“Ipapasyal kita ngayon. Buti na lang at maaga kang nagising. Sigurado ako mapaparami tayo…”
“Ah. May bisita pala na dumating,” saad ko sa sarili at dali-daling naglakad.
Chapter 4
Hinalikan ako ni Jorge sa pisngi pagkakita namin. Namula naman ako sa iniasta nito at nasabik ng araw na ‘yon dahil sa wakas ay makakapagbakasyon din. Iba naman ngayon ang dala nitong sasakyan kaysa noong dati kaming gumala. Malaki ito at may magkarugtong na apat na bilog na tatak at napansin kong may Q7 na nakaukit sa likod ng pinto. Maluwang pala ito sa likod anang sa isip ko pagkalagay ng dala kong bagahe na sinuksok sa ibang bagahe na dala din nito.
Pinagbuksan agad niya ako ng pintuan at sumakay. “Sigurado akong magugustuhan mo doon. Presko ang hangin at malinis ang paligid.” Pagpapaliwanag nito sa lugar na pupuntahan namin.
“Talaga? E, hindi pa kasi ako nakapunta sa ibang lugar ng Pilipinas.” Nakanguso na wika ko. “Alam ko maraming tanawin at pasyalan sa buong bansa kaya isa din sa mga pangarap ko ang makapunta sa iba’t-ibang lugar.”
“Kawawa naman.” Pakikramay nito na nakanguso din. “Kaya nga panahon na para mag-galugad at tuklasin ang ating mundo.” Saad nito na may makahulugan na titig bago ibalik ang tingin nito sa daan.
Mahigit isang oras din ang biyahe namin at habang nasa daan kami puro kung anu-ano ang mga pinag-usapan namin. May mga berdeng biro din si Jorge na sinabayan ko na ikinatuwa naming dalawa. Kalaunan ay napansin kong pamilyar ang binabaybay namin hanggang sa nakarating kami sa pier ng Batangas. Hanggang dito lang ang binanggit kong lugar kay Laila na babakasyunan ko pero ang hindi niya alam ay sumama ako kay Jorge sa bahay-bakasyunan nito.
“Awww… buti ka pa uuwi na.” Inggit na sabi nito habang abala akong nag-impake ng mga gamit. “Ibati mo na lang ako sa mama mo at kapatid mo ha?”
Naipakilala ko na kasi noon pa si Laila sa inay ko at kahit hindi pa man nagkita ng personal ay malapit na rin ito sa isa’t-isa sa telepono.
“Oo naman. Atsaka ilang oras lang naman ang Batangas noh.”
“Sigurado ka bang ayaw mo na magpahatid?”
“Hindi na. Atsaka magta-taxi na lang ako papuntang terminal. Konti lang naman dala ko.” Wika ko.
Nagpaalam na ako at gaya ng dati paglabas ko ng malaking bahay ay naglakad ulit ako ng ilang hakbang at sa may hintayan ng taxi ko hinintay ang sundo ko.
Sa pier kami tumambay matapos makabili ng tiket ng barko. Tatawid pala kami papuntang Mindoro. Dati ko pang naririnig na maganda nga daw doon lalo na ang mga baybayin. May bahay-bakasyunan kasi sila Jorge sa isang isla doon at may taga roon daw na nag-aalaga nito. Naikwento pa nito na may mga engkanto at espiritong namumugad sa bahay na ikinatakot ko.
“Huh!? Bakit naman?” Gulat at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
“Hahaha! Biro lang. Ang cute mo pala kapag natakot!” Tawang malakas nito.
“Ikaw talaga!” Pag-iirap ko. “Matatakutin pa naman ako sa mga ganyan.” Sabay kurot ko sa tagiliran nito.
“Aray! Oo na, pasensya na po!” Sabay agbay sa akin na ikinatuwa ko habang hinihintay namin ang barkong maghahatid sa Puerto Galera.
Para kaming bagong kasal kung titingnan at naghaharutan. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon mayroon kami. Hindi ko naman masabi na kami pero natutuwa ako sa atensyong ibinibigay nito. Nagpaubaya na rin ako sa sitwasyon at hindi ko muna inisip ang mga katanungan sa utak ko. Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ng ibang mga babae sa paligid.
Ilang oras ang nakalipas ay nakatawid na rin kami sa wakas. Buti na lang at maganda ang panahon at hindi masyadong maalon. Pagkalabas ng kotse mula sa barko ay tinahak na namin ang daan papuntang timog ng Mindoro kung saan lima hanggang anim na oras ang layo.
Pagkarating namin sa bayan ng San Jose ay sinalubong kami ng magbabangka dahil sasakay na naman kami patawid sa isa na namang isla. Malaking bangka ito na pwedeng ikarga ang isang sasakyan at ilang pasahero. Buti na lang at mahangin at hindi na masyadong mainit ang araw ng hapong ‘yon.
Bandang alas-nuwebe na ng kami ay nakarating sa bahay-bakasyunan nila sa isla ng Ilin. Naramdaman ko agad ang lamig at simoy ng dagat pagkababa namin. Sinalubong kami agad ng isang medyo may edad na na lalaki na tagapag-alaga ng bahay na iyon at tinulungan kami sa pagkuha at pagpanhik ng mga gamit. Nagtanong pa ito kung naghapunan na ba raw kami na agad namang tinanguan ni Jorge. Saad pa ng matanda na na-imbak na ito ng mga pagkain at gamit sa kusina na itinawag pa ni Jorge noong nakaraang araw.
Medyo luma na nga ang bahay. Hindi man kalakihan pero bongga ang pagkakagawa mula sa kahoy at puno ng niyog. Sa loob nito ay may mga lumang pinta at larawan sa kuwadro na nakasabit sa mga dingding.
“Mga kamag-anak namin sa panig ng mama ko ang iba sa mga riyan.” Sabay abot nito ng kopa na naglalaman ng alak na galing sa ubas. Itinuro pa nito ang iba pang mga larawan bago ang isa pang larawan. “Heto naman mga pinsan ko.”
“Ah. Nasaan na pala sila?”
“Sa ibang bansa na sila nakatira. Sa Amerika na rin nakabase ang mga pinsan ko at ang ibang kamag-anak namin.”
Kinuha nito ang aking kamay at dinala ako sa taas kung saan may terasa. Kahit napapaitan ako sa lasa ay inubos ko na agad ang baso bago kami pumanhik at nilapag sa may lamesita sa gilid. Pagbukas nito ng pinto ay siya namang pagpasok ng malamig na hangin mula sa dalampasigan sa labas.
“Brrr… grabe! Ang lamig!” Sambit ko.
“Maganda ang tanawin mula rito bukas.” Wika nito.
“Mukha nga, kaso madilim na.” Nanginig ako sa lamig. Naramdaman kong niyakap ako nito mula sa likod at saka pinalingon.
“Ano gusto mo na magpahinga?” Tanong nito nang makitang naghikab ako.
“Oo sana. Hindi mo naman sinabi na ganito pala kalayo ang pupuntahan natin.”
Tumawa lang ito, “di’ ba sabi ko sa’yo magro-road trip tayo? Pero nag-enjoy ka naman ba sa biyahe?”
“Oo naman. Sulit nga, e. Hindi pa kasi ako nakagala ng ganitong malalayo. At ang tahimik pala ng lugar dito.”
Pagkasara ng pinto ng terasa ay itinuro pa nito ang mga pasikot-sikot at ang kusina bago kami pumasok sa kwarto. Umupo ako sa malaki at malambot na kama at nahiga. Grabe ang lambot-lambot ng kama at ang sarap humiga. Inunat ko ang mga braso ko saka humikab ulit, marahil epekto din siguro ng ininom ko. Bumangon ako at nagtaka kung saan kaya matutulog si Jorge.
Nang lumabas ito ng banyo ay agad naman akong nag-usisa. “Ang dami namang kwarto dito. Malaki din pala ang loob ng bahay na ‘to. Akala ko maliit lang. Saang kwarto ka ba matutulog?”
Napangiti ito. “Dito. Bakit ayaw mo ba?”
“Ah. Hindi naman. Diyan na lang ako sa sopa matutulog.” Pagtuturo ko ng makita ang upuan.
“Nahihiya ka ba?” Pagtatanong nito.
“Hindi. Ahm. Kuwan.” Hindi ko masabi ang dahilan.
“Sige ka, gusto mo bang may ‘ibang’ tumabi sa’yo mamayang hatinggabi?” Pananakot nito.
“Hah!?” Gulat ko. “‘Wag mo naman akong takutin ng ganyan. Heto nga o kasya tayong dalawa.” Umurong ako para ipakita na puwang pa.
Tumawa ito sabay hubad ng suot nitong damit at tumambad ang mabubuhok na dibdib pababa sa makorteng tiyan nito.
Parang hindi gumana ang aking mga mata ng mga sandaling iyon at nakatutok sa magandang katawan nito at bumalik lamang ang aking ulirat ng parang may umihip sa aking mukha.
Dali-dali akong tumayo at pumasok ng banyo at hindi nagpahalata. Pagkatapos kong magbanlaw at nagpalit ng damit ay sumilip muna ako at lumingon-lingon, pagkalabas ay dumiretso na ako sa higaan. Lumabas pala ng kwarto si Jorge, siguro upang ting’nan at suriin ang paligid. Nakatulog naman agad ako pagkahiga ko.
Malamig at maginaw ang paligid ng gabing iyon at mahimbing ang aking pagkakatulog. Sa aking pagkahiga ay pilit akong sumuksok sa mainit na bahagi ng aking likuran at hindi pa ako nakuntento at bumaling ako paharap. Naramdaman ko na lang na may dumantay sa akin at yumakap.
Sa sobrang higpit ng yakap nito’y mas lalong nagpasarap sa aking pagkakatulog. Ilang saglit lang ay may lumapat na napakainit na labi sa ilong ko pababa sa aking labi. May humahalik sa akin. Tulog ang aking katawan ng mga sandaling iyon ngunit gumigising naman ang aking kaluluwa sa masarap na sensasyon.
Ilang sandali lang ay tinugunan ko ang mainit na halik. Mahinang kagat sa umpisa hanggang sa kinuha na ng isang bibig ang buong dila ko at ito ay sinupsop. Halos hindi ako makahinga at napasinghap. Napaungol naman ako sa sarap at tanda ng pagkagising ng aking diwa. Napapadilat ang aking inaantok na mata at kita ang dilim ng kwarto ngunit ang anino ng mukha ng aking katabi ay aninag ko mula sa ilaw ng buwan.
Muli akong sinibasib ng halik. Ngayon lang ako nakahalik ng ganito katagal, segundo hanggang sa naging hindi mabilang na minuto ang lumipas ngunit parang ayaw naming matapos. Tumihaya ako habang hindi napuputol ang aming halikan at sinabayan din nito ng pagpatong at dagan sa akin.
Napadilat ng bahagya ang aking mga mata at unti-unting rumehistro sa aking diwa ang nangyayari. Si Jorge.
Nagkatitigan kami pagkatapos maghiwalay ng aming mga labi. Kita ko sa kanyang magandang mukha ang mga mapanuring mata na umaakma-akmang hahalik. Banayad na sumubsob naman ito sa aking leeg at dahil sa napukaw ang aking sensasyon ay itinaas ko ang ulo ko upang bigyang daan ito.
Nakakakiliti sa umpisa hanggang sa naka…