“Yes!” nabulalas ko dahil sa tuwa.”Sana nabili niya yung ni-request ko na regalo para sa birthday ko bukas.”
“Naku ayan kana-naman.” medyo pagalit na sabi ni inay. “Hindi ba binilinan na kita na wag kang puro pabili sa tito mo. Kahit may pera yun ay hindi mo dapat abusuhin lalo pa at siya ang magpapa-aral sa iyo sa kolehiyo.” pagalit na sermon ni inay.
“Para sa birthday ko naman iyun inay, at saka gagamitin ko rin sa pag-aaral yung pinabili ko.”
“Siguraduhin mo lang na mag-aaral ka ng mabuti ha, sa laki ba naman ng gastos ng tito mo ay dapat suklian mo ng tyaga.”
“Opo Inay.”
“Nilinis mo na ba ang kwarto?” tanong ni inay.
“Natapos ko na kanina, Nalabhan na rin yung kutson ang bagong palit ang mga punda at kubrekama.”
“O siya sige, ikaw muna ang bahala dito. Dadaan muna ko sa palengke at may nakalimutan akong bilhin.”
Ako si Eron Madrigal. Dalawang araw na lang at labingwalong taong gulang na ako. Panganay ako sa tatlong magkakapatid. Kasama ang aking ama’t ina, tahimik ang aming pamumuhay dito sa isang bayan sa Pampanga. Isang supervisor sa isang manufacturing company dito sa aming bayan si itay samantalang clerk naman sa city hall ang aming ina. Kahit pareho silang may trabaho ay hindi ko masasabing marangya ang aming buhay dahil maliit lang naman ang sweldo nila at marami kaming gastos dahil 3 kaming nag-aaral.
Kahit papano ay nakakatikim kami ng luho dahil tinutulungan kami ng kapatid ni Inay na si tito Carl. Isa siyang electrical engineer na nagtatrabaho sa isang shipping company sa Europa. Bata pa lang daw ito ay nakitaan na ito ng talino at sipag kaya kahit mahirap lang din ang magulang nila ay nakakuha ito ng scholarship at nakapag aral sa isang kilalang pamantasan sa maynila. Bukod doon ay matalino rin ito sa pag-gamit ng pera. Pagkagradweyt nito sa pamantasan ay kinuha agad siya ng kanyang kumpanya. Pinagtraining lang ito ng ilang buwan at naka akyat na agad ng barko. Noong mga unang limang taon niya sa barko ay halos hindi ito nagbabakasyon at puro trabaho lang. Nang makaipon ay nakipag-partner ito sa kanyang kaibigan at ipinuhunan ang naipong pera sa kanilang negosyong Auto repair shop. Ngayon ang balita ko ay may tatlo ng branch ang kanilang shop sa Maynila. Ang isang pagsisisi lang daw nito ay hindi siya nakauwi sa bansa ng mamatay ang kanilang magulang. Dahil dalawa lang sila ni inay na magkapatid ay kami na lang ang natitira niyang pamilya.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil excited na ako sa pagdating ni tito.
“Kuya, may dumating na kotse sa tapat natin. Si tito Carl na yata yun.” sigaw ng nakababata kong kapatid.
Sinilip ko sa bintana at nakita kung bumaba ng kotse si tito Carl. Agad akong tumakbo para sumalubong.
“Ron, halika tulungan mo akong buhatin itong mga pasalubong ko.” utos ni tito Carl.
Lumapit ako at nakipag fist bump sa kanya. “Welcome tito!”
29 lang naman kasi ang edad ni tito at parang kuya ko lang siya. Niyakap naman siya ng mga kapatid ko.
Pagkatapos ng kamustahan ay inaya na kami ni inay na sabay-sabay mananghalian.
“Ron andyan na yung pinabili mong laptop, buksan mo mamya pagkakain. Cellphone naman ang para kay Em-em at Ella.”
“Carl sobra naman yatang mahal nyang pasalubong mo” sambit ni inay.
“Hayaan mo na ate, sino pa ba naman ang pagkakagastuhan ko e kayo lang naman ang pamilya ko.” sagot naman ni tito.
“Bakit ba kasi hindi ka pa mag-asawa e lagi naman kitang nakikitang may kasamang babae. Wala ka pa bang nagugustuhan sa kanila?” pag-uusisa ni inay.
“Darating din tayo diyan. Itong gwapo kong ito, gusto mong matali agad.” medyo natatawang sagot ni Tito.
“Sus! bahala ka nga”
Pagkatapos namin kumain ay agad kung ininspeksyon ang pasalubong na laptop. Tuwang tuwa ako dahil alam kung magagamit ko ito pag nagsimula na akong mag-aral sa kurso kong electrical engineering. Idolo ko kasi si tito kaya ginaya ko rin ang kurso niya. Doon din ako mag-aaral kung saan siya nag kolehiyo. Natuwa sakin si tito kaya kahit mahal ang tuition fee ay siya ang mag-papaaral sakin.
Tinulungan kung ipasok ang mga gamit ni tito doon sa aking kwarto. Tatlo lang kasi ang kwarto sa bahay namin kaya magkasama kami sa isang kwarto. Meron doong double deck at ang ibabang bahagi ay naka reserba para sa kanya. Ito rin ang maganda sa ugali ni tito dahil hindi siya maarte, kahit na mapera na sya ay ayus lang sa kanya kahit saan namin siya patulugin. Hindi rin naman siya nagtatagal sa bahay namin dahil tuwing umuuwi siya mula sa ibang bansa ay may tinutuluyan din siyang apartment doon sa Maynila.
Kinagabihan ay tinawag ako ni tito ay may ibinulong sa akin.
“Tara Ron, gala tayo sa Angeles. Isasama kita doon sa kilala kung NightClub.”
“Naku tito hindi ako pwede uminom ngayun dahil birthday ko na bukas, at may salo-salo dito sa amin. At saka hindi ako papapasukin doon dahil hindi pa ako 18.”
“Ayus lang yun hindi naman tayo maglalasing saka uuwi din tayo agad. Isa pa, yung mga babae naman ang pupuntahan natin dun.”
“Tito meron na akong girlfriend kaya hindi ako pwede doon.” pag-amin ko.
Nagulat sa sinabi ko si tito. “Talaga? Bakit hindi ko ata alam yan ha, kelan pa yan.” pag-usisa ni tito
“Hindi pa kasi alam nila nanay at tatay pero bukas pupunta siya dito para makilala niyo nang lahat.” paliwanag ko.
“Binata na talaga tong pamangkin ko. Maganda ba yang girlfriend mo?”
“Naku tito, sobra! Walang panama yang mga babae na angkas mo sa motor tuwing sumasama ka sa ride. Kahit pa yung mga artista sa TV, mahihiya kapag nakita yung kagandahan at kaputian ng girlfriend ko.”
“Ah sige pakilala mo sakin yan bukas at malalaman natin kung nagsasabi ka ng totoo.”
Hindi na ako pinilit ni tito at mag-isa na lang siyang umalis. Malamang ay binisita ang isa sa mga babae niya dito sa bayan namin. Palikero kasi itong si tito at maraming nagkakagusto sa kanyang babae. Hindi naman nakakapagtaka dahil tooong gwapo naman si tito at matangkad pa. Nasa 6’1 ang tangkad nito at malaki ang katawan. Magaling din itong pumorma na parang mga kaedad ko lang. Idagdag pa na may pera na siya ngayun kaya kahit sa Maynila ay alam kung habulin siya ng mga babae.
Bandang mga alas diyes ng umaga ay nagsimula ng magdatingan ang mga bisita. Karamihan sa dumalo ay mga malalapit kong kaibigan at mga kamag-anak sa side ni tatay. Bukod kasi sa birthday ko ay padespedida na rin ito dahil sa susunod na linggo ay doon na ako maninirahan sa apartment ni tito sa Maynila dahil malapit lang iyon sa papasukan ko na pamantasan. Aabutin kasi ng apat hanaggang limang oras ang byahe kung magcocommute lang ako, kaya malamang ay lingguhan na lang ang uwi ko dito sa amin.
Sa kalagitnaan ng salo-salo ay saglit akong umalis para sunduin si Riza.
“Ang ganda talaga ng girlfriend ko, hindi ako mag-sasawang titigan ka” bulong ko kay Riza habang sakay kami ng traysikel.
Medyo natawa ito at mahina niya akong pinalo sa braso. “Ganun? E araw-araw na nga tayong nagkikita noong High School tayo”
Magkaklase kasi kami noong High School. Noong una ay magkaibigan lang kami at magka-biruan. Siya kasi ang pinakamaganda sa paaralan namin at marami ang nagkakagusto sa kanya kaya hindi ko agad maamin noong una na gusto ko siya. Bago kami magtapos ng High School ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob ng makapagtapat sa kanya at laking tuwa ko ng umamin siyang matagal na raw niya akong inaantay na ligawan siya.
Simple lang ang suot niyang t-shirt at skinny jeans pero lutang parin ang natural niyang ganda. Makintab ang kanyang buhok at mahaba ang kanyang pilik-mata. Napakaputi at napakakinis din ng kanyang balat na mala-labanos.
Nang papasok ng nga kami sa aming bakuran ay napatitig sa kanya ang mga pinsan at kaibigan kong lalaki. Lumapit ako kila nanay at tatay at ipinakilala ko si Riza.
“Tay, Nay si Clariza po pala, ang girlfriend ko.”
“Aba meron ka na palang girlfriend.” medyo nagulat na nasabi ni tatay ng biglang magmano ito sa kanila.
“Ang ganda naman ng girlfriend mo anak” nakangiti sa sabi ni nanay. “Kamusta ka iha?”
“Mabuti naman po.”
“Ipakilala mo rin siya sa mga kapatid mo tapos ay ihanap mo na ng mauupuan at ng makakain na rin siya.” utos sa akin ni nanay.
Matapos kung maipakilala si Riza sa mga kapatid ko ay didiretso na sana kami sa lamesa para kumuha ng makakain ng maispatan ko sa isang tabi si tito Carl na may katabing seksing babae. Hinila ko si Riza at pinakilala siya kay tito.
“Tito! Ito pala si Clariza, ang girlfriend ko. Riza, ito si tito Carl kapatid ni Nanay.”
“Kamusta Riza. Ako pala si Carl. Ito naman si Jade, kaibigan ko.” bati ni tito.
“Hello po.” sagot naman ni Riza.
“Hello, Happy Birthday pala sa iyo Ron.” malanding pagbati sakin ni Jade.
“Salamat.” sagot ko naman.
Kagaya ng mga nakikita kong babae na kasama ni tito ay maganda rin si Jade. Matangkad ito at balingkinitan. Ang higit sa lahat ay ang sexy ng damit nito. Naka Bralette lang ito na napapatungan lang ng nakabukas na jacket samantalang ripped jeans naman ang pang-ibaba kaya kitang kita talaga ang kanyang katawan. Hindi naman ako nagulat dito dahil palagi naman sexy ang nakikita kong suot ng mga babae na kasama ni tito.
“Hindi nga nagbibiro itong si Ron ng sinabi niyang napakaganda mo. Kaya pala ayaw niyang sumama gumimik ay para na pala siyang tumama sa lotto. Kahit ako ay titino kung kasing ganda mo ba naman ang magiging asawa ko.” puri ni tito kay Riza.
“Hoy Carl bata pa yan no, wag mo ngang akitin.” sambit ni Jade.
“Ikaw naman babe selos ka agad.” sagot ni tito. “O Ron, kumuha ka na ng makakain niyo. Riza dito ka na maupo sa tabi ni Jade.”
Naupo muna si Riza sa bakanteng silya sa tabi ni Jade habang dumiretso na ako sa lamesa para kumuha ng pagkain namin. Isang piraso na lang ang naiwang plato kaya pinuno ko muna iyon ng pagkain at inabot kay Riza saka ako pumunta sa kusina para kumuha ng dagdag na plato.
Palabas na sana ako ng pinto ng bigla akong hilahin ng mga kabarkada ko sa basketbol. Tinanong nila kung sino yung kasama kong babae at pati na rin yung sexy na kaibigan ni tito. Sinagot ko naman lahat ng tanong nila at makikita mo sa kanilang mukha ang pagkaingit. Napadpad din ang aming usapan sa nangyayaring NBA finals at dahil sinusubaybayan ko rin iyon ay napasali din ako sa diskusyon. Nasa kalahating oras din siguro ang lumipas bago ko naalalang bumalik sa tabi ni Riza.
Nang paparating ako sa kinaroroonan ni Riza ay nakita kong nagtatawanan silang dalawa ni Jade habang si tito Carl naman ay may iminumwestra na para siyang nagmomotor.
“Ron” tawag sa akin ni tito ng makalapit ako. “Ito palang si Riza ay anak ni kuya Ben.
“Kuya Ben?” patanong kung nasabi.
“Yung Presidente ng Motorcycle Club namin. Nadaan na siya minsan dito ng minsang sinundo nila ako” paliwanag ni Tito.
Matagal na kasing miyembro si tito ng isang Motorcycle Club dito sa aming bayan. Tuwing may libreng panahon ay sumama siya sa long ride. Minsan ay nagmomotor sila hanggang Pangasinan at pagdating doon ay nagpapalipas lang ng oras habang pinapanood ang magagandang tanawin.
“Sabi na nga ba e pamilyar ka rin sakin Riza.” nasambit ni tito. “Minsan ko na rin kasing nakita ang mama mo ng minsang isama siya ng papa mo sa isa naming ride. Ang ganda rin ng mama mo at ang puti. Buti na lang at dun ka nagmana sa mama mo.
“Bakit e gwapo din naman si papa ha.” medyo nainis ng konti si Riza.
“Hindi naman yun ang ibig kung sabihin. Alam kung gwapo din si kuya Ben pero madalas kasi siyang nakakunot ang noo na para bang laging galit di tulad ng mama mo na laging nakangiti.
“Ha! ha! ha!” pagtawa ni Riza. “Sobra ka naman tito kahit ganun si papa e mabait naman yun.”
“Sang-ayon naman ako diyan. Kaya nga hanggang ngayun ay siya pa rin ang presidente namin ay dahil magaling siyang makisama.” sagot ni tito.
Napansin kung medyo namumula ang mukha ni Riza kaya tinanong ko kung ayus lang ba siya pero tumango lang siya ng oo.
Ala sais na ng maihatid ko si Riza sa tapat ng gate nila. Hindi pa rin kasi ako naipapakilala ni Riza sa magulang niya kaya hindi pa ako makapasok.
“Kailan mo ba ako ipapakilala sa magulang mo?” tanong ako kay Riza.
“Next month sa debut ko ipapakilala na kita.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
“Ma-mimiss kita Ron kapag nandun ka na sa Maynila.” paglalambing ni Riza.
“Ako rin naman. Magtiis muna tayo para maging maayos ang kinabukasan natin. Mag-aral na lang muna tayo mabuti. Tutal makakapag chat naman tayo araw-araw saka susubukan ko rin makauwi kada lingo.”
Humalik si Riza sa pisngi ko saka pumasok sa loob ng kanilang gate. Sinilip ko ang kanilang bahay. Alam kong hindi nalalayo ang estado ng aming buhay. Lima silang magkakapatid at hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang magulang sa Maynila. Gayunpaman ay sa isang pamantasan sa katabing bayan namin siya mag-aaral at kukuha siya ng kursong Education.
Lumipas ang isang linggo at nagsimula na akong mag-aral sa Maynila.
Dalawang istasyon lang ng tren ang layo ng pamantasan namin mula sa apartment ni tito kaya hindi ako gahol sa oras.
Pauwi na ako ngayun sa apartment. Nasa Ikalawang palapag iyon ng isang gusali. Pagpasok sa pinto ay makikitang may kaya sa buhay ang nakatira doon. Hindi iyon kalakihan, mga 30 sqm. lang pero fully furnished na iyon. Hugis parihaba ang Floor Plan ng apartment at istilong Studio Type. Pagbukas ng pinto, unang madadaanan ang banyo sa bandang kaliwa, at sa bandang kanan naman ang isang maliit na kusina na may kasamang pantry. Ilang hakbang lang mula sa pinto ay ang gitnang parte ng apartment. Ito ang sala kung saan naroroon ang sofa at maliit na TV na may nakakabit na Playstation. Meron din maliit na study stable sa bandang sulok kung saan ako nag-aaral ng aking leksyon. Narito rin ang isang single na kama na may malambot na kutson. Nasa sulok iyon, bandang likuran ng sofa. Noong unang araw ay wala pa itong kama kaya binili ito ni tito para mayroon akong tulugan. Sa dulong parte ng apartment ang kama ni Tito. Naroon din ang ilang drawer at Cabinet at isang Flat Screen na TV na nakasabit sa tapat ng kama. Nandoon din ang Aircon. And dulong parte kung saan naroon ang kama ni tito at ang sala kung saan naman nakalagay ang aking kama ay nahahati lamang ng Half Divider, kaya halos wala kaming privacy sa isat’isa. Buti na lang at kasabay ng pagbili ng aking kama ay dinugtungan din ni tito ng kurtina ang Half Divider kaya nagmukha ng maliit na kwarto ang dulo ng apartment. Mayroong maliit na puwang sa ibabaw at sa ilalim ang kurtina ng sa gayon ay makalabas pa rin ang lamig ng Aircon papunta sa kabuuan ng apartment.
Sa ikalimang araw ko sa apartment unang beses kong nakitang nagdala ng babae si tito. Mga alas diyes ng gabi ng dumating sila. Patapos na ako gumawa ng takdang-aralin noon at inililigpit na ang aking laptop sa ibabaw ng study stable. May dala silang pagkain at inalok nila ako. Magalang ko silang tinanggihan at sinabing katatapos ko lang kumain.
Tantya ko ay kaedad din ni Tito ang babae. Naka suot ito ng isang uri ng tube dress na hanggang gitna ng hita ang haba. Dumiretso na ako sa banyo at naghilamos at magsipily…