La Cama Part 3

La Cama
Part 3
Modelo

Kasalukuyan

Kalalapag lamang sa NAIA Terminal 2 ng eroplano kung saan nakasakay si EJ. Isang buwan din siyang nawala sa bansa dahil inasikaso nito ang expansion ng kanilang negosyo. Dadalawin na rin sana niya si Nick doon subali’t hindi siya nagkaroon ng pagkakataon sa dami ng trabaho. Naninirahan na ang kaibigan sa America at mula noon hanggang ngayo’y hindi pa sila nagkikita. Nabalitaan na lamang n’ya na isa na itong doktor sa California. Kung sabagay, noong huli silang nagkasama ay naghahanda na ito para sa Medical College Admission Test. Alam nilang itinuloy ng binata ang medisina dahil galing siya sa pamilya ng mga doktor.

Halos walong taon na rin silang hindi nagkikita magbabarkada. Ang balita n’ya’y si Eric na ang nagpapatakbo ng construction business ng kanilang pamilya. Si Andrew naman ay isang sikat na pintor. Still life ang forte nito pero mas nabigyan ng pansin sa ibang bansa ang kanyang mga nude paintings. Magkasosyo sa negosyo sina Luis at Bert. Sila ang nagmamay-ari ng ilang kilalang bar sa Makati at BGC. At sa kanya naman pinamahala ng Ama ang lingerie at beauty products na business nito.

Naghiwa-hiwalay silang magkakaibigan mula nung nangyari ang krimen sa ginagawang condominium na pag-aari ng pamilya nina Eric. Hindi mo iisipin na may karumaldumal na panggagahasa at pagpatay roon. Ngayon kasi, ang building na ‘yun ang isa sa pinaka tanyag na condo sa siyudad dahil puro sikat at mayayaman lamang ang mga nakatira.

“Mali ka Lola Ciana. Hindi totoo ang sinasabi mong sumpa. After eight years, we’re still alive and fucking rich. Mabuti na lamang at sinunod ko ang payo ni Andrew na ibenta ang kama. Nakalaya kami pare-pareho sa multong isinaksak mo sa utak ko….”

Habang nagmumuni-muni at hinihintay ni EJ ang kanyang bagahe’y nakita niyang muli ang sikat na International Model na si Rubi Pelaez. Iisa ang sinakyan nilang eroplano. Pareho rin silang nasa business class kung kaya’t nang napadaan siya sa parte nito’y lalo siyang humanga. Kahit walang make-up at nakasuot ng simpleng white shirt at ripped jeans lang ay wala kang maipipintas sa mukha nito. Angat na angat talaga ang ganda. At totoong nakapaglalaway ang hubog ng katawan. Sayang nga lamang dahil tulog ang modelo nung nakita niya.

Sa pagkakaalam ni EJ, nakabase ang dalaga sa America. Fil-Am ito. Amerikano ang Ama at Filipina naman ang Ina. Ampon ang kanyang Ama ng isang American Citizen na Filipina kung kaya’t Filipino ang apelyido nila. Maagang namatay ang Ina ni Rubi at tanging ang Ama na lamang ang nagtaguyod sa kanya.

Sumikat ang babae dahil sa pagkakapanalo noon sa isang contest na “America’s Top Model”. Mula nang makita niya ito sa isang cover ng magazine ay sinubaybayan na ni EJ ang career ng dalaga. Pati ang poster nito na nakasuot ng kakarampot na underwear sa isang kilalang brand ay mayroon s’ya. Tila nag-aanyaya ang poster na ‘yun dahil kita ang pisngi ng dalawang bilugang mga suso. At sa tuwing makikita niya ‘yun ay hindi niya maiwasang tigasan at magsalsal.

Lalapitan na sana niya ang babae upang magpakikila subali’t biglang dumating ang manager nito at security para alalayan sa paglabas ng terminal. Nag-aantay pala ang mga reporters at fans ng modelo malapit sa arrival area ng paliparan.

Biglang naisip ni EJ na tawagan ang kanyang sekretarya.

“Hello, Olga. Kumusta ‘yung ads na ginagawa ng marketing team para sa bago nating produkto? May nakuha na bang modelo?”

[“Yes, Sir. Tomorrow na po ang pirmahan ng kontrata.”]

“Ganun ba? Maari bang malaman kung sino ang kinuha ng team?”

[“Si Miss Rubi Pelaez po, Sir.”]

Nagliwanag ang mukha ni EJ. Kaya s’ya tumawag sa sekretarya ay upang i-suggest sa marketing department na si Rubi Pelaez ang kunin para sa kanilang ads. Mabuti’t hindi n’ya na pala kailangan pang gawin ‘yun.

“Okay. Paki sabi kay Andrea na gusto kong naroon ako sa araw na pipirmahan ang kontrata.”

[“Yes, Sir. S’yanga po pala, Sir, tumawag po si Mr. Luis Villamayor kung tuloy raw po ‘yung pagkikita ninyo mamayang 9 o’clock sa ‘Heaven & Hell Bar’? Nandun din daw po si Mr. Bert Ocampo.”]

“Paki tawagan mo si Mr. Villamayor na hindi ako makakasama. Sabihin mo na lang na bukas pa ang dating ko. I need a rest. May jet lag pa ko. Sa bachelor’s party na lang kamo ako pupunta.”

[“Okay, Sir. Makakarating po. Is there anything else you need, Sir?”]

“That would be all, thanks.”

Agad na pinutol ni EJ ang kanilang usapan. Napangiti ito. Ngayon pa lang ay nasasabik na siyang makaharap ang modelo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi s’ya pupunta sa usapan nila ni Luis. Gusto niyang makapagpahinga ng husto para maayos s’ya sa pagkikita nila ng dalaga bukas. Matagal n’ya nang kursunada si Rubi at ito na ang magandang pagkakataon. Sisiguraduhin niyang mapapasakanya ang modelo.

“You’re mine, Rubi Pelaez. I’ll make sure of that. Only mine.”

***

Dumating na ang sundo ni Rubi. Magalang siyang nagpaalam sa mga reporters at fans na sumalubong sa kanya. Alam niyang malaki ang naitulong ng mga ito sa kanyang pagsikat. Sa katunayan, napakarami niyang offers kasama na roon ang maging artista. Tinanggihan niya lamang ito dahil mas gusto niya ang pagmomodelo. Sa katunayan, hindi naman niya kailangang magtrabaho. May kaya ang kanyang Ama at mas gusto nitong pamahalaan niya ang clothing business nila sa America at China. Humiling lamang siya dito na hayaan muna siyang magsawa sa napiling propesyon. Tutal, malaki rin naman ang kanyang kinikita sa pagmomodelo. Isa ang dalaga sa numero unong endorser ng mga sikat na produkto sa ibang bansa. Maswerte siya’t open-minded ang kanyang Ama kaya hindi s’ya pinagbabawalan sa kanyang mga ginagawa.

“Ate Sarah, nabili na ba ‘yung condo na titirahan ko dito?” Ang tanong ni Rubi. Sampung taon palang siyang hindi umuwi sa Pilipinas kung kaya’t matatas pa rin siyang managalog. Sa katunayan, tagalog ang gamit nilang lenggwahe sa bahay. Isa pa, magmula nang nagtungo ang dalaga sa America, kasa-kasama n’ya na si Sarah. Naging matalik niya itong kaibigan kahit tatlong taon ang tanda nito sa kanya.

“Oo. Sa katunayan ay kumpleto na ang gamit. Kama na lamang ang kulang. Sabi mo kasi’y ikaw ang bibili nun.” Ang sagot ng manager nito. “Isa pa, wala akong makitang papasa sa iyong panlasa. ‘Yung mga pinadala kong pictures sa ‘yo, ayaw mo naman.”

Hindi sumagot ang dalaga. May kinuha lamang itong tarheta sa bag.

“Ate Sarah, maaari ba tayong pumunta rito? Sabi ni Sungit may nakita raw siyang kama na tiyak na magugustuhan ko sa shop na ‘yan.” Inabot ni Rubi sa manager ang tarhetang hawak.

“Lisa’s Antique Shop. Dito? Aba’y puro segunda mano ang binebenta sa shop na ‘to, ah! Sure ka ba na gusto mo d’yan? Marami namang bago tayong mabibili sa mga mall! Sabi ng Lola ko, nakakatakot daw bumili ng mga gamit na pinaglumaan na dahil may mga sikreto raw na nakapaloob doon.”

Natawa si Rubi. “Ano ka ba, Ate Sarah. Naniniwala ka pa ba d’yan? Mas gusto ko lang talaga ng mga antique na gamit. Parang dinadala ka sa nakaraan.”

“Ay, ewan ko sa ‘yo. Sige, dumaan na tayo roon. Para kung sakaling may magustuhan ka’y mabili na natin ngayon. Baka sa sofa ka matulog sa sobrang choosy mo.”

Ngumiti si Rubi at niyakap si Sarah. “You’re the best manager talaga!”

“Asus! Nambola ka na naman!”

Nang dumating sa Antique Shop sina Rubi’y agad na pumasok ito sa loob. Parang isang batang excited na napangakuang bibilhan ng bagong laruan. Sila lamang ang customer ng mga oras na ‘yun. Agad nakita ng dalaga ang kamang sinabi sa kanya. Nilapitan niya ito at hinawakan.

“Miss, maari bang tanungin kung magkano ang kamang ‘yan? Interesado po akong bilhin.”

Natulala ang babaeng pinagtanungan ni Rubi. Nangislap ang mga mata nang makita ang dalaga. Waring ngayon lamang may dumating na artista sa kanilang shop.

“Oh, my gosh! Ikaw ba si Ms. Rubi Pelaez? ‘Yung nanalo sa America’s Top Model? ‘Yung half-Filipina? Waaaaaahhhhhh! Pa-authograph!!! Ang ganda ganda mo!!!! Pa-picture na rin! Ako nga pala si Ella.”

Natawa si Rubi sa resksyon ng dalaga. Kitang kita kasi rito na gustong gusto s’ya.

“Oo naman. Basta ba ibebenta mo sa akin ang kamang ‘yan.”

Napangiwi si Ella. “Ayyy…. Reserved na po ‘yan eh.”

“Ha? Naku, gusto ko pa naman ito.” Ang nanghihinayang na sabi ni Rubi.

“Teka, tatawagin ko ‘yung may-ari ng shop. Nandyan lang s’ya sa opisina. Baka pwedeng mapakiusapan natin.”

Tatakbong tinungo ni Ella ang opisina. Maya maya’y lumabas ang isang magandang babae. Naka ngiti ito kay Rubi.

“Hello, Ms. Pelaez. I’m Lisa. Sabi ni Ella may napili ka raw na bagay dito sa shop namin.”

“Nice to meet you, Miss Lisa. Oo nga e. Pwede ko pa bang bilhin ang kamang ‘yan? Matagal ko nang hinahanap ang disenyong katulad nito. Pero sabi ni Miss Ella, naka-reserved na raw. Baka naman maaaring maikonsidera ninyo na sa akin na lang ibenta? Alam kong makokompromiso ka sa naunang bibili nito, kaya willing po akong kausapin ang taong ‘yun at makiusap.”