Baccalaureate Mass, isang araw bago ang graduation day namin. maagang nagsipag handa ang bawat isa para sa nasabing Misa
Maaga rin kaming nakarating sa simbahan kasama ang aking mama, habang nag aantay sa iba pang mga kabatch namin, tahimik kaming nakaupo sa assigned seats namin, habang ang parents naman ay nasa may dulong gawi ng simbahan
Mr. Aurelio: Dear students and Parents, we will start at exactly 6:00 AM
15 minutes bago ang nasabing mass, nagpasya muna akong mag CR para jumingle
Ako: Gelo, paki bantayan mo tong gamit ko, CR lang ako saglit
Gelo: Whatever, pwedeng sumama?
Ako: huh? naiihi kadin?
Gelo: nevermind, sige na babantayan ko
Ako: Thank you
Nagtungo na nga ako sa CR at umihi, sa aking isip, naalala ko ang mga revelations na sinabi samin ni Albert about sa kaibigan naming si Gelo. Hindi ko ito masyadong sineseryoso pero nung nag joke sia na kung pwedeng sumama sa CR ay naisip ko na naman tong muli
Pabalik na sana ako sa loob ng simbahan matapos mag CR ng makasalubong ko si Gerome at Albert
Gerome: Tol! andyan ka pala
Ako: Oh, CR din kayo?
walang naging sagot sakin si Gerome
Ako: Albert: bat kayo magkasama?
Albert: ah eh, nagkasabay lang kami PJ
Ako: sige sige. balik na ako
Gerome: sabay kana
Ako: huh? kakaihi ko lang
Gerome: d naman kami iihi
Ako: huh?
Gerome: lika na
Ako: Albert? anong gagawin nio?
Gerome: wag kana magtanong
Sabay pinakita sakin ni Gerome ang kanyang umbok sa ibaba, napakamot nalang ako ng ulo
Ako: pati ba naman dito?
Gerome: wag kana maingay, saglit lang naman
Ako: hay, bahala ka, kayo nalang. malapit na magsimula ung mass
Gerome: 10 mins pa
At tuluyan na nga akong humiwalay sa dalawa
Commentator: Please all rise
nagsimula na nga ang misa, tinatanaw-tanaw ko kung nakabalik na si Albert. Mula sa Pwesto ko ay isang hanay pa bago ang kailang assigned seat, naka ayos kasi kami in Alphabetical order based sa surname.
at ayun na nga, wala parin si Albert, hindi ko naman din matanaw si Gerome dahil medyo malayo ang assigned seats ng section nila sa section namin
napakamot nalang ulit ako ng ulo
Gelo: What’s the problem? Bakit hindi ka mapakali?
Ako: ah eh, wala wala
Gelo: okay fine, para kang d maihing pusa
Ako: nakasalubong ko kase si Albert at Gerome kanina nung galing akong CR, hanggang ngaun wala pa sila
Gelo: So What? Can you just relax and be attentive sa mass
Ako: okay okay
Naging maayos ang pasimula ng misa, ilang minuto pa ang nakalipas ng makita ko si Albert sa knyang pwesto
Gelo: Andyan na si Albert, what’s with him?
Ako: ah wala naman, hindi sia yung concern ko actually, si Gerome
Gelo: what’s with your bestfriend?
Ako: ah wala wala
Gelo: kayo ha! there is something you guys are not telling me
Ako: alam mo, tumigil ka, nag mimisa tayo oh
Gelo: whatever!
Commentator: Let’s unite with our brothers and sisters and sing our hearts with the prayer that Jesus taught us
naghawak-hawak kami ng kamay para sa Ama Namin
Gelo: ang lambot ng kamay mo
Ako: huh?
Gelo: sarap hawakan
Ako: ….sambahin ang ngalan mo, mapasamin ang kaharian mo…
natapos na ang kanta at ibinaba na namin ang aming mga kamay na magkakahawak, ngunit si Gelo ay nakakapit parin sa aking kamay, ako na ang nagbitaw dito
Gelo: sungit naman!
Ako: alam mo, ang weird mo
Gelo: Whatever!
Ako: talagang ako pa masungit ha
Gelo: Whatever! Whatever!
natawa nalang ako sa kaibigan kong to, para siyang baliw
matapos ang Misa, nagtungo na ako kung nasan ang aking mama, uuwi na sana kami ng biglng nakita ni kami ng Parents ni Diane kasama siempre si Diane
Mama ni Diane: oh Mars! pauwi na ba kayo
Mama ko: Kumusta Mars! oo sana, baka nandun na ung labandera ko eh,
Mama ni Diane: ay ganun ba, magbreakfast muna sana tayo
Mama ko: Ay oh sige Mars! tatawagan ko nalang ung naglalaba samin na mahuhuli kami ng uwi
Mama ni Diane: tara na Mars!
at naglakad na nga kami palabas ng simbahan ng biglang nakita namin si Sila Gerome kasama ang kanyang mama at ang iba pa naming mga kaibigan at ang kani-kanilang mga mama
Mama ni Diane: oh mga Mars! Tara mag breakfast muna!
at nagsamahan na nga ang iba
habang naglakakad,
Diane: Guys, mag stay ba kayo sa school?
Ako: oo naman
Gerome: bakit? lilipat kaba for highschool?
Diane: well, sabi kasi ni Papa, mas maganda daw dun sa school kung saan nagtuturo ung tita ko, tsaka mas malapit samin
Gerome: so lilipat ka?
Ako: nakakalungkot naman
Diane: Well guys, ganun talaga, gusto ko din naman sa school na yun
Gerome: aray ko po, pano na si PJ nyan?
Ako: huy baliw, bakit naman ako?
Gerome: eh diba mag asawa kayo? hahahaha
Mama ko: mga bata pa kayo
Gerome: sorry tita
Gelo: buti nga!
Albert: ako din lilipat eh
Gerome: what? ano ba naman kayo
Gelo: well, ako magstay!
Gerome: buti pa si Gelo
Randall: ako din mag stay
Diane: gusto kong magstay dahil sa inyo, pero kase sa school na lilipatan ko, mas maganda, mas malaki, kaya excited din ako sa new environment
Gerome: iiyak na yan si PJ
Ako: hay baliw ka talaga, we can still see each other naman diba?
Diane: of course!
Habang kumakain ay napag usapan nadin ang pag lipat ni Diane ng school sa pangunguna ng kanyang mama
At ayun na nga ang nakakalungkot na balita sa araw na yun
natapos na ang breakfast naming lahat, magsisiuwian na sana ng biglang,
Mama ni Diane: I know you guys are friends, but please I want you to understand na mas priority dito ang better future niyo, lalo na siempre me as a mom of Diane, mas gusto ko better palagi
Mama ko: oo nga Mars, kung ako lang din masusunod, dun ko din pag aaralin si PJ, kaso nung tinanong ko sia ayaw naman nia
Mama ni Diane: okay lang din naman dito, maayos at maganda naman. kaya la…