Kusina Chronicles 2: Soup

Kinabukasan ay may dumating nga na bagong dishwasher. Si Ronnie. Mas matanda sya ng anim na taon sakin. Galing na din sya sa iba’t-ibang fast foods at restos. Iba’t-ibang posisyon na rin ang nahawakan nya. Mula pagiging dishwasher, kitchen helper at kusinero.
Tinanong ko sya kung bakit dishwasher ang inaplayan nya samantalang may experience na pala sya bilang kusinero. Ang sagot nya ay gusto nya daw muna magsimula sa mababa dahil iba daw ang hotel sa resto.

Mabilis at maayos syang magtrabaho kaya naman apat na araw pa lang sya ay naiiwanan ko na sya sa area namin. At nung panglimang araw nya nga ay tuluyan na akong lumipat sa kusina.

Sakto naman na may events kami nung araw na yun kaya naging sobrang busy namin. Hindi na kami nakapag-break dahil walang pahingahan ang trabaho. Katatapos lang namin ilabas lahat ng pagkain for lunch nang tinawag ako ni Chef Charlotte.

“Ares, busy ka pa ba?” Tanong nya.

“Hindi na Chef. Katatapos lang namin maglabas ng buffet.” Sagot ko.

“Tara. Tulungan mo ‘ko mag-setup ng dessert.”

Lumipat ako sa pwesto nya at tinanong kung anong pwede kong gawin.

“Teka, kumain ka na ba?” Tanong nya sakin.

“Di pa Chef. Pero kaya pa naman.” Sagot ko.

Kumain ka na muna kasi wala na tayong break nito. Hanggang gabi na to.” Sabi nya sakin. Yumuko sya at may kinuha sa prep table/chiller nya.

Mababa ang chiller nya kaya patuwad syang yumuko. Sakto naman na sa likuran nya ako nakapwesto kaya lantad na lantad sakin yung mabilog nyang pwet. Naka-fitted jeans sya nun kaya bakat na bakat ang hubog ng pwetan nya.
Napakagat-labi na lang ako dahil talagang nakakatuksong dakmain yung pwet nya na sobrang tambok.

Maliit na babae lang si Charlotte. Maputi at makinis ang kutis. Mahaba ang buhok, at balingkinitan ang katawan. Maliliit na medyo singkit ang mga mata nya. Matangos ang ilong at maliit na mapula ang mga labi na may maliit at maitim na nunal sa bandang kaliwa.
Hindi mo sya gaanong mapapansin sa kusina kapag nakasuot sya ng uniporme, apron at hair net. Pero kapag nakita mo sya sa labas na naka-casual wear ay talaga namang mapapalingon ka.

“Eto. Kain ka muna para di ka malipasan.” Hawak nya na ang isang platito na may brownies.

“Wow. Thank you.” Kumuha ako ng isa at kumain.

“Tapusin muna natin ‘tong dessert tapos dito na tayo kumain. Tapos maghahanda na tayo ng meryenda sa event.”

“Sige Chef.”

Tinulungan ko syang iplato yung mga desserts nya at nang mailabas na namin lahat ay nagligpit kami sa area nya at pumunta ng hot kitchen.
Sakto naman na nagkakainan na yung mga kusinero.

“Mark, meron pa?” Tanong ni Chef Charlotte.

“Andun sa warmer Chef. Sobra na lahat yun. Kuha na lang kayo.” Sagot ni Mark.

Kumuha kami ng plato at kubyertos tapos ay pinuntahan ang food warmer. Kumuha kami ng pagkain at bumalik na sa area ni Chef Charlotte. Mas nalamig kasi sa area nya dahil may sarili syang air cooler. Walang upuan doon kaya nakatayo kaming kumain. Ang lamesa namin ay yung ibabaw ng chiller nya.

“Ano? Kamusta naman yung first day mo sa kitchen?” Tanong nya sakin habang kumakain kami.

“Ayos naman Chef. Masaya.” Sagot ko.

“Napasabak ka nga agad eh. Tatlo yung events natin ngayon. Sabay-sabay.”

“Oo nga eh. Pero kaya naman. Nakakasabay rin naman kahit papano.”

“Oo. Galing mo nga eh. Mas maayos ka pa kumilos sa iba jan.”

“Di naman. Marami pa ‘kong di alam.”

“Di ka naman pababayaan ng mga yan. Saka tuturuan din kita dito sa pastry. Basta punta ka lang pag libre ka.”

“Salamat Chef. Gusto ko talagang matuto dito sa kusina.”

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa trabaho habang kumakain.
Pagkatapos ay inasikaso na agad namin yung memeryendahin ng mga guests. Pagkatapos nun ay dinner naman ang hinanda namin.
Bukod sa tatlong events nung araw na yun ay may mga regular orders din kami mula sa room service at a la carte ng hotel. Kaya wala talaga kaming pahingahan. Mabuti na lang at pinayagan kaming makapag-out ng maaga.
8:30PM ay nagdatingan na yung mga karelyebo namin. Kaya 9PM ay pinayagan na kaming umuwi.

First time ko silang makakasabay umuwi. Nung dishwasher ako ay pareho lang 10PM ang out namin pero sila ay nakakapag-out ng eksaktong 10PM dahil maaga pa lang ay tinatapos na nila lahat ng trabaho nila. Samantalang ako ay inaabot ng quarter to 11 hanggang 12AM dahil kailangan ko pa maglinis ng kitchen at magtapon ng basura.

“Ano? 2 bottles muna tayo?” Yakad ni Rico.

Kasalukuyan kaming naglalakad nun papuntang sakayan ng jeep. Ako, si Rico, si Charlotte, si Anton at si Mark. Yung ibang mga kasamahan namin ay may dalang motor kaya di namin kasabay.

“Libre mo?” Tanong ni Anton.

“Kanya-kanya syempre. Ano? Game? Eto si Mark di na kailangan yayain ‘to.”

“Sige. Okay lang sakin.” Sagot ko.

“Tara.” Sagot ni Charlotte.

“Dun tayo sa 7-11 para malapit.” Si Anton ulit.

Di pa si Duterte ang presidente nun kaya di pa bawal mag-inom at manigarilyo sa pampublikong lugar. Bumili lang kami ng tig-iisang Red Horse Stallion at chichirya at naupo sa stairs sa labas ng 7-11.
Habang umiinom ay pinagkwentuhan lang namin yung katatapos na event. Di namin namalayan na nakadalawang bote na pala kami. At dahil bitin ay bumili pa kami ng tig-iisa.

“May asawa ka na ba, Ares?” Tanong ni Rico sabay tungga ng beer.

“Wala pa.” Sagot ko.

“Anak?”

“Wala rin.”

“Gelpren?”

“Wala.”

“Boypren?”

“Wala.”

Tinitigan nya ako at tinanong ulit.

“Di ka naman bakla?”

Bigla naman napabuga ng iniinom na beer si Charlotte.

“Puchang tanong yan.” Sabi nito kay Rico. Mejo may tama na si Charlotte. Mamula-mula na ang pisngi nya at mapungay ang mata. Napaka-sexy nyang tingnan.

“Ano bang masama sa tanong ko?” Pangangatwiran ni Rico.

“Wala naman. Parang ewan lang.” Sagot ni Charlotte.

“Kasi wala daw syang asawa. Walang anak. Walang syota. Kaya tinatanong ko kung bakla ba sya. Para alam natin kung anong gusto nya.” Paliwanag ni Rico.

“Mukha bang bakla yan? Tingnan mo nga.” Itinuro pa ako ni Charlotte.

Natatawa na lang kami dahil mukhang tumitindi na yung tama nya.

“Bakit ka ba nagre-react? Siguro may gusto ka jan noh?” Pambubuska ni Rico.

“Hoooooyyy!” Parang lalong namula si Charlotte dahil sa sinabi ni Rico.

Nagtawanan naman kaming lahat.

“Wala rin naman masama dun. Wala ka rin naman jowa diba?” Saka bagay kayo. Ang sweet nyo nga kanina. Sabay pa kayo kumain.” Patuloy pa nito.

“Hoooooyyyyyy!” Tumayo si Charlotte sa harapan ni Rico at dinuro ito.
“Intrigero ka!” Mas lalo itong namula.

Tawanan ulit lahat. Ako naman ay medyo nahiya sa sinabi ni Rico pero nakangiti pa rin.

“Namumula ka na! Crush mo nga!” Dagdag na pang-aasar ni Rico.

“Di ka talaga titigil?” Pilit inaabot ni Charlotte ang tagiliran ni Rico para kurutin. Di naman magkanda-ugaga si Rico sa kahahawi sa kamay ng dalaga.

“Uy tama na. Biro lang yun! Ayoko na! Masakit ka mangurot!”

Naka-spaghetti blouse lang si Charlotte nun na pinaibabawan ng jacket na hindi naka-zip ang harapan. Kaya habang nakayuko sya at pinipilit kurutin si Rico na…