. Umupo na lang kayo sa sofa.”

Muling nagtanong si Ariel habang umuupo.

“Wala ba riyan si Beck?”

“Hindi pa rin dumarating.”

“Anong oras kaya siya darating?”

“Hindi ko alam.”

“Mukhang wala ka namang sasabihin sa akin anuman ang itanong ko.”

“Look, Ariel? Pati ba ako aawayin mo? As far as I’m concerned, wala na raw kayo ni Ekang.”

Hindi pinansin ni Ariel ang tinuran ng babae. Sa halip…

“Hintayin ko na lang si Beck dito. Mainam na siya na lang ang tanungin ko.”

“Mabuti pa nga. Ewan ko ba sa’yo kung bakit si Ekang pa ang nagustuhan mo.”

Pagdating kay Beck, parang nahihimasmasan si Ariel na gustong gusto pa niyang pag-usapan ito kahit wala naman siya rito.

“She’s so pure and innocent. Nang una ko siyang makita nang sinundo ko kayo sa pantalan, pakiramdam ko, I was meant for her. That time, she looks so worried that she said, she needs a place to stay. Kaya tinulungan ko kayo.”

“You sounded like, nanunumbat. Hindi ba gan’un din ako sa’yo noong una. Mukha ako inosente at birhen. At nang malaman mong hindi ako ang babae na katulad ng inaakala mo, lumipat ka kay Beck.”

Sumabat na ako.

“Wait? Nanligaw pala sa’yo si Ariel?”

“At first. Ngunit nang malaman niyang sex worker ako, na-realize ni Ariel na maging magkaibigan na lang kami. Sayang, sasagutin ko na sana siya.”

Napansin ko ang lagkit ng tingin ni babae sa Ariel ko.

“Good riddance.”, mahina kong sabi.

“Ano iyon?”

“Wala.”, iling ko.

“Kaya I’m sure madali mong makakalimutan si Ekang, Ariel. Lalo ngayong may bago na siyang boyfriend. Matu-turn-off ka na sa kaniya lalo’t nakuha na siya ng iba.”

“Sinong boyfriend niya? Hindi pa kami tapos ni Beck.”

Nakita ko ang pagkuyom niya sa kaniyang kamao. Mamugto-mugto ang kaniyang mga mata at naglalabasan ang mga ugat niya sa sintido dala ng ngitngit nito sa narinig.

“I’m sure kilala mo siya. Dalawang lalake lang naman ang napagkukwentuhan namin maliban sa tatay at kuya niya. Ikaw at si…”

Biglang bumukas ang pintuan.

Si Alperez suot ang kaniyang hoodie sweatshirt striped with color blue and gray. Sa ilalim naman nito ang dark blue dress.

Binungaran niya kami ng talak.

“Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba may klase pa ng alas sais?”

Tumayo si Ariel at sumunod rin ako ng tayo.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Saan ka nanggaling at bakit ganyan ang suot mo?”, Ariel said in a condescending tone.

“Ang alin ito ba?”

Biglang binaba ni Beck ang zipper ng kaniyang sweatshirt sabay hubad nito at tila lalong nainis si Ariel nang makita ang suot na damit nito. String dress kasi iyon na malalim ang neck line hanggang dibdib. Walang bra si Beck at kita ang cleavage pati ilalim ng suso nito. At gaya ng Ate niya, wala rin siya pakialam kung dumungaw na ang utong niya mula sa suot nito.

At shit, ano iyang parang lamog sa kaniyang suso at leeg? Tsikinini ba iyan?

Sinulsulan pa ito ng Ate ni Beck.

“Grabe naman iyang ginawa sa iyo ng boyfriend mo. Ang dami mong tsikinini. Anong pangalan nga n’un?”

At ngumiti pa siya na parang nakakaloko. Pakiramdam ko, pinagkakaisahan nila si Ariel ko kaya to the rescue na ako.

“Alam mo ba kung bakit napasugod dito si Ariel? Labis ang pag-aalala niya sa iyo nang may narinig kami tungkol sa inyo ni Bautista. At bakit wala rin pala si Bautista?”

“Bakit sa akin niyo hinahanap? Nakita niyo bang kasama ko?

“Sa oras na malaman kong may kinalaman si Kurt dito, hindi ko alam kung ano’ng kaya kong gawin sa kaniya.”

“As if may pakialam ka pa. It’s over, Ariel. We’re done. Wala na tayo, remember?”

“Wala na bang pag-asa? Hindi mo na ba ako bibigyan ng isa pang pagkakataon?”

“Ayoko na nga, Ariel. At alam mo na rin kung bakit. Sige na, gusto ko nang magpahinga dahil masakit na ang ulo ko. Salamat sa pagdalaw niyo.”

Heto na nga ang sinasabi ko. Mukhang tama ang kutob ko kina Beck at Kurt. There is a part of me na masaya ako nang malamang wala na talaga sila ngunit may lungkot at awa para naman kay Ariel ko. Masakit din sa akin kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

Kaya nang makita kong natameme na si Ariel. Ako na ang kumatawan sa kaniya para ipagtanggol siya kay Alperez.

“Ganoon na lang iyon, Beck? Pinagmalasakitan ka na nga namin tapos ganito mo pa kami tatratuhin?”

“Talaga ba, Sasha? Sa akin ka ba talaga nagmamalasakit? Gusto mo isiwalat ko kung ano talaga ang sadya mo kung bakit sumama ka kay Ariel?”

It’s useless na makipag-argue sa babaeng ito. Kaya hindi ko na siya sinagot. Sa halip, inakay ko na si Ariel palabas ng pinto.

“Tara na, Ariel. Hindi deserve ni Beck ang malasakit natin, lalo na ang pagmamahal mo.”

Hindi na rin nag iwan pa ng sasabihin si Ariel at lumabas na rin kami na hindi inalis ang tingin sa dating nobya habang hawak ko ang kamay niya.

Doon na kami pinagsarhan ng pinto matapos kaming lumabas.

Hindi pa kami nakakalayo ni Ariel sa pintong iyon nang marinig naming nagtatalo sa loob si Beck at ang Ate niya.

“Totoo ba, Ekang? Ikaw ang nasa balita? Tonta! Alam mong nagtatago ka upang makaiwas kay bumbay tapos malalaman kong lalantad ka sa TV?”

“Ate… blurred naman ang mukha ko sa TV.”

“Ikaw nga. Tanga ka. Nakabuyangyang pa ang katawan mo roon at yakap mo pa ang matabang pulis. Kung sugar daddy lang pala ang kailangan mo, marami akong kakilala.”

Yes, we overheard it. And we’re both shocked sa revelations nila.

Sapat na kay Ariel ang marinig niyang totoo nga ang usap-usapan sa klase. We therefore concluded na si Beck at Kurt nga ang magkasama kagabi.

At sapat na rin iyon para suntukin ni Ariel ang pintuan ng apartment nila Beck.

Blag!

Kasabay ng galit niya ang muli pagkidlat ng kalangitan.

At kulog.

Krrrugggzzz!

Binuksan muli ni Beck ang pinto at nadatnan niya pa rin kami sa labas nila.

Tinalikod ko si Ariel upang hindi makita ni Beck ang pagtangis ng dati niyang nobyo.

At nagpaalam na ako ng tuluyan kay Beck.

“Nauntog lang si Ariel, Beck. Kaya I’m sure gising na gising na siya. Sige, alis na kami, Beck.”

At nakuha pa akong tarayan ni Beck.

“What do you mean by that?”

Hindi ko na siya pinansin. Bahala na siyang mag-isip sa sinabi ko. Saka ko muling inakay palayo si Ariel habang hawak ko ang kamay niya.

At binigyan ko siya ng piece of advice. Pampalubag-loob.

“Cheer up, Ariel. As Rebecca said, it’s over. Hindi mo kailangan ipagduldulan ang sarili mo sa kaniya. Marami pa namang iba d’yan, mas maganda pa katulad ko.”

“Hindi ko yata kaya, Sasha. Sobrang sakit nito sa akin. Pinagsabihan ko na si Kurt na walang talo-talo. Bakit sa dami ng lalake, si Kurt pa. Ano bang nakita niya sa lalakeng iyon? It makes no sense.”

“Maybe because mas dapat silang magsama. You deserve someone better, Ariel. Yung hindi ka lolokohin… gaya ko.”

Tila hindi naman niya narinig ang huling sinabi ko dahil sinadya kong hinaan ito. Ayokong magpakalantad sa totoong nararamdaman ko. Gusto ko sana na magkagusto sa akin si Ariel at mapansin niya ako na totoong nagmamahal sa kaniya.

Lalo ngayon na hawak ko na ang kaniyang kamay, ayoko na siyang bitawan.

Doon na rin nagbitaw ng malakas na buhos ang ulan. Malapit na sana kami sa labasan para makasakay na ng jeep.

Ngunit pinili ko na lang sumilong sa kanto habang hinila ko si Ariel patungo roon.

Maybe it’s a blessing in disguise na rin ang ulan upang lalo ko pang makasama si Ariel.

Basang basa na rin kami ng ulan pati ang mga bag namin.

Pero hindi ko nakita ang kamalasan na hatid ng ulan. Buhos ang biyayang ito mula sa kalangitan. This is the sign na matagal ko nang dalangin.

Lalo nang lumingon ako sa sinisilungan namin. Is…