Kusina Chronicles 11: Teach Me, Senpai!

Pagkatapos ko sa mise en place namin ay sinimulan ko na yung pag-set ng station.

Naglagay ako ng mga kawali at mga sandok sa tabi ng kalan para di na kailangan lumayo ng kusinero pag may order.
Inisa-isa ko yung mga sauces namin kung merong kailangang palitan o i-production.
Ayos naman lahat.

Ready na kami for lunch crowd.

“Pre, may ginagawa ka pa ba?” Tawag sakin ni Philip.

“Wala naman na.” Sagot ko.

“Tulungan mo naman ako magkalas nitong dahon ng malunggay.”

Lumapit naman ako agad at dumampot ng isang tangkay. Pero ilang dahon pa lang ang napipitas ko ay tinawag ako ni Chef Mike.

“Pabayaan mo sya jan. Pucha dahon lang ng malunggay kailangan pa ng katulong? Lika dito. Tuturo ko sayo yung ilalabas natin mamaya sa event.”

Wala naman akong nagawa kaya iniwan ko si Philip at kay Chef Mike na tumulong.

“Sabi ko naman kasi dahon ng ampalaya ang bilhin para sa munggo eh. Palaging malunggay ang binibili eh ang tagal kalasin nito.” Reklamo ni Philip.

“Nagrereklamo ka pa? Eh late ka na nga dumating.” Sabi sa kanya ni Chef Mike.

“Sinong nagrereklamo? Ha?” Malakas yung boses ni Chef Joel na kakapasok lang ng kusina.

“Ayan, Chef. Nagrereklamo. Bakit daw malunggay yung ilalahok sa munggo.” Turo ni Chef Mike kay Philip.

“Eto ba? Eto ba nagrereklamo?” Umikot si Chef Joel sa likuran ni Philip at binigyan ito ng rear naked choke.

“Chef! Biro lang yun, Chef!” Di makapalag si Philip dahil sa higpit ng pagkaka-hold sa kanya ni Chef Joel.

Nagsimula kaming magtawanan.

“Magrereklamo ka pa? Ha?” Si Chef Joel.

“Hindi na Chef, hindi na.” Sagot ni Philip.

Bago bitawan ni Chef Joel si Philip ay pinagkakadyot nya muna ito sa pwet.

Lalo naman kaming nagtawanan lahat.

Ganun kami kakulit sa kusina. Parang mga magbabarkada lang kung magbiruan.

Naging busy yung lunch operation namin that day kaya almost 3PM na kami nakapananghalian.

Syempre sabay ulit kami ni Charlotte.
At habang kumakain kami ay sinabi nya na ituturo nya sakin yung dessert na gagawin mamaya.
Rocky Road Brownies.

Tapos naman na yung prep namin for dinner kaya wala na kami halos gagawin kundi mga mangilan-ngilang orders ng mga checked-in guests.

After namin kumain ay nagpahinga lang kami sandali habang nililista nya na yung mga ingredients.
Tapos ay inabot nya yun sakin.

3/4 cup APF
1/2 cup Butter
3/4 cup White Sugar
1/2 cup Brown Sugar
3 Medium Eggs
1/2 tsp Salt
1 tsp Vanilla Extract
1/3 cup Cocoa Powder
130 grams Dark Chocolate
120 grams Semi Sweet Chocolate
3/4 cup Chopped Roasted Almonds
1/2 cup Mini Marshmallows

Kinuha ko lahat ng ingredients na nakalista at inilagay sa ibabaw ng prep table nya.

Ni-ready nya na din dun yung mga stainless mixing bowls, spatula at wire whisk.

Ininspect nya muna isa-isa kung tama ba yung mga kinuha ko.
Nasa likuran nya lang ako.
Bigla namang umandar yung kapilyuhan ko at idinikit ko yung namumukol kong harapan sa may pwet nya.

“Gagu ka! Baka may makakita satin.” Sabi nya sakin pero di naman sya umiiwas.

“Wala yan. Nagyosi break silang lahat. Tayo lang dito sa kitchen.” Sagot ko. Mas diniinan ko pa yung harapan ko sa pwet nya.
Napakapit sya sa lamesa at medyo napatuwad.

“Shet! Ang libog mo talaga. Bakit ang tigas nyan?” Sabi nya sakin. Ginagalaw-galaw nya na rin yung pwet nya.

Napatigil kami at biglang naghiwalay nung narinig namin yung pagbukas ng pinto at yung malalakas na boses ng mga kasama namin.

“Okay. So una, tunawin mo muna yung chocolate saka butter using double boiler method.” Biglang sabi sakin ni Charlotte.

“Copy, Chef.” Sagot ko.

Biglang dumaan si Chef Joel sa area namin.

“Yan na ba yung para sa dinner?” Tanong nya kay Charlotte.

“Yes, Chef. Si Ares papagawin ko.” Sagot nya.

“Good yan. Para marami syang alam. Kaso baka magka-developan kayo nyan ha.” Nakangiti nitong biro kay Charlotte.

“Nakooo. Si Chef!” Nakita kong nag-blush si Charlotte.

Tumawa lang si Chef Joel at umalis na.

Ako naman ay lumapit ulit sa likuran ni Charlotte at idinikit ulit yung harapan ko sa pwetan nya sabay abot sa stainless bowl.

Narinig ko yung pagbulong nya.
“Huy, andyan na sila!”

Sinalin ko sa bowl yung chocolates at butter tapos nakangising naglakad na papunta ng kalan.

Narinig ko ulit yung pagbulong nya.
“Sira ka!”

So kumuha ako ng isang pot, nilagyan ng konting tubig (mga 1 inch lang) at isinalang sa kalan.
Nang magsimulang kumulo ang tubig ay ipinatong ko sa ibabaw yung stainless bowl na may chocolates at butter hanggang matunaw at hinalo sila hanggang magcombine.
Then bumalik na ko kay Charlotte.

“Yan. Ilagay mo muna jan sa tabi para lumamig ng konti. Tapos sa isang bowl, pagsamahin mo yung brown and white sugar.”

“Copy, Chef.” Sagot ko sa kanya.

“Then magbasag ka ng isang itlog sa separate cup.”

“Pag nakita mo na okay naman yung egg, saka mo isalin sa mixture mo. Wag mong idederecho sa ginagawa mo kasi baka mamaya sira na yung egg. Madadamay yung mixture mo.”

Tumatango-tango ako habang nakikinig sa kanya at ginagawa yung mga sinasabi nya.

“Batihin mo muna yung isang itlog jan hanggang mahalo syang mabuti sa sugar.” Sunod nyang sinabi.

“Ano yun, Chef?” Tanong ko sa kanya.

“Sabi ko ba