Habang naglalakad ay nagkamustahan lang kami. Nagpasalamat ulit sya sa paghatid ko sa kanya kagabi at balik na ulit kami sa usapang trabaho.
*
Isa lang ang event namin nung araw na yun. Lunch and merienda na buffet-style for 25 pax kaya medyo petiks lang.
After mailabas ang merienda ay tinuruan ako ni Anton kung paano mag-check ng back-ups namin. Kung kailan kailangan mag-production at kung paano mag-inventory.
Dumaan din ako sa area ni Charlotte pero mukhang di nya naman kailangan ng tulong ko dahil andun yung kasama nya na si Chef Trish.
Natapos yung duty namin na relaxed lang kami. Sakto lang yung flow ng orders at wala namang complaints.
At gaya nung nagdaang gabi ay sabay ulit kami ni Charlotte. Walang masyadong kwentuhan nun. Nauna akong bumaba sa kanya dahil wala naman dahilan para sabayan ko pa sya hanggang sa kanila.
Habang naglalakad ako papunta samin ay tumunog ang phone ko. May text si Charlotte.
–Hey, ingat ka ha.–
Nag-reply agad ako sa kanya.
–Thanks. Ikaw din. Ingat ka.–
–Thanks din. Kita na lang bukas.–
–Yes. Kita kits bukas.-
Pagkatapos nun ay di na sya nag-reply.
Pagdating ko sa bahay ay naligo agad ako. Pagkatapos magbihis ay humiga sa kama at dinampot ang phone ko.
Walang text.
Ilang minuto ko rin tinitigan yung phone ko. Pagkatapos ng isang napakalalim na buntong-hininga ay pinindot ang call button sa number ni Charlotte.
Bahala na!
Isang ring. Dalawang ring. Tatlong ring. Apat. Lima. Anim. Pito. Walong ring. Siyam. Nang biglang..
Beep!
“Hello?” Boses ni Charlotte.
Medyo nataranta pa ako pero nakasagot naman agad.
“Ah. Hello?” Sagot ko.
“Yes, Ares? Bakit napatawag ka?” Tanong nya.
“Ah. Gusto ko lang din malaman kung nakauwi ka na.”
“Yes. Kakadating-dating ko lang.”
“Ah. Buti naman. Akala ko wala ka pa sa inyo kaya antagal mo sumagot.”
“Ay sorry. Naghahanda kasi ako ng pampaligo ko kaya di kita agad nasagot.”
~Wow! Maliligo sya. Ang sarap sigurong sumama sa kanya sa banyo.~ Sa isip-isip ko.
“Ay, ganun ba? Pasensya na. Naabala pala kita.”
“Hindi naman. Okay lang. Bukas na nga pala yung painom mo di ba?”
“Oo nga noh. Sasama ka ba?”
“Yes. Wala naman akong pasok after nun kaya okay lang sakin. Haha!”
“Wow. Andaya. Haha!”
“Haha. Uy, malalakas mag-inom yung mga yun. Lalo na si Chef Joel. Yari ka dun. Hahaha!”
“Ganun ba? Haha. Di ko na lang sila sasabayan. Alalay lang ako.”
“Oo. Ganun nga gawin mo.”
Konting usap pa at nagpaalaman na sya na maliligo na.
Di ko talaga maiwasang isipin yung hubad na katawan nya habang naliligo.
Wala daw syang boyfriend ngayon pero malabo naman siguro na NBSB sya. At kung nagkaroon na nga sya ng boyfriend dati ay malabo din na palampasin yung kagaya nya ng di man lang natitikman.
Napakaswerte naman ng lalakeng yun. At napakabobo dahil pinakawalan pa yung katulad ni Charlotte.
*
Kinabukasan ay mas petiks pa ang trabaho namin dahil wala kaming event.
Puro orders lang ang inasikaso namin. Linis dito, linis doon. Organize ng chillers and freezers, linis ng ovens, stoves at iba pang mga gamit.
Ganun ang buhay sa kusina. Kapag walang orders ay linis ng linis hanggang kumintab yung mga gamit nyo.
Kagaya ng nagdaang gabi ay natapos ulit ang duty namin na di kami halos napagod.
Pagka-out namin ng hotel ay sinabihan kami ni Chef Joel na hintayin sya sa labas. May kotse kasi sya at sa kanila kami pupwesto kaya sumabay na daw kaming mga di naka-motor.
Si Chef Joel sa driver seat, at si Charlotte sa katabi nyang passenger seat. Habang ako, si Mark at si Rico naman sa likod. Si Anton ay umangkas sa motor ng isa naming kasamahan.
Dahil nakasunod lang sa kotse nya yung mga nakamotor ay sabay-sabay lang kaming nakarating sa bahay ni Chef Joel.
Nakabili na rin kami ng inumin bago makarating sa kanila. Akala ko talaga ay sasagutin ko yung inumin namin pero nagulat ako dahil lahat sila ay nag-ambag.
Bungalow-type lang yung apartment nya na may sariling garahe. Di nya na pinasok yung sasakyan nya dahil dun kami pupwesto sa garahe.
Naikwento sakin ni Anton dati na mag-isa lang si Chef Joel na nakatira dun. Hiwalay daw sya sa asawa nya na ngayon ay nasa Canada na kasama ang dalawang anak. May girlfriend sya ngayon na nurse naman sa Saudi.
Bukod sa mga inumin at chichirya ay may inilabas din si Chef Joel mula sa sasakyan nya na isang brown bag na binalot ng cling wrap. Inihagis nya yun kay Mark na agad naman nitong sinalo.
“Alam nyo na gagawin nyo jan. Di nyo na kailangan turuan. Mi casa es su casa.”
“Kami na bahala Chef.” Sagot ni Mark.
“Tara Jo, tulungan mo ‘ko dito.”
“Sige, tara.” Sagot ni Jo.
“Samahan ko kayo.” Si Philip.
“Nagsama-sama nanaman yung tatlong itlog.” Si Anton.
“Chef, kuha na ‘ko ng upuan sa loob.” Si Rico.
“Sige. Yung lamesa, Anton nasa gilid. Pagtulungan nyo na lang dahil medyo mabigat yun. Magbibihis lang ako saglit.” Si Chef Joel.
Pagkatapos namin makapag-set-up ay sinimulan na namin ang inuman.
Red Horse ang inumin namin lahat pati si Charlotte. Nung nasa tindahan kami ay tinanong ko sya kung gusto nya ba ng San Mig Light o kaya ibang light drinks pero kung ano daw yung iinumin namin ay yun din ang sa kanya.
Maya-maya ay lumabas na ang tatlong itlog. May dala silang mga tinidor, platito at dalawang malaking plato na umuusok-usok pa.
“Enjoy! Mainit-init pa!” Sabi ni Mark.
“Ayos yan ah!” Agad dumampot ng tinidor si Anton at tumikim.
“Panalo! Anong tirada nyo dito?” Tanong ni Rico na katatapos lang din tumikim.
“Sizzling salpicao yan.” Sagot ni Philip.
Yun pala yung naipon ni Anton na scrap ng pork at beef. Mga taba na may halong laman na pinagtabasan ng mga karne. Ganun ang diskarte sa kusina tuwing may magbi-birthday o kaya ay mag-iinuman.
Di naman na ginagamit ang mga yun at considered na scrap o basura na kaya pwede namin lutuin at kainin basta sa loob lang ng hotel. Pero bawal na bawal yun ilabas. Pero dahil malakas si Chef Joel at tropa nya lahat ng gwardya dun kaya walang problema sa kanya na magpuslit ng ganun.
Usap ulit ng tungkol sa kung anu-ano habang nag-iinuman.
Tawanan, asaran.
Napaka-cool lang ni Chef Joel. Kahit 43 na ang edad nya ay parang kaedaran lang namin sya dahil napakagaan nyang kausap. Di ka maiilang. Kung di mo kami kilala ay di mo rin iisipin na under nya kaming lahat sa trabaho dahil maski kami ay nagagawa syang biruin at asarin.
Nung kinuwento nya na yung nangyari sa opisina nung pinatawag nya ako ay naghagalpakan lahat ng tawa. Pati si Charlotte ay tawa rin nang tawa. Magkatabi lang kami kaya halos manakit yung balikat ko sa kapapalo nya tuwing humahagalpak sya ng tawa.
“Puta talaga! Kung alam ko lang na magiging ganun yung reaksyon nya nun dapat nag-set ako ng camera. Hahaha! Akala nya tatanggalin na sya! Bwahahaha!” Namumula na rin si Chef Joel habang nagkukwento at tumatawa.
Nakatatlong kahon na kami ng Mucho kaya may mga tama na lahat.
Pagkatapos nun ay nakabili pa kami ng dalawang kahon.
May naiwan pang tatlong bote nang magpasya kaming tumigil na at baka di na kami makapasok bukas. Dahil nag-alalay lang ako sa inom ay hindi ako masyadong nalasing. Ako na ang tumulong kay Chef Joel na magligpit ng mga kalat namin.
Si Jo ay nauna nang umuwi bago pa man maubos yung pangalawang kahon dahil inaaway na daw sya ng asawa nya.
Si Philip at EJ naman ay humiga muna sa sala para magpababa ng tama. Ayaw kasi sila payagan ni Chef Joel na magmotor ng ganung kondisyon.
Si Rico ay nauna na rin mahiga sa sala bago pa man maubos yung pangatlong kahon.
Ang naiwan na lang ay ako, si Chef Joel, si Mark, si Anton at si Charlotte.
Katulad ko ay di rin gaanong sumabay si Charlotte pero nalasing pa rin ito.
Inalok sya ni Chef Joel na matulog na lang sa bakanteng kwarto pero tumanggi ito dahil may naghihintay daw sa kanya at maaga daw syang uuwi sa probinsya nila kinabukasan.
Dahil di naman ako mukhang nalasing ay sa akin na lang sya ibinilin ni Chef Joel na ihatid hanggang sa bahay nila.
Gamit ang kanyang sasakyan ay hinatid nya kaming apat hanggang sa sakayan ng jeep. Di nya na daw kami maihahatid isa-isa dahil lasing na din sya.
Kagaya ng dati ay magkahiwalay ang ruta namin ni Charlotte kina Mark at Anton.
Habang nasa byahe ay di maiwasang makatulog ni Charlotte. Kaya naman ipinatong ko yung ulo nya sa balikat ko para di sya mauntog.
Nang makababa kami ay inalalayan ko sya papunta sa hintayan ng tricycle. Ako na rin ang nagbitbit ng bag nya. Sakto naman na andun yung manong na nasakyan nya nung nakaraan.
“Naku! Mukhang nasobrahan si Madam ah! Lika, sakay na kayo.” Alok ng tricycle driver.
“Salamat po, Kuya!” Sabi ko kay manong. Inalalayan ko si Charlotte na makapasok sa tricycle at sumakay na rin ako.
“Dun po samin Manong.” Si Charlotte na ang nagsabi sa driver.
“Sige Madam.” Sagot ng driver.
Pagkahinto ng tricycle sa tapat ng bahay nila Charlotte ay inabutan ko ng isang daan si manong at inalalayan kong makababa si Charlotte.
“Sayo na sukli Kuya.” Sabi ko.
“Naku, salamat boss. Wala yatang tao jan ngayon. Naisakay ko rin palabas kanina yung kasama nyan sa bahay. Uuwi yata ng probinsya.” Sabi sakin ni manong.
“Ganun po ba?” Si Charlotte.
“Sige, una na ko.” Sabi ni manong.
“Sige po. Salamat po.” Sagot ko.
“Okay ka na ba?” Tanong ko kay Charlotte.
“Pucha naman! Iniwan na pala ako ni Nadine. Ang usapan bukas pa kami aalis.” Inis na sabi nya.
Hinalungkat nya yung bag nya na hawak ko pa rin pagkatapos ay may inabot sakin na susi.
“Ikaw na . Nahihilo pa’ ko.” Sabi nya sakin.
Binuksan ko yung gate nila at nang makapasok na kami sinabihan nya ako na ikandado ulit.
Napansin ko na bukas yung ilaw sa loob ng bahay.
“Walang tao jan. Automatic yang ilaw na yan. Namamatay yan pag umaga na.” Paliwanag nya kahit di ako nagtatanong.
Gamit ang susi ay binuksan ko ang pinto ng bahay nila at pumasok sya. Ako naman ay naiwan lang sa labas.
“Pasok ka na. Tapos i-lock mo yung pinto.” Anyaya nya sakin.
“Mukhang okay ka naman na. Uwi na ‘ko.” Sabi ko sa kanya.
“Gagu. Wag mo ko iwan dito. May nagpaparamdam dito.” Hinawakan nya ko sa kamay at hinila papasok. Tapos ay isinara at ini-lock ang pinto.
…